Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 182 - Third Rank!

Chapter 182 - Third Rank!

Mapapangasawa?!

.

Muntik nang malaglag si Marvin mula sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ito.

Anong nangyayari?

Kailan pa sia nagkaroon ng mapapangasawa?

"Anna, hindi ba dapat sa mga sitwasyon na ganito… sinasabi mo agad sa akin ang mga ganito?"

May kakaibang naramdaman si Marvin. "Dapat alam mo ang tungkol sa pamilya namin, mula sa lolo, tatay, kay Wayne pati ang sa akin."

"Wala namang pinangalagaang relasyon ang pamilya ko sa ibang noble na pamilya… Paano ako magkakaroon ng mapapangasawa?"

Tumango si Anna. "Tama ho kayo."

"Pero may kakaiba sa babaeng 'to."

"Isa pa, hindi ko siya mapaalis dahil sa mga sinabi niya."

Hindi mapigil sumimangot ni Marvin. "Anong ibig mong sabihin?"

Huminga ng malalim si Anna habang tinitingnan si Marvin, saka sinabing, "Sabi niya hindi raw ang lolo o ang ama niyo ang nag-ayos ng kasal na 'to. Ang ama ng lolo niyo ho ang nag-areglo ng lahat."

"Sinabi niya na ang lolo niyo ang ikalawang anak na lalaki ng Lavis Dukedom ng Duke sa Norte. At noong taon na 'yon ay umalis ang lolo niyo para itatag ang White River Valley sa katimugan."

"Pero naroon pa rin ang pangalan niya sa listahan ng angkan ng Cridland."

"Matagal na raw nila siyang hinahanap, at kalian lang nila nalaman ang tungkol sa White River Valley."

"Kaya naman, ang babaeng dapat mo mapangasawa ay agad na nagpunta sa White River Valley para makilala ka."

Nabigla si Marvin.

Isang malaking balita!

Lolo sa tuhod?

Ang Lavis Dukedom ng Norte?

Cridland clan?

Sandali… Hinimas ni Marvin ang kanyang sintido.

.

"Master Marvin? Ayos ka lang ho ba?" Tanong ni Anna.

Huminga nang malalim si Marvin at sinabing, "Ayos lang ako, nag-iisip lang. Bakit bigla na lang lumitaw ang mga ganitong bagay? Bakit wala man lang balita tungkol dito?"

"Baka dahil 'to sa pinamalas niyong galling sa Battle of the Holy Grail?" seryosong sagot ni Anna.

"Nang marinig ko ang mga sinabi ng dalagang 'yon ay nagulat rin ako. Pero inilarawan niya pa ang itsura ng lolo niyo."

"Ilan lang naman talaga ang may alam ng White River Valley, at malayo rin ito mula sa dukedom sa norte."

"Kaya normal lang siguro na hindi nila mahanap ang lolo mo."

Tumango si Marvin at sinubukang alalahanin ang impormasyon tungkol sa dukedom.

Napakaraming mga siyudad sa Norte. At hindi ito katulad ng katimugan na mayroong malaking Wizard Alliance na nagpapatakbo ng lahat.

.

Madalas maglaban-laban ang mga siyudad sa Norte.

.

May malalaki at malilit na bansang matatagpuan sa malawak na lupain sa dakong norte ng Millenium Mountain Range.

.

Maging ang Lavis Dukedom man o ang Cridland, mayroon nang nabalitaan si Marvin tungkol sa reputasyon ng mga ito.

Isa itong makasaysayang bansa, at kahit na hindi ganoon kalaki ang nasasakupan nito, hindi pa ito napapabagsak. Marahil, dahil maganda ang kinalalagyan nito.

Misteryoso rin ang Cridland clan. Sabi ng mga tao ay isang grupo raw ito ng mga taong may kinalaman sa mga demonyo.

May misteryosong kapangyarihan ang mga ito na hindi magic, pero maraming Wizard ang handing maglingkod para sa kanila.

Sa madaling salita, masasabing ma-imluwensiya ang mga ito sa Norte.

"May dala ring balita ang babaeng 'yon. Sabi niya na gusto ka rin daw makita ng lolo mo kung handa kang sumama pabalik ng Norte, mababawi mo raw ang karapatan mong manahin ang Lavis Dukedom."

"Ayon sa kanya, base sa sitwasyon ngayon, isa ka sa anim na maaaring magmana ng dukedom."

Maingat na sinabi ito ni Anna. Alam niyang parang hindi totoo ang mga sinasabi niya.

Isang tunay na Overlord si Marvin pero kung ikukumpara sa laki ng Lavis Dukedom, masyadong nang probinsya ang isang maliit na lugar na gaya ng White River Valley.

Kahina-hinala ang balitang ito.

Pero ayon sa nalalaman ni Marvin, tunay nga na sa Norte pinanganak ang kanyang lolo.

Sa kasamaang palad, umalis na mula sa kanyang teritoryo ang Shadow Thief na si Owl, kung narito lang siya ay maari niya itong hagilapin para itanong ang tungkol rito.

Wala na ring silbi ang panghuhula, kaya naman kailangan na niyang makilala ang "Mapapangasawa" niyang ito bukas.

"Ano raw palang pangalan niya?" Tanong ni Marvin.

Tumango si Anna, "Sinabi niya lang ang pangalan niya pero hindi kasama ang apilyedo niya."

"Kakaiba ang pangalan niya, sabi niya [Bamboo] raw ang tawag sa kanya."

Bamboo?

Kakaibang pangalan.

"Miss Bamboo, tama?"

Hindi niya alam kung bakit, pero mabilis ang tibok ng puso ni Marvin.

May kutob siya na hindi ganoon kasimple ang lahat.

Sa loob ng isang bahay sa loob ng castle town noong gabing iyon.

"Sobrang hirap naman ng White River Valley."

Isang babaeng nakasuot ng isang azure na damit ang humarap sa salamin at tiningan ang pagalon ng kanyang damit. "Ano kayang magiging reaksyon ni Baron Marvin kapag nakita niya ako bukas?" Biglang sabi nito.

Isang lalaking nakasuot ng itim na damit ang nakaluhod sa kanyang likuran.

"Lady Bamboo, siguradong mabibighani ang probinsyanong 'yon sa inyong ganda," sabi nito.

"Hindi ko lang alam kung bakit gusto niyong gawin ito. Hindi ba mas mabuting patayin na siya agad, ngayong umalis na ang Legend Wizard?"

.

"Tanga!" Galit na sigaw ng babae.

"Sa tingin mob a si Marvin lang ang pakay natin?"

"Bawat isang taong may kinalaman sa pagpatay kay Lord Crimson ay hindi makakaligtas. Madali lang nating mahahanap ang Legend Wizard na si Hathaway sa Three Ring Towers, pero hindi ganoon kadaling hanapin ang iba pa. Sa ngayon, hindi ko alam kung paano nagawa ng isang probinsyano na tumawag ng apat na Legend, kaya kailangan kong mag-imbestiga nang mabuti."

"Lahat ng tumulong para mapatay ang Lord Crimson ay mamamatay."

Bahagyang tumango ang lalaking naka-itim at nagalinlangan bago ito nagtanong, "Pero kahit pa binigyan ka ng Dame Azure ng malaking Divine Power, hindi ka pa rin isang Legend."

Tumawa naman si Bamboo. "Sinong nagsabing kailangan mong maging isang Legend para pumatay ng Legend?"

"Isa pa, ang utos lang ng Dame Azure ay alamin ang kung nasaan ang mga taong ito."

"Bibigyan niya pa ako ng dagdag na kapangyarihan kung kakailanganin. Baka pari ang World Ending Twin-Snakes ay magpadala ng tulong."

"Sa tingin ko ay magiging magandang lugar ang White River Valley…"

Muling tumingin sa salamin ang dalaga, nanlilisik ang mga mata nito. "…para sa isang madugong pag-aalay."

Kinaumagahan, may inaasikasong mga bagay si Marvin sa kanyang aklatan.

Mas maagang nagising sa kanya si Wayne, isang bagay na kakaiba. Magmula noong maging Proxy Overlord ito, mas maaasahan na ang batang ito.

Matapos ang maikling pag-uusap ng dalawa tungkol sa kanilang teritoryo, dumating si Anna.

"Lord, humiling ang babaeng 'yon na Makita kayo." Sabi ni Anna.

Tumango si Marvin.

Bigla niyang sinabi, "Ay, nakalimutan ko pa lang itanong sayo kahapon. Itong "mapapangasawa" kong 'to, kalian siya dumating ng White River Valley?"

Nag-isip si Anna, saka sumagot, "Pag-alis ho ni Hathaway."

'

'Ganoon pala?'

Pumasok ang iba't ibang mga ideya sa isipan ni Marvin.

Biglang lumitaw ang babaeng ito matapos lumisan ng Legend Wizard, nagkataon lang ba ito?

Tanga ba ang tingin nito sa mga taong nakatira dito?

Hinila ni Wayne ang mangas ni Marvin at mahinahong sinabi nito, "Kuya, hindi ko gusto ang babaeng 'yon."

"Nakausap ko na siya. Kahit na parang ang bait-bait niya at maganda ang ngiti niya, masama pa rin ang kutob ko sa kanya."

Lalong nagging alisto si Marvin.

Sa ngayon, ang alam niya lang ay isang Seer si Wayne. Bukod sa kayang Makita ng mga ito ang hinaharap, may iba pang kakayahan ang mga ito. Kadalasan ay tama ang kanilang mga kutob sa mga tao.

Mukhang may masamang binabalak ang kanyang mapapangasawa.

"Paghintayin mo siya sa kabilang kwarto ng kinse minutos."

"Kikitain ko siya," sabi ni Marvin.

Sapat na ang kinse minutos para makapaghanda si Marvin.

Pagkatapos umalis ni Hathaway, wala nang malakas na naiwan sa kanyang teritoryo, kaya kung isa talaga itong mabagsik na kalaban, baka hindi nila ito kayanin.

Una niyang pinuntahan ang matandang blacksmith na si Sean.

Nakita niyang lasing na lasing ito.

Nagawa niyang gisingin ito, saka nito pinaliwanag ang kanyang plano pero minura lang siya nito.

"Sa tingin mob a tauhan moa ng Demon Hunter, at basta-basta na lang siyang pupunta dahil sinabi mo?"

"Isa siyang Legend. Pagpapakita na ng respeto sayo ang pagtulong niya sayong patayin ang Crimson Patriarch."

"Gusto ko lang naman na subukan mo siyang tawagan. Parang hindi na ligtas ang White River Valley dahil sa pag-alis ni Hathaway." Mahinahong sabi ni Marvin.

"Kung wala siyang ginagawa, pwede siyang manatili rito. Maganda na rin kung isasama niya si Endless Ocean. Maganda para sa isang honeymoon ang magandang tanawin ng White River Valley…"

Walang nasabi si Sean, mas naunawanan na niya ngayon na walang kahihiyan si Marvin.

"Susubukan ko. Pero wag kang masyadong umasa."

Tumango si Marvin.

Ang susunod na kailangan niyang gawin ay magpalakas.

Sa laban niya sa Scarlet Monastery, nakakuha ng malaking halaga ng experience si Marvin. Noong una, bumagal na ang kanyang bilis sa pagpapataas ng level dahil sa sunod-sunod niyang paggawa nito.

Pero dahil sa paggamit niya sa Two-Headed Basilisk Shapeshift laban sa Demon God Enforcer, nakakuha pa siya ng dobleng experience. Kaya naman walang habas na nag-farm si Marvin sa mga ito.

Binuksan niya ang kanyang log at nalamang umabot na sa 55755 ang kanyang battle exp!

Siguradong sapat na ito para makapag-advance siya sa 3rd rank!

Saglit siyang nag-isip bago nagsimulang hatiin ang kanyang experience.

Mahihirapan siyang maka-abot sa 3rd rank class bago siya mag-advance sa Legend Class na Ruler of the Night. Kaya naman ang Night Walker at Ranger ang kanyang magiging main class bago maglevel 20

Una, kailangan niyang maglevel up sa kanyang Night Walker na class.

Pagkatapos niyang gumamit ng 25000 exp, umabot na sa level 4 ang Night Walker class ni Marvin. Nakakuha siya ng 36 skill point at dagdag na 80 HP.

Pagkatapos nito ay ginamit naman niya ang 8000 exp para maging level 7 ang kanyang Ranger. Nakakuha siya rito ng 24 SP, 48 HP,at +1 na attribute point.

Tapos, ginamit niya ang 20000 exp para pataasin ng dalawang ulit ang level ng kanyang Shapeshift Sorcerer na subclass para umabot ito ng level 4.

Nakakuha siya ng kabuoang 72 HP kasama ang isang bagong spell na [Disguise] dahil sa level up ng Shapeshift Sorcerer.

[Disguise]: Isang beses sa isang araw lang maaaring gamitin. Sa loob ng 20 minuto, maaari kang maging isang kahit anong humanoid. (Kasama na dito ang Goblin, Dwarf, at iba pang maliliit na humanoid.)

Higit pa sa 100 ang prayoridad ng specific effect ng Disguise. Isa itong malakas na Disguise Effect. Habang ang Mask of the Deciever ay mayroon lang prayoridad na 150. Isa pa, maaaring magamit niya pa ito ng mas matagal kapag lalo pa syang lumakas, maaari ring madagdagan ang paggamit niya nito sa isang araw.

At umabot na nga si Marvin sa 3rd rank!

Umabot na ang kanyang kabuoang level sa level 13! (Level 7 Ranger – Level 4 Night Walker – Level 4 Shapeshift Sorcerer/2 = 13)

Nagdesisyon siyang wag munang gamitin ang kanyang mga skill point at attribute point para magkaroon pa siya ng mas mahabang oras na pag-isipan ito.

Inayos na ni Marvin ang kanyang mga gamit at mabilis na nagtungo sa kabilang kwarto.

Oras na para makilala ang kanyang mapapangasawa.