Nagulat ang lahat.
Walang nakakaintidi sa mga sinasabi ni Marvin. Lalo pa at kakaunti lang ang nakaka-alam tungkol sa pag-angat ng Lich sa godhood.
Pero malinaw na agresibo at may pagdudududa ang pangungusap na ito.
Hindi ba magwawala ang makapangyarihang lalaking ito dahil sa sinabi ni Marvin?
Mahigpit na hinawakan ng lahat ang kanilang mga sandata. Hindi nila masisisi si Marvin dahil una pa lang, makipaglaban na ang pakay nila.
…
Nanatiling mahinahon ang mukha ng lalaki.
Saglit itong natahimik at tiningnan si Marvin. "Mukhang narinig kang mga kwento."
"Pero kahit ano pang sabihin nila, sa tingin ko ay hindi ako nagkamali."
"Hindi naman pwedeng panuorin ko na lang siyang maging subordinate god ng Slaughter God. Lalo lang magiging magulo ang mundo."
"Kaya naman pinigilan ko siya."
"Pero siya ang pinakamamahal kong kapatid."
"Kaya naman, poprotektahan ko siya."
"Naiintindihan mo ba?"
Mahinahon niyang tinanong si Marvin, "Mayroon ka bang nakababatang kapatid?"
Nagulat ito nang tumango si Marvin. "Mayroon. 9 na taong gulang na siyang ngayong taon."
Tumango naman pabalik ang lalaki. "Kaya naiintindihan mo naman siguro ang ginawa ko."
"Hindi ko alam kung ano ang pinunta niyo rito. Siguro para dispatyahin ang mga masasamang nilalang na 'yon? Kung ganoon, nagawa niyo na ang layunin niyo. Maaari na kayong umalis."
"Wag niyo nang balakin na ituloy, dahil hindi maganda ang kalalabasan nito."
"Binigo ko na siya, kaya habang buhay na akong babawi sa kanya."
Natahimik ang lahat.
Ang lalaki sa kanilang harap, kahit na mahinahon tingnan at ang pananalita nito, mabigat ang mga sinasabi nito.
Isa itong tunay na baliw!
"Kapatid ng Lich ang pumigil sa kanya sa pag-angat?"
"Magkapatid pala ang Heveanly Sword Saint at ang Half God Lich?"
Makikita ang gulat sa mukha ng mga knght habang pinag-uusapan ito.
Kahit sina Madeline at Collins ay gulat na gulat sa narinig.
Malinaw na sa laha ng narito, si Marvin lang ang nakaka-alam ng tungkol dito.
…
Ito ang kwento ng dalawang magkapatid na naging magka-away.
Masasabing kilala ang Heavenly Sword Saint sa ikatlong Era, at ang kanyang kapatid ay isang Wizard na kilala lang ng lahat dahil sa kanyang kapatid.
Kalaunan, dahil sa isang di malaman na sigalot, nagkaroon ng matinding pag-aaway ang dalawa kaya naman nagtungo pa-timog ang mas nakakabata sa dalawa, at umalis sa hilaga kung saan sila nanirahan buong buhay nila.
Naging masama ito dahil sa impluwensya ng isang makapangyarihang nilalang, naging Lich ito at bumuo ng malaking pwersa sa dakong hilaga ng River Shore City.
At syempre, hindi pa ganoon kabuo ang River Shore City noong mga panahong iyon.
Ang Scarlet Monastery ang naging sentro ng pwersang ito, isa itong monasteryong binago ng Lich para sa kanyang sarili.
Noong mga panahon ring iyon hindi pa nabubuo ang Universe Magic Pool, at ang 2nd Fate Tablet ay napira-piraso na ng mga tao at nakuha na ito ng iba't ibang tao. MAraming Legend noong mga panahon na iyon nag piniling maging god.
Nagkataon naman na nakauha rin ng maliit na piraso ng Date Tablet ang Lich, pero ang god status sa pirasong ng Fate Tablet na 'yon ay isa lang Subordinate God sa Slaughter God. Kung aangat siya, makukuha niya ang blessing ng Slaughter God at magiging isang mahinang god.
Noong mga panahong iyon, maaari pa ring tumawid ng langit at lupa ang mga weak god. Kaya namang maramng god na mayroong malakas na divine power ang pinapalawak ang grupo ng kanilang mga subordinate god.
Sa ganitong paraan, mas madaling ikalat ang impluwensya nila sa buong Feinan.
Kaya naman, ang Lich at ang iba pang tao ay tinahak na ang landas ng godhood. Naghanda itong mabuti at nag-ipon ng divinity sa tulong ng piraso ng Fate Tablet.
Ang tanging kailangan na lang niya ay ang matanggap siya sa grupo ng mga god para maging opisyal ang kanyang status.
Binigyan siya ng pagsubok ng Slaughter God. Kapag nagawa niya ito at napatunayan ang kanyang sarili, magiging isa na siya sa mga representante nito sa Feinan.
Ang misyon ay ang patayin ang isang buong siyudad. Noong mga panahong 'iyon, lahat ng malalakas na siyudad ay mayroong isang makapangyarihang Legend, o isang taong malapit nang maging god na pumuprotekta rito, kaya naman hindi madaling gawin ang pinapagawa ng Slaughter God.
Gustong-gusto ng Lich na patunayan ang kanyang sarili kaya namang inihanda niya ang sarili.
Pero habang naghahanda, nabalitaan na ng Heavenly Sword Saint ang balita at agad na pumunta.
Malinaw sa kanya kung ano ang nararamdaman ng kanyang kapatid. Gusto niya lang patunayan na mas malakas pa rin siya dito.
Gusto niyang patunayan ito sa pamamagitan ng pagiging isang god.
Pero hindi natuwa ang Heavenly Sword Saint sa pamamaraan nito ng pagawa ng mga bagay-bagay. Mahal niya ang mga tao at ang pamumuhay nang payapa. Ang pagpatay ang pinaka-ayaw nito sa lahat.
Kaya naman binigay nito ang dalawang piraso ng Fate Tablet na natagpuan niya sa kanyang kapatid.
"Gusto mong maging god? Walang problema."
"Basta ibahin mo ang domain mo," pakiusap nito.
Sa kasamaang palad, hindi tinanggap ng kanyang kapatid ang kanyang binibigay at itinapon ang mga pirason ng Fate Tablet sa mga bituin.
Kung hindi nagkakamali si Marvin, ang domain ng isa sa mga pirasong iyon ay [Luck]!
Kaya naman naalala niya rin niya noong nakilala niya si Ding, ang Fortune Fairy ni Kate.
Kung hindi lang tinapon ng Lich ang pirasong iyon noon, hindi maipapanganak ang Fortune Fairy na si Ding.
Sadyang kakaiba ang sitwasyon na ito.
Sa huli, naglaban ang dalawa.
Hindi kinayang tapatan ng nakababatang Half-God ang kanyang sikat na kapatid.
Sa Feinan, tila isang uri lang ng nilalang ang mga god. Maaaring mas malalakas ang mga ito, pero ang mga race ng mga human ang may pinakamalaking potensyal!
Walang hangganan ang lakas ng mga human. Hindi pa natatapos ang paglakas ng mga ito sa pagiging isang Legend.
Ayon sa mga balita, marami Legend mula sa ikatlong era ang piniling hinid maging god, sa halip, ipinagpatuloy lang ang kanilang pagsasanay upang palakasin pa ang kanilang mga sarili. Hindi man aktibo ang mga ito sa Feinan, pero naroon pa rin sila. Mas malakas pa rin ang mga ito kumpara sa mga mahihinang god!
Hindi maikukumpara sa mga ito ang tulad ni Inheim. Ang natatanging Legend na kabilang sa kanyang tinutukoy nito na nakilala ni Marvin ay ang Great Elven King na si Nicholas.
Isa siya sa iilang nilalang na kayang humarpa sa isang god na mayroong makapangyarihang divine power.
Kaya naman, hindi na nakakagulat na natalo ng Heavenly Sword Saint ang kanyang nakababatang kapatid.
Sa huli, ibinaon nito ang kanyang Legendary Sword na [Starry Sky] sa dibdib ng kanyang sariling kapatid.
Hindi man ito namatay dahil rito, pero nahulog ito sa malalim na pagkakatulog.
Bago ito pumikit, nakita ng Lich ang hinaharap at sinabing, "Hindi mo pa rin ako mapapatay, kuya."
"Kapag dumating ang calamity, maghaharap tayo muli."
At tumango lang ito at sinabing, "Sige, hihintayin kita."
Kaya naman nanatili ito sa napakalamig na hall na ito at naghintay sa loob ng libong taon.
Sa loob ng ilang libong taon na ito, mas naging maayos ang Feinan dahil sa pagkakabuo ng Universe Magic Pool.
Wala nang may pakielam kung ang isang taong kayang pumatay ng isang god ay nakaupo lang sa loob ng isang monasteryo.
Tanging ang mga pagala-galang mga bard ang umaawit tungkol sa kagitingan ng ikatlong era sa mga tavern sa mga sulok-sulok ng Feinan. Paminsan-minsan ay nababanggit ng mga ito ang taong nahati ang kalangitan sa dalawa.
At hindi naman naniwala ang karamihan ng mga tao dito.
Akala nila ay isa lang itong kwentong barbero. Paano nga naman mahahati ng isang tao ang kalangitan?
…
"Kahit ano pang sabihin mo, dahil umabot na kami rito, kailangan pa rin naming subukan."
Nanindigan si Madeline.
Tumango ang Heavenly Sword Saint. Sa sumunod na iglap, may mga kulay asul na liwanag na lumitaw sa kanyang katawan.
Di nagtagal nabuo ang isang maliwanag na mga espada mula sa mga sinag ng liwanag na nagsama-sama.
Sa kabuoan ay mayroong labing-dalawang espada na lumutang-lutang sa paligid nito at dahan-dahang umiikot sa kanyang katawan.
Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
Kahit na hindi ito ang unang beses na nakita ni Marvin ang skill ng Heavenly Sword Saint, namangha pa rin siya nang makita ang labing-dalawang espada sa harap niya.
Ibang-iba nga talaga ang laro sa realidad!
Nasa rurok na ng swordsmanship ang taong ito. Ang mga tuldok ng liwanag na ito ay bahagi ng mga bituing nakolekta niya at matagumpay na ginawang Legendary weapon.
Sa madaling salita, bawat esapda ay isang Legendary Weapon!
Sa laro, isiusumpa ng maraming manlalao ang skill na ito ng Heavenly Sword Saint….
"Paanong nangyaring nakakagamit siya ng mga lumilipad na espada…"
…
"Tatlong pagkakataon," sabi nito.
"Mauupo lang ako rito. Kung sa tingin niyo ay kaya niyong lagpasan ang depensa ko, hahayaan ko kayong pumunta sa underground floor para pumili ng isang item."
Hindi niya ginagamit ang kanyang espada para pumatay, sa halip ay para sa kanyang proteksyon.
Napailing si Marvin.
Imposible itong malampasan.
Hindi naniwala si Madeline. Di nagtagal, nagtulungan si la ni Collins at isang malaking pwersa ng Arcane Power at Divine Power ang lumabas sa Fourth Hall.
…
Simula pa lang ay wala nang pag-asang manalo ang dalawang Half-Legend laban sa isang makapangyarihang Legend.
Paglipas ng dalawampung minute, namutla ang mukha n Madeline. Halos maubos na ang kanyang mga spell, at hindi man lang niya naputulan ito kahit isang hibla ng buhok!
Pilit ring nugmiti si White Gown Collins.
Kung hindi siya gagamit ng God Descent Divine Spell, alam niyang wala siyang pag-asang matapatan ang lalaking ito.
Wala na ring masabi ang mga knight ng River Shore City.
Ganoon din ang mga Vampire at ang iba pa.
Malakas ba talaga si Madeline?
Malakas ba talaga si Collins?
Malalakas ang mga ito!
Halos maabot na ng dalawang iyon ang Legend rank.
Pero nakaupo lang ang lalaking nasa harap nila. Hinahayaan lang nitong gamitan siya ng mga spell at Divine Spell na tanging mga espada lang ang pumoprotekta sa kanya!
"Sandali." Mahinahon pa rin ang itsura nito.
"Walang may kaya sa inyo na harapin ako." Mahinahon rin ang kanyang tono, pero arogante ang kanyang mga sinasabi."
Walang sino man ang nangahas na sumagot sa kanya!
Dahil iyon ang totoo.
Napakagat si Madeline sa kanyang labi.
Alam naman niya na mayroong napakalakas na nilalang na nagbabantay sa Fourth Hall.
Pero ayaw niya itong paniwalaan hanggang sa siya mismo ang makakita nito.
Sa huli, isa pa rin itong Legend… Halos maabot na niya ang Book of Nalu.
Basta malampasan niya ito, maaari na siyang magkaroon ng buhay na walang hanggan!
Hindi bababa sa isang libong taon ang buhay ng mga Legend. Bibihirang makarinig ang mga tao ng balita na namatay ang isang Legend dahil sa katandaan.
Ito ang gantimpala sa kanila ng mundong ito sa mga taong patuloy na nagsasanay para palakasin ang kanilang mga sarili.
…
Hindi nga ba talaga nila malalampasan ang pagsubok na ito?
Nawawalan na ng pag-asa ang grupo ng River Shore City.
Napabuntong hinigna si Madeline at tumalikod.
Iuutos na sana niya na umatras na ang lahat.
Nang biglang may payat na taong nilampasan siya.
"Susuko ka na agad?" Tanong ng lalaki.
"Ako naman."
Gulat na tiningnan ni Madeline si Marvin.
Agad na lumapit si Marvin sa harap ng Heavenly Sword Saint at seryosong tiningnan ito. "Great Sword Saint, Alam kong isa kang Legend. May mga nabalitaan rin ako tungkol sayo."
"Karamihan sa mga ito ay tungkol sa swordsmanship mo."
Ngumiti ang Heavenly Sword Saint. "Anong gusto mong sabihin, bata?"
Binunot ni Marvin ang dalawang dagger at pina-ikot ito.
"Wala naman."
"Gusto ko lang sanang labanan ka ng mano-mano."
"Tatanggapin mo ba ang hamon ko?"
_________
T/Paalala: Ang unang tatlong Fate Tablet ay sabay-sabay na lumitaw noong Ikatlong Era.