'Hindi tinatablan ng mga spells at pisikal na atake ang mga Gargoyle, pero…'
'Dobleng pinsala ang ginagawa ng mga mapupurol na sandata!'
Bigla na lang naalala ni Marvin ang impormasyong ito.
Ito lang tanging paraan para kalabanin ang mga ordinaryong Gargoyle. Sa hukbo, tanging ang mga knight ng Silver Church lang tulad ng Gordian ang mayroong holy hammer bilang sandata.
Tanging mga sibat habang sakay ng kabayo ang dala ng ibang knights, two handed greatswords naman kapag nasa lupa sila.
Tanging ang Silver Church's Paladins lang ang may armas na holy hammer bukod sakanilang greatsword.
Ang holy hammer ay isang mapurol na sandata na nakakapagdulot ng malaking pinsala sa mga Gargoyle. At ang mga suntok ng mga Paladin ay siguradong malakas. Sa pakikipagtulungan nila, naubos ng tuluyan ng first wave ng mga Gargoyle.
Nangatal lahat ng mga Gargoyle mula sa mga palo ng hammer bago sila sumadsad sa lupa.
Kapag nadurog na ang kanilang stone wings, hindi na makakapinsala ang mga halimaw na ito.
Nagkalat agad sa paligid ang mga gwardya ng River Shore City, walang habas silang nakipaglaban gamit ang kanilang espada.
Meron namang malalapit na Wizards na tumutulong gamit ang mga simpleng restricting spells sa ibang mga Guardians na nagkakamali.
Kayang gumamit ng ilang mga Force spells ng mga Wizard at ibahin ang daan ng lipad ng mga Gargoyle, ito'y makakatulong ng malaki sa mga knights
Mapupurol na mga sandata ang dala ng mga Wizard, Guardian, at Paladin. Ang ganitong sitwasyon ang kahinaan ng mga Gargoyle.
Alam ni Marvin na hindi kaya ng mga Gargoyle na umabante lahat sa isang iglap, dahil mawawalan ng espasyo ang mga ito para makalipad ng mabilis.
Para magkaroon ng koordinasyon sa isa't isa, pinapanatili ng mga ito ang distansya sa isa't isa upang makabuo ng sunod sunod na pag atake.
Ito ang kanilang likas na ugali.
Kung sinunod nila ang plano ni Madeline, mabilis siguro ang pagdami ng mga sugatan.
Pero sa utos ni Marvin, ibang resulta ang nakita.
Pagkatapos ng unang sunod sunod na atake, maliban sa ilang hindi maswerteng nasugatan, karamihan ay hindi nasaktan.
At karamihan ng mga Gargoyles ay nadurog sa lupa, nagkapira-piraso at naging abo.
Masasabing napakahusay ng naging katapusan ng sitwasyon.
At kapansin pansin na hindi masyadong gagamit ng mga spell sa plano ni Marvin!
Limitado lang ang mga spell ng Wizards! Hindi lang mga Gargoyle ang mga halimaw sa kailaliman ng Monastery.
'Ang mga Silver Church's holy hammer ay mabisa laban sa mga Gargoyle?'
Ang akala ng lahat ay epekto ito ng Divine Power na naka-enchant sa mga hammer. Ilang mga tao lang ang nagtataka kung bakit sinabi ni Marvin na gamitin ang mga hammer at wag ang mga two handed greatsword.
...
"Maghanda! Parating na ang ikalawang bugso ng mga atake!" malakas na sigaw ni Marvin.
Ngayon na pinahintulutan siyang mamuno ni Madeline, siya na ang bahala sa lahat.
Hindi nila pwedeng isipin na madali na lang ang pangalawang labanan dahil sa nanalo sila sa una.
Ang bawat detalye ang magsasabi kung mananalo o matatalo sila.
Nakatuon ang atensyon ng lahat ng mga knight sa labanan. Mahigpit nilang hawak ang kanilang mga hammer.
Walang ingat ang pag atake ng mga Gargoyle na tila ba hindi nila napansin ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanilang mga kasamahan.
Mas madami ang mga Gargoyle ngayon kesa sa naunang bugso ng mga halimaw!"
Ginawa na ng mga knight ng Silver Church ang kanilang atake, hinahampas nila sa bawat Gargoyle ang kanilang holy hammer.
At ang mga Vampires na naghihintay sa gilid ay nagsimula na rin umatake sa utos ni Marvin.
Ang kailangan nilang gawin ay sumoporta at controlin ang mga ito.
Dahil umaasa sila sa kanilang bilis at Low Flight, kaya nilang kalabanin ang ilan sa mga Gargoyle.
Napakadali lang nito para sa mga tao ng Blood Race. Pumirma sila ng kasunduan kasama si Madeline, at ngayong si Marvin na ang komandante, hindi niya palalagpasin ang tulong ng mga ito.
Patuloy na gumagamit ng Low Flight ang mga Vampire.
Ang lalaking nakabalabal na si Gwyn at lumpiad sa ulonan ng isang Gargoyle at hinatak ang pakpak niti bago gumawa ng nakamamanghang atake sa ere.
Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para ihagis ang Gargoyle na nagsanihi ng pagkamatay nito.
"Boogsh!"
May isa na namang nagkapira-piraso sa lupa.
Madaling mabasag ang mga Gargoyle, at ito ang kanilang kahinahaan. Pinatunayan ni Gwyn na isa siyang magaling na myembro ng Blood Race sa pagpatay niya sa Gargoyle.
…
"Makapangyariham!"
Habang inuutusan niya ang lahat ng bawat hakbang ay napansin niya ang ginawa ni Gwyn.
Hindi kapansin-pansin dati ang kapangyarihan ng lalaking ito, pero unti-unti na itong nagpapakita ng lakas ngayon.
Bilang isang 3rd rank Vampire Count, mukhang kapareho niya si Kamoth, pero di hamak na mas malakas siya rito.
Naisip ni Marvin na kung wala sakanya ang kanyang subclass na Shapeshift Sorcerer, at nakadepende lang siya sa Night Walker and Ranger, hindi niya pwedeng maging kalaban si Gwyn!
Mas mabilis at malakas si Gwyn, katulad ng unang beses na makita ni Marvin ang Dark Murderer Black Jack.
Pero sa kanyang tantiya ay di naman iyon sagabal.
Magiging iba ang sitwasyon kung mag-Shapeshift siya sa Shadow-shape o Beast-shape.
Nang maging Shapeshift Sorcerer class si Marvin, malaki ang naidagdag nito sa kanyang lakas. Hindi pa rin magamit ang Beast-shape dahil sa nangyari noon sa Crimson Patriarch, hindi alam ni Marvin kung kelan niya magagamit ulit ito.
...
Ang sumunod na nangyari ay umayon sa inaasahan ni Marvin. Dahil kalaban na ng ilang mga Gargoyle ang mga Vampire, mas naging kampante ang mga Paladin.
Hinahampas lang nila ang kanilang mga hammer sa mga Gargoyle na dumadamba na tila ba ayaw nang mabuhay.
Bawat isang palo, isang Gargoyle ang namamatay.
Ang mga holy knight ng Silver Church ay parang mga stone craftsmen, "Clang!""Clang!" At babalik sa pagiging bato ang mga masasamang Gargoyle.
Pagkatapos ng labin-limang minuto.
Lahat ay umuubo dahil sa nakakalat na mga abo sa paligid ng First Hall
Ngunit masaya silang lahat.
"Ganoon lang pala ka-simple iyon?"
"Tanga ba ang mga Gargoyles na ito? Pumupunta sa ating bitag nang sila lang?"
"Apat ang napatay ko." may pagka-gulat na sabi ng isang Paladin habang hinihimas ang kanyang namamagang balikat.
"Lima naman ang napatay ko." pagmamayabang ng kanyang kasamahan sa kanyang gilid, "Natalo ka nanaman sa akin."
Ngunit gayunpaman, lahat sila ay nag-iba ang tingin kay Marvin.
Sa maikling panahon, mula sa pagkakaipit sa sorpresang pag-atake ng mga Gargoyle, sa huli…
Natalo nila ang hukbo ng mga Gargoyle!
Ito ay dahil sa nakakamanghang taktika ni Marvin.
Kahit ang mga matatalinong mga Wizard ay di pa natuklasan ang kahinaan ng mga Gargoyle. Ang mga tuso ay gagamit ng makapangyarihang spell para gapusin ito at hahayaan patayin ito ng kanyang mga taga-sunod.
Walang nakakaalam na mapupurol na sandata ang kahinaan ng mga Gargoyle. Dahil sa Feinan, matatalas na mga armas ang karaniwan. Ito ay isang pambihirang impormasyon na hindi alam ng karamihan, ngunit alam ni Marvin.
Ito ang pinakamalaki niyang kalamangan.
…
"Isang makabagong taktika." seryosong sambit ni Madeline kay Marvin habang pinagmamasdan siya. "Galing ba sa lolo mo ang ideyang yan?"
"Isa ka ngang tunay na City Lord, sasabihin ko pa lang pero nalaman mo na agad." may ngiting sabi ni Marvin.
"Hmph! Misteryosong lalaki. Tara na!" utos ni Madeline.
Hindi naman niya inaasahang biglang sasabihin ni Marvin na, "Tigil!"
Sumimangot si Madeline. "Anong kailangan mo?"
Umubo si Marvin. "Patawad, Madam City Lord."
"Pero pwede bang tumabi ka muna? Hindi lang ang mga Gargoyle ang halimaw sa Second hall, hindi pa tapos ang laban."
"Ako ang kasalukuyang supreme commander, pakiusap tumabi ka. Salamat saiyong kooperasyon."
…
Habang namumutla si Madeline, sinimulan muli ni Marvin ang pag-ayos at pag-grupo sa lahat.
Pagkatapos ng pakikipaglaban nila sa daan-daang Gargoyles, onting tao lang ang nagkasugat. Isang himala na itong matuturing.
Mataas na ang moral ng kanilang hukbo.
At makikita ang pagkamangha sa kanilang mga mata habang nakatingin kay Marvin.
Ito ang mundo kung saan nirerespeto ang mga malalakas at maalam. Simple lang ang nauna, bilang kamao ang nagpapasya sa lahat, ngunit mas simple ang pangalwa. Minsan mas nagagamit ang karunungan kaysa kamao
Ang pagpatay ni Marvin sa Corpse King ang nagpatunay ng kanyang lakas. Ang kanyang battle plan naman ang nagpakita ng kanyang kaalaman.
Pagkatapos niyang ipakita ito pareho, kaunti na lang ang hindi kuntento sa pagiging temporary commander ni Marvin.
Kahit na hindi sila kuntento, hindi sila tanga para ipakita ito. Lahat sila at matatalinong tao.
Sino ang hindi makakakita na para bang na-aping asawa si Madeline sa likod ni Marvin pagkatapos niyang kunin ang kapangyarihan ni Madeline.
Walang sinabi na kahit ano ang Lady City Lord, kung kaya't hindi tanga ang mga taong ito para magsalita laban sakanya at bigyan siya ng rason para bugbugin ang mga ito.
…
"Hindi sisimulan ng mga Gargoyle ang pag-atake sa atin, ang mga Siren lang na nasa Second Hall ang makakahikayat sakanila para gawin ito."
"Lahat ay dapat may alam tungkol sa mga Siren. Lahat ay dapat nakakita ng mga larawan at impormasyon tungkol sakanila. Ang mga halimaw na ito ay umaasa sakanilang ability na Low Flight at matutulis na kuko para gumalaw pabalik-balik, hanggang sa mapatay tayo."
"Meron akong espesyal na plano. Hanggang maiging sinusunod ng lahat ang plano, madali tayong mananalo."
Paliwanag ni Marvin sa lahat habang nilalabas ang isang matibay na lambat mula sakanyang pulseras!
Ang kanyang storage item nagsimulang magkulang kung kaya't pumunta siya sa Ranger guild para bumili ng dalawa pa.
Isa ang pulseras na ito sa mga 'yon, at mas madami itong espasyo kaysa sa Void Conch.
"Guardians, humakbang kayo pasulong. Bawat tig-apat na grupo ay kumuha ng lambat. Kailangan din na nasa harap ang mga gwardiya," utos ni Marvin.
"Kailangan ko kayong umayos ng ganito…" ipinakita niya ang gagawin.
"Sa harapan ang mga Guardians, samantalang ang mga gwardiya as nasa pagitan ng bawat grupo ng Guardians. Pagtuonan ninyo ng pansin ang inyong mga vitals."
"Kapag pumuslit na ng atake ang mga Sirens, hindi kailangang protektahan ang mga Guardian. Hindi nila masisira ang inyong armor. Kailangan niyo lang ihagis ang inyong mga lambat."
"Ang mga Sirens na ito ay di na makakawala mula rito."
"Ito na ang magiging hudyat para umaksyon ang mga guards. Tandaan ninyo na kailangan niyong putulin ang mga ulo ng Siren."
"Ito ang pinaka-importante!"
…
Pagkatapos ng tatlumpung minuto.
Sa Second Hall, amoy ng dugo ang pumalit sa amoy ng tubig dagat.
Isang kumpol ng mga Sirens na walang ulo ang nagpatong patong.
Tila ba naging masaya ang kapaligiran.
Mula sa kanilang mga mukha ay makikitang hindi lang sila humanga kay Marvin, halos sinasamba na nila ito.
Mabisa din ang naging pangalawang plano ni Marvin.
Walang kahirap-hirap nilang napatay ang tatlumpung Sirens,
Halos walang nasaktan sakanila.
.
Tinupad ni Marvin ang kanyang pangako.
Habang hinahati-hati na ang kanilang nakuha, hindi umalma si Madeline at ipinahiwatig niya ni Marvin dapat ang unang pumili.
Kinuha ni Marvin ang pinakamahusay na bagay. Ito ay isang baul ng kayamanan na may mahiwagang kandado.
Ito lang ang nag-iisang baul na may mahiwagang kandado sa buong Second Hall.
Alam niyang mayroong scroll sa loob ng baul na ito.
Ang tawag sa scoll na ito ay [Magical Scroll] at ang epekto nito ay… syempre sobrang mahiwaga.