Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 158 - Waking Up Under the Frozen River!

Chapter 158 - Waking Up Under the Frozen River!

False Divinity!

Hindi inakala ni Marvin na bibigyan siya ng napakalaking regalo ni Endless Ocean!

Alam naman niya na kahit sinong doppleganger pa ang mapatay ay siguradong mayroong kaunting Divine Power na matitira. Lalo pa't si Auzing ang ikalawang anak ng World Ending Twin Snakes.

Pero sa dami ng Legend doon, hindi na naisip pa ni Marvin na habulin ang Divine Power.

Isa pa, kahit gustuhin man niya ang divinity, wala siyang paglalagyan nito. Dahil kung meron siyang paglalagakan nito, inangkin na rin niya sana ang Divine Power ng daliri ng Lich.

Pero ngayon, mayroon na siyang False Divinity!

Ang False Divinity ay kahit anon a maaaring gayahin ang kakayahan ng Divinity na mag-imbak ng Divine Power. Maaari itong maging isang celestial magic item o kahit anong produkto ng alchemy.

Mukhang nanggaling sa paglalakbay sa ibang plane ang False Divinity na ibinigay ni Endless Ocean, at mukhang marami silang pinagkakapareho ni Constantine.

Binago ng kapirasong Divine Power na ito ang katawan ni Marvin!

Napakaraming Log ang biglang lumabas!

[Nakakuha ka ng False Divinity at Divine Power (1)]

[HP +100]

[Strength +1, Dexterity +1, Constitution +1, Intelligence +1, Wisdom +1, Charisma +1]

[Bahagyang tumaas ang iyong mga Resistance…]

Attributes +1!

Ito ang epekto ng Divine Power.

Si Marvin na nanghihina ay unti-unting nakabawi ng lakas dahil sa Divine Power.

Umabot na sa sukdulan na 25 na puntos ang kanyang Dexterity, maaari na niyang magait ang Flicker ngayon kahit na hindi niya gamitin ang kanyang Chaotic Battlefiled Expert.

Bawat stat niya ay tumaas ng isang puntos. Katumbas na ito ng labing-dalawang na level-up!

Sulit ang naging laban niya!

...

Bukos sa pagkakaoon ng Divine Power, nakuha rin ni Marvin ang titolong [Legend Killer].

Kahit na hindi angkop sa pakikipaglaban ang epekto ng titolong ito, kapaki-pakinabang pa rin ito.

[Legend Killer]: Kapag may kaharap kang isang makapangyarihang Legend, magkakaroon ito ng sapat na respeto sayo.

Kilala ang mga makapangyarihang Legend na walang pakielam ang mga ito sa mga taong mas mababa sa Legend ang rank.

Sineryoso ni Hathaway si Marvin dahil isa siyang Seer. Ganoon din si Constantine dahil pareho silang Night Walker. Habang si Endless Ocean naman ay dahil sa malaki ang utang na loob nito kay Old Sean noong bata pa ito. Wala namang partikular na hinihiling ang matandang blacksmith pati na ang anak nitong si Jane. Bilang estudyante ng matandang blacksmith, natural lang na si Marvin na lang bumawi si Endless Ocean.

Tinuruan naman ng Shadow Thief na si Owl si Marvin ng Origami dahil ito'y nakatadhana.

Ang mga tulad naman nina Leymann at Inheim, kahit pa humahanga sila sa ugali ni Marvin, bihira nila itong kausapin.

Ito ang dangal ng mga makapangyarihang Legend.

Pero dahil sa Legend Killer, magagawa na ni Marvin na makipag-usap sa mga Legend na ito paminsan-minsan.

Matapos niyang mapatay ang Devil Fish, nakakuha si Marvin ng 8731 battle exp. Kasama na ang exp na nakuha niya mula sa Hidden Granary, umabot na sa 18439 ang kabuoan ng kanyang battle exp!

18000 na exp lang ang kailangan para maabot ang level 3 ng Night Walker.

Hindi na nagdalawang-isip si Marvin at ginamit ang kanyang exp para maging isang level 3 Night Walker.

Nakakuha siya ng 36 Sp, 58 HP, at isang karagdagang specialty.

Isa ito sa mga gustong specialty ni Marvin, ang [Superior Reflexes].

[Superior Reflexes]: Reaction Speed +1

Isang hidden attribute ang Reaction Speed, kaya naman madali itong makaligtaan. Ang dahilan kung bakit mas mataas ang fighting ability ni Marvin kumpara sa iba ay dahil mas mabilis ang kanyang Reaction Speed.

Mabilis na nakaka-isip ng pinakamagandang gawin ang kanyang instinct sa pakikipaglaban sa loob lang ng maikling panahon. Ito ang Reaction Speed.

Ngayong mayroon na siyang Super Reflex, mas lalo pang tataas ang kanyang lamang sa iba. Mas bibilis at mas huhusay rin siya dahil dito. Mas gaganda rin ang koneksyon ng kanyang pag-iisip sa kanyang katawan.

Sa 36 na SP, agad na ginamit ni Marvin nag 20 na puntos sa [Night Jump]. Naipamalas na nito ang kahalagahan nito sa laban niya kay King Cobra. Umabot na ito sa 50 na skill point kaya naman lumitaw na ang hidden effect nito na [Double Jump].

[Double Jump]: Maaari kang tumalon ng mahina mula sa ere!

Makapangyarihan ang epekto ng Double Jump, pinapataas nito ang kanyang jumping ability sa gabi at pinatataas ang kanyang husay gumalaw sa ere.

Sa 16 na natitirang puntos, ginamit niya ang 6 dito sa [Summon Night Crow] at ang 10 naman sa isang bagong skill.

[Shooting Blades (10)]: Makakagawa ka ng ilang shadow dagger at maaaring ibato sa iyong kalaban.

Isa itong ranged skill at katulad ng iba, nagagamit ito sa gabi. Maaari nitong mapunan ang pagkukulang ni Marvin sa mga atakeng pangmalayuan.

Matapos ang pagpapalakas, umabot na ng 456 ang Hp ni Marvin. Umabot na ang kabuoang level niya ng 10. Nasa binigt na ng pag-abot sa 3rd rank

Isang level na lang at maaabot na niya ang 3rd rank.

Napakabilis na ng paglevel up ni Marvin pero kahit pagkatapos ng lahat ng ito, pakiramdam ni Marvin tila may kulang pa.

Kung hindi dahil sa Shapeshift Sorcerer, ang kakaibang class niya, at kung hindi dahil sa potion at scroll, ni hindi siya makakatulong sa labanan na ito!

Hindi niya maatim na hindi siya ang nanguna sa labang naganap sa sariling teritoryo nya.

'Lakas!'

'Kailangan ko pang lumakas! Kailangan ko nang magawa ang mga pinaplano ko!

Nakapagdesisyon na si Marvin habang inaalalayan pa rin siya ni Constantine.

Kasabay nito, isang sigaw ang maririnig mula sa kagubatan.

Boses 'yon ni Glynos na napipinto na ang kamatayan.

'Natapos rin…. Sa wakas.'

Pumikit na si Marvin.

Alam niyang, sa ngayon, natapos na ang lahat.

Pero bilang resulta, nagbago na rin ang kanilang kapalaran.

Hindi na alam ni Marvin kung ano na ang susunod na magaganap…

Ang mga pamilyar na bagay na lang ang magagawan niya ng paraan, pati na ang pagpapalakas niya.

Hindi na aktibo ang Shadow Prince, ibig sabihin, mas oonti na mamamatay na Legend. .

Hindi man maiiwasan ang pagkawasak ng Universe Magic Pool, ngunit magiging matagumpay pa rin kaya ang plano ng mga New God?

Hindi na sigurado si Marvin.

Ang alam niya lang, kailangan niya pang magsumikap, mas magsumikap!

Kailangan niyang protektahan ang kanyang teritoryo.

At sa gitna ng Great Calamity, ang isang level 10 class holder ay walang mapoprotektahan.

"Natapos rin," bulong ni Endless Ocean.

Tumango si Constantine. Binuhat na niya si Marvin at naglakad patungo sa palasyo.

...

Hating-gabi, sa isang tore sa labas ng River Shore Citty.

Namumula si Madeline at nakahiga sa kanyang malambot na sofa.

Magulo ang kanyang buhok at pawis na pawis ang kanyang noo.

Nayanig siya ng naganap na labanan!

Maliit lang ang distansya ng White River Valley at River Shore City. Agad niyang naramdaman ang laban noong nagsimula ito.

Sa pagkakataong ito, walang sumira sa kanyang uwak kaya naman nasaksaihan niya ang lahat.

Isa-isang lumabas ang mga makapangyarihang Legend sa White River Valley, halos mabilaukan siya sa napanood.

Gulat na gulat rin siya noong biglang sumugod si Marvin at naging isang Asuran Bear, at kinalaban ang Crimson Patriach.

Napagtanto niyang masyado niyang minaliit ang binatang ito.

Kahit na hindi niya alam ang buong kwento, ang mapagsama-sama ang limang malalakas na Legend… Sa buong katimugan, marahil kakaunti lang ang makakagawa noon, gaya ng konseho ng South Wizard Alliance.

Pero nagawa itng Baron ng isang maliit na probinsya.

Nagbago ang tingin nito kay Marvin.

'Siguro mas higit pa ang halaga ng taong ito kesa sa inaakala ko.'

'Hindi..higit pa…'

Manghang-mangha siya habang iniisip ito at hindi mapigilang dilaan ang kanyang mga labi.

Nagliwanag ang mga mata nito habang iniisip nito ang mukha ni Marvin.

Isang plano ang namuo sa kanyang puso.

'Tutal, magkasama naman naming susugurin ang Scarlet Monastery. Pagkakataon na ito!'

'Malambot at sariwa…'

Naging mapayapa naman ang White River Valley kinaumagahan.

Tila isang panaginip ang matinding labanan kagabi.

Natunaw na ang White River habang natabunan na rin ang mga malalaking butas sa dalampasigan. Madali na lang ito para sa isang Wizard na nabawi na ang kanyang lakas.

Dinala na muli ni Anna ang mga residente pabalik sa bayan.

Karamihan sa mga ito ay matiwasay na nakauwi sa tulong ni Anna. Naibalik na muli ang datin kaayusan ng White River Valley.

Para bang isa malaking pagsasanay lang ang naganap kahapon.

Nagsasaka na muli ang lahat, at bumalik na ang lahat sa dati.

Nakatayo naman si Marvin sa balkonahe ng kanyang kwarto, tinitingnan ang mapayapang White River Valley.

Mayroong isang liham sa kanyang kamay. Maaga itong dumating mula sa River Shore City.

Hinihimok na siya ni Madeline.

Sabi nito ay handa na ang lahat, at tanging ang Holy Grail na lang ni Marvin ang kailangan para atakihin ang Scarlet Monastery.

Binigyan ni Madeline si Marvin ng tatlong araw.

Nag-isip si Marvin, bago tuluyang tanggapin ang paanyayang ito.

Mayroon na siya ngayong False Divinity kaya baka mas marami na siyang makuha mula sa Scarlet Monastery!

Hindi naman malaman ni Marvin kung ano ang binabalak ni Madeline.

Misteryoso ang City Lord ng River Shore City sa laro, at bibihira nitong pinapakita ang tunay na siya. Kaya naman hindi maisip ni Marvin kung ano ang nasa isipan nito.

Pero ngayong patay na ang Crimson Patriarch, para isa nang Dragon na walang ulo ang Twin Snakes Cult; wala na sigurong mangangahas sa mga ito na atakihin ang White River Valley sa ngayon.

Habang naalala naman ni Marvin na sa ngayon ay hindi pa aktibo ang Azure Matriarch, at magigising lang pagdating ng Great Calamity.

Isa pa, kahit na umalis na sina Owl, Inheim, Constantine, at Endless Ocean pagkatapos ng laban kahapon…

Nanatili si Hathaway.

Sawa na siya kapaligiran ng Three Ring Towers, at dahil matagumpay naman nilang nanakaw ag Time Molt ng Shadow Prince, mabuti na rin sigurong magbakasyon na muna siya.

At sa White River Valley siya magbabakasyon.

Mas ikinagulat at ikinatuwa naman ito ni Marvin. Siguradong magiging ligtas ang White River Valley ngayong mayroong isang Legend Wizard na nakabantay.

Matututo rin si Wayne mula sa kanya. Marami siyang mapupulot rito tungkol sa pagiging isang Wizard.

'Panahon na siguro para may gawin ang batang ito para sa teritoryo,' isip-isip ni Marvin habang lumilingon at tinitingnan si Anna na katayo malapit sa kanyang mesa na puno ng mga dokumento.

Mayroon namang potensyal sa pamumuno si Wayne. Siguradong mas akma itong maging isang Overlord Kesa kay Marvin.

Lalo pa't dadalas ang pag-alis ni Marvin dahil sa pagpapalakas niya. Hindi ito makakabuti para sa kanilang teritoryo.

Pero dahil sa edad ni Wayne, nagdesisyon si Marvin na wag muna itong ipasa dito sa ngayon.

Sa halip, gagawin na lang niya itong isang Proxy Overlord.

Sa ganitong paraan, kapag wala si Marvin, maaari nitong palitan si Marvin at gawin ang trabaho ng Overlord.

Napakaliit na teritoryo lang ng White River Valley, mahabang panahon pa ang gugugulin para gawin itong isang malaking teritoryo.

Hindi na makapaghintay si Marvin.

Kailangan niyang gawin ang lahat para mapalaki ang kanyang teritoryo.

Pagsasaka lang ang mayroon sa kasalukuyang White River Valley. Hindi pa ito sapat.

Balak ni Marvin na magkaroon rito ng pag-aalaga ng hayop, kalakal, at pagmimina.

Kasabay naman nitong lalaki ang kanilang lakas military, at kakailanganin na nitong bagong sistema para kayanin nito ang Great Calamity.

Hindi ito magiging madali pero kahit papaano ay may pinaplano na si Marvin.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng kalakaran, kung gusto niyang gawin ito, kailangan niyang makagawa ng transportasyon. Maganda ang lokasyon ng White River Valley. 80 kilometro lang ang layo nito mula sa baybayin

Kung makakapagtayo siya ng daungan doon, siguradong mapapadali na ang pakikipagkalakal.

Sa kabilang banda namang ng Whote River Valley ay ang isang bahagi ng Shirieking Mountain Range.

Naninirahan ang mga halimaw sa lugar na ito. Karamihan pa ay mga tribo ng mga ogre!

Hindi maitatayo ni Marvin ang daungan sa baybayin kung hindi madidispatya ang mga tribong 'yon.

'Kapag natapos na ang misyon ko sa Scarlet Monastery, magsisimula na akong daan sa silangan.'

Umupo si Marvin sa harap ng kanyang mesa at nagsimulang mag-sulat.

Natapos niya ang pagsusulat ng kanyang plano para sa kanyang teirtoryo sa loob lang ng tatlong araw. Si Anna at Wayne naman ang bahala sa pagpapatupad nito.

Sa hilaga, sa isang napakatandang iceberg.

Isang babaeng nakasuot ng azure na damit ang natutulog.

Nang biglang bumukas ang mga mata nito.

"Kapatid ko…" bulong niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata habang pumapasok ang mga imahe sa kanyang isipan: Constantine, Endless Ocean, Inheim, Shadow Thief Owl…

At mayroong payat na binata.

"Apat na Legend…Isang basura."

"Ipaghihiganti kita."

Biglang nanglisik ang mga mata nito.

Biglang nagsimulang mabasag ang icerberg