Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 155 - Tonight’s Main Character!

Chapter 155 - Tonight’s Main Character!

Umatungal ang Asuran Bear habang tumatakbo sa dalampasigan!

Naglagay siya ng potion sa kanyang bibig bago nagsimulang tumakbo!

"Krak!""Krak!" Hindi na niya ininda ang bote nito at direktang nginuya na lang!

Dragon Strength!

Bahagya niya rin pinunit ang scroll na hawak niya sa kaliwang kamay.

Galing ito sa matandang Blacksmith na si Sean, tinatawag itong [Berserk Beast]. Pinatataas nito ang strength ng isang hayop o halimaw na parang tumaas na rin ito ng isa pang rank!

Sa madaling salita, kapag pinagsama ang epekto ng Dragon Strength at ng Berserk Beast, halos umabot na sa Legend Realm ang lakas ni Marvin!

Naglabas ng malamlam na kulay dilaw na ilaw ang punit na scroll at bumalot ito kay Marvin.

Pagkatapos nito ay lumaki ang Asuran Bear na halos umabot na sa anim na metro ang taas mula sa orihinal na tatlong metrong taas nito.Tumindig rin ang mga balahibo nito na tila ga karayom.

Namula ang kanyang mga mata.

"Roar!"

Mabagsik na dinama ng Asuran Bear ang Great Fish na nasa nagyelong ilog!

"Krak!" Nabasag ang yelo, na nagdulot ng isang malaking butas. At ang dalawa ay nauwi sa isang mabagsik na labanan!

Pakiramdam ng Crimson Patriarch ay napakaraming nangyari noong araw na 'yon.

Akala niya ligtas na siyang nang biglang maglaho ang dalawang Legend sa kanyang harapan.

Pero nalingat lang siya sandal dahil sa bumagksak na bulalakaw, mayroon namang isang malaking Asuran Bear na dumamba sa kanya.

Alam niya kung ano ang mga Asuran Bear.

Pero ngayon lang siya nakakitng ganito kabangis na Asuran Bear!

Kahit papaano ang Great Fish doppleganger ng Crimson Patriarch ay nasa Legend level na. Kaya naman dapat lang na mas malakas siya sa isang mabangis na Asuran Bear.

Pero hindi lang natatapos sa mga hinuha ang isang labanan.

Maiikli ang binto ng Devil Fish. Kahit na matindi ang depensa nito at mayroong iba't ibang paraan ng pag-atake, wala siyang kalaban-laban sa isang oso!

Ito ang kahalagahan ng pagpiling mabuti sa kung anong anyo ang pipiliin mo. Kasunod lang ng mga Dragon, Behemoth, at Titan ang mga Bear pagdating sa kanilang kakayanan sa pakikipaglaban.

"Bang!"

Sinampal ni Marvin ang Crimson Patriarch, dahilan para mahilo ito.

Tumalsik naman sa isang bitak sa yelo ang Crimson Patriarch kaya hindi ito makagalaw!

Agad namang inupuan ang Crimson Patriarch ng Asuran Bear!

"Bugush!"

Sa pagkakataong ito, hindi lang ang White River ang nayanig. Tila nakaranas ng mahinang lindol ang kabuoan ng White River Valley!

"Napaka-agresibo! Talagang hindi natatakot mamatay ang batang 'to."

Sa attic ng palasyo, may hawak na baso ng alak ang matandang blacksmith habang pinapanuod nito ang labanan ng dalawang halimaw sa White River Valley.

Naka-upo sa tabi nito si Jane, may suto na putting damit, makikita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin rin sa direksyon ng ilog.

"Ngayon lang ako nakakita ng nakakatakot na bagay," bulong ni Jane. "Hindi mo ko pinapabayaang makakita ng mga ganoong bagay noon."

"Gusto lang kitang protektahan." Uminom ang blacksmith ng kaunti bago lumagutok ang dila nito. "Masarap ang alak sa palasyo ng batang 'to. May pakinabang rin naman pala ang pagputna natin dito."

Hindi maipinta ang mukha ni Jane.

"Pero nagbago na ang lahat. Inaamin ko, kahit na ayaw nang mabuhay ng lalaking 'yon, tama ang mga sinabi niya."

"Nagbabago na ang panahon. May mga bagay na pilit mo mang itago ay hindi mo na magagawa."

"Gusto kitang protektahan, pero parang wala akong magawa noong mga nakaraang araw. May mga bagay tayong gusto natin protektahan na magbibigay sa atin ng lakas para ipagpatuloy ang buhay. Ang batang 'yon? Ibinubuwis niya ang buhay niya para kalabanin ang Devil Fish dahil may mga tao at bagay siyang nais niyang protektahan.

"Ang taong kalaban niya ay ang isa sa dalawang Patriarch ng Twin Snakes Cult; ang pagpatay sa kanya ay magreresulta sa pagpapakita ng isa pa."

"Alam niya ang lahat ng ito, pero ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pinaplano. Ngayon lang ako nakakita ng batang ganyan kalakas ang loob."

"Marami na siyang nagawa, at para sa akin, masyado siyang mapusok."

"Pero kahit na ganoon… Gusto ko ang batang 'yan."

Pinag-isipang mabuti ni Jane ang mga sinabi ng matanda bago itanong, "Kung gusto mo siya, bakit naka-upo lang kayo rito?"

"Ehem!"

Nasamid ang matandang blacksmith dahil sa sinabi ng anak at namula ang mukha nito.

Hinimas niya ang kanyang hita at nagpanggap na nagbuntong-hininga, "Hindi ako pwede. Hindi na ako maaaring sumali sa ganyang katinding laban magmula noong kinalaban ko ang Black Dragon."

"Wala na kong magagawa kundi maupo rito at ipagdasal siya at umasang pagpapalain siya ng Night Monarch."

Inirapan ni Jane ang kanyang ama, makikitang hindi ito naniniwala sa mga sinabi ng ama.

Nagkibit-balikat naman ang matandang blacksmith.

Hindi napansin ni Jane na mayroong lungkot sa mga mata nito.

Na mayroon ring kasamang galit.

....

Gumihit sa kalangitan ang bulalakas, at bumagsak ito sa dakong timog ng Shrieking Mountain Range.

Isa lang ito sa mga lugar sa Feinan na walang namumuhay na nilalang. Malapit lang ito sa Spider Crypt pati na rin sa Northertn Mine.

Mula sa malaking butas na dulot ng bulalakaw, isang anino ang hirap na gumapang palabas.

"Pucha. Kailangan ko pang gawin lagi ang trabahong ito."

"Punyetang War God! Gusto pa rin niyang kunin ang [Time Molt] ko. Kung bumaba man sa lupa 'yon, siguradong didispatyahin lang din siya ng mga Wizard na 'yon."

"Hindi alam ng mga mangmang na god na 'yon kung anon a ang nagyari sa ikaapat na era ng Feinan mula noong nakulong sila. Napilitan lang akong makipagtulungan sa kanila tapos ngayon gusto na nilang wasakin ang Universe Magic Pool agad-agad."

Gumapag palabras ng buta ang Shadow Prince na si Glynos habang nagmumura.

Tila may mali sa katawan nito. Ito ay dahil hindi pa umaangkop ang katawan nito sa Feinan.

'Masama 'to, kailangan kong maka-alis agad.'

Nagpahinga siya panandalian bago siya nagdesisyon na hindi na kasing ligtas gaya ng dati ang lugar na ito.

"Ang baliw na Legend Monk: Ngayong nahiram ko ang [Delusion Wing], ikukulong ko siya sa Delusion World kapag nakita ko siya."

Dahan-dahan siyang tumayo, makikita ang poot sa mga mata nito.

Bilang God, isang kahihiyan ang tugisin ng isang Legend. At kahit na kilala siya bilang "rogue god of escape", hindi siya makatakas sa pagtugis sa kanya ng isang Monk. Isang malaking dagok ito sa kanyang dangal bilang god. Matapos mawasak ang kanyang avatar, nakatanggap siya ng panunuya mula sa ga New God.

Noong mga panahong iyon, sinabi niyang hindi na muli siya babalik sa Feinan dahil sa galit. At wala namang nasabi ang iba pang mga New God dahil dito.

Sa halip, mariin nilang iginiit na ibigay sa kanila ang [Time Molt] artifact para maaari siyang magpabalik-balik sa Feinan. Ang artifact na ito ay sinasabing binuo mula sa Time Worm.

Ito lang ang nag-iisang kilalang artifact na magbibigay kapangyarihan sa kung sino mang may hawak rito na magpabalik-balik mula sa kalangitan at sa Feinan.

Syempre, hindi pumayag ang Shadow Prince. Matagal na nagpatuloy ang kanilang pagdedebate hanggang sa nagsagawa ang Barbarian War God ng isang malawak nap ag-atake sa God Realm ni Glynos!

Kakaunti lang ang mga kaibigan ng Shadow Prince, kaya naman wala itong paraan para labanan ito. Gayunpaman, kung gugustuhing makatakas ng kanyang pangunahing katawan, hindi siya mapipigilan ng iba pang mga god!

Sinarado niya ang kanyang God Realm at panandaliang nawala.

Sa bandang huli, nagkasunod-sundo rin ang mga god.

Nakipag-ayos ang mga ito sa War god at iba pang mga Deity na mayroong galit sa Shadow Prince, kasabay nito, hiniram nito ang [Delusion Wing] mula sa Dream God.

Ginagamit talaga ang artifact na ito para mapigilan ang mga Monk. Kapag mas mataas ang willpower, mas madali silang maikukulong.

Kaya naman, mayroon nang tatlong artifact si Glynos, ang Delusion Wing, Time Molt, pati na rin ang Nightfall.

Hindi ito kapani-paniwala para sa isang New God. Karamihan ng New God ay wala ni isang artifact, at sa halip mga hindi buong artifact lang ang mayroon ang mga ito.

Kaya naman, pagkabalik nito sa Feinan, napakalakas na ng loob ng Shadow Prince!

Ngayong may hawak na siyang tatlong artifact, isama pa ang Divine Pressure, naniniwala itong hindi na siya matatalo ng Legend Monk!

Bahagyang napangiti ito habang iniisip ang lahat ng ito.

Bigla namang pumasok sa kanyang isipan ang listahan ng mga taong gusto niyang patayin, at ang unang pumasok sa kanyang isip ay ang taong hindi niya napatay.

Si Hathaway.

Sabi nila na isang Seer daw ang babaeng ito at nakikita nito ang hinaharap, at kaya pa nga raw makita nito ang sikreto ng mga god.

'Kailangan niyang mamatay.' Biglang lumitaw ang imahe nito sa kanyang harapan.

Nang biglang luamabas na talaga ang tunay na Hathaway sa kanyang harapan.

"Ano?!"

Natulala na lang ang Shadow Prince dahil may masama siyang kutob sa mangyayari! Nakita niya ang level ni Hathaway sa isang tingin lang.

Legend Wizard!

Nakapag-advance at naging Legend Wizard ang babaeng ito sa loob lang ng maikling panahon!

"Ang Book of Nalu…" Lalong bumusangot ang pagmumukha nito.

Sadyang pambihira ang Book of Nalu. Nagawa nitong umabot siya sa Legend level sa loob lang ng maikling panahon.

Pero ano ngayon kung isa na siyang Legend?

Napakalakas ni Anthony pero nagawa pa rin niya itong patayin, kahit na hindi nasunod ang kanyang plano.

At si Hathaway ay bago lang sa pagiging isang Legend.

Kayang-kaya niya pa rin itong patayin!

"Kamusta, Glynos." Mahinahong tiningnan ni Hathaway ang Shadow Prince na balot ng alikabok.

"Hindi ka naman ganoon katapang." Luminga-linga ang Shadow Prince sa paligid, "Sigurado akong mayroon kang…"

At bago pa man matapos ang sinasabi nito, isang anino ang bumagsak mula sa kalangitan!

Walang emosyong nagpakita sa likuran ni Glynos si Inheim.

"Putangina!" napamura si Glynos nang makita niya si Inheim.

"Wag kang mag-alala, parating pa lang ang tunay na bida."

Isang mapagbirong boses ang umalingawngaw mula sa gilid.

Nakatitig ang Shadow Thief na si Owl kay Glynos, nasa likuran nito ang kanyang mga kamay at nakangiti.

'Shadow Thief, tatlong Legend..'

'Pucha, sigurado nnamang naka-selyo ang Divination ng universe Magic Pool. May nagsabi ba sa kanila kung nasaan ako?'

Kinabahan ng matindi ang Shadow Prince!

Gumamit siya ng napakalaking divine power at pinaghirapan niya ang pagpunta niya sa Feinan. At pagkadating na pagkadating niya ay may tatlong Legend na naghihintay sa kanya!

Anong kalokohan ito?

'Wag mo nang subukang tumakas, Glynos. Naselyohan ko na ang koneksyon ng lugar na ito sa Shadow Realm."

"Wala ka nang kawala," seryosong sabi ni Hathaway.

Ngumisi si Glynos, "Masyado niyo ata akong minamaliit!"

"Kahit na mamatay ao ngayon, may mga mas malalakas na nilalang na bababa!"

"Hindi niyo na mapipigilan ang nakatadhana!"

Lumapit si Iheim at sinabing, "Hindi nga naming mapipigilan ang tadhana, pero ikaw kaya ka naming pigilan."

Tumango si Hathaway, "Sa tingin mo ba talaga kailangan pa ng tatlong Legend para lang talunin ka? Kayang-kaya na ni Inheim na talunin ka mag-isa.

Sumimangot si Glynos at mas lalong sumama ang kutob.

Noong mga oras na 'yon, nag-inat si Owl at sinabi habang nakangiti, "Sinabi ko na sayo."

"Ako ang bida ngayong gabi."