Malaki ang kweba ng Officer Cleric at maraming lugar na maaaring pagtaguan. Kahit na maraming sulo sa pader, marami pa rin anino sa loob.
Malaking bagay ito para sa Stealth ni Marvin.
Sa lawak ng kanyang karanasan, madali lang nakapuslit si Marvin patungo sa isang ligtas na lugar habang nakatago siya sa mga anino.
Nakatalikod ang ClericOfficer kay Marvin at nakatayo ito sa isang nakausling platform, may kinakausap ito sa palanggana.
Alam ni Marvin ang tungkol sa pamamaraang ito. Isa itong uri ng long distance communication ability na nagmula sa grupo ng Crimson Patriarch.
Kapag may sapat na dugo ng tao na ang nailagay sa palangganang iyon, magagawa na nito ang isang lihim na pamamaraan ng Twin Snakes Cult para makausap ang isang taong nasa malayong lugar.
Ang lihim na pamamaraan na ito ay pareho lang sa pakikipag-usap gamit ang bolang krystal, mas mabagsik nga lang an materyal na kailangan nito.
Nanatiling mahinahon si Marvin at tahimik na nakinig.
…
"Nagawa ko na po ang ipinapagawa ninyo," magalang na sabi ng Officer Cleric sa palanggana.
May liwanag na lumabas mula sa palanggana. "Magaling ang ginawa mo. Hindi lang tayo makakapagdulot ng takot sa mga tao, magdudulot rin tayo ng kaguluhan. Mahalagang bagay ang Pagkain. Napag-iinitan an gating pwersa sa East Coast noong mga nakaraang linggo."
"Ito na ang magandang pagkakataon para palawakin pa ang kapangyarihan mo. Wag mong palalampasin 'to."
Biglang naging magulo ang boses.
"Anong nangyari?" nagulat ang Officer Cleric.
Biglang may naisip si Marvin!
Dalawang tao lang ang posibleng galangin nang ganito ng Officer Cleric, at isa sa mga ito ay hindi gumagamit ng ganitong pamamaraan sa pakikipag-usap.
Siguradong ang Crimson Patriarch ng Twin Snakes Cult ang kausap ng lalaking 'yon!
Napaka-misteryoso at napakamakapangyarihan ng dalawang pinuno ng Twins Snakes Cult, hindi bababa sa Legend level ang mga ito. Marami na ang napatay ng mga ito, at kahit ilang taon na ang lumipas magmula nang mangyari ang Great Calamity, wala pa ring nakakapatay sa dalawang ito, manlalaro man o mismong taga-Feinan.
Sa dalawang ito, ang Crimson Patriarch ang mas aktibo, madalas siyang magsagawa ng mga kahindik-hindik na malawakang pagpatay.
Habang mas tahimik at tago naman kumilos ang Azure. Marami na ang naghanap dito pero walang nagtagumpay. Isa siyang magandang halimbawa ng kasamaan at pagiging malihim ng Twin Snakes Cult.
…
Mukhang panandaliang naputol ang kanilang komunikasyon. Saglit na nagdalawang-isip si Marvin. Saka siya nagdesisyon na hindi pa ito ang tamang oras para kumilos.
Isang Legend ang Crimson Patriarch. Kung makikita si Marvin nito, siguradong malaking panganib ang nakaabang na sa kanya. Hindi pa ito pwedeng mangyari, kahit na kasama ito sa listahan ng mga kailangan patayin ni Marvin.
Nahahati sa dalawa ang mga Officer, bawat grupo ay may anim na miyembro, mas malakas ang isang grupo kumapara sa isa. Ang mas malakas na grupo ay mayroong anim na makapangyarihang 4th rank half-Legend. Habang ang kabilang grupo naman ay anim na 3rd rank Cleric.
Isang Officer mula sa mas mahinang grupo ang nagbabantay sa Hidden Granary sa East Coast. Ito lang ang tanging dahilan kung bakit nangangahas si Marvin na subukang patayin ito.
Matiyaga siyang naghintay hanggang sa lumabas na muli mula sa palanggana ang boses ng Crimson Patriarch.
Pero sa pagkakataong ito, tila nagmamadali na ito.
"Wala 'yon. Ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo, ang pagnanakaw, ang pagpatay. Ipaalam niyo sa buong East Coast ang tungkol sa World Ending Twin Snakes."
"Malapit mo nang makuha ang gantimpala mo."
Tila nagulat ang Officer, dahil parang kakaiba ang boses ng Crimson Patriarch!
Hindi na nito pinatagal ang usapan at sinabing, "Naiintindihan ko po. Sasamantalahin ko pa ang pagkakataon na ito para ipakalat ang balita tungkol sa pagbabalik ng Ancient Red Dragon na si Ell. Nang sa gayon, ang Six Pearl Harbor, ang Thousand Sails City, o Bass Harbor man ay hindi magiging kampante. Maraming maliliit na bayan sa East Coast na maaaring punteryahin."
"May isa pa pop ala akong ibabalita… May ipinasok akong tauhan natin pero pinatay siya ng kung sino man."
"May natuklasan akong mahalagang sikreto tungkol sa lugar na 'yon. Balak kong pumunta mismo doon…"
Nang biglang may malakas na ingay na nangggaling sa palanggana!
"Pshhr!"
Biglang umatungal ang Crimson Patriarch.
"Sa susunod kayo sa akin! Mga punyetang Night Walker at Druid…" Mura nito.
Biglang naging mahinahon muli ang palanggana at wala nang kahit anong tunog ang maririnig mula rito. Tinapos na ng Crimson Patriarch ang kanilang usapan.
Naiwang nakatayo at tuliro ang Officer Cleric, sa isip na lang niya tinapos ang kanyang sinasabi."
"…maliit na teritoryong tinatawag nila White River Valley…"
…
Pinangkinggan mabuti ni Marvin ang usapan ng dalawa, at umalingawngaw na tila kulog sa tenga niya ang mga huling sinabi ng Cleric!
Ang White River Valley!
Mayroong ngang tao sa likod ni Miller nang magbalik ito sa White River Valley!
Si Toshiroya man ito o ang Twin Snakes Cult, hindi sila ang tunay na may pakana ng lahat. May mas malalim pang lihim na kailangan malaman.
Sa simpleng palasyong 'yon, maging ang mural man na naiwan ng lolo ni Marvin o ang nakakatakot na boses na umaawit sa lihim na lagusan, parehong may kakaiba sa mga bagay na ito.
Sumakit ang ulo ni Marvin sa kaiisip.
Bakit naman mapupukaw ng isang maliit na bayan gaya ng White River Valley ang atensyon ng mga makakapangyarihang nilalang?
Mabuti na lang at hindi narinig ng Crimson Patriarch ang huling sinabi ng Officer Cleric, kung hindi, malaking problema ito para kay Marvin!
'Papatayin ko ang taong 'to!'
Tinitigan ni Marvin ang Officer Cleric, makikitang may pagbabanta sa mga mata nito.
Siguradong ang taong ito ang nagsagawa ng seremonyas at naglagay ng dalawang ahas sa mga mata ni Miller.
'Mukhang sinuswerte ako. Mukhang nasa masamang kalagayan ngayon ang Crimson Patriarch…'
'Base sa tono nito, mukhang tinutugis siya! At ang tumutugis dito ay isang Night Walker at isang Druid!'
Alam naman ni Marvin na, bukod sa sarili niya, kayang-kayang ng mga Night Walker ang sarili nila dahil, dahil tulad nga ng sinabi ng matandang Blacksmith, lahat sila ay mga expert.
May ilan sa kanila na naabot na ang pagiging Legend at tinutunton na ang mas malalakas na mga kalaban.
Kaunti lang ang mga Night Walker pero lahat sila ay mga elite.
Isa ring Legend ang napatay na Night Walker ng Crimson Patriarch!
Maraming nalalaman ang mga Night Walker tungkol sa kanilang mga kalaban. Hindi man kailangan magkita-kita ng mga Night Walker, pero kapag nangyari ito, magkakapatid ang turing nila sa isa't isa dahil pare-pareho silang nakatanggap ng blessing ng Night Monarch.
Kung tutuusin, dapat si Marvin ang makapatay sa Crimson Patriarch. Pero makikitang mayroong tao sa organisasyon ng mga Night walker, na hindi na nakapagtimpi ng kanyang galit, kaya naman sinubukan na nitong patayin ang Crimson Patriarch.
Nagsama na rin ito ng kaibigang Druid para labanan ang nakakatakot na TwinSnakes Cleric.
Para magawa nilang harapin ang Crimson Patriarch, siguradong hindi bababa sa Great Druid ang kasama nito.
Siguradong naging ma-aksyon ang naging labanan nila.
Doon na natigil ang pag-iisip ni Marvin.
Dahil noong mga oras na 'yon, umikot ang Officer Cleric at lumapit. Kitang-kita ni Marvin ang mukha nito.
Kilala ni Marvin ang lalaking ito!
Hindi niya alam ang pangalan nito pero alam niyang tinatawag itong, King Cobra!
...
Dahan-dahang naglakad pababa ng platform si King Cobra.
Tila masama ang timpla nito. Gusto sana niyang ibalita sa Crimson Patriarch ang isang mahalagang bagay ngunit biglang mayroong nangyari.
Kung titingnan, pambihira ang nagawa nito sa East Coast. Ang pagkamatay ni Anthony ay bahagi ng kanyang planong matagal niyang binuo.
Kahit na hindi nagtagumpay ang 3rd rank Wizard na minanipula ng Twin Snakes Cult sa pagpatay kay Anthony, at namatay ito dahil sa dagger ng Shadow Prince, malaki pa rin ang naiambag ng kanyang plano sa kaguluhan sa East Coast dahil sa Twin Snakes Cult.
Isang God ang Shadow Prince, at walang gaanong alam ang mga pangkaraniwang tao tungkol sa kanya.
Pero malalim nan aka-ukit sa isipan ng mga tao ang tungkol sa Twin Snakes Cult. Dati ay hindi gaanong makagalaw ang mga ito dahil kay Anthony. Pero ngayong wala na ito, kumakalat ang balitang isang miyembro ng Twin Snakes Cult ang nakapatay sa kanya.
At palihim niyang ginatungan ang balitang ito.
Lalong lumala ang takot at paggalang ng mga tao sa Twin Snakes Cult. Habang sa malalim at walang laman na Ethereal Plane, lalong lumalakas ang World Ending Twin Snakes. At mas mabilis na itong makakawala sa selyong ginawa ng Wizard God.
Kapag dumating ang oras na'yon, malulubog sa takot at pagkawasak ang mundo!
Mas marami rin itong makukuhang pabuya.
Sa kasamang palad, hindi pa ngayon ang araw na 'yon. Dahil mukhang may malaking problemang kinakaharap ang Crimson Patriarch.
Malungkot nitong napapa-iling.
Bigla nitong naramadaman na may mali sa aninong nasa bandang kanan!
May kataasan ang perception ni King Cobra para sa isang 3rd rank Cleric. Napansin niya tila isang Assassin ang nagtatago sa anino!
'Mukhang may nakapasok ng palihim.'
'Isang katangahan ang pag-aakalang mapapatay mo ko.'
'Mukhang oras nang palitan ang dalawang Oss God na nakabantay sa labas.'
Tahimik na umabante si King Cobra, saka ito biglang lumukso paharap at bumukas ng incantation nang malakas!
[Divine Spell – Summon Venomous Snakes!]
Sa isang iglap, napakaraming ahas ang lumabas mula sa manggas nito, nakatutok ito sa kinaroonan ng anino.
Agad naman itong napansin ni Marvin at tumalon papalayo. Tumalon siya ng napakataas at halos maabot na nito ang kisame!
Ikinagulat rin ni King Cobra ang napakataas na pagtalon na ito.
Isang pambihirang Assassin.
Agad naman itong gumamit ng Divine Spell!
[Divine Spell – Hundred Poisons Infection!]
Ito ang pinakamatindi sa lahat ng Divine Spell na mayroon si King Cobra. Hindi makakaiwas dito ang kalaban at tatamaan ito ng lason!
At tulad ng inaasahan, ang napigilan ang kaliksihan ni Marvin at mabilis na nabalot ng mga ahas ang katawan nito
Parami-nang parami ang ahas na pumupulupot sa kanya.
"Haha… gusto mo talagang mamatay ah."
Makikita ang kabangisan sa mga mata ni King Cobra. Hindi siya kailanman nagpapakita ng awa sa kanyang mga kalaban!
Nang biglang may malamig na hangin ang umihip mula sa kanyang likuran!
…
Kapaki-pakinabang talaga ang Shadow Doppleganger!
Kamukhang-kamukha ito ni Marvin, kaya naman mahirap mapansin na peke ito. Maaaring magamit ito para maibaling ang tingin ng kalaban. Isa itong god-level skill!
Noong nakatuon ang pansin ni King Cobra sa doppleganger, agad namang umatake si Marvin na sa kabilang dulo pala nagtatago.
Burst + Shadow Step!
Sa isang iglap, napunta siya sa likod ni King Cobra.
Itinaas niya ang parehong dagger niya at inatake ito!
Dahil sa Rock Giant Belt, kampante si Marvin na sapat na ang lakas ng atakeng ito para mapugutan ng ulo si King Cobra!
"Pshh!"
Umalingawngaw ang isang tunog.
Nagbago ang mukha ni Marvin.
Naisaksak ni Marvin ang dalawang dagger pero hindi ito tumagos sa leeg, sa halip, sinalubong ito ng itim na kaliskis!
Sa isang iglap, naging isang makapal at kakaibang ahas si King Cobra!
"Ssss!" Dumudulas ang kanyang mahabang dila. Umikot ito at tinitigan nito si Marvin.
"Ayan pala ang tunay na ikaw."