Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 142 - Night Jump

Chapter 142 - Night Jump

"Woosh!" Bumaon ang dart sa pader ng isang bahay na gawa sa kahoy.

Bigla namang gumulong papalayo ang anino.

Sumimangot si Marvin. Ang lalaking 'yon!

Si Little Tucker!

"Mister Marvin, ako 'to…"

Pilit na ngumiti ang batang Halfling habang tinitingnan si Marvin. Muntik na siyang tamaan ng dart. Kung hindi ito agad nakaiwas, malamang ay tinamaan na ito.

Nagulat rin si Marvin.

Mas maaga dapat nakaratin ang dalawang ito sa Trojan Town kumapara sa kanila.

Pero kahit pa ganoon, mukhang kanina pa nangyari ang lahat ng ito. Nang dumatin ang dalawang ito, dapat ay may napansin na agad silang mali.

"Bakit ka nandito? Nasaan ang ama mo?" Tanong ni Marvin.

"Hinanap niya 'yung salarin," sagot ni Little Tucker.

"Hinanap niya yung mga pumatay sa mga tao ng bayan na 'to. Sabi niya, tutuntunin daw niya ang base ng mga 'yon tapos ipagbibigay alam niya sa garrison ng Jewel Bay."

"Sabi niya dito lang daw ako at tingnan kung may iba pang senyales."

Sinusundan sila ni Old Tucker?

Mabilis na nag-isip si Marvin.

Mukhang iba ang nangyari dito kumpara sa nakaraan.

Kadalasan, may kasamang pagsunog ang pagpatay ng Twin Snakes Cult. Wala silang iniwang kahit ano. Pero ngayon, walang nakitang apoy si Marvin.

Tiningnan ni Marvin ang kamalig ng Trojan Town at nakitang wala na itong laman.

'Pagkain rin kaya ang habol nila?'

Biglang may pumasok sa isip ni Marvin!

Naaalala na niya!

Mayroong underground base ang Twin Snakes ult malapit sa Tornado Harbor. Ang base na ito ay isa sa mga sangay nila sa East Coast. Ginagamit nila ito bilang imbakan ng pagkain.

Iyon ang [Twin Snakes Cult Granary] instance. Maraming beses nang na-farm ni Marvin ang instance na 'yon!

'Sinamantala ng mga 'yon ang kawalan ng proteksyon ng Trojan Town para pagnakawan. At pagkatapos, pintay na nila ang lahat ng tao…'

'May dala silang pagkain, kaya siuradong may mga bakas na maiiwan ang mga 'to. Kaya pala nagdesisyon si Old Tucker na sundan ang mga 'yon.'

'Kung ganoon…'

Tahimik na nag-isip si Marvin bago tuluyang nagdesisyon.

Pinalapit niya si Lola sa tabi niya bago seryosong sinabi na, "Kailangan kitang bumalik sa Black Dock Harbor, poprotektahan ka ni Little Tucker. Tinginan mo kung makakabili ka ng pagkain doon."

Nagdalawang-isip si Lola, "Paano ka?"

Sinulyapan ni Marvin si Little Tucker, "Susundan ko ang tatay niya."

Wala namang ibang nasabi pa ang batang Halfling, lalo na nag marinig nito ang makapangyarihang boses ni Marvin, pumayag na lang ito. At dahil inabandona na nito si Lola noon, nangako ito sa kanyang sarili na poprotektahan na niya ito nang tama. Agad namang umalis ng Trojan Town dahil sa pagudyok ni Marvin.

Bago sila umalis, binigyan ni Marvin si Lola ng 20 na ginto ng Wizard!

Hindi bababa sa dalawampung libong pilak ang katumbas nito. Ngayon lang nakakita ng ganito karaming pera si Lola kaya natulala ito. Habang si Little Tucker naman ay tila walang pakielam. Namuhay siya kasama ang matandang Halfling kaya wala pa sa isip nito ang konsepto ng pera.

"Sayo na nakasalalay ang solusyon sa problema sa pagkain ng White River Valley." Seryosong sabi ni Marvin.

Biglang naramdaman ni Lola ang bigat ng responsibildad na naiatang sa kanyang balikat.

Kumilos na rin kaagad si Marvin pagka-alis ng dalawa.

Sumakay siya sa kanyang kabayo at hindi na gaanong pinansin ang mga bakas, direkta siyang angtungo patimog-kanluran.

Ito'y dahil alam niya kung nasaan ang kamalig.

Malapit ito doon sa Shrieking Mountain Range pero malayo sa Spider Crytp. Dahil ang isa ay nasa kanluran habang nasa dakong silangan naman ang isa pa.

May kanya-kanyang layunin si Marvin at Lola. Kung makakakuha siya ng pagkain mula sa kamalig ng Twin Snakes Cult, malaking tulong ito. Kung hindi naman, kakailanganin nilang makuha ito sa normal na pamamaraan. Bukod sa Tornado Harbor, ang Black Harbor ang isa sa pinakamalapit sa anim na Pearl Harbor.

Naisip rin itong pagsubok ni Marvin para kay Lola.

Lalo pa't una pa lang ay hirap na siyang malaman ang tunay na pagkatao nito. Minsan tila simple at inosente ito, minsan naman ay parang napakatuso nito.

Ang dalawampung libong pilak na ito ang kanyang huling pagsubok. Kung kakayanin nitong tanggihan ang temptasyon, pagkakatiwalaan na siyang lubos ni Marvin.

...

Habang tumatakbo ang kabayo, inalala ni Marvin ang mga panahon na nag-farm siya sa tagong kamalig na 'yon.

Espesyal na lugar angkamalig na 'yon dahil dito nagtitipon-tipon ang mga taga-sunod ng Twin Snakes. Bukod sa 500 ordinaryong taga-sunod na nasa loob nito, mayroong ring 6 na 2nd rank Cleric at isang Cleric na nakasuot ng kulay lila na balabal.

Sa Twin Snakes Cult, ang pinakamalakas sa kanila ay ang dalawang Great Patriarch: ang Scarlet Patriarch at ang Azure Patriarch. Parehong makapangyarihan na Legend level ang dalawang ito, at kahit na bibihira lang silang makita, nakapalakas at makapangyarihan ng mga ito. Mayroon nang namatay na Night Walker dahil sa pagsunod nito sa Scarlet Patriarch.

Sa ilalim naman ng dalawang Patriarch, mayroong labin-dalawang Officer na mayroong kulay lila na balabal. Ang labing-dalawang ito ay mayroong makamandag na ahas bilang palayaw tulad ng, King Conra, Black Mamba, at kung ano-ano pa. Lahat ng labing-dalawang Officer na ito ay mga 3rd Rank na Cleric.

Mayroong ring World Ending Twin Snakes. Mga mala-diyos silang nilalang noong sinaunang era, napakabrutal ng mga ito at tinataguyod ang pagpatay at kaguluhan. Itinaboy ang mga ito patungo sa Ethereal Plane ng Wizard God. Pero bahagya pa rin nilang nasasagot ang mga dasal ng kanilang mga taga-sunod.

Basta pumatay ka, basta manira ka, basta gamitin mo ang bandera ng World Ending, makakatanggap ka ng pagpapala ng World Ending Twin Snakes.

Malaking banta ang mga Cleric ng Twin Snakes Cult. Sadyang napakasama at walang awa ang mga Divine Spell ng mga ito. Mapanira rin sa kalikasan ang mga ito. Sa laro, walang problema kung mamatay, wala ring masamang masaktan, dahil sa loob lang ng isang araw babalik muli sa dati ang lahat. Pero sa tunay na buhay, kailangan maging maingat ni Marvin.

Hindi siya pwedeng tamaan ng Divine Spell ng mga Cleric!

Pero mahirap gawin ito.

Kahit na palaging nagpapalit ang Officer na nagbabantay sa Hidden Granary, hindi pa rin siya sigurado kung paano niya haharapin ito. Hindi biro ang kumalaban ng isang 3rd rank na Cleric.

Lalo pa at napakabilis ng mga spell at Divine Spell ng mga taong 'yon. At lahat ng ito ay nakamamatay.

Bukod pa sa Officer na nagbabantay sa Hidden Granary, mayroon ring hindi bababa sa anim na 2nd rank na mga Cleric.

At syempre, ang pinakamapanganib ay ang mga taga-sunod nito.

Hindi alam ni Marvin kung gaano karami ang mga taga-sunod na kasalukuyang naroon sa kamalig, pero kung mas marami sila, mas malaking panganib ang dala nila kay Marvin.

Dahil hindi naman talaga naniniwala ang mga taga-sunod na ito sa Twin Snakes Cult. Kontrolado lang ang mga ito ng mga Twin Snakes Cleric.

Laging nag-aalay ng sakripiyo ang mga Twin Snakes Church. At ang mga taong ito na nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang ginagawa nilang alay.

At ang pinakamasaklap dito ay gagawin ng mga taong ito ang lahat para lang mahadlangan siya. Pawang mga inosente lang ito, at kung papatayin niya ang mga ito, bukod sa ma-aalarma ang mga nakatataas, para na rin siyang pumatay ng mga inosenteng tao.

'Panahon na para mag-level up.'

Nakaupo lang si Marvin sa kanyang kabayo, minamaneho niya ito habang tinitingnan ang kanyang Stats panel.

Nakakuha siya ng malaking halaga ng experience dahil sa mga nakaraan niyang laban, ang Battle of the Holy Grail, ang laban niya sa grupo ni Toshiroya, pati na ang paglalakbay niya sa Shrieking Mountain Range.

Umabot na sa 18770 ang kanyang battle exp!

Ma-ingat siyang nag-isip bago siya tuluyang nag desisyon na gamitin ang 12000 exp niya para mag-level up ang kanyang Night Walker na class.

Ibig sabihin, mayroon na siyang level 2 na Night Walker at level 6 Ranger, kaya mayroon na siyang kabuoan na 8 level sa kanyang main class line.

Nakatanggap siya ng 36 na Night Walker skill point at 42 na HP. Wala siyang nakuhang attribute point dahil makakakuha lang siya nito kada dalawang level up. At wala rin naman talaga nakukuha sa paglevel up sa level 2 na Night Walker.

Pero hindi pa doon natapos si Marvin. Ginamit naman niya ang 3000 battle exp sa Shapeshift Sorcerer!

Kaya naman, ang kanyang unang subclass na [Shapeshift Sorcerer] ay naglevel up na sa level 2 ito, at nakakuha pa ng karagdagang 18 HP. Pero wala siyang nakuhang kahit anong spell o specialty.

Pero dahil dito, umabot na ng Level 9 si Marvin!

Kasama talaga sa bilang ang mga subclass, subalit, kailangan kalahatiin ang mga level nito.

(Ranger 6 + Night Walker 2 + Shapeshift Sorcerer 2/2= Level 9)

Dahil dito, nakakuha pa siya ng isa pang attribute point.

At gaya ng dati, ginamit niya ang attribute point na ito sa kanyang Dexterity. Kaya naman umabot na sa 23 ito. Kaunti na lang at maaabot na niya ang 25.

Matapos ang dalawang magkasunod na level up, tumaas ang health ni Marvin mula 208 naging 268, isang magandang pagtaas ng vitality.

At hinati naman niya ang kanyang 36 na skill point. 6 na puntos ay inilagay niya sa [Summon Night Crow], kaya mas humaba ang paggamit niya nito. Pakiramdam kasi ni Marvin ay mahalaga ang mga scouting skill. Ang natira namang 30, ginamit niya sa panibagong skill, ang [Night Jump]!

[Night Jump]: Lalakas ang jumping ability mo sa loob ng tatlong minuto.

Limitasyon: Sa gabi mo lang ito maaaring gamitin

Ang pagtaas ng jumping ability at kung gaano ito katagal pwedeng gamitin ay nakadepende sa skill point.

Sa palagay ni Marvin, malaking tulong sa laban ang [Burst + Night Jump]. Pwede niya ring magamit ang skill na ito sa umaga kapag ginamit niya rin ng Eternal Night.

Kakaunti lang ang skill ng mga Night Walker, pero kapaki-pakinabang naman ang lahat ng ito. Sa oras na makuha niya ang [Night Killing], para na rin siyang naging isang Ruler of the Night!

Ang pag-asikaso sa kanyang Ranger points ang huling hakbang.

Bago ang kanyang paglevel up, hindi pa nagagamit ni Marvin ang lahat ng kanyang Ranger skill point.

Ibig sabihin, mayroon pa siyang 45 na natitira. At pagkatapos ng sunod-sunod na laban, tumaas rin ng bahagya ang mga skill niya, tulad na lang ng kanyang Stealth. Umabot na ito sa 56 na puntos.

Matapos niyang isaalang-alang ang kapaligiran ng Hidden Granary, inilagay na niya ang lahat ng ito sa Stealth.

Kahit na ang Hide ang skill ng kanyang Ranger class, wala kasi itong nagagawa. Sa ngayon, mas kailangan niya ang Stealth!

Kaya naman agad na lumagpas ang 100 at umabot na sa 101.

Nang matapos ang lahat ng ito, naramdam ni Marvin ang lakas na dumadaloy sa kanya!

Kakaunti na lang ang natitirang battle exp, 3770 na lang. Pero sa bilis pumatay ni Marvin, hindi na malayong maabot na niya ang 3rd rank.

...

Nagpatuloy lang sa pagtakbo ang kabayo, at di nagtagal tanaw na ni Marvin ang Shrieking Mountain Range.

Hinila ni Marvin ang renda dahil nakita niya ang isang kaibigan sa ilalim ng puno.

Si Old Tucker.

Nagulat ito habang pinanuod ng matandang Halfling ang pgdatin ni Marvin. Naghahanap pa pala ito ng mga bakas ng mga Twin Snakes Cult.

"Nahanap mo na baa ng base ng Twin Snakes Cult?" Mahinahong tanong ni Marvin.

Gulat na tiningnan ni Old Tucker si Marvin, "Alam mon a ang tungkol sa Trojan Town?"

"Hindi ko lang alam. Doon ang nanggaling." Bumaba si Marvin sa kanyang kabayo at seryosong sinabi:

"Papatayin ko ang mga hayop na 'to!"

­­­­­______________

MC Status Window (Chapter 142)

Name: Marvin

Race: Human/Numan

Astrological Sign: Swimming Fish

----------------------------

Attributes:

Strength: 12

Dexterity: 23(?+1)

Constitution: 12

Intelligence: 14

Wisdom: 15

Charisma: 14(+1)

----------------------------

Lifestyle Classes:

Noble 4 (0/800)

Blacksmith 3 (32/600)

----------------------------

Battle Classes:

Ranger Lv6 (0/8000) – Night Walker Lv2 (0/18000)

Shapeshift Sorcerer Lv2 (0/6000)

----------------------------

Titles:

Chaotic Battle Expert

Newborn Ranger

Rope Master

----------------------------

HP: 268

Experience:

0 (Noble)

3770 (Battle Exp) [Available]

0 (General Exp)

Skill Points:

0 (Ranger)

0 (Night Walker)

Free Attribute Points: 0

----------------------------

[Specialties]

Class Specialties:

Two-Weapon Fighting (Ranger)

Reckless Dual Wielder (Ranger)

Nocturnal (Night Walker)

Quick Study (Noble)

Boundless Shapeshifting (Shapeshift Sorcerer)

Personal Specialties:

Versatile

Endurance

Burst

----------------------------

[Class Skills]

Noble (Baron):

Dignity (27)

Management (31)

Awareness (16)

Diplomacy (19)

Accounting (28)

Horsemanship (30)

Ranger:

Hide (46+9)

Stealth (101)

Inspect (37)

Climb (20)

Listen (25)

Night Walker:

Eternal Night (50)

Summon Night Crow (16)

Night Jump (30)

Personal Skills:

Hidden Weapon – Darts (25)

Hidden Weapon – Throwing Knives (5)

Hidden Weapon – Flying Needles (5)

Cutthroat (49)

Shadow Step (38)

Edge Snatch (40)

Personal Spells:

1st-circle – Vine Metamorphosis

Shadow Doppelganger (Book of Nalu, Bloodline)

Night Tracking (Blessing of the Night Monarch)

Shapeshift (Human Form)

Charming Looks

Transforming Magic Cube

Shapeshift (Beast Form)

Asuran Bear – Skills:

Intimidating Roar

Shapeshift (Shadow Form)

Shadow – Spells:

Shadow Bind

Shadow Arrow

?

----------------------------

[Equipment]

Sika Deer badge

The Curved Daggers, Fangs

Blazing Fury

Ghastly Gloves

Ring of Wishes (Original)

Wishful Ropes

Mark of the Moon

Vanessa's Gift

Mask of the Deceiver

Magic Holy Grail

Wristband of Gratitude

----------------------------

[Contracted]

Wind Fairy (Growing)

----------------------------

[Items]

Deepwater Gems – Engineering Blueprints – Gold Bars – Dragon Strength (1/4) – Ancient Book (Unknown/Scarlet Monastery) – Annihilation (Black Jack's weapons) – Cursed Pearl (Swimming Fish) – Treasure Map (Great Devil Head).

Related Books

Popular novel hashtag