Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 138 - Burning Jewel Bay!

Chapter 138 - Burning Jewel Bay!

Ngayong gamit na niya ang Night Tracking, maikli lang ang pulang linya susundan niya!

Lumiko si Marvin nang biglang may maitim na bagay ang biglang bumagsak.

Isang Black Spider!

Agad naman itong iniwasan ni Marvin, dumistansya siya mula sa Black Spider!

Nang biglang may napansin si Marvin!

May nakita siyang piraso ng tela sa ilalim ng tiyan ng Black Spider!

Damit ni Lola.

"Pucha!"

Galit na galit si Marvin. Nakain na agad ng halimaw na 'to si Lola?

Nilapitan agad ito ni Marvin. Pero nagulat ito nang may kakaibang narinig!

May naka-usling dulo ng patalim sa likod ng Black Spider,

Natigilan si Marvin.

Nangisay ang walong galamay ng Black Spider at may ungol na maririnig sa ilalim nito.

"Tulong…"

"Nadudurog ako, hindi ako makahinga…"

Natahimik si Marvin.

Hindi napansin ni Marvin na noong nahulog ang Black Spider, wala na itong buhay!

Patay na…. yung Black Spider?

Tinabi niya agad ang kanyang mga dagger at iniangat ang katawan ng Black Spider.

At katulad ng inaasahan, nandoon si Lola, magulong-magulo ang itsura.

Hawak pa rin niya ang sulong namatay na ang apoy at malalim namang nakasaksak sa Black Spider ang dagger!

Hindi sinasadyang nasaksak ng dagger ang puso ng Black Spider. Hindi kapani-paniwala ang pagkakapatay dito ni Lola….

Hindi lubos maisip ni Marvin kung paano ito nangyari.

Sobrang swerte ba ng babaeng ito?

Kinailangan pang iligtas ito ni Marvin mula sa mga gnoll, pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa niyang patayin ang isang 2nd rank na monster kahit na isa lang siyang pangkaraniwang tao.

Ang swerte niya ay halos kapantay na ng isang taong may blessing ng Fortune Fairy.

"Ikaw, akala ko ba poprotektahan mo ako?! Nangako kang poprotektahan mo ko. Anong nangyari?"

Kinurot ng nanggagalaiting si Lola ang pisngi ng batang Halfling.

"Bakit mo ko iniwan noong nakita amo ang Black Spider?!"

"Huhuhu, Thief ako. Ang turo sa akin ni papa, gamitin ko agad ang Stealth kapag nakaharap ng kalabang hindi ko kayang labanan…"

"Tanga!"

Lalo pang diniinan ni Lola ang pagpisil sa pising ng Halfling.

"Ano bang nakakatakot sa gagambang 'to? Eh namatay nga agad noong nasaksak ko ng dagger ko!"

Nautal-utal ang batang Halfling, pinarusahan ito ni Lola hanggang sa sumunod ito.

Tumawa lang si Old Tucker.

Kita naman ang paghingi ng tawad sa mukha ni Marvin. Hinila ni Marvin si Lola at tila gustong sermonan nang bigla na lang itong umiyak.

"Muntik na akong mamatay! Alam mob a 'yon…." Humagulgol si Lola. "Sobrang nakakatakot yung gagamba. Halos mamatay ako sa takot. Gusto niya kong kainin kaya ginamit ko na lang 'tong dagger para protektahan ang sarili ko…Huhuhu, buti na lang at sinwerte pa ako…"

Doon na natapos ang kanyang pag-iyak.

Natahimik na muli ang buong lagusan. Hinila na ni Old Tucker ang nakababatang Halfling para mauna na sa paglalakad.

Nanlaki ang mata ni Lola sa gulat.

Marahan siyang niyakap ni Marvin.

"Tapos na ang lahat, wag ka na matakot."

"Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang ganoon, pangako."

Maraming bagay ang biglang pumasok sa isipan ni Lola, at sa huli, natigilan siya.

Isang salita lang ang lumabas sa bibig nang madaldal na si Lola"

"Sige."

...

Kahit na napakahaba ng lagusan, kalaunan ay umabot rin sila sa dulo.

Matapos nilang dispatyahin ang labing-dalawang Black Spider at isang Red Spider, naging mas ligtas na ngayon ang lagusang ito.

Sa ngayon ay magiging ligtas at wala nang panganib ang lugar na ito. Sapat na oras na ito para makapagdala si Marvin ng pagkain mula Jewel Bay patungong White River Valley bago pa man muling tirhan ng iba halimaw ang lagusan.

Sapat na ito para malampasan nila ang taglamig na paparating.

Pero magiging mahirap ang taglamig sa susunod na taon.

Dahil malaki ang mababawas sa pananim. Kahit na ang isang mayamang siyudad, gaya ng Jewel Bay, ay mayroong malaking pangangailangan ngunit hindi sapat ang panustos dito.

Kailangan nang mag-imbak ni Marvin ng maraming pagkain bago ang Great Calamity. Hindi naman siya isang uri ng bayani, limitado lang ang kaya niyang protektahan.

Lalo pa't limitado lang rin ang kanyang kakayahan. Teritoryo niya ang White River Valley.

Nang makalabas sila sa lagusan, kita na ang liwanag na dala ng bukang-liwayway.

Umihip ang sariwang hangin mula sa dagat mula sa dakong silangan. Gumaan naman ang pakiramdam nila dahil dito.

Sa wakas, nakarating rin sa Jewel Bay.

Matapos pasalamatan ni Marvin si Old Tucker, panandalian muna silang naghiwalay ng landas.

Nagtungo si Old Tucker sa Trojan Town na nasa dakong hilagang-kanluran para bumili nang kanilang mga pangangailangan. Habang si Marvin naman ay nagtungo pa hilagang-silangan.

Naroon ang maunlad na mga Six Pearl Harbor at Thousand Sail City kung saan dinadayo talaga nang mga tao.

Sa dakong timog naman matatagpuan ang Holy Tower ni Anthony.

Magmula nang mamatay ang Legend Wizard na ito, binarikadahan na ng South Wizard Alliance ang Holy Tower na ito. Karamihan rin sa mga taga-sunod nito ay kinuha na ng iba't ibang mga Legend Wizard.

Binuhat na ni Marvin si Lola at pinagpatuloy ang paglalakbay. Naka-akyat na sila sa burol bago pa man tuluyang sumikat ang araw.

"Pyroxene Hill ang tawag sa burol na ito. Maraming makikinang na bato rito dati."

"Pumupunta ang mga Adventurer at mga manggagawa dito para subukang makakuha. Maraming mga bayan sa paligid ang mayroong mga inn para matuluyan ng mga adventurer na 'yon. Marami ring bahay aliwan para panatilihing masaya ang mga tao."

"Pabagsak na ang mga ito dahil paubos na ang mga makikinang na mga bato."

Tumayo si Marvin sa tuktok ng burol habang tinitingnan ang mga lugar sa ibaba ng burol. Bigla na lang itong malungkot na huminga nang malalim.

Naalala pa ni Marvin noong unang beses siyang napadpad sa pinakadulo ng mga Six Pearl Harbor, ang Tornado Harbor. Ang pagdispatya sa mga Pyroxene Goblin ang unang misyon niya matapos niyang umalis sa Tornado Harbor. Isa itong team quest kaya mayroong isang uncommon item na lalabas mula sa pinuno ng mga goblin. Mahalagang kayamanan pa noon ang mga uncommon item kaya naman nasira ang samahan ng kanilang grupo. At dahil isang Thief si Marvin, mahina pa siya sa pakikipaglaban kaya siya ang unang natanggal.

Hindi pa rin niya alam hanggang ngayon kung sino ang nakakuha ng uncommon item na [Goblin's Green Leather Hat]. Kaya naman pagkatapos ng nangyaring ;yon bibihira nang sumali si Marvin sa mga team quest.

Naaalala rin niyang mayroong isang grupo ng mga manlalarong nag-away-away dahil sa green hat. Natatawa si Marvin habang iniisip ito.

...

Kitang-kita ni Marvin ang lahat mula sa maliit na burol na 'yon, at ngayong papasikat na ang araw, nakikita na niya ang patay na Eye of the Bright Sun na nasa Holy Tower.

.

Makikita rin ang mga Six Pearl Harbor na napapalibutan ng Jewel Bay. Isang itong magandang dalamapasigan, makikita rin ang payapang karagatan, at malawak na kalangitang puno ng mga ulap.

Makikita rin mula sa malayo ang Thousand Sail City. Halos tuldok na lang ito kapag tinitingnan.

Malapit lang rin dito ang Crystal Island sa Jewel Bay. Sa katunayan hindi na ito kita mula rito.

Hinila na ni Marvin si Lola para magpatuloy.

Nang biglang nabalot ng naglalagablab na apoy ang kalangitan ng Jewel Bay.

Maraming malalaking pulang ulap ang nanggagaling mula sa dakong silangan.

.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin, lumaki rin ang mga alon.

.

Ang kanina'y mapayapang umaga sa Jewel Bay ay naging nakakatakot na eksena.

Mukhang hindi pa nagigising ang mga tao mula sa kanilang pagkakahimlay.

Napatingin si Marvin sa silangan at nagulat.

"Ang Dragon!"

Parating na ang dragon!

Nang marinig ang pagdagundong ng atungal ng drago, nagising ang malaking bahagi ng Jewel Bay.

Napabalikwas mula sa kanilang mahimbing na tulog ang lahat. Nagtakbuhan ang mga ito sa plaza dahil sa takot nang makita ang kakaibang mga ulap.

Biglang umulan ng apoy!

Kahit nakakaunti lang ito, nakakatakot pa rin ito para sa nakararami!

Bawat patak ng ulan ay parang patak ng langis. Mabilis na magliliyab ang langis na agad ring sinusunog ang mga bahay.

Hinila ni Marvin si Lola pababa ng burol. Iniwas niya ito mula sa apoy, na dahilan ng pagkasunog ng mga puno, na nanggagaling mula sa kalangitan!

Kung hindi dahil sa kawalan ng gaanong puno ng Pyroxene Hill, malamang naipit na ang dalawa dahil sa pagkasunog ng mga puno!

Isang malaking anino ang biglang dumating mula sa silangan dala-dala ang mapanirang apoy nito.

Ang Ancient Red Dragon!

'Winasak na niya ang Crystal island!'

Kita ang pagkabahala ni Marvin sa kanyang mukha. Kahindik-hindik na eksena ang paglipad nito gamit ang malalaki at malawak nitong pakpaks!

Halos mahati ang mga alon na tila natatakot rin sa kanyang pagdaan.

"Tsss…"

Isang kakaibang atungal ng dragon ang unti-unting lumalapit. At ang fire cloud na nasa kalangitan ay ang Legend spell ng Ancient Dragon na [Burning Firerain]!

Hindi, hindi ganito kalawak ang sakp ng Burning Firerain. Lalong natakot si Marvin. Malinaw na ilang ulit na mas malakas na Burning Firerain ito!

Mas malakas pa kesa sa kanyang inaakala ang Ancient Red Dragon.

Dapat kahit papaano'y nakatanggap na ito ng pinsala dahil kung tutuusin, makapangyarihan ang Unicorn clan.

Nakuha na nito ang kayamanan ng Crystal Island pero hindi pa rin ito nakukuntento.

Kaya naman pinunterya na nito ang Jewel Bay at ang anim na Pearl Harbor nito, kasama na ang Thousand Sail City!

Halos mabaliw ang mga tao.

Ang bantay sa tower ay pinatunog na ang kampana at ilang pulang bandera na ang itinaas!

Sa buong Feinan, isang bagay lang ang makakapagpataas ng ganitong bandera!

At 'yon ang paglusob ng isang masamang dragon!

Walang tigil ang pagbagsak ng Firerain. Hindi naman makapaniwala si Lola habang pinapanuod ang mga pangyayari. Marahil ang mga pangkaraniwang taong tulad niya ay hindi naisip na posible ang ganito kalaking sakuna!

Nang mga oras na 'yon, may liwanag na lumipad patungo sa kalangitan! Galing ito sa dulo ng Tonado Harbor!

Ikinalat ng liwanag na ito ang pulang ulap na nakapalibot sa Tornado Harbor.

Tumigil ang Firerain sa Tornado Harbor, pero apektado pa rin ang ibang bahagi ng rehiyon!

'Kumilos na ang isang Legend Wizard!'

Walang nagawa si Marvin kundi manuod na lang.

Iba ang Jewel Bay kumpara sa ibang lugar, dahil ito ang headquarters ng South Wizard Alliance sa silangan. Bukod kay Anthony, mayroon pang hindi bababa sa isang Legend Wizard na naninirahan dito!

At siguradong mayroon ring mga Legend na ibang class ang narito. Pero hindi sila kasing husay at galing ng mga Wizard.

At tulad ng inaasahan.

Lumabas na ang mga Legend ng mga Six Pearl Harbor at Thousand Sail City, at ginawa ang lahat ng makakaya nila para pigilan ang Firerain.

Pero nasusunog pa rin ang ibang rehiyon!

Mula sa tuktok ng maliit na burol, kitang-kita na nasusunod ang buong Jewel Bay!

Kumakalat ang kakaibang takot sa paligid.

Mabilis ang paglipad ng Ancient Red Dragon. Ang una niyang pinupunterya, ang Tornado Harbor!

Umabot ang kanyang boses sa buong East Coast, "Matakot…Mga mortal… Ialay niyo sa akin ang inyong kayamanan."

"Kung hindi, dadalhin kayo sa impyerno ng mabagsik na mga apoy na ito!"

Nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na boses mula sa Tornado Harbor!

"Ancient Red Dragon Ell, matagal na kitang hinihintay."

"Punyeta ka, kung nakakalipad lang ako, ako na mismo ang tumawid ng karagatan para hulihin ka!"

Sa sunod na sandali, isang anino ang lumabas mula sa pader ng siyudad ng Tornado Harbor at tumalon nang napakataas. Lumipad ito na tila bala patungo sa Ancient Red Dragon!

Biglang nanlaki ang mata ni Marvin!

'Teka, bakit pamilyar ang boses na 'yon?"