"Spider Cave?!"
Biglang tuminis ang boses ni Lola.
Bilang isang babaeng matapang na mag-isang naglakbay sa katimugan, kakaunting bagay lang ang kanyang kinatatakutan.
Kasama na rito ang mga Fury Spider.
Sa kasamaang palad, hindi siya pinansin ni Marvin at nauna na itong pumasok.
Nagdabog sa galit si Lola, pero wala itong magawa kundi sundan si Marvin.
Nakakagulat na maayos ang hangin sa loob nito, kahit papaano ay may sariwang hangin pa rin.
Malawak naman ang daanan ng lagusang ito. Tila isang tao ang gumawa nito. Pero dahil sa iba't ibang dahilan, inabandona na ito.
Mayroong damo ang lupa sa loob nito na umaabot hanggang sa kaloob-looban ng kweba.
"Pshh." Naglabas ng sulo si Marvin at sinindihan ito. Pagkatapos ay inabot niya ito kay Lola.
"Eh?" Lola was somewhat lost, unsure of what he wanted her to do with the torch.
"Ha?" Hindi maintindihan ni Lola kung bakit inabot ni Marvin sa kanya ang sulo.
Marvin took out his curved daggers, hinting that he needed to wield daggers with both hands.
Inilabas ni Marvin ang kanyang mga curved dagger, nagpapahiwatig na kailangan niyang humawak ng dagger sa magkabilang kamay.
At the same time, he took out a small ordinary dagger and passed it to Lola.
Kasabay nito, naglabas rin siya ng isang maliit at ordinaryong dagger at ibinigay ito kay Lola.
The latter's complexion changed. "Why do I need a weapon?"
Nagbago ang mukha ni Lola. "Bakit kailangan ko ng dagger?"
"Don't tell me I'll have to fight? You know I can't use any fighting skills? I'll definitely not use the dagger!"
"Wag mong sabihing kailangan kong lumaban? Alam mo naman na wala akong fighting skill diba? Hindi ako marunong gumamit ng dagger!"
Lola's last sentence even carried a sobbing tone.
Halos maiyak na si Lola habang sinasabi ang sinasabi ang kanyang huling sinabi.
'This Marvin, this Masked Twin Blades, how could he be like that? How could he be so unreasonable?'
"Ang Marvin na 'to, si Masked Twin Blades, bakit siya ganyan? Hindi siya makatwiran!"
'Aren't I a girl? If you really wanted to fight, why not bring several guards?'
'Hindi ba babae ako? Kung gusto mo talagang lumaban, bakit hindi ka nagdala ng maraming gwardya?'
Tiningnan siya ni Marvin, "Kapag ituturok na ng [Black Spider] ang kamandag nito sa katawan mo, gagamitin mo 'yang dagger."
"Makinig ka, kahit na gawin ko pa ang lahat ng makakaya ko para protektahan ka, hindi natin alam kung kelan tayo aatakihin."
"At kung dumating ang pagkakataon na hindi kita maililigtas…'yang sulo at dagger ang huling pag-asa mo," sabi ni Marvin habang naglalakad patungo sa isang bahagi ng kweba.
Mayroon siyang Darksight kaya hindi na niya kailangan ang sulo, pero sinindihan niya ito dahil sa ilang rason. Una, maitatago nito ang night vision ability niya. Ikalawa, makikita ni Lola ang dadaanan niya. Ikatlo…
Sa ganito kadilim na lugar, kapansin-pansin ang apoy, kahit nasa malayo pa lang ito.
Sensitibong nilalang ang mga gagamba, lalong-lalo na ang mga Black Spider. Ang matakaw na babaeng gagambang ito ay kayang makakita ng apoy mula sa malayo.
Sa katunayan, kung balak mo silang patayin, mas mabuting sila ang palapitin mo sayo at saka patayin.
...
Medyo basa ang hangin sa loob ng lagusan. Mukhang mahinahon si Marvin at nasa kondisyon pa para turuan si Lola ng ilang bagay.
"Tingnan mo 'to, North Grass 'to. Kung susundan moa ng direksyon itinuturo nito, makakapaglakbay ka pa-hilaga."
"May nakakamanghang kwento tungkol sa mga North Grass. Sabi nila kung susundan ng isang naglalakbay ang North Grass hangang sa pinaka-hilagang bahagi ng kasukalan ng Feinan, maabot niya ang [Wizard Ruler] sa kalangitan."
"Gusto mo bang malaman kung bakit mayroong ganitong kwento? Dahil bunubuo ang Wizard Ruler ng 12 bituin. At ang North Grass ay may 12 ring sawteeth."
Gulat na tiningnan ni Lola si Marvin.
Iba't ibang tao na ang nakasalamuha niya mula noong bata pa siya, pero hindi pa niya naririnig ang kwentong ito. Siguro'y isang noble lang ang may ganitong uri ng kaalaman.
Noon pa man ay naiingit na si Lola sa mga dalagang noble. Nakakakain at nakakainom sila nang hindi nila kailangan magrabaho, nakakapagsuot ng magagarang damit, at mayroong kaunting kalayan.
Ang isang mahirap na katulad niya ay hinding-hindi magagawa ang mga ito.
'Sigurado akong maraming noble na babae na ang nakarinig ng kinwento niya sa akin, no?'
'Oo, sigurado ako, dahil mukhang marami na siyang karanasan. Kahit na bata pa siya, sigurado akong marami na siyang dalagang naloko.'
'Pero bakit kaya niya ako dinala sa lagusang ito? Alam ko kung paano kumilos ang mga lalaki… Mali! Kung gusto niya talaga akong pahirapan, ginawa n asana niya doon pa lang sa bodega. Walang interes sa akin ang lalaking 'to!'
'Hm? Parang wala pa akong naririnig na babaeng nagugustuhan ng Overlord ng White River Valley? Hindi kaya lalaki ang gusto niya?'
Habang tuloy-tuloy ang daloy ng mga iniisip ni Lola, biglang tumigil si Marvin.
Isang napaka-itim na anino ang mabilis na gumapang papalapit mula sa isang bahagi ng lagusan!
Isang Black Spider.
Nakita agad ito ni Marvin.
Kahit na mukhang nakikipagkwentuhan lang ito kay Lola, nakatuon talaga ang atensyon niya sa kalabang maaaring lumitaw sa harap nila.
'Ang unang Black Spider?'
Bumulong si Marvin, "Tumabi ka muna, ako na ang bahala."
Nag-aatubiling sumagot si Lola, "Sige."
Umatras siya ng ilang hakbang, itinaas ang kanyang hawak na sulo habang nakatingkayad. Nag-aalala siyang baka hindi makita ni Marvin nang maayos ang kanyang kalaban.
Nang bigla siyang nagtanong:
"Oonga pala, Sir Marvin, anong astrological sign mo?"
Astrological sign?
Nagdilim ang mukha ni Marvin, pero nakarating na sa harap niya ang Black Spider!
…
Ang Black Spider ay naiiba sa iba pang mga gagamba. Hindi ito mahusay sa paghabi ng mga sapot, pero ang inilalabas nitong sutla ay nakakalason.
At ang sutlang ito ay naiiba rin sa ibang mga gagamba, dahil kasing tigas ito ng bakal at napaka talas. Kaya rin nitong butasin ang kahit ano.
Kung nais ng tao na malampasan ang isang Black Spider, kailangan mo itong maunahan sap ag-atake.
Hindi pinansin ni Marvin ang walang kwentang tanong ni Lola, at direkta na nitong sinugod ang Black Spider para unahan ito sa pag-atake!
"Pshhhh!"
Itinaas ng Black Spider ang dalawang paa nito at biglang naglabas ng matigas na sutla.
Nakapaglabas ito ng labing-dalawang mala-karayon na sutla sa isang iglap!
Bawat hibla nito ay kasing talas ng isang palaso!
Pero handa na si Marvin para rito, naiwasan niya ang ilan sa mga ito dahil sa paggulong niya sa lupa. At nakarating naman siya sa ilalim ng tiyan ng gagamba!
Agad namang umatras ang Black Spider, at sinubukan naman nitong gamitin ang bunganga nito para atakihin si Marvin.
Sa kasamaang palad, masyado itong mabagal.
Hindi na mabilang ang napatay na gagamba ni Marvin dati, kaya naman madali na para sa kanya ang pagpatay sa isang gagamba!
Agad namang sinipa ni Marvin ang panga nito gamit ang dalawang paa, bago tuluyang ibangon ang sarili mula sa lupa!
"Shh! Shh!"
Pina-ikot niya ang dalawang dagger niya at nakabuo ng mga blade shadow. Bawat blade shadow ay hinihiwa ang kasukasuhan ng bawat isa sa anim na paang nasa likuran ng gagamba.
"Plak!" Nabali na ang mga paa ng Black Spider kaya naman natumba ito!
Gumulong paharap si Marvin at tumalon ng napakataas.
Burst!
Sa isang iglap, tumalon siya sa ulo ng gagamba, at isinaksak niya ang parehing dagger niya dito!
Isang simpleng pag-ikot!
Sinipa ng magkabilang paa niya ang mga dagger, kaya lalo pa itong bumaon sa ulo ng Black Spider.
Parang napakanatural ng nangyari, walang pag-aalinlangan. Nagawa niya ito gamit ang purong instinct at karanasan sa pakikipaglaban.
Nangisay pa nang bahagya ang Black Spider bago tuluyang namatay.
Nakatanga lang si Lola na nanunuod sa isang tabi.
Sa ilang saglit lang, nagawa nang patayin ni Marvin ang mabangis na gagamba.
Mga 2nd rank na halimaw ang mga Black Spider… Mahihirapang kalabanin ng mga Ordinary class holder ang gagambang ito.
Pero parang napakadali lang nito para kay Marvin.
"Plak! Plak!"
Nilapitan ni Marvin ang bangkay ng gagamba. Binunot niya ang kanyang mga dagger at tiningnan si Lola:
"Sa susunod wag kang magtatanong ng kung ano-ano kapag makikipaglaban na ako ah?"
Kawa-awang lumapit si Lola habang hawak ang sulo at paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Kita ang sinseridad dito at patatawarin na sana siya ni Marvin.
Subalit, matapos humingi ng tawad, saglit lang itong tumigil bago sabihing, "Pero gusto ko talagang malaman ang astrological sign mo!"
Wala nang nasabi si Marvin.
Itinabi na niya ang kanyang mga dagger at ipinagpatuloy ang paglalakad sa dilim.
Paglipas ng oras, biglang may boses na nagsalita:
" [Swimming Fish] ang astrological sign ko."
…
Ipinagpatuloy lang ni Marvin at Lola ang paglalakad sa madilim na lagusan.
.
Hindi naman mahirap para kay Marvin na harapin ang mga Black Spider. Matapos niyang makapatay ng dalawa sa mga ito, hindi na siya nag-alala pa tungkol dito.
Simple lang ang istruktura ng lagusan dahil isang deretso lang ito. Sa kabuoan, mayroong labing-dalawang pugad ng Black Spider, pero tago ang pasukan nito.
Sa pagkakatanda niya, ang Spider Crypt ang isa sa mga unang instance dito sa Shrieking Mountain Range.
Kung gagamit lang ng pangkaraniwang pamamaran, mahirap malampasan ang labing-dalawang Black Spider ng instance na ito. Pero dahil sa husay ni Marvin at isama pa ang kanyan skill na Burst, madali na lang ito.
Basta maingat niyang maiiwasan ang mga sulta ng Black Spider.
Dati, ang hindi maaninag na kilos ng Black Spider ang dahilan kung bakit mahirap harapin ito.
.
Pero dahil sa Darksight ni Marvin, nakikita niya ang bawat galaw nito. Kaya naman naging madali na sa kanya ang mahulaan ang susunod na atake nito.
Sa kanilang paglalakbay, nakapatay si Marvin ng apat sa mga gagambang ito.
Bawat isa sa mga ito ay halos pareho lang sa mga nauna. Noong una, manghang-mangha pa si Lola, pero sa paglipas ng oras, bumaba na ang tingin niya sa mga Black Spider.
Hindi naman sila gaanong nakakatakot. Ilang atake lang ni Sir Marvin ang katapat nila.
Ito ang pumasok sa isip ni Lola, at dahil dito lalo pa siyang naging kampante at mahinahon.
Dahil sa katahimikan sa lagusan, nagsimula na ulit itong dumaldal dahil sa pagkabagot.
"Nabalitaan ko na mahilig ang mga lalaking Swimming Fish na ibuhos ang nararamdaman nila sa mga taong walang interes sa kanila.."
"[Snow Woman] ang astrological sign ko. Base sa alamat ng mga Jiska, bagay na bagay ang mga Swimming Fish at mga Snow Woman."
"Tama, isang Swimming Fish!"
Biglang napatalon si Lola, "Hindi ba malapit na ang kaarawan mo?"
Tiningnan lang siya ng kakaiba ni Marvin at kalaunan ay tumango ito.
Biglang nahati sa tatlo ang daan. Balot ng North Grass ang isa sa mga daan.
Habang madilim at mga durog na bato naman ang nasa kabila.
Walang pag-aalinlangan na sinundan ni Marvin ang daan na mayroong North Grass.
"Hindi ba mali ang dinadaanan mo?" Mabilis na tanong ni Lola.
"Hindi," sagot ni Marvin.
"Papunta nga akon Jewel Bay, pero bago 'yon, kakamustahin ko muna ang isang kaibigan."
Kaibigan?
Naging kakaiba ang reaksyon ng mukha ni Lola.
Sino ba naman ang titira sa ganitong klase ng lugar?
Kaibigan ni Sir Marvin ang taong 'yon?
Sinundan lang ni Lola si Marvin. Paglipas ng sampung minute, nakita nila ang isang malaking kweba.
Sa di kalayuan, may maliit na lawa. Mayroong dalawang maliit na bahay na gawa sa kahoy sa tabi nito.
Dalawang anino ang makikitang tumatalon-talon malapit sa lawa.
Pero ang kakaiba rito, maliit lang ang mga ito. Nasa kalahati lang ng pangkaraniwang tao ang taas nila!
Agad namang lumapit si Marvin.