Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 131 - Unrivalled In the Night!

Chapter 131 - Unrivalled In the Night!

Malalim na ang gabi at higit sa kalahati na ng mga tao sa kampo ang natutulog.

Karamihan sa mga Fighter at walang sariling tent, magkakasama lang ang mga ito sa isang malaking tent. Doon sila sama-samang natutulog.

Sa pinakaloobang bahagi ng kampo, may tent na may ilaw na nakabukas. Dalawang anino ang maaaninag na may ginagawa.

Ang anino na nasa bandang ilalim ay maganda ang hubog ng katawan. Sa ganda ng hubog ay sino mang makakita ng anino sa tent ay mag-iisip ng kung ano-ano.

Apat na tao naman ang nakabantay, tatlo sa mga ito ang nasa labas, habang nakatago naman ang isa pa.

Nag-ikot si Marvin sa kampo para makakuha pa ng karagdagang impormasyon.

Makikita na ang lamang ng ma Night Walker. Sa kagubatan, tuwing gabi, mas malakas pa ang Stealth niya sa pinakamalalakas na Thief!

Wala man lang napansin ang Archer na nagmamasid sa paligid noong nag-ikot si Marvin.

Ito ang kapangyarihan ng blessing ng Night Monarch!

"Lord, tapos na po." Tahimik na lumapit si Amber.

May isa pang Phantom Assassin sa gilid. Nakarating na si Agate pagatapos siyang i-summon ni Marvin.

Mga top class na assassin ang tatlo na nagmamasid sa kampo.

Kung tutuusin, mababa lang ang pagkakataon nilang manalo laban sa napakaraming kalaban na kaparehas nila ng rank.

Pero kampante si Marvin.

"Ako muna ang papasok at papatay sa Archer na 'yon."

"Kapag nakita na ng tatlong bantay na patay na ang Archer, aabutin ng ilang segundo bago sila magkaroon ng reaksyon, 'yon na ang pagkakataon natin!"

"Pagkatapos ko siyang patayin, tig-iisang sentry ang haharapin natin, naiintindihan niyo ba?"

Binulong ni Marvin ang kanyang plano habang nagtatago sa halamanan.

Bilang isang dating Legendary Player, hindi lang sa pag-sosolo magaling si Marvin, pati na rin sa pamumuno at pagbuo ng istratehiya!

Magagaling ang mga Phantom Assassin sa pag-assassinate, pero hindi kasama dito ang harapang laban. Ngunit, mahusay rin sila sa pagtakas.

Ayaw ni Marvin na mawalan ng taga-sunod kaya maingat niyang binuo ang kanyang mga plano.

Paglipas ng limang minuto, sinimulan na nila ang kanila operasyon.

Mayroong talampas sa itaas ng lugar kung nasaan ang kampo. Halos mamatay na sa kabagutan ang Archer na nagbabantay.

Maliwanag ang sinag ng buwan, kaya naman maayos ang kanyang paningin. Muli siyang nagmasid ng kaunti at wala namang nakita kaya muli itong umupo.

Ibinaba na muna niya ang kanyang pana, naglabas ng tabako at sinubukang sindihan ito.

Nang bigla siyang makaramdam ng hangin sa likuran niya!

May tao!

Ito ang kanyang naging unang reaksyon.

Pero ito na rin ang huli.

Tahimik na pumuslit si Marvin sa likuran ng Archer, itinaas ang kanyang dagger, at walang awang pinatay ito!

Direktang pinugutan ni Marvin ng ulo ito!

Ganoon katindi ang Stealth ng isang Night Walker sa gabi.

Walang makakatapat sa kanila. Kait na isang Archer na mataas ang perception, hindi naramdaman na nasa likuran na nito si Marvin.

Bukod na lang kung naging alisto ito!

Pero imposible ito. Lagi't laging mapapagod ang mga tao kaya magpapahinga ang mga ito. Lalo na kapag sa gabi nagbantay ang mga ito.

Nagpagulong-gulong pababa sa gate ng kampo ang ulo ng Archer.

Ikinagulat naman ng taltong Fighter ang narinig na ingay. Tumingin sila sa lapag at nakita ang isang duguang ulo!

"Intr…"

Pare-pareho silang hindi makapagsalita sa kanilang nakita!

Nagsalubong ang mga dagger dahil agad na tumalon si Marvin mula sa talampas pagkatapos niyang patayin ang Archer at sinugod ang Fighter na nasa gitna!

Patay!

"Ang pangalawa…" Bulong ni Marvin.

Kitang-kita ang kabangisan ni Marvin sa kanyang mga mata.

Agad rin namang napatay ang dalawa pang Fighter ng mga Phantom Assassin na kanina pa nag-aabang!

Sa isang iglap, wala nang depensa ang kampo.

Tahimik na sumenyas si Marvin. Naintindihan naman ito ng dalawang Phantom Assassin at agad na nag-Stealth muli.

-Sundin ang plano-

Hindi naalis ang tingin ni Marvin sa tent na nasa gitna ng kampo.

Mula sa kanyang kinatatayuan, naririnig niya ang mahihinang ungol.

Ngumisi si Marvin at lumapit sa tent.

Naririnig niya ang lahat ng nangyayari sa loob!

Tahimik na tinantya ni Marvin ang distansya ng mga anino at ng pader ng tent, saka ito huminga ng malalim.

At bigla nitong inikutan ang tent at pinutol ang ilang taling nagtatayo dito.

Dahil putol na ang mga taling sumusuporta rito, gumuho ang tent.

Maririnig ang tili ng isang babae at ang pagmumura ng isang lalaki.

Bumagsak ang makakapal na pader ng tent at natabunan ang lahat ng nasa loob nito.

Sa kama, nataranta ang lalaki at sinubukang tumayo, habang namaluktot lang ang babae habang patuloy na sumisigaw.

Tahimik na tumawa si Marvin at tumalon, napaunta naman siya sa ibabaw ng kama.

Muling nagliwanag ang Fang sa ilalim ng liwanag ng buwan.

"Pshh."

Kumalat ang dugo sa isang hiwa lang. Ang ulong balit pa rin ng tolda ng tent ay bumagsak sa lupa.

Pinatay rin ni Marvin ang babaeng hindi matigil sa pagsigaw!

'Patay na agad ang pinakamahalagang kalaban, kalahati na ng plano ang nagtagumpay."

Tumayo lang si Marvin at huminga ng malalim.

Nagising ang buong kampo dahil sa nangyari. Natatarantang naglabasan ang mga Elven Fighter mula sa tent kung saan nagsisiksikan nila.

At agad rin lumabas si Tohiroya mula sa kabilang dako kasama ng kanyang dalawang Wasteland Warrior Barbarian.

"Sino ka!" Galit nag alit niyang sigaw.

Hindi siya tiningnan ni Marvin, sa halip, mabilis na tumakbo ito papalabas ng kampo at patungo sa gubat!

Talagang hindi si Toshiroya ang kanyang pinatay.

Ang Sorcerer ang inuna niyang patayin.

Ang pinakamalaking banta kay Marvin sa kampong 'yon ay ang Archer at ang Sorcerer.

Ayon sa impormasyong nakuha ni Amber, malibog ang lalaking ito at gustong mayroong magandang babaeng kasama gabi-gabi. May kinalaman ata ito sa kanyang bloodline.

Kaya naman, hindi si Toshiroya ang pakay ng plano ni Marvin.

Ang una ay patayin ang Archer, at pagkatapos nito, ang Sorcerer na maaaring may crowd control na ability. Para kay Marvin basura na lang ang mga natira. Tila mga baboy lang na naghihintay na katayin ni Marvin.

Kasama na dito si Toshiroya.

'Galit ka? Kung galit ka, habol.'

'Nagsisimula pa lang ang laro natin ngayong gabi…'

Ngumisi lang si Marvin habang lumilingon pabalik. Naglalagablab sag alit si Toshiroya. Sinama niya ang kanyang labing-tatlong tauhan at agad na nagtungo sa gubat!

Sa mga mata ni Toshiroya, isa lang assassin si Marvin. Sa dami nila, basta harapan nila itong makalaban, siguradong mapapatay nila ito!

Pero sa katunayan, hindi ito habulan.

...

Umaalingawngaw sa gubat ang mabibigat na yabag ng paa.

Makikita ang mga sulo habang papasok ang labing-apat na tao, sa pamumuno ni Toshiroya, para mag-hanap. Saka nila hinati sa apat ang kanilang grupo.

Bukod sa kanyang grupo na kasama ang kanyang sarili, ang dalawang barbarian, at dalawang 2nd rank na Fighter, ang iba pang grupo ay may tatlong miyembro lang bawat isa.

Lumaki ang lamang ni Marvin dahil dito.

Maliit na bagay lang ang tatlong tao!

Ang kasalukuyang [Nocturnal] level ni Marvin ay hindi pa tumataas, kung hindi, kaya na sana niyang patayin ang sampung Fighter na may parehong rank sa kanya!

Pero syempre, hindi kasama doon ang mga Guardian. Sa isang dwelo, kailangan pang umasa ni Marvin sa kanyang Armor Strip skill para lang matapatan sila. Mas mahihirapan pa siya kung higit pa sa isa ang Guardian na makakaharap niya.

Buti na lang at walang Guardian sa mga tauhan ni Toshiroya. Mga Fighter lang ang dinala nito mula sa hilaga!

Bukod sa Archer na mayroong Scout na subclass, wala ring mga Thief o mga Ranger.

Marahil masyado siyang umasa sa casting ability ng Sorcerer.

Sa kasamaang palad, patay na ang natatanging dalawang taong makapagsasabi kung nasaan si Marvin.

Habang ang mga naiwang buhay ay pilit na hinahanap si Marvin sa paligid dahil s autos ni Toshiroya.

Sa mga mata ni Marvin, isang tumpok na lang ng mga bangkay ang mga ito.

Handan a siyang pumatay ngayong gabi.

Tatlong Fighter ang naglalakad sa gubat, nakadistansya ang mga ito sa isa't isa.

May hawak na sulo ang isa sa kanila habang may hawak na espada sa kabialng kamay. Pinagmamasdan nitong mabuti ang kanyang kapaligiran.

Habang ang dalawang iba pa ay mahigipit na hawak-hawak ang kanilang mga sandata. Handa ang mga ito sa labang maaaring maganap ano mang oras.

Nilampasan nila ang mga sirang puno. Walang problemang nakalagpas ang nauna. Tumalon naman ang ikalawa para makalagpas nang may biglang nangyari!

Biglang mya lumabas na kamay mula sa sirang puno.

Biglang napasigaw ang Fighter habang mabilis namang hinihila pababa ang kanyang katawan!

Mayroon ding napakakitid na hukay sa ilalim nito.

Hindi na hinntay ni Marvin pang makagalaw ang mga Warrior, agad na ginilitan ni Marvin ang leeg nito gamit ang kanyang dagger!

"Pshh!"

Sumirit ang dugo. Dama ni Marvin ang init ng dugo sa kanyang mukha. Pero hindi pa siya tumigil doon at gumulong patungo sa kabilang dulo ng hukay!

Nagmadali namang lumapit ang dalawang Fighter sa kanilang kasamahan.

Ang hindi nila alam, gumapang na palabas si Marvin sa kabilang dulo ng mga sirang puno.

Sa susunod na sandal, bigla siyang umatake patungo sa mga Fighter!

Hindi na siya nag-abala pang itago ang kanyang mga presensya!

Nagulat ang unang Fighter at agad na lumingon, pero nabitawan nito ang sulo matapos siyang sipain ni Marvin!

Biglang dumilim ang paligid at wala nang makita ang dalawang Fighter!

Walang habas na pagkitil ng buhay ang sumunod na nangyari!

Paglipas ng 30 segundo, nadagdagan pa ng dalawa ang bangkay sa lupa.

At nang makarating si Toshiroya sa pinanggalingan ng ingay, may kaparehong ingay na maririnig mula sa kabilang dako ng gubat!

Bigla siyang namutla!

...

Ipinagpatuloy ni Marvin ang pagpatay gamit ang parehong istratehiya. Mabilis niyang tinapos ang isa pang grupo habang nakakubli sa dilim ng gabi.

Walang magawa ang mga ito sa tuwing nawawala na sa kanila ang kanilang mga sulo. Hindi matapatan ng mga ito ang Darksight ni Marvin!

Hindi bababa sa siyam na tao ang hindi na muling makakalabas mula sa kagubatang ito.

Bumalot ang katahimikan sa buong kagubatan. Walang ibang nadama si Toshiroya kundi takot.

Nang makita niya ang bangkay ng mga ikatlong grupo ng mga Fighter, halos mabaliw na siya!

Base sa kanilang mga nakita, iisa lang ang kalaban nila.

Pero paano nagawa ng iisang tao ang lahat ng ito?

Hindi kaya isa itong 3rd rank o 4th rank na assassin?

Hindi mapigilang matakot ni Toshiroya habang iniisip ito!

"Aalis na tayo rito!" Utos niya.

Nang biglang may isang anino ang dahan-dahang lumitaw sa kanilang harapan.

Nasa isang malawak na espasyo sila na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Halos hindi nila maaninag ang mukha ng kanilang kalaban.

"Ikaw!" Namutla sa takot si Toshiroya.

Pumatak ang dugo mula sa dagger ni Marvin.

Tintingnan nito si Toshiroya at seryosong sinabi, "Sino pa bang inaakala mo?"

Sa labas ng River Shore City, sa isang Wizard Tower.

Nakapaang nakaupo si Madeline sa harap ng isang bolang krystal. Ilang uwak ang lumabas mula sa gubat nang magsimula ang labanan.

'Pinili mo talagang kalabanin mag-isa ang buong kampo.'

'Baron Marvin, gusto kong makita ang tunay mong kakayahan.'

Makikita ang bahagyang pagkasabik sa mga mata ni Madeline.

Sumayaw-sayaw kasabay ng hangin ang kulay lilang buhok nito.

Related Books

Popular novel hashtag