Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 128 - Turmoil in the Territory!

Chapter 128 - Turmoil in the Territory!

Naitumba ng kamao ni Marvin ang lalaking tadtad ng tato. Pinagpag lang ni Marvin ang kanyang pagkatapos na parang walang nangyari.

Nasa kanya pa rin ang kanyang Void Conch kahit na nakulong siya dahil mukha lang itong ordinaryong pendant, at hindi naman nag-inspeksyon ang mga gwardya. Direkta lang nilang ikinulong si Marvin.

Pagpasok nito sa kanyang selda, walang emosyon niya lang sinuot ang kanyang Ghastly Gloves.

Bukod sa mga espesyal na epekto ng mga gwantes na ito, pinoprotektahan din nito ang kanyang kamay at palad na masaktan.

Kung wala ito, malamang ay sasakit din ang kanyang kamao dahil sa lakas nang pagkasuntok niya sa lalaking ito.

Lalo pa't, purong lakas ang ginamit ni Marvin dito at sinamahan pa ng epekto ng Burst!

Ang mga taong nakakulong sa selda ay hindi mga class holder. Ang taonng tadtad ng tato naman ay mukhang may matitigas na braso pero nasa 13 lang ang strength nito. Walang binatbat ang kanilang fighting skill kumpara sa isang adventurer, lalong walang-wala ang mga ito kay Marvin.

Biglaan ang pagsapak ni Marvin kaya mabilis rin itong natumba sa lapag!

Ito ang pinagkaiba ng mga cass holder at ng mga ordinaryong tao!

"Anong didilaan? Hindi ko narinig," yumuko si Marvin at tahimik na nagtanong.

Habang may bahid ito ng dugo sa mukha, galit na sinabi ng lalaking tadtad ng tato na, "Sabi ko dilaan moa ng…"

Inangat nito ang kanyang mga kamay at pilit na inaabot si Marvin!

Pero, nakatutok na kaagad ang isang dagger sa kanyang ulo.

"Subukan mong ulitin at hindi ka na magigising bukas," mahinahong sabi ni Marvin.

"Ayokong gumawa ng maraming ingay, pero hindi ibig sabihin noon, hindi ako papatay sa loob ng seldang ito, maliwanag ba?"

Nilakasan niya ng kaunti ang kanyang boses nang sinabi ito para marinig ng lahat ng nasa selda.

Nanlaki ang mata ng lalaking tadtad ng tato. Hindi siya makapaniwala.

Nanahimik ang lahat dahil sa takot!

Nang makita pa lang nila ang malakas na suntok ni Marvin, natakot na agad sila. Ngayon ay naglabas pa ito ng curved dagger!

Paano nagawa niya 'yon?

Presinto 'to!

Lahat ng nakakulong rito ay dumaan sa inspeksyon, paano siya nakapagpasok ng dagger!?

Kahit na bilanggo ang mga ito, hindi bulag ang mga ito.

Tila ginamitan ang lahat ng Mass Silence spell. Walang nagsasalita, at walang nangangahas na sumubok.

"Ayos." Binagalan ni Marvin ang kanyang tono, " May tanong ako sayo."

"Saan nakakulong ang mga Lynx?"

Makikita ang gulat sa mukha ng mga ito nang marinig ito, pero isa-isa sila umiling, pinapahiwatig na wala silang alam.

Sumimangot si Marvin.

Nang biglang may tila boses lamok na nagsalita, "Ako, alam ko …"

Ang lalaking tadtad ng tato.

May bahid ng dugo pa rin ang mukha nito, nakatutok pa rin sa kanya ang dagger ni Marvin, hindi siya nangahas na gumalaw.

Natatakot siyang baka patayin siya ni Marvin kapag hindi ito natuwa sa sagot nila. Naiintindihan niya rin na kahit na mukhang bata pa ang taong ito, mayroon itong kakayahang tapusin sila.

"Alam ko kung nasaan ang Lynx."

Tiningnan siya ni Marvin at sinabing, "Nasaan?"

Agad naman itong sinabi ng lalaki na nanginginig pa ang boses, "Kunukulong ang ahat ng adventurer sa C block. Malalakas sila kaya kailangan silang bantayang mabuti."

"Nakakulong ang Lynx sa ikatlo hanngang ika-walong selda. Bawat isa sa kanila ay mag-isang nakakulong."

Sinipa ni Marvin ang sikmura ng lalaki, at muli itong ibinagsak sa sahig.

Umungol naman sa sakit ito.

"Sa susunod, wag na wag kayong kukurap," nakakatakot na sabi ni Marvin. "Kapag mayroong kahit kaunting mali sa impormasyong binigay mo sa akin, hindi ka na sisikatan ng araw."

Paulit-ulit na tumango ang lalaking tadtad ng tato, takot na takot na nakaluhod sa harapan ni Marvin.

Nanatili namang tahimik ang iba pang nasa loob ng selda, "Mawalang galang nap o, pero paano niyo naipasok ang dagger niyo?"

Tiningnan lang siya ni Marvin bago tuluyang lumakad papalapit sa pinto ng selda.

Nang biglang may nakakasilaw na liwanag.

Lumitaw ang isa pang dagger sa kamay ni Marvin.

"Madali lang. Tsaka, tatlo ang dala ko," sabi ni Marvin.

Hindi makapaniwalang tiningnan ng mga ito si Marvin.

Ang mga taong may kauntin kaalaman ay agad na naalala ang maalamat na storage item!

Tanging mga adventurer na matataas ang level ang mayroon nito…

Ang mga taong ito'y araw-araw na naghihirap para lang mabuay. Hindi nila inakalang magkakaroon sila ng pagkakataong makakita ng ganitong magic item.

Napakayaman pala ng batang ito na nasa harapan nila.

Hindi pa man sila nakakapagsalit, maririnig na ang ilang kalansing mula sa labas.

May isang bagay na ibinato papasok mula sa labas ng selda.

Pinulotito ni Marvin. Mga susi.

Lumakad ito patungo sa pinto at binuksan ito, lumabas at muli itong sinara.

"Sandala… Pwede mob a kaming palabasin?" Matapang an tanong ng isa sa kanila.

"Kacha!"

Isinara ni Marvin ng maigi ang pinto.

"Pasensya na, pumunta ako dito para pumatay, hindi para magligtas. Kaya kung ayaw niyong mamatay, itikom niyo 'yang bibig niyo."

Habang unti-unting naglaho ang kanyang boses, naglaho na rin ito sa dilim!

Sa loob ng selda, hindi maipinta ang mukha ng mga ito, pero walang ni-isa ang gustong mag-salita!

Nag-iwan nang matinding takot ang lakas ni Marvin. Ang kadalasan ay malulupit at walang awang lalaking tadtad ng tato ay gumugulong-gulong ngayon sa sahig dahil sa sakit.

C block, sa ikawalong selda.

Walang emosyon lang na nakaupo si Verne sa kanyang higaan. Tila mahinahon ang kulungan ngayong gabi. Ang kadalasang bilanggong hirap huminga ay hindi marinig ngayong gabi.

Nararamdaman niyang mayroong magaganap ngayong gabi.

Nang biglang may aninong lumitaw sa harap ng kanyang selda.

"Sinong?" Gulat na tanong ni Verne.

"May kailangan ako sayo." Mahinahong binuksan ni Marvin ang kandado.

"Hindi kita kilala." Napa-atras si Verne at pasigaw na sana para tawagin ang mga gwardya.

Pero masyado siyang mabagal

Mabilsi na binuksan ni Marvin ang pinto at biglang gumamit ng Shadow Step!

Agad siyang nakarating sa harap ni Verne at tinakpan ang bibig nito.

Pipiglas na sana ito nang may malamig na pakiramdam ang gumapang sa kanyang leeg, kaya bigla siyang napatigil sa kanyang pagpiglas!

Mabilis na naitutok ang curved dagger sa kanyang leeg.

"Anong binabalak gawin ni Toshiroya sa White River Valley?" Tahimik na tanong ni Marvin. "Alam mo na ang mangyayari sayo kapag hindi ka nagsalita."

Dahan-dahang tinanggal ni Marvin ang kamay niya sa bibig nito.

"Ikaw…" Gulat na tiningnan ni Verne si Marvin.

Dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana, malinaw nitong nakita ang mukha ni Marvin.

"Ikaw pala talaga ang Masked Twin Blades, kaya pala noong araw na 'yon sa palasyo…"

Bahagyang gumalaw ang curved dagger sa leeg ni Verne at biglang natahimik ito.

"Hindi 'yon ang tinatanong ko." Aburidong sabi ni Marvin, "Alam kong binayaran ka para manabotahe, gusto ko lang malaman kung ano ang binabalak ni Toshiroya!"

"Papatayin mo pa rin naman ako kahit sabihin ko sayo!" bahagyang tumawa si Verne, "Bakit ko sasabihin sayo?"

"Alam kong mas malakas ka pa kesa sa inaakala ko, tsaka isang linggo na akong ginugutom. Wala na kong lakas para lumaban. Patayin mo na ako, hindi ako magsasalita."

"Tsaka isa pa, isusumpa kita, Baron Marvin. Sinusumpa kong hindi matatahimik ang buhay mo, sinusumpa kong mamamatay sa harap moa ng mga mahal mo sa buhay…"

"Pop!"

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw at hindi na makapassalita si Verne dahil sinikmuraan siya ni Marvin!

"Ano bang tingin mo sa sarili mo? Sa tingin mo may epekto sa akin 'yon? Inutil."

Ngumisi si Marvin, "Verne, natutuwa ako sa katapangan mo."

"Pero papakiusapan kitang gamitin moa ng utak mo sap ag-iisip. Dahil nagpunta pa ako mismo sa selda mo, sinisiguro ko sayong pinaghandaan ko 'to. Sigurado rin akong magsasalit ka."

Nang bigla niyang binitawasn si Cat.

Hindi naman makapaniwala si Cat.

Pinakawalan siya ni Marvin. At kampante itong magsasalita siya?

Pero…

"Dling!"" Dling!"

Nagbato ng maliit na batingaw si Marvin kay Verne.

Agad namang nagbago ang reaksyon nito.

"Ito… Anong ginawa mo kay Dylan!"

Napuno ng galit ang mukha ni Verne, at halos mabaliw ito.

"Ang bata pa niya, pero napakaganda ng buhok niya. Siguradong magiging magandang lalaki siya paglaki niya." Walang emosyong dagdag ni Marvin, "Pareho kayo ng mata."

Biglang kinabahan si Verne.

Napa-upo ito sa kama at nabalisa.

Matyagang naghintay si Marvin.

"Wag mong sasaktan si Dylan, nakikiusap ako." Nagmamaka-awang sabi ni Verne. "Sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko."

"Basta wag mong sasaktan si Dylan," inulit pa niya ito ng isa pang beses.

Nagkibit-balikat lang si Marvin. "Sige magsalita ka, nakikinig ako."

….

"Mayroong mapa ng kayamanan si Toshiroya. Nasa White River Valley ang tinuturong lugar nito, sa palasyo mo."

"Nakipagsabwatan sila sa mga Gnoll para sakupin ang White River Valley, pero hindi sumunod sa usapan ang mga Gnoll. Ikinagalit 'to ni Toshiroya pero dahil sa ibang mga bagay, pinagpaliban niya muna 'to."

"Matapos mong mabawi ang teritoryo mo, lalong lumiit ang pagkakataon niya. Mas malakas na ngayon ang mga gwardya ng White River Valley mula noong sumali na sa kanila ang grupo ni Gru."

"Kulang pa sa tauhan si Toshiroya at wala pa siyang sapat na rason para atakihin ang White River Valley. Kaya balak niyang ibahin ang plano niya.

Napakahina ng boses ni Cat, pero bawat salita ay tumatatak sa isipan ni Marvin.

"Anong plano?" Tanong ni Marvin.

"Rebelyon," sagot ni Verne. "Hindi ko masyadong alam ang mga detalye. Binayaran niya lang naman kasi ako para gawin ang siang bagay."

"Binabalak niyang magsimula ng rebelyon sa teritoryo mo. Pagkatapos noon, sa tulong ng tao sa loob, aagawin niya ang palasyo mo."

"Gayunpaman, walang ka-alam-alam ang mga naninirhan dito tungkol sa mangyayari. Kung madidispatya niya ang mga gwardya, mapapadali na ang gagawin niya."

Nagulat si Marvin. "Ibig mong sabihin, may tauhan na si Toshiroya sa garrison ng White River Valley ngayon pa lang?"

"Oo," sagot ni Verne. "Pero di ko alam kung sino."

"Kikilos na siya ano mang oras, kaya kung gusto mo siyang pigilan, kailangan mo nang kumilos."

"Yun lang ang alam ko."

"Basta wag mong sasaktan si Dylan. Bata lang siya."

Tahimik na lumapit si Marvin kay Cat, at "Woosh!", isang hiwa lang ay naputol na ang ulo ni Cat!

Isa na siyang 2nd rank Night Walker, at naidagdag na ang kanyang mga attribute bonus dahil dabi na. At si Verne ay isa lang level 5 class holder, wlaa itong kalaban-laban sa kanya!

"Kailangan panagutan ng lahat ang kasalanan nila."

"Hinding-hindi ako mananakit ng bata para lang makapaghiganti."

Sabi ni Marvin sa bangkay ni Verne.

Ang maliit na batingaw ay ninakaw lang ng Phantom Assassin na si Amber mula kay Dylan.

Bago siya kumilos, kinailangan pag-isipan ni Marvin ang lahat ng gagawin niya. Wala siyang interes sa musmos na bata.

Binuksan na muli ni Marvin ang pinto ng selda.

Isang malabong anino ang lumapit at bumulon, "Handa na po ang lahat, Lord."

Tumango si Marvin.

Kapaki-pakinabang talaga ang pagkakaroon ng Phantom Assassin!

Ang mga susing 'yon ay ninakaw ni Amber saka ibinigay kay Marvin.

Para namansa lima pang miyembro ng Lynx, tahimik na silang nadispatya ni Amber.

Mas malakas ang Stealth ni Amber kumpara kay Marvin, idagdag pa na mayroon rin itong malakas na Hide. Kaya naman madali niyang napasok ang mga selda habang kinailangan pang humanap ng ibang paraan ni Marvin.

Magkaibang bagay ang inasikaso ng dalawa, at maganda naman ang naging resulta nito.

Pero mabuti na lang at alam na nila ang balak ni Toshiroya, at may oras pa silang makabalik.

Handa nang umalis ng Black Water Prison si Marvin.

Nang biglang may liwanag na kumisap-kisap sa kwartong 'yon!

Nabigla si Marvin!

Isang Teleportation Portal!

Hindi, hindi isang Teleportation Portal, isa itong inihandang Teleportation Gate!¹

Sa mga sumunod na sandal, may isang kaakit-akit na babae ang lumabas mula sa Teleportation Gate.

Makikita ang galit sa kanyang mukha. "Pagpatay sa loob ng siyudad ko nang walang pahintulot."

"Baron Marvin, hindi ito gawain ng isang maginoong lalaki."

Pilit na ngumiti si Marvin.

Hindi niya inasaahang mahuhuli siya dahil naging maingat siya.

Malaking Problema 'to!

Ang babaeng ito na lumita sa selda ay ang 4th rank Witch na City Lord ng River Shore City, si Madeline.

"Sumama ka sa akin, Baron Marvin."

Kagulat-gulat na hindi man lang sumigaw si Madeline, bagkus tinitigan lang siya nito.

Hindi naman pinansin nito ang Phantom Assassin na nasa likuran niya.

Sa isang iglap muling bumukas ang Teleportation Gate.

Kinabahan si Marvin at tila may kutob siya sa mangyayari.

Wala siyang nagawa kundi tingnan ang Phantom Assassin habang sinusundan nito si Madeline papasok ng Teleporation Gate.

Sa kabilang dulo ng Teleportation Gate, mayroong isang marangyang kwarto.

Mukhang dito nakatira si Madeline.

Naka-akyat na rin sa pinamataas ng palapag ng Ashes Tower si Marvin. Kahit na parehong Half-Legend si Hathaway at Madeline, magkaiba ang panlasa ng dalawang ito.

Maraming iba't ibang kulay ng sa kwarto ni Hathaway. Maraming Kula yang nagsasalungat.

Habang ang kwarto naman ni Madeline ay tila isang tradisyonal na kwarto ng isang noble. Marangya at magara.

"May nakahandang Teleportation Gate. Mukhang alam niyo nang may gagawin ako labang kay Verne?"

Hindi tanga si Marvin. Hindi naman god si Madeline na bigla na lang nararamdaman na mayroong nagaganap na pagpatay sa selda.

At ang isang Teleportation Gate ay inihahanda bago ito gamitin.

"Siguro."

"Matapos kong umalis sa seklusyon, maraming akong inasikaso. Marami akong nakitang tao. Subalit, ang pinakatumatak sa akin ay ikaw."

"Baron Marvin? O Masked Twin Blades? Pinatay ang sariling tiyuhin. Pati na rin ang Plauge Envoy. Sa mga ipinapamalas mo, mahirap na hindi kita mapansin."

Dahan-dahan lumapit si Madeline sa istante ng alak. "May gusto ka ba?"

"Hindi na, deretsohin mo na lang ako," malalim na sabi ni Marvin.

"Wag kang mag-alala." Biglang itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at agad na lumabas ang isang magic mirror sa harap ni Marvin.

Makikita sa magic screen ang palasyo ng White River Valley.

Nasusunog ang likuran ng palasyo! Mukhang nasusunog ang kamalig!

Nagulat si Marvin sa nakita.

Hindi niya inakalang magkakaroon agad ng kaguluhan sa kanyang teritoryo!

Kumurap si Madeline at sinabing, "Mukhang kailangan mon a ng tulong ko."

____

T/N1: Pinalitan ng Teleportation Door ng Teleportation Portal (Dahil masyadong magkalapit ang gate at door) dahil para itong lagusan kahit saan maaaring lumabas, habang angTeleportation Gate naman ay parang stargate na kailangan iset-up at i-activate.