Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 121 - Asuran Bear

Chapter 121 - Asuran Bear

Asuran Bear!

Isang nilalang ng Astral Plane. Ayon sa mga alamat, nagkaroon ng misteryosong kasunduan ang mga Numan at ang race na ito, kaya naman nakatanggap sila ng kakayahang mag shapeshift sa mga Asuran Bear!

Mayroong pangangatawan ang mga ito na parang sa isang 2nd rank hero!

Higit sa 20 na puntos ang Strength at Constitution nito. Kahit na medyo mababa ang dexterity, nasa 15 na puntos pa rin naman ito.

At ang pinakamahalaga, kahit na iisa lang ang skill nito na [Intimidating Roar], hindi tinatablan ng magic ang katawan nito!

At halos hindi pa nito mapapansin ang karamihan sa mga spell.

Para naman sa mga pisikal na atake, balot ito ng balahibong kasing tigas ng bakal, kaya mahirap makalusot dito. Kahit na mas matibay pa rin ang balat ng mga Gemini, hindi ito kaya ng mga lobong nasa harapan niya.

Ito ang unang uri ng Shapeshift ng Shapeshift Sorcerer!

Ang Beast-Shape.

Bago mag-shapeshift, alam na ni Marvin na magiging isang Asuran Bear siya, kaya hindi na sya nagdalawang-isip na harapin nag mga lobo!

Dahil kahit na nakakatakot ang hukbo ng mga lobo na ito, sa oras na masindak na sila sa Blazing Fury, madali na lang silang madidispatya ng Asuran Bear!

Hindi lang limitado sa Asuran Bear shape ang Beast-Shape ng mga Shapeshift Sorcerer. Habang nag-aadvance ito, mas maraming makakapangyarihang nilalang ang maaari niyang makuha.

Ito ang alas ng mga Shapeshift Sorcerer!

Nanghihinayang lang si Marvin dahil biglaan ang paglitaw nito. Katulad ngayon, ngayon lang nabuhayan ang bahagi ng bloodline niya na ito, kaya ito lang ang kayang gawin ng kanyang Shapshift Sorcerer ability.

Ibig-sabihin, maaari niya lang mapataas hanggang level 5 ang level ng Sorcerer sa pamamagitan ng battle experience. Mula doon, Providence na ang kakailanganin niya para mapataas pa ito.

Sa madaling salita, nakasalalay sa pagkakataon ang pagkabuhay at pag-angat ng Shapeshifter Sorcerer.

Pero kahit na ganito, masaya pa rin si Marvin. Napunan na agad ng kakayahang mag-shapshift sa Asuran Bear ang kakulangan niya sa pakikipaglaban.

Tuloy-tuloy lang ang pag-araro niya sa mga lobo, ang kanyang mga kamay at paa ang pinakmalakas niyang sandata!

"Bang!"

Gamit lang ang kanyang palad, napatalsik na niya ang dalawa pang lobo, umabot sa 10 metro ang layo ng nilipad ng mga ito.

"Boom!"

Napipi ang isa sa mga lobo nang apakan niya ito. Ang pinagsamang durog na katawan nito at ang natutunaw na yelo ay nagmumukhang giniling.

Nakakatakot ang Asuran Bear na 3 metro ang taas, mas matibay pa sa curved dagger ang mga kuko nito, at kasing lakas naman ng mga dagger ang mga kamay at paa nito.

Nagkalat ang mga nagkakagulong lobo, habang si Marvin ay patuloy lang sap ag-abante!

Sobrang sarap ng pakiramdam niya!

Kahit na dambahin siya ng mga lobo, hindi siya magagasgasan.

Pwede lang siyang magpatuloy sa pag-atake na walang ibang inaalala.

Hindi na niya kailangan pa ng plano, istratehiya, o ano pa. Labanan na lang ito ng lakas, kaya naman pakiramdam niya'y wala nang makakatapat pa sa kanya!

"Roaarr!"

Umalingawngaw ang atungal ng Asuran Bear sa buong snow mountain.

Bumulusok paharp si Marvin, malakas ang pagbagsak niya, matapos nito ay gumulong ito sa lupa.

Napipi ang isa sa mga lobo.

Ilang tonelada ang bigat ng isang Asuran Bear na gaya nito!

Para itong tangkeng may buhay!

Sa gitna ng apoy at nyebe, nagimula na ang brutal na pagpatay.

Ang kanina'y mga dominanteng mga lobo, ay isa-isa nang bumabagsak ngayon!

Sa Three Ring Towers, walang masabi ang mga tao.

Ang ilan sa mga taong mahihina ang puso ay hindi na kinayang manuod pa.

Mailalarawan lang ang kumpetisyon ngayon bilang isang kaganapang puno ng sopresa.

Noong inakala ng lahat na wala nang pag-asa si Marvin at Wayne, tumalon si Marvin palabas sa butas at muling ginulat ang lahat!

Ang mga taong kanina'y nag-aalala para kay Marvin ay masaya nang nakatayo ngayon!

"Isa palang Druid si Baron Marvin!"

"Oo nga, napakalaking oso. Parang mga insekto lang ang mga lobo pagdating sa kanya."

"Napakalakas! Sobrang Lakas! Talagang nasapawan ang lakas ng mga Wizard sa labanang ito!"

"Mukhang hindi pa talaga si Celina ang mananalo!"

Buhay na buhay na nag-usap-usap ang mga tao.

Lalo pa silang tumingala para mas makita ng mabuti ang mga nangyayari. Kahit na nangangawit na ang mga ito, ayaw nilang may malampasang detalye.

Dahil sadyang nakakamangha ang kompetisyon ngayong araw.

Napukaw ni Marvin ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang lakas na ipinapamalas.

Namumutla na si Lohart.

'Sabi na, halimaw 'yang Marvin na 'yan!'

Ranger na subclass ay Druid? Hindi siya tanga. Mayroong bang 2nd rank Druid na ganito kalakas sa buong mundo?

Ang Marvin na 'yon ay may lakas ng isang 3rd rank Druid , hindi ba?

Si Kate naman na katabi niya ay kalmado lang.

Noong binigyan ni Ding ng blessing si Marvin, napansin na niya ang nakatagong Shapeshift Sorcerer sa bloodline nito.

At sinabi naman ito ni Ding kay Kate.

Tumaas pa ng kaunti ang tingin ni Kate kay Marvin dahil dito.

Siguro dahil ito sa simpatyang nararamdaman niya para sa isang kapwa Sorcerer na inaalipusta ng mga Wizard.

Pero nakahinga ito ng maluwag nang marinig na akala ng lahat ay isang Druid si Marvin.

Lalo pa't ayaw ng mga Wizard sa mga Sorcerer.

...

"Druid?" Panghahamak na sabi ni Hathaway sa loob ng Ashes Tower, "Kung ganyan kalalakas ang mga Druid, matagal nang pinuksa ang Twin Snakes Cult."

Hindi nakalusot ang misteryosong Shapeshift ni Marvin kay Hathaway.

Naalala niya ang kanyang Seer specialty dahil dito.

Lalo pa't ganoong landas din ang tinatahak niya.

'Mukhang hindi lang nagyayabang ang bata noong sinabi niyang kaya niyang mapanalunan ang Grail.'

'Hindi pa nananalo sa Battle of the Holy Grail ang Ashes Tower. Hindi ba ako magmumukhang kuripot kung hindi ko siya gagantimpalaan ng maayos?"

Kaya naman, sinimulan nang isipin ng Tower Master na ito kung ano ang ibibigay niya kay Marvin kapag nanalo ito.

Unti-unti nang namatay ang apoy sa snow mountain.

Nagkalat na ang mga lobo.

Ang napakalaking katawan ng Asuran Bear ay mapagmataas na lumabas mula sa naglalagablab na apoy.

Pinanuod lang ni Celina ang mga nagagapan, gulat na gulat siya sa nangyayari. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natunghayan!

'Paanong nangyari ito?'

'Paano siya naging ganito kalakas? Isa lang siyang Ranger, paano siya naging isang malaking oso!'

Pero wala na siyang oras mag-isip dahil sumugod na uli si Marvin!

Sandali lang siya pwedeng manatili sa Beast-Shape, kaya kailangan niyang sulitin ang bawat sandali.

Kayang tumayo na parang tao ng mga ASuran Bear kapag nakikipaglaban.

Pero mas mabilis ang takbo nila kapag gamit nila ang kanilang kamay at paa sa pagtakbo!

Tumakbo ito parang isang nababaliwa na elepante!

Nayanig ang lupa, limang metro mula sa kanya.

Mabilis siya nakapanik paakyat sa bundok!

Halos hindi na nagawang ihanda ni Celina ang kanyang sarili.

'Hindi pa ako talo!'

'Mayroon pa akong mga spell!'

Huminga siya ng malalim at iwinasiwas ang kanyang ginintuang magic staff, tinutok niya ito sa papalapit na Marvin.

1st-circle spell – Ice Cage!

May ilang bakod ang nagsimulang mabuo sa paligid ng katawan ng Asuan Bear, pero sinira lang agad ito ni Marvin.

"Snap!"

Nabasag ang iilang bakod na lumitaw sa kanyang paligid.

Control spell ineffective!

Nagngalit ang ngipin ni Celina at mulang gumamit ng spell.

1st-circle spell – Odin's fist!

Sa isang iglap, isang malaking kamao na gawa sa Force Magic ang sumasalubong sa daan ni Marvin.

Tahimik lang na sinalag na Asuran Bear ito gamit ang kanyang ulo!

Natibag ang malaking kamao pagtama ni to kay Marvin at agad na nawala.

Force Spell ineffective!

Makikita ang pagkataranta sa mga mata ni Celina.

Nang biglang umalulong ang Great Winter Wolf, bigla ring lumaki ang katawan nito!

Tumatangkad ito kumpara sa kanina'y maliit nitong katawan!

Biglang sumugod ang Great Winter Wolf kay Marvin nang walang pahintulot mula kay Celina, hindi nito inisip ang panganib.

Ito ang dangal ng isang Great Winter Wolf.

Nabigla ang lahat. Mayroong pag-uugali ng isang hari ang Great Winter Wolf na ito.

Inilabas nito ang kanyang mga pangil at kuko, at sinugod ang Asuran Bear.

Nabuhay ang kaunting pag-asa sa puso ni Celina.

Baka may pag-asa pa akong manalo!

...

Kinakabahang pinanuod ng lahat ang nangyayari. Ilang beses nang nabaliktad ang sitwasyon ngayong araw. Ang pagbabagong anyo ba ng Great Winter Wolf ang kailangan ni Celina para makabawi?

Sa magic screen, makikita ang pagsugod ng Asuran Bear at Great Winter Wolf sa isa't isa.

Isang lobo, isang oso. Magsasgupaan!

Matapos lang ang isang sampal ng oso… Napatay na nito ang lobo.

Tama, isang sampal.

Gulat na gulat ang mga taong nanunod!

Malinaw nilang nakita ang nangyri. Nang magsalubong ang dalawa, tumalong ng mataas ang Great Winter Wolf at sinubukang kagatin ang leeg ni Marvin.

Sa kasamaang palad, itinaas ni Marvin ang kanyang malaking kamay at hinampas ito pababa sa lupa na para bang pumapatay ng langaw.

Sa sobrang lakas ng kamay ng oso, agad na nag-agaw buhay ang lobo!

Hindi pa rin tumigil sap ag-abante si Marvin matapos noon at inapakan pa nito ang naghihingalong lobo.

Makikita ang ligaya niya sa pagkilos niya.

Kahit papaano, pati ang mga nanunuod ay natuwa sa nangyari!

Pero walang ano mang sayang naramdaman ang Great Winter Wolf na sinagasaan lang ni Marvin.

Ndurog at napipi ito!

Nabigla si Celina!

Kinikilala ang Great Winter Wolf bilang hari ng mga hayop. Sa paglipas ng panahon, maaari pa itong maging isang Legend Creaure. Pero bata pa ang Great Winter Wolf na ito.

Anim na buwang gulang pa lang ang kawawang hayop na ito.

Ipinadala ito kay Celina ng Unicorn Clan bilang regalo isang linggo na ang nakakalipas. Pangarap ni Celina na magpalaki ng isang nakakatakot na Magic Beast na katatakutan sa buong Feinan!

Pero napatay ito ni Marvin sa isang sampal lang.

....

Natahimik ang lahat.

Masyado siyang malakas!

Marahil isang napakalakas na Assassin na mayroon kaparehong rang lang ang maaaring makatalo sa Asura Bear!

Mahalaga pa rin ang class advantage.

Hindi tinatablan ang Asuran Bear ng mga spell ni Celina, siguradong talo na siya!

Sa snow mountain.

"Sandali!" Biglang sigaw ni Celina.

Biglang tumigil ang kanina'y rumaragasang si Marvin at sinabing, "Sumusuko ka na ba?"

Huminga ng malalim si Celina, puno ng ambisyon ang kanyang mga mata.

"Hindi, gusto kong gumawa tayo ng kasunduan."

"Sumuko na kayo ng kapatid mo. Hayaan akong makuha ang Grail at manalo."

"Pagkatapos noon, sayong-sayo na ko, gagawin ko ang lahat ng gusto mo."

Matapos nito, inakit niya si Marvin.

Dahan-dahang lumapit si Marvin sa kanyang tabi.

Puno ng pag-asa ang mata ni Celina, "Isang Witch na pagsisilbihan ka, ayaw mo ba nun…?"

Hindi pa siya tapos sa kanyang sinasabi ay bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin.

"Crash!"

Walang awa nitong hinampas si Celina, na agad namang napipi.

Bumulong ito pagkatapos:

"Nahihibang ka na ata…"