Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 118 - Awakening! Hidden Bloodline!

Chapter 118 - Awakening! Hidden Bloodline!

Sa Three Ring Towers, dismayadong nagkatinginan ang mga taong nanunuod!

Hindi nila inakalang magagawa pang baliktarin ng magkapatid ang sitwasyon!

Tanging ang lalaking Gemini ang naiwan sa Snow Demon Lair. Pero nasira na ang Steel Skin nito dahil sa epekto ng Rainbow Jet!

Mukhang nagbago na muli ang sitwasyon.

"Ang kompetisyon ngayon… kulang ang "makapigil hininga" para lang malarawan ang laban na 'to!"

"May nakakita ba kung paano biglang lumitaw ang Teleportation Gate?"

"Hmm? Pero sinadya talagang pumunta ni Baron Marvin at ng kapatid niya doon, hindi ba alam na nila ang tungkol sa Teleportation Gate?"

Hindi nila mapigilang pag-usapan ang mga nagaganap.

Kahit ang mga pinakamalupit na mga kritiko ay walang masasabing masama patungkol sa nangyaring kompetisyon ngayon.

Dahil napakaganda ng palabas nito.

Ang husay na ipinamalas ni Marvin, ang presensya ng Gemini; ang makapigil-hininga at matinding laban ng magkabilang panig, ang biglang paglitaw ng Teleportation Gate, at ang mabilis na pag-iisip ni Wayne…

Hindi pa ito kailanman nangyayari sa mga nakaraang Battle of the Holy Grail.

Sa mga nakaraang kompetisyon, tanging ang palitan lang ng iilang spell ng mga Apprentice Wizard para malaman kung sino ang may mas magandang set up o mas mataas na Magic Power, ang mapapanuod.

Ang mga follower naman ay naroon lang para tulungan ang Wizard na magmukhang malakas.

Pero sa pagkakataong ito, ibang-iba. Nakakamangha pareho si Marvin at ang Gemini!

Nasapawan ng dalawang ito ang tatlong Wizard!

"TIngnan niyo! Kumilos na siya!" sigaw ng isang nanunuod.

Makikita sa magic screen na hindi na nagdalawang-isip si Marvin at agad na sumugod.

"BInalibag mo ko sa lupa at halos mawalan ako ng malay!" galit na sabi ni Marvin.

"Kaya wag mo kong sisisihin kung hindi ako magpapakita ng awa!"

Huminga ng malalim si Marvin at mahusay na umatake. Ang mga dagger ni Marvin ay dumaloy na parang tubig sa ilog.

Sumigaw ang lalaking Gemini at sinubukan pang lumaban!

Pero hindi kasing taas ng dexterity ni Marvin ang dexterity niya. Umasa naman si Marvin sa kanyang mga karanasan at kakayahang mahulaan ang susunod na atake ng kalaban para maiwasan ito. Habang umiilag ay hiniwa ni Marvin ang hita ng lalaking Gemini.

"Klang!"

Maririnig muli ang kalansing ng bakal.

Nag-iwan ng malalim na sugat sa balat ng Gemini ang atakeng ito. Tumagas palabas ag dugo.

Epektibo ang pag-atake ni Marvin.

Napangiti si Marvin.

Yumuko naman ito para maiwasan ang atake ng Gemini, muli niyang ginamit ang burst!

Agad itong humakbang paabante.

Wishful Ropes!

Gamit ang dalawang Wishful Rope, na mas pinahusay ng titolong Rope Master, pumulupot ang mga ito sa kamay at paa ng lalaking Gemini!

Vine Metamorphosis!

Itinabi na muna ni Marvin ang kanyang mga dagger, naging matinik na baging ang dalawang kamay nito, na mahigpit na pumulupot sa Gemini!

"Hini mo ako kaya!" Sigaw ng lalaking Gemini.

Nagsimulang lumobo ang katawan nito. "Bang!""Bang!"

Ang mga baging na kanina'y nakatali sa katawan ng Gemini ay nagsimula nang mapatid.

"Kailangan lang naman kita mapigilan panandalian," seryosong sagot ni Marvin.

Ntigilan ang lalaking Gemini, pero bago pa man ito makapagsalita muli, isang kulay pulang ilaw ang sumilaw sa kanya!

Lava Fireball.

Ginamit ni Wayne ang huling spell niya sa nakakatakot na nilalang na 'to.

Bago pa man tumama ang bola ng apoy, na kayang tunawin ang mga Snow Demon Leader, sa lalaking Gemini, binitawan na ito ni Marvin at gumulong palayo.

"Boom!"

Agad namang nasunog ang balat ng Gemini na lalaki nang tumama ang Lava Fire Ball dito!

"Rrrar!" Malakas na sigaw nito.

Hindi naman siya mamamatay sa isang 1st-cirlce spell.

Pero sirang-sira na ang kanyang balat.

Sinunog ng apoy ang kanyang balat at dugo. Nagpapagulong-gulong ito sa lupa at sinusubukang aulahin ang apoy.

Pero naka-abang na sa kanyang pagtayo ang dagger ni Marvin!

Blade Technique – Rapids!

Nababalot na ng dugo ang Gemini na lalaki, wala na rin ang resistance na dala ng Steel Skin.

Pero mayroon pa rin naman itong battle instinct. Pinansalag niya sa kanyang katawan ang kanyang mga kamay habang sinusubukang tumakas.

"Shing!""Shing!""Shing!"

Sunod-sunod ang pag-atake ni Marvin.

Walang humpay ang pag-atake ni Marvin, mukhang inilalabas nito ang lahat ng galit niya kanina.

Ang pinakamahalagang katangian ng Two-Weapon Fighting ay ang kahusayan at kagalingan ng mga atake nito.

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga daggers sa katawan ng lalaking Gemini. Nabalot na ng dugo ang mga kamay nito dahil sa walang tigil na pagsaksak sa kanya ni Marvin.

Isa ng itong pagpapahirap at hindi pagpatay!

Makikita ang kabangisan sa mukha ni Marvin, habang patuloy nitong inaatake ang kalaban.

Sa loob lang ng ilang segundo, nasa 20 beses na niya itong nahiwa o nasaksak!

Walang magawa ang Gemini kundi indahin ito habang inusubukan pa rin tumakas. Halos nahiwa na ni Marvin ang lahat ng laman sa braso nito.

Pero matibay ang mga buto nito, at kinaya ang mga atake ni Marvin!

Subalit, wala itong magawa kundi umatras lang nang umatras!

Dahil kapag tumalikod siya at tumakbo, mas malaki lang ang bahagi ng katawan niyang mapipinsala ni Marvin. Lalo pa't wala na ang abilidad niyang salagin ang lahat ng ito.

Huminga ng malalim si Marvin at umabante, mas lalo siyang lumalapit sa Gemini na lalaki.

Ika-21 na atake!

Napakaganda at perkpekto ng paggalaw ng Blazing Fury na mabangis sa paghiwa!

Pinansalag lang uli ng Gemini ang kanyang mga duguang braso.

Pero sa pagkakataon ito, sa harap ng maraming tao, nahiwa ni Marvin ang napakatigas na buto nito!

"Snap!""Snap!"

Mga nakakatakot na ingay ang umalingawngaw sa yungib habang nababalot ito ng sigaw ng Gemini.

Nagsama ang strength bonus [Reckless Dual Wieldet] at ang Shaterr effect ng [Blazing Fury]!

Naputol na ang buong braso ng Gemina na lalaki at wala nang nasa pagitan ng katawan nito at ni Marvin.

Bigla itong tumingala na tila nagmamaka-awa.

"Wag na wag niyo ssasaktan ang mga taong malapit sa akin," bulong ni Marvin.

"Kung hindi, walang awa ko kayong papatayin."

Sa sumunod na sandal, gumamit siya ng isang dagger combo, at hiniwa-hiwa ang lalaking Gemina na tila naghihiwa lang ng isang baboy!

Balikat, sikmura, hita, tuhod!

Hiniwa pa niya ang mga ito ng 20 ulit pa!

Matapos ang 20 hiwa, pira-piraso na ang katawan ng Gemini na ito!

Punutulan niya ang mga kamay nito habang buhay pa ito.

Sa isang iglap, ang kaninang Gemina na may walang kapantay na depensa'y naging isang tumpok ng karne na lang!

Sa sobrang kakila-kilabot ng eksena ito, kinilabutan at nanlamig ang mga nanunuod.

Walang maaaninag na reaksyon sa mukha ni Marvin, kaya mas lalong nagmukha siyang marahas at mabangis.

May kaunting dugo rin na tumilamsik sa kanyang mukha. Para siyang isang demon king na naglakad palabas ng Purgatoryo.

Agad namang lumapit si Wayne mula sa likod. Isa lang ang nasabi ni Wayne nang makita ang itsura ng kanyang kapatid:

"Kuya, may dumi ka sa mukha."

Naglabas ito ng panyo at pinunasan ang dugo sa mukha ni Marvin.

Parang ganito rin ang ginagawa ni Marvin noong bata pa si Wayne, pinupunasan nito ang putik sa mukha ng kanyang nakababatang kapatid matapos nitong maglaro/

Ngumiti si Marvin, pero bigla na lang itong nanghina!

'Hindi maganda 'to, nasobrahan na ata ako sa paggamit ng Burst…'

Hindi na ito kinaya ng kanyang katawan at dahan-dahan siyang napahiga sa lapag.

Inalalayan ni Wayne si Marvin, "Kuya, ayos ka lang ba…"

Pero nawalan na ng malay si Marvin.

Ang sobrang paggamit niya ng kanyang lakas ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.

....

Sa isang daan pababa ng snow mountain, biglang natigilan ang isang aninong mabilis ang takbo. Bigla itong napasigaw at tuluyang tumumba sa lupa.

Kahit na malalakas na nilalang ang mga Gemini, may isa silang kahinaan. Sa oras na mamatay ang isa sa kanila, mamamatay rin ang isa pa!

Hindi lang sila nabigyan ng karagdagang oras ng mabilis na pag-iisip at reaksyon ni Wayne, nagkaroon rin sila ng pagkakataon na mapatay ang Gemini!

Namatay na rin ang babaeng Gemini.

Tanging ang magkapatid na lang at ang balisang Celina ang naiwan sa snow mountain

Tahimik lang na nanuod ang lahat sa nangyari. Hindi maitatanggi ang gulat na naramdaman nilang lahat.

Isang Gemini!

Isang Gemini 'yon.

Sino mang taong marunong mag-isip ay alam na hindi nasusukat ng pangkaraniwang mga rank ang ganitong klaseng nilalang

Ang isang level 7 na Gemini ay isang nilalang na maaaring hindi pa rin mapatay kahit ng isang level 10 ordinary class holder.

Masyadong malakas ang depensa ng mga ito, at mabalasik naman ang opensa ng mga ito.

Ito rin ang dahilan kung bakit tinugis sila at pinatay ng South Wizard Alliance.

Sa paglitaw ng isang Gemini sa kompetisyon, maiisip agad ng isang ordinaryong tao na wala silang pag-asang manalo!

Pero nagawa itong patayin ni Marvin at Wayne.

Sa mga huling sandali, ikinagulat ng lahat na nakagamit si Marvin nang higit sa 40 karagdagang mga atake!

Sobrang laking galit ang inilabas nito gamit ang Blade Technique.

Nagdiwang ang lahat nang mamatay ang Gemini!

Bukod sa nakakayamot na si Lohart, lahat ng nanunuod na walang pinapanigan ay natuwa sa ipinakita ng magkapatid.

Kahit na hindi sila ang manalo sa Battle of the Holy Grail ngayon, kakalat sa buong East Coast ang balita tungkol sa husay at galing na ipinamalas ng dalawa.

Ang White River Valley, ang probinsyang ito, ay siguradong makikilala rin!

"Sayang lang at naubos na ni Baron Marvin ang kanyang stamina."

"Oo nga at mukhang nasaktan talaga siya sa pagbalilbag sa kanya ng Gemini."

"Wala namang ginawa si Celina. Siya baa ng mananalo? Hindi naman ata pwede 'yon!"

Masiglang nagdiskusyon ang mga Wizard.

Kahit ang mga noble ay nagreklamo rin.

Gayunpaman, alam na ng lahat kung sino ang mananalo. Nawalan na ng malay si Marvin at si Wayne naman ay hindi na makakalaban kay Celina dahil nagamit na niya ang lahat ng spell niya.

Isa pa, kailangan pa nilang pumanik pabalik sa tuktok ng bundok.

Siguradong kailngan na nilang sumuko.

Ito ang nasa isip ng lahat. Malinaw naman na kung ano ang kalalabasan ng sitwasyon.

"Kuya?" Makikita ang galit sa mata ni Wayne habang pinapanuod nitong nawawalan ng mala yang kanyang kapatid.

Dahan-dahan nitong inihiga si Marvin sa lupa.

'Dapat na ba kong sumuko?' Bgilang pumasok sa isip ni Wayne.

Pero ayaw niyang isipin ito!

Dahil alam niyang kung gising si Marvin, hinding-hindi ito susuko!

'Hindi. Hindi ako pwedeng sumuko!'

Huminga nang malalim si Wayne, pinilit nitong buhatin si Marvin, at ikinagulat ng lahat nang ipasan nito si Marvin sa kanyang likuran.

"Kuya, laging ikaw ang bumubuhat at umaakay sa akin. Ako naman ngayon."

Pinanuod ng lahat na buhatin ni Wayne si Marvin palabas sa yungib. Paisa-isang hakbang.

Mabagal ang pagkilos nito pero kita ang makikita ang determinasyon nito sa bawat hakbang.

Sa labas ng yungib ay ang malawak na snow mountain.

Kung may natitira pa siyang mga spell, madali na lang siyang makaka-akyat dito. Kaso nga lang, wala na. At malapit nang matapos ang Battle of the Holy Grail.

Kung maghihintay lang sila sa loob ng yungib, madidiskwalipika sila dahil sa hindi pagkilos.

Kaya naman, pinasan nito si Marvin at dahan-dahang inakyat muli ang bundok!

Napukaw ang damdamin ng lahat!

Napakadeterminado ng batang ito!

….

Lumipas ang oras habang pinapanuod pa rin ng lahat si Wayne habang pasan-pasan ang kapatid paakyat sa tuktok ng bundok.

Walang sino man ang nabagot. Dama nilang karapat-dapat na respetuhin ang batang ito.

Hindi na siguro tamang tawaging bata si Wayne.

Isa na siyang ganap na lalaki.

Unti-unting lumalakas ang hangin sa malawak na kabundukang ito na nababalot ng nyebe.

Buong lakas pa ring inaakyat ni Wayne ang bunok, nang biglang nagkamali siya ng hakbang. Agad siyang natumba dahil dito.

May butas sa daan!

Sabay na nahulog dito ang magkapatid!

Sakit, lamig.

'Yon lang ang naramdaman ni Marvin.

Sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata pero tanging kadiliman lang ang nakita niya.

Nang biglang may log na lumabas sa kanyang harap:

[Your hidden bloodline is awakening (Passive Trigger Luck +1)!]

[You gained your first subclass…]

Related Books

Popular novel hashtag