Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 100 - Exiled

Chapter 100 - Exiled

"Ikaw?"

Nakatingin si Ollie sa isang elf na lumabas mula sa gilid.

Tiningnan din ito ni Marvin at nagulat… Kilala niya rin ang lalaking ito!

Isa itong balbas saradong elf na madumi ang damit, may dala itong pudpod mapurol na espada.

Gwapo ito pero, pero ang damit, sapatos, at ibang kagamitan nito ay mukhang hindi pa nalalabhan ng mahabang panahon.

Lumabas ito mula sa mga sirang bahay nang napakahinahon, ang ngiti nito'y nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa mga tao.

Pero tiningnan siya ng mga elf na para bang isang kalaban!

"Kamahalang Ivan! Hindi po kayo dapat pumupunta sa rehiyong 'to!"

Nang marinig ang pang-aasar na 'to, namula ang mukha ni Ollie saka ito naging seryoso muli. "Dapat naghihintay na lang ho kayo sa teritoryo ng mga Stone Giant. Hindi kayo dapat gumagala sa Thousand Leaves Forest!"

"Hindi mo kailangan ipaalala sa akin na naka-exile ako sa lugar na 'yon." Sagot ng elf na nagngangalang Ivan.

"Nakalagay 'yon sa tile na nasa baywang ko…"

Tiningnan ito ni Marvin. Ito nga talaga ang maverick na inilalarawan sa mga alamat. Ang tile sa baywang nito ay markado ng mga salitang elven na:

Exiled Ivan.

Isa itong espesyal na Exiled. Tinititigan ito ng lahat ng mga gwardya. Isa siyang malaking sakit sa ulo!

Dahil siya ang kaisa-isang anak ng Great Elven King na si Nicholas!

Sa madaling salita, siya ang Elven Prince.

30 taon na ang nakakalipa, in-exile si Ivan dahil ginalit nito ang Great Elven King. Magmula noon ay naghihintay na ito sa teritoryo ng mga Stone Giant na malapit lang sa Thousand Leaves Forest, at nakikipagtaguan ito sa mga tahimik na batong 'yon.

Pero hindi pa nakuntento sa pagmamay-ari ng lugar na 'yon. Madalas itong pumasok sa Thousadn Leaves Forest ng palihim. Walang nakaka-alam kung ano ang binabalak niya.

Nagtatakang tiningnan ni Marvin si Ivan. Napakalakas siguro ng taong ito dahil hindi niya naramdaman ang pagdating nito.

Ayon sa mga kwento, isang interesanteng elf daw itong si Ivan. Pero sa laro, isang screenshot lang nito ang kanyang nakita. Dahil walang nakaka-alam kung kailang lilitaw si Ivan. Kaunti lang ang nagkakaroon ng pagkakataong kaibiganin ang Exiled Elven Prince na ito.

Iba-iba naman ang opinion patungkol sa dahilan ng kanyang pagka-exile. Pero ang malinaw lang sa lahat, hinding-hindi babawiin ng Great Elven King na si Nicholas ang kanyang desisyon.

"Sabi nila, ayaw kang makaharap ng sino mang Elven Iron Guard sa Thousand Leaves Forest."

"Pero dahil sa pagmamahal ng mga elf sa ama mo, wala silang magagawa kundi samahan ka pabalik sa teritoryo ng mga Stone Giant."

"Bilang dati mong nobya, ako ang pinakangnahihiya," mahinahong sabi ni Ollie, habang kagat ang kanyang mga labi.

"Kailan ka ba magtatanda? Kamahalang Ivan?"

"Bakit ba para kang bata kung umasta? Nangugulo ka habang ginagawa ko ang misyon ko?"

Piniling manatiling tahimik ng ibang elven guard. Kahit na napakalaki ng Thousand Leaves Forest, kakaunti lang ang mga elf. Alam ng lahat ang bawat balita o tsismis.

Nakatakda sanang ipakasal dati sina Ivan at Ollie, at mismong ang Great Elven King ang saksi sa kasal na ito. Pero matapos noon, dahil sa isang hindi maintindihang misteryo, hindi na natuloy ang kanilang pagpapakasal. At biglang kumalat ang pagka-exile ni Ivan pagtapos nito.

Walang nangahas na sumabat sa usapan ng dalawa.

Nang marinig 'to, naging seryoso si Ivan. "Siguro kailangan nating ibahin ang pagtingin sa problema."

"Hindi ko gustong abalahin ang misyon mo. Sa katunayan, kung hindi dahil sa Outlaw of the Crimson Road na mayroong dalang knowledge compass sa loob ng teritoryo ko, nasa teritoryo lang ako ng mga Stone Giant at nakahilata!"

"Napili ang bayan na 'to bilang advancement ground ng mga Outlaw of the Crimson Road, hindi mo ba pansin?"

Mga Outlaw of the Crimson Road?

Biglang nagbago ang mukha ni Ollie nang marinig ang pangalang ito!

Pero ang tingnan si Marvin pa rin ang naging unang reaksyon nito…

"Tanga!" Hindi mapigilan ni Ivan ang sarili, "Isang level 6 ang batang 'to, wala siyang kinalaman sa mga Outlaw of the Crimson Road."

Ang batang 'to…

Napakibot ang dulo ng nguso ni Marvin. Tinawag ba talaga siyang bata nito?

Kahit na bata pa talaga siya, kakaiba talaga ang pakiramdam niya kaapg tinatawag siyang ganito.

"Pero isang level 6 na nakapatay ng isang taong mag-a-advance sa Outlaw of the Crimson Road, napakagaling mo." Manghang-manghang tiningnan ni Ivan si Marvin.

"Ranger? Kakaibang 2nd rank class… Hindi ko masabi kung ano talaga eh…"

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Marvin at agad na inilabas ang kanyang pass kasama ng kanyang dark weary bird na badge.

"Isa kong Night Walker."

Biglang napagtanto ito ni Ivan. Nabigla rin si Olli at agad na humingi ng tawad kay Marvin. "Pasensya na! Napagbintangan ka naming…"

Sa utos nito, ibinaba ng ibang Elven Iron Guard ang kanilang mga pana.

Noon pa man ay malapit na ang mga elf sa mga Nigth Walker, isa itong bagay na alam ng lahat. Bukod pa rito, dahil level 6 si Marvin, kayang-kaya niyang patayin ang mga ito.

"Pinatay mo talaga ang gumawa nito?" Saka lang napansin ni Ollie ang bangkay sa likod ni Marvin. Ang nasusunog pang bangkay ni Black Jack.

Tumango si Marvin.

Agad naman itong lumapit sa kahoy na poste at binunot mula sa katawan ni Black Jack ang Kingfisher Jade dagger.

Hindi siya tatablan ng apoy ang [Ghastly Gloves] kaya hindi natakot mapaso si Marvin.

Huminga ng malalim si Ollie at tinginan ang mga inosenteng elf na namatay. Kitang-kita ang awa sa mukha nito.

"Kung ganoon, ililibing na muna naming ang mga namatay…"

Pero muli siyang binalikan ni Ivan at sinabing, "Hindi ka ba nag-iisip?"

"Hindi gumagalaw ng mag-isa ang mga Outlaw of the Crimson Road! Kita naman na pa-advance pa lang ang taong 'to, kailangan pa niya ng gagabay sa kanya. At ang mentor na 'yon ang nagdala sa akin sa Thousand Leaves Forest!"

"Masyadong delikado ang sitwasyon… Di bale na. Kahit na ipaliwanag ko sayo ang lahat, hindi mo rin naman maiintindihan. Kailangan mo lang malaman na ang isang tuna na Outlaw of the Crimson Road ay maaaring may lakas ng isang Half-Legend. Nagawa niyang itago ang sarili niya sa perception ng tatay ko gamit ang isang item para makapasok sa Thousand Leaves Forest."

"Wag mong babanggtin ang mga ordinaryong elf, kahit na makaharap ng mga Elven Iron Guard ang taong 'to, nasa panganib pa rin ang buhay nila."

"Naiintindihan mo ba?"

Saka lumapit si Ivan kay Marvin at tinanong, "Noong dumating ka, may nakita ka pa bang ibang tao?"

Sinubukang alalahanin ni Marvin pero umiling ito.

Noong nagmadali siyang bumalik rito, si Black Jack lang ang napansin niya. Wala siyang gaanong alam tungkol sa mga Outlaw of the Crimson Road, wala rin siyang alam tungkol sa mentor nito.

"Naiintindihan ko!" Kahit na paulit-ulit na siyang napapahiya ni Ivan, mahaba ang pasensya nito at nanatiling mahinahon.

"Kailangan 'tong malaman ng Great Elven King."

Kaya nagdesisyon si Ollie na magpadala ng apat na elf papunta sa elven capital para ibalita kay Nicholas na may nakapasok na Outlaw of the Crimson Road.

Pagtapos nito, nag-iwan siya ng dalawa elf para samahan ang Elven Prince na si Ivan pabalik sa teritoryo ng mga Stone Giant. Lalo pa't Exiled ang taong ito.

Ang iba naman ay sasamahan siyang mag-ikot-ikot sa lugar.

Nang marinig ang plano ni Ollie, kita sa mukha ni Ivan na tila alam niyang ganito ang gagawin ni Ollie.

Pero biglang sabi ni Marvin, "Sandali lang!"

Inilabas niya ang batang elf na itinago niya kanina.

"Ang batang 'to lang ang naiwang buhay, paano niyo siya balak alagaan?" Tanong ni Marvin.

Halos namanhid na ang batang elf. Kita ang takot sa mga mata nito habang tinitingnan ang lahat.

Ilang oras lang ang nakalipas, punong-puno ng kaalaman at saya ang mga matang 'yon habang tinitingnan si Marvin at sinasabing gusto niyang makita ang mundo.

At ngayon, puno na ng sakit at takot ang tingin nito.

Hindi pa man niya nasasaksihan ng buo ang kagandahan ng mundo, sinunggaban na agad siya ng pangit at masaklap na katotohanan nito.

Naaawa si Marvin sa naranasan ng bata.

Pero wala siyang karapatang magdesisyon sa kung anong mangyayari sa bata. Lalo pa at isang elf ito.

Naaawang tiningnan ni Ollie ang bata at sinabing, "Papapuntahin naming siya sa elven capital. Iingatan naming siya at hahanapan ng bagong matitirhan."

Elven capital?

Gustong umiling ni Marvin.

Ang ganitong pangkaraniwang batang saksi sa isang madugong pangyayari, mahahanap ba nito sa elven capital ang bagong buhay na kailangan nito? Nag-aalinlangan si Marvin.

Pero nakapagdesisyon na si Ollie kaya walang karapatan si Marvin na hadlangan ito.

Kaya naman pumunta ito sa tabi ng bata at iniabot ang Kingfisher Jade dito.

Binalot niya ito gamit ang isang pirasong tela.

"Ito ang ginamit kong dagger para ipaghiganti kayo at ng bayan na 'to."

"Dumanak sa dagger na 'to ang dugo ng kaaway niyo. Regalo ko sayo 'to."

Kinindayan nito ang bata.

Walang reaksyon itong tinanggap ng bata, pero maingat pa rin nitong itinabi ito. Nakalimutan niyang pasalamatan si Marvin.

Napabuntong hininga na lang si Marvin habang pinapanuod ang likod ng mga Elven Iron Guard na sinama na ang bata.

Hindi sumama ang loob nito sa pamimigay ng Kingfisher Jade na dagger. Kung tutuusin, marami pa siyang sandata natitira. Napabuntong hininga ito dahil sa magiging kapalaran ng bata.

'Umaasa akong makakita siya ng pag-asa kapag nilalamon na siya ng lungkot."

Hindi ang dagger ang pinakamahalagang ibinigay ni Marvin, kundi ang telang bumabalot dito.

Isa itong mapa ng Thousand Leaves Forest at kapaligiran nito.

Kaunting elf lang ang nakaka-alis ng Thousadn Leaves Forest dahil hindi ito pinahihintulutan ng Great Elven King.

Pero may kutob si Marvin na mangingibabaw sa nakakarami ang batang ito.

 

 

 

Related Books

Popular novel hashtag