"Ang kakayahang magpakita ng ilusyon ng isang grupo ay madalang, pero hindi bago…" Mabagal na sabi ni Agatha. "Noong ako ay nasa Union, mayroon akong dalawang kilalang may parehong kakayahan, isa sa kanila ay Senior Witch mula sa Starfall City."
"Ilang beses mo nagagamit ang kapangyarihang ito sa isang araw?" tanong ni Wendy. "Nakokontrol mo ba ang time period na naipapakita mo?" Ayon sa karaniwang ginagawa mga Kamahalan, mayroon dapat comprehensive na pagsubok ng kanyang kakayahan upang maintindihan ang mga katangian nito, ang efficacy at gamit.
"Dalawa hanggang tatlong beses," bulong ni Summer. "at ano ang ibig mong sabihin sa time period? Tinatanong ml ba kung gaano kasaluyan ang mga ipinapamita ko?" Nang nakita si Wendy na tumango, kinamot ni Summer ang kanyang ulo dahil sa hiya. "Hindi ko pa ito sinubukan, ngunit sa tingin ko ang mas naunang mga bagay ay nangangailangan ng mas maraming effort."