"Talaga?" Tanong ni Summer.
"Syempre." Ngumiti si Wendy. "Nananatili kami sa kastilyo dahil wala kaming mapuputahan… bago kami pinasok ng Kamahalan, kami ay namuhay nang malungkot. Ang mga pamilya namin ay sira o tinuturing kaming mga estranghero. Maswerte kang mayroong pamilya." Huminto siya. "Pumasok tayo, malakas ang hangin dito."
"...OK." Yumuko ang bata at sinundan si Wendy sa kastilyo.
"Ito ang bagong awakened na witch?" Naghihintay si Scroll sa pintuan. "Ano ang pangalan niya?"
"Summer," Sagot ni Weny at tumingin sa gwardya. "Maaari mo ba akong tulungang sabihan si Lady Agatha na bumalik sa kastilyo? Sabihin mo na mayroong bagong witch. Malamang ay nasa chemical lab siya malapit sa ilog ngayon."
"Karangalan kong maglingkod sa iyo, Lady Wendy." Yumuko ang gwardya bago lumabas.
"Oo, nang wala si Nightingale at Sylvie, si Agatha lamang ang may kayang alamin ang magic power." Tumango si Scroll. "Ano ang kakayahan niya?"