"Bakit magsisindi ang glass ball? "Hindi ito gumana pagkatapos, kahit ilang beses kong lagyan ng kapangyarihan…" Hindi niya napigilang sabihin lahat pagkabukas ng pinto.
"Ganoon... kabilis?" Medyo nagulat ang prinsipe. Ibinaba niya ang panulat, kinuha ang maliit na bagay mula kay Mystery Moon at sinabi, "Akala ko ay tatagal ito ng dalawa hanggang tatlong araw."
Yumuko si Mystery Moon, ipinatong ang baba sa lamesa, at tinanong, "Ano iyang umiilaw?"
"Iyan ay electric light." ngumiti ang Prinsipe at sinabi, "Ikaw ay naglabas ng kidlat mula sa langit."
"Kidlat?" Hindi niya napigilabg ulitin ang salita nang mahina, at umiling. "Ngunit hindi iyo kulay pula o kahel, at patuloy na nagliliwanag-ang kidlat ay mabilis lang."
"Ang kidlat ay sinindihan ang filament, kaya ito nagliliwanag." Inikot ng prinsipe ang bola at tinanggal ito, at sinabi, "Ayos lang na hindi mo naiintindihan. Ipapakita ko sa iyo ang tunay na electric light."