Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 1122 - Patungo sa Karagatan

Chapter 1122 - Patungo sa Karagatan

Kapag iniwan ang tuwalya sa labas sa loob ng isang araw ay talagang maninigas. Bago niya ulit ito gamitin, ang kailangan niya lang gawin ay pigain at pagpagin ito ng ilang beses, at tanggalin ang mga natirang yelo. Siyempre, maaari rin niyang panatiliin ang init sa kanyang bahay at gamitin ang kanyang magic power upang pawiin ang kahalumigmigan sa tuwalya, ngunit mababawasan nito ang kanyang pang-araw-araw na kasanayan.

Alam ni Paper na ang kapasidad ng kanyang katawan sa magic power ay isa sa pinaka mahina sa lahat ng mga witch, kaya kailangan niya itong gamitin ng tama.

Matapos siyang maglinis, may isang taong kumatok sa pintuan. Halos araw-araw sa oras na ito, ang nakatatandang kapatid na si Wendy ay sasamahan siya sa kastilyo upang kumain ng masarap na almusal.

"Papunta na!"

Masayang binuksan ni Paper ang pintuan. Totoong si Wendy ang nakatayo sa labas—siya ay yumakap kay Paper at hinalikan ang kanyang mga pisngi. "Magaling, nilinis mo na."

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS