Nasiyahan si Roland simula ng dumating sa Border Town ang limang witch na galing sa Sleeping Island. Ininum niya ang kalahating baso ng white liquor upang pwersahin ang sarili niya na antukin habang nakahiga sa kama at gising na gising matapos ang hapunan.
Gising na si Roland nang magsimulang mag-ingay ang mga cicada sa courtyard. Masigla siyang bumangon sa kama at naligo bago pumunta sa opisina. Ang kalangitan ay malapit nang lumiwanag at ang unang sikat ng liwayway ay pantay-pantay na dumadaloy sa silid mula sa French window.
Tumingin si Roland sa paligid at hindi nakita si Nightingale na kadalasan ay nakaupo lamang sa upuan kapag siya ay pumapasok sa silid. Matapos umupo sa tabi ng lamesa ay hindi niya mapigilang ngumiti at inalabas niya ang isang notebook mula sa drawer upang mag simulang gumawa ng plano para sa susunod na witch training program.