Hinatid ng matipunong bartender si Theo sa isang maliit na silid sa itaas na palapag at sinabi sa mga tagapaglingkod na magpatuloy sa paglilinis bago niya isinara ang pinto.
Ang silid ay nakalaan para sa mga parokyano na may partikular na pangangailangan. Dahil nagkakahalaga lamang ito ng 25 bronze royals kada gabi,magulo ang silid. Ang kumot sa maliit at lumang kama ay hindi nilabahan o nabilad ng matagal na panahon. Ang basag na lamesa na gawa sa kahoy ay mukhang mamantika at marumi. Putol ang isang sulok ng mesa, at ang mga basag nito ay puno ng itim na stuffings. Gayunpaman, si Theo ay basta nalang humiga sa kama, hinihintay ang bartender na basagin ang katahimikan.
"Matagal na panahon na rin ang lumipas." Ang malaking lalaki ay ngumiti. "Bakit hindi ka dumaan dito simula ng kunin ni Lord Nagi ang inyong lugar? Hindi naman masakit na pumunta dito para uminom kahit na wala ka ng kasalanan sa mga nangyari."