Hindi makapaniwala si Roland sa kanyang naririnig.
"Sinabi mo na nakita mo ang isang malawak na disyerto sa kanta ni Echo at bumalik ka ng may isang butil ng buhangin?" Tanong ni Roland. Mabilis siyang nag-isip.
Ito ba ay isang guni-guni lamang? Kung gayon, paano niya maipaliwanag ang maliit na butil na ito?
"Hindi ko ito kinuha, Kamahalan," Iniligay ng maayo ni Iron Axe ang butil ng buhangin sa mesa, "Sa panahong iyon, hindi ako nakagalaw aking kinatatayuan at hindi ko naisip na suriin kung ito ba ay totoo. Bigla lang itong lumitaw sa aking kamay. Siguro ito ay tinatangay ng hangin?"
Ito ay nagiging mas at mas hindi kapani-paniwala. Sandalijng nag-isip si Roland at nagtanong, "Siya ba ay kumanta lamang ng isang awit?"