Nagulat si Roland. "May problema ba?"
Matapos mag-atubili, sinabi ni Phyllis, "Ganito… Narinig namin na sa loob noong nakaraang taon, isang witch lang ang nakaransan ng awekining dito. Tama ba 'yon?"
Nilabas ni Roland ang listahan ng mga pangalan na ginawa ni Wendy sa kanyang drawer. Madali niya lang matitingnan ang bawat Day of Awakening ng Day of Adulthood ng mga witch, hinanda ito kung sakaling malimutan niya ang mga importanteng petsa.
Matapos suriin ang listahan, tumango siya at sinabi, Oo, dalawang witch ang sumali sa Witch Union noong nakaraang taon sa panahon ng Months of Demons. Si Paper ang isa, na nakaranas ng awakening tatlong taon na ang nakakaraan, at ang isa ay si Summer, na nakaranas ng awakening noong nakaraang taon sa kanyang Day of Adulthood."
Nagsalubong ang kilay ni Phyllis at sinabi, "Hindi tama 'yon, Kamahalan. Ilang tao ang meron ang Neverwinter noong nakaraang taon? 20,000 o 30,000?