Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 844 - Sabay-sabay na Pagdating ng mga Mensahe

Chapter 844 - Sabay-sabay na Pagdating ng mga Mensahe

Nabigla si Ferlin Eltek na makitang maayos umakyat ang mga sundalo ng Unang Hukbo sa pader.

Kilala bilang star knight ng Western Region, pamilyar na sa kanya nag pagsasanay ng mga kabalyero, at alam kung gaano kahirap siguruhin ang ayos ng mga tao habang nagmamartsa. Kung para sa mga kabalyero o mersenaryo, kapag nasa ilalim sila ng saklaw ng Panginoon, ang kanilang numero sa bawat hilera ay hindi hihigit sa lima, sapagkat kung ang pahalang na linya ay naging masyadong mahaba, madali itong magugulo, na masakit tignan para sa mga madla na nakaupo sa malayo.

Sa pangkalahatan, ang hirap sa pagpapanatili ng ayos ay tumaas dahil bilang ng mga sundalo. Ngunit sa pangkat na ito, ang bilang ng mga sundalo ay higit sa 100, na may higit sa 10 mga sundalo sa bawat haligi at hilera, at lahat ng mga ito ay naka uniporme ng parehong kulay na may maliwanag na laso na nakapahilis sa kanilang mga dibdib, para silang gumagalaw na parisukat.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS