...
Lumabas si Roland mula sa cabinet nang tumigil ang gunboat. Nabighani siya sa kanyang nakita.
Nakapalibot ang mala-arkong mga mountain rocks mula sa magkabilang gilid ng bayan na parang dalawang malaking braso. Tumatagos ang sinag ng araw sa siwang na kasing lawak lang ng isang daliri, na nagdudulot ng mga mala-gintong kinang.
May tumutubong napakaraming baging sa ibaba ng mga bato, na mukhang berdeng buhok. May mga makakapal pa na baging na abot hanggang sahig na umaakit sa mga tao para umakyat.
Nang masala na ang sinag ng araw sa makakapal na sanga at kumalat para maging maliit na kinang sa sapa, pakiramdam ni Roland na para siyang nasa isang hindi pa natutuklasang kagubatan. Gayunpaman, hindi ganap na hindi nalinang ang lugar. May mga nakatayong iba't-ibang gusali na gawa ng tao sa kahabaan ng Soundless River.