Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 605 - Palitan ng Pangako

Chapter 605 - Palitan ng Pangako

Ang sumunod ay mahabang katahimikan.

Ang mga mata ni Anna ay hindi payapa gaya ng inaasahan ni Roland. Habang tahimik silang nag tinginan, nakita niya ang mga pahiwatig sa kanyang mga mata. Ito ay binubuo ng pagkabalisa, takot, ngunit higit sa lahat, paninindigan. Ito ang dahilan kung bakit ang kanyang ekspresyon ay laging matigas kung tignan.

Habang tahimik na lumilipas ang oras, mas tumindi ang kanilang mga nararamdaman.

Sa wakas ay naisip ni Roland na hindi niya mababago ang isip ni Anna.

Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Sige, pero kailangan mong sumang-ayon sa isang kahilingan."

"Ano 'yon?"

"Hindi ka kailanman pupunta sa frontline. Sa dulo ka laman palagi."

"Pangako."

"Kung may mangyari man sa battlefield…" Binasa ni Roland ang kanyang labi. "Ibig sabihin ko, kung sakali, ako…"

"Kung mangyayari nga talaga iyon, agad akong aalis ng Northern Region," Sinabi ni Anna nang walang alinlangan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS