Ang mga taon ng karanasan ng pakikipaglaban ni Nightingale ay agad gumana, at agad na tumugon ang kanyang katawan bago pa siya makapag-isip.
Kaagad siyang umatras, at ang silver light ay dumaplis sa kanyang pisngi. Kahit na sa Mist, naramdaman niya ang napakalawak na kapangyarihan ng liwanag—pambihira at matinding init. Pagkatapos iwasan ang biglaang pag-atake, si Nightingale gumulong at inilayo ang sarili mula sa kanyang kalaban.
"Ano… anong nangyayari, Lady Saint?" nagtanong si Rosad.
"Parang may isang nahimasok." Dinilaan ni witch ang kanyang mga labi. "Maghanap ka ng taguan at protektahan mo ang iyong sarili."
"Ibig sabihin mo ba… may isang witch dito?! Biglang nag iba ang ekspresyon ng pari. "Tatawagin ko ang mga Judgement Warrior!"
"Hindi na kailangan, matagal na akong hindi nakahuli ng isang witch. Bakit ko hahayaang makuha ng iba ang pagkakataon na ito? Diyan ka lang at panoorin mo ako."