...
Nang walang liwanag mula sa kandila o pagkaluskos ng apoy, ang silid ay mainit at maaliwalas dahil sa heater na walang kahit isang tao ang nakaramdan ng lamig kahit nakasuot lamang ng manipis na damit. Lumiwanag ang silid dahil sa Stone of Light sa kama— ang matatag at banayad na kulay dilaw na light stone sa sapin ng higaan at karpet,ay nagbigay ng nakapapanabik na pangyayari.
Habang nakaupo sa gilid ng kama at nakikinig sa huni ng mga caliduct, akala ni Roland na ito ay isang panaginip. Ito ay tila wala siya sa baliktad na monarkiya o modernong lipunan na puno ng mga elektronikong produkto, sa halip sa isang lugar sa pagitan ng ... kanyang pagkabata.
Ang kanyang alaala sa pagkabata ay halos magkapareho sa tanawin sa harapan niya—lahat ay nasasakop sa isang malabong lilim na kulay dilaw, maging ito ay isang ilaw sa bombilya, isang pelikula, o isang larawan.
Ang tanging pagkakaiba lang ay wala si Anna sa kanyang memorya ng pagkabata.