Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 365 - Ang Paglalakbay sa Kanluran

Chapter 365 - Ang Paglalakbay sa Kanluran

Humikab si Petrov, umupo sa kama, at agad na nakaramdam ng lamig sa taas na bahagi ng kanyang katawan. Mananatili siya sa kanyang kama habambuhay kung kaya niya, kung saan ay mainit at kasama si Shirley.

"Ayaw mo bang matulog pa?" Ang babae sa tabi niya ay umikot at mahinang sinabi, "Maaga pa, hindi ba?"

Yumuko siya at humalik sa noo - si Shirley ay may kulay tsokokateng buhok, balat na kasing kinis ng sa bata, at pares ng bilog na mata. Nang una silang nagkita sa Longsong Theatre, isang tingin lamang ang kinailangan upang mabihaghani siya.

"Sa tingin ko ay malapit na magtangahali, kaya kailangan ko na bumaba upang tingnan kung mayroong opisyal na trabahong kailangan puntahan." Bulong ni Petrov. "Matulog ka na muli kung ayaw mo pa bumangon, at magpapadala ako ng tanghalian mayamaya."

"Pero gusto kong manatili ka dito kasama ko." Niyakap siya ni Shirley. Nagyeyelo pa naman sa labas, anong opisyal na trabaho naman ang kailangang puntahan?"

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS