Naglakad si Timothy Wimbledon papunta sa naka-arkong tholos sa tuktok ng Lord's Tower sa Port of Clearwater.
Di tulad ng pangkaraniwang mga kastilyo, mas mataas at mas makitid ang nagpakalaking istraktura. Maliban sa pagliliwaliw at pag-aayos ng mga gawain ng gobyerno, madlaing itong nagagamit para tipunin ang mga ministro para sa isang opisyal na pagpupulong.
Ang mga bagay sa silid ay nasa dating lugar padin na parang umalis lang ang may-ari at babalik din agad. Ang reddish-brown na parisukat na lamesa ang nasa harapan ng pinto at may mga nakaayos na libro at mga hindi tapos na manuskrito sa gitna. Mayrong quill-pen sa inkpot, na handang magamit para sa panunulat anumang oras.