"Bago lumubog ang araw sa likod ng bundok, nagawa ng tumawid ng tahimik ni Faceless sa kanal at nagtago sa isang lugar sa likod ng kampo ng mga mercenary.
Hindi niya totoong pangalan ang Faceless, ngunit Aphra. Ang ibig sabihin nito ay alikabok na binigay ni Heather, isang arsobispo ng Banal na Lungsod ng Hermes. Nagustuhan niya ang pangalang ito dahil gaya ng alikabok ito ay pino. Sa sandaling nahulog ito sa lupa, mahirap na makilala, tulad niya.
Sa harap lamang ni Heather pinapakita ni Aphra ang tunay niyang anyo.