Habang pakunti-kunting nawawala ang woodland sa timog ng Redwater River, papalapit ng papalapit ang araw ng pagdararo(plowing).
Upang mapadali ang pagkilos ng mga tao sa ilog na halos 100 metro ang haba, inutos ni Roland ang pagtatayo ng isang floating bridge. Sinusuportahan ito ng ilang dosenang timber rafts na gawa ng mga karpintero na pinagsasama sa pamamagitan isang hemp rope. Partikular niyang inutos sa mga karpintero na siguraduhing matulis ang dalawang dulo ng bawat raft para mabawasan ang resistance ng water impact. Sa bawat bank, nakatali ang bawat dulo ng hemp rope sa apat na kahoy na poste para mapanatiling stable ang posisyon ng mga raft hangga't maari. Apat na mahabang wooden planks ang nakalagay sa bawat raft para mabuo ang deck. Lagpas ito ng dalawang metro sa mga raft, upang maaring magkasya ang apat na tao ng sabay-sabay sa bridge.