Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 97 - Chapter 97

Chapter 97 - Chapter 97

Natigalgal ang matandang lalaki at lumingon siya para lang makakita ng gwapong binata na naglalabas ng iskolar na awra ang nagsusumiksik sa harap ng mga alipin. Ang kanyang mukha ay mapula at ang kanyang labi ay maputla. Balisa niyang dinilaan ang kanyang labi nang nagpatuloy siya, "Old Mister, napag-aralan ko ang karamihan sa mahalagang dokumento ng kasaysayan at nasiyasat ang mga kasulatan tulad ng Songtao, Qilue, Dashu, Shengyu, Lanzhijing, Daodewen. Bihasa din ako sa sining, iba't-ibang instrumento, at dalubhasa sa paraan sa tsaa. Ginoo, baka gusto mo rin akong bilhin?"

Napataas ang kilay ng matandang mayordomo at mabagal na sumagot, "kumuha ako ng mga alipin para sa mahirap na gawain, hindi para maging isang guro."

"Kaya ko rin ang magtrabaho!" sagot ni Liang Shaoqing at hinalughog ang kanyang utak kung anong klaseng trabaho ang maaari niyang gawin. "Halimbawa, maari kong ihanda ang tinta, putulin ang papel, ayusin ang manuskripto. Oh, at kaya ko ring mag-init ng tubig, mag-igib ng tubig, magputol ng panggatong..."

"Dalubhasa ka ba talaga sa Lanzhijing?" tanong nang may malalim na boses. Kahit na hindi ito malakas, nagdala ng kapayapaan ang tono na iyon. Isang maputlang kamay ang naghawi sa kurtina ng karwahe, at ang may-ari ng boses na iyon ay ipinakita ang kanyang matulis na mata. Ang kanyang tingin ay maaliwalas katulad ng isang hindi naiistorbong lawa, at ang kanyang mukha ay maputi. Kahit na hindi naman ganoon kalamig ang panahon, nakasuot ng siya satin na roba na may pilak na pantapos. Mahirap maaninagan ang kanyang mukha na ang kalahati ay naikukubli ng manto.

"May alam akong kaunti. Ang Lanzhijing ay maraming mahirap na pilosopikong konsepto. Base sa kaalaman ko, magiging kabastusan kung sasabihin ko na dalubhasa ako."

Bata pa ang lalaki, mga nasa 25 taon gulang, ngunit ang kanyang galaw ay nagsasabi ng hindi maipaliwanag na kahinahunan at tikas. Tumango siya at sinabi, "Tiyo Qing, bilhin natin siya."

"Batang ginoo! Mayroon akong batang kapatid at malubha ang sakit siya. Kahit anong mangyari, hindi kami maaaring magkahiwalay. Maaari bang bilhin mo rin siya?"

Tumingin ang lalaki sa direksyon na tinuturo ni Liang Shaoqing at agad na nakita si Chu Qiao na mahinang nakahiga sa lupa. Tumango siya at pumayag. Maligayang-maligaya si Liang Shaoqing at sa malalaking hakbang ay lumapit siya kay Chu Qiao at binuhat ito. "Ligtas na tayo!"

Nahihirapang huminga si Chu Qiao na mahina pa rin dahil sa sakit pagkatapos matanggal ang nakabaong palaso. Ang kanyang boses ay halos hindi na maunawaan nang sumagot siya, "Salamat ng marami."

Umiling si Liang Shaoqing at biglang may naalala. "Tama, anong pangalan mo? Anong itatawag ko sayo?"

"Sabi mo ako ang kapatid mo kaya gagamitin ko ang apilyedo mo. Pwede mo akong tawaging Xiaoqiao." Sagot ni Chu Qiao.

"Sige. Ang apelyido ko ay Liang, pangalan ay Shaoqing, at may ibinigay na pangalan na Zhangyu."

Tumango si Chu Qiao. "Nerd Liang."

Panandaliang natigilan si Liang Shaoqing bago sumagot, "Oy! Kailangan mo ako tawaging 'kuya'!"

Ngunit hindi na makarinig pa si Chu Qiao. Bumagsak ang kanyang ulo sa gilid at nahimatay siya. Sa oras na ito, ang mayordomo na tinatawag na Tiyo Qing ay lumapit. Saglit siyang tumingin at inutos, "Madali sa karwahe. Mayroon kaming doktor." Maririnig sa distansya ang mga karwahe na nakakuha ng pansin ng mga karaniwang tao habang nag-iiwan ng bakas ng alikabok.

Nandilim ang mukha ni Boss Mu nang makita niya ang mga karwahe na nawala sa kalayuan. Nang oras na ito, isang tagasilbi ang lumapit at ngumiti. "Boss! Nakatama tayo sa jackpot!"

"Anong jackpot!" Furious si Boss Mu. "Anong klaseng mayamang pamilya ito!? Ang hamak! Nakipagtawaran siya sakin ng matagal para lang sa ilang alipin na iyon. Bwisit!"

Natigilan ang tagasilbi at nagtanong, "Kung ikokonsidera ang kanilang kasuotan, mukhang hindi sila mahirap. Master, sino sila?"

"Diyos lang ang nakakaalam. Ipinakilala sila sa atin ni Mister Liu. Siguro ay hindi niya alam kung paano ang ilan sa mga mahihirap na maharlikang iyon ay gustong magkunwari na mayaman at makapangyarihan pa rin sila! Son of a b*tch!" Ibinato ni Boss Mu ang kanyang talaan at galit na sumigaw.

"Isarado ang tindahan!" lubos ang pagkainis ni Boss Mu habang patuloy ito sa paglabas ng sama ng loob. "Nakapa malas ngayong araw! Halos wala na akong kinita. Bwisit na kamalasan to!"

Sa maingay na kalye ng syudad ng Xian Yan, mayroong malalaking kumpol ng mga tao ang naglalakad-lakad at tumitingin-tingin sa mga ibinebenta ng mga dayuhang mangangalakal. Paminsan-minsan ay makikita ang mga tao na bumibili ng mga bagay na nagustuhan nila. Ang mangangalakal na ang tindahan ay nasa harap ng tindahan ng alipin ay mayroong kaunlaran habang siya ay malawak ang ngiti. Bigla ay lumiwanag ulit ang kanyang mata. Nakita niya ang binata na kakaalis lang kaninang umaga ay bumalik ulit na may nagbabantang lagim sa kanyang mukha. Ang buhay ng karaniwang mamamayan ay nakakainip kaya natural na interesado sila sa mga insidenteng maaaring maging tsismis. Masaya na nagkanda-haba ang leeg niya para mag-obserba.

Nang narating ni Zhuge Yue ang tindahan ng alipin ay kakaayos lang ni Boss Mu sa tindahan at handa nang umalis. Nakahabol si Yue Qi at mabangis na nagsalita, "Maaari lang na huminto ka sa pag-alis mo."

Ilang mamimili na ang nakita ni Boss Mu at matalas na ang pakiramdam niyang masabi kung sino ang mayaman at mahirap sa isang tingin. Natural na nakilala niya na ang lalaking ito ang bumili ng maraming babaeng alipin na hindi man lang nagtatanong ng presyo. Syempre, hindi niya itataboy ang isang potensyal na mamimili kaya agad siyang lumapit at nagtanong, "Young Master, anong maipaglilingkod ko sayo?"

Hindi siya pinansin ni Zhuge Yue at diretso ang tingin na lumapit sa kumpol ng alipin na nakatali sa likuran.

Nagulat si Boss Mu at agad na sumunod sa kanya. "Oh, ang young master, ano..."

Whoosh! Idinikit ni Yue Qi ang lalagyan ng kanyang espada sa leeg ni Boss Mu at walang kahit anong simpatya na sinabi, "Dyan ka lang. Sinabi ba namin na lapitan mo siya?"

Balisang nagkiskis ng palad si Boss Mu. Sa pagiging maingat nitong mga nakalipas na taon, ang kanyang mga karanasan ang nagsabi na ang mga taong ito, bukod sa mayaman sila, ay hindi niya maaaring galitin.

Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik ang binata at tumayo sa harap ni Boss Mu. "Lahat ba ng alipin mo ay nandito?" Tanong nito.

"Oo, nandito silang lahat. Magsasara na dapat ako ngayong araw. Kahit iyong mga hawla sa likod ay kakadating lang. Young master, may alipin ba na nakakuha ng pansin mo?"

Nangunot ang noo ni Zhuge Yue at saglit siyang nanatiling tahimik. Pagkatapos mag-isip ng malalim, Matigas ulit siyang nagtanong, "Sigurado ka ba na nandito ang lahat?"

Napakaikling salita lang ngunit pinagpawisan ng malamig si Boss Mu. Natataranta siyang tumango at sumagot, "Oo, young master, lahat sila ay nandito. Hindi ako mangangahas na magsinungaling sayo."

Naiintindihan na ni Zhu Cheng kung anong nangyayari. Dahan-dahan siyang lumapit at sinabi kay Zhuge Yue, "Master, baka mali kayo ng nakita? Kung ikokonsidera ang abilidad ni Binibini Xing'er, paano nila magagawang hulihin siya?"

Nanatiling hindi nagsasalita si Zhuge Yue at diretso lang nakatayo. Ang tanghaling araw ay kulay dilaw na suminag sa kapaligiran habang nakatayo lang at naiiba si Zhuge Yue sa syudad, nakokompleto ng ilog sa likuran at mga nagbabangka na ginagaod ang kanilang maliliit na bangka, na bumubuo ng kaakit-akit na tanawin.

Iniangat ni Zhuge Yue ang kanyang paa at lumabas na may nagyeyelong ekspresyon. Nang paalis na siya, isang maitim na lalaki ang tumakbo mula sa likuran. Sa kanyang pagmamadali, hindi niya nakita si Zhuge Yue at ang mga tagasilbi nito. Sabik niyang nasabi, "Master Mu! May dalang magandang espada ang batang iyon! Sa tingin ko ay malaki ang halaga nito!"

Lahat ay napatingin sa kanya at syempre pati na rin si Zhuge Yue. Nanlaki ang kanyang mata at ang kanyang pagsimangot ay bumalik sa kanyang mukha. Sa ilang malaking hakbang, inagaw niya ang espada sa maitim na lalaki at sa mabilis na galaw ay inilabas niya ang espada sa lalagyan nito.

Sa iglap na iyon, isang makulay na kislap ang humiwa sa hangin. Napanganga ang lahat nang ang espada na may hindi mapapantayang talas ay lumantad sa harap nila. May pagkaberde ang talim at malabo na makikita ang mantsa ng dugo. Ngunit ang mas nakaka-agaw pansin ay ang mga salitang nakasulat sa maliit na nakaselyong titik, Moon Shattering Sword!

Lubusang lumamig ang ekspresyon ni Zhuge Yue at padabog na lumapit habang pahalang na hawak ang espada. "Paano mo nakuha ang espadang ito?" tanong niya.

"Ito-ito, napulot ko siya."

Whoosh! Humiwa sa ere ang espada at ang asul na kasuotan ni Zhuge Yue ay nawagayway sa hangin na gawa ng paghiwa. Itinutok niya ang talim sa leeg ni Boss Mu. Mabagal ngunit matatag na parang pinipigilan niya ang galit na nagtanong ulit si Zhuge Yue, "Sasabihin mo ba sa akin?"

"Patawarin mo ako! Pakiusap patawarin mo ako! Ang-ang espadang ito ay pag-aari ng isang alipin!"

"Nasaan ang alipin na iyon?"

Nanigas na si Boss Mu. "Kakabili lang ng alipin na iyon!" sinabi na niya kung ano ang nalalaman niya.

"Nabili?" may malamig na singhal, nangutya si Zhuge Yue, "Kailangan ko bang ipakita sayo ang ataul mo?"

"Master! Totoo ang sinasabi ko! Kung hindi mo ako pinaniniwalaan ay pwede mong tanungin yung mga tindahang nakapaligid! Meron talagang bumili ng maraming alipin kasama na ang taong iyon!" Takon na takot na si Boss Mu nang mababa itong lumuhod para magmakaawa na lubos na magulo.

Tumingin si Zhuge Yue sa mga taong nakapaligid at nakumbinsi na nagsasabi ng totoo si Boss Mu. "Sino yung bumili? Gaano katagal na silang umalis?" mabilis na tanong niya.

"Kakaalis lang nila! Hindi pa nga aabot ng ilang minuto ang nakakalipas! Para naman sa kung sino ang bumili, hindi ko alam kung sino! Hindi ko talaga alam!"

Humangin ng komportable sa kalyeng iyon na dinadala din ang alikabok. Winagayway ng panghapong hangin ang manggas ni Zhuge Yue habang nakatayo siya sa gitna ng mga tao. Sa kanyang mata ay mayroong bihirang bahid ng kawalang-tiwala. At kasama noon ay halo ng maraming pang emosyon katulad ng galit, pagsisisi, at higit sa lahat ay napaka masidhing kabiguan.

"Sugatan ang taong iyon, diba? Seryoso ba?"

Sa paningin sa lipunan ni Boss Mu, kung hindi niya nahinuha na may magandang pagkakakilanlan ang alipin na iyon ay nasayang niya ang buong buhay niyang karanasan. Agad siyang sumagot, "Oo, napaka seryoso nito. Mayroong sugat ng espada sa kanyang kaliwang dibdib at sugat ng palaso sa balikat. Natagpuan ko ang alipin na iyon sa labas ng syudad kagabi. Pagkatapos maghanap ng kilalang doktor ay iniligtas ko ang buhay niya! Master, napaka hangal ko talaga! Kung alam ko lang talaga na ang binatang iyon ay kaibigan mo! Nangahas pa akong ibenta siya bilang alipin! Dapat akong mamatay!"

"Binata?" napataas ang kilay ni Zhuge Yue ngunit agad na naintindihan ang kalituhan. Tumingin siya kay Boss Mu na nakaluhod pa rin. "Oo, tama, dapat ka ngang mamatay." Mabagsik na bawat salitang saad niya.

Related Books

Popular novel hashtag