Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 98 - Chapter 98

Chapter 98 - Chapter 98

Umaapaw ng papatay na intensyon ang boses ni Zhuge Yue at gulat na gulat si Boss Mu sa kalamigan ng tono niya. "Ang taong iyon ay mayroon lamang isang amo sa buhay na ito, at ang among iyon ay ako. Nangahas kang ibenta siya sa ibang tao? Tama, dapat kang mamatay." Pagpapatuloy niya.

"Master, a-ako..."

"Yue Qi, iiwan ko sayo ang bagay na ito para ayusin. Ayoko nang makita siyang haharang sa paningin ko sa susunod na pupunta ako sa syudad na ito."

Lumapit si Yue Qi at malamig na tinanggap ang utos, "Masusunod." Umalis si Zhuge Yue na hindi pinapansin ang desperadong pagmamakaawa ni Boss Mu at naglaho sa dagat ng mga tao.

Kasama ang takbo ng mga kabayo, biglang narinig sa maingay na kalye ang nakakakilabot na irit. Sa panahon na ito kung saan ang buhay ng sibilyan ay walang halaga tulad sa damo na makikita sa gilid ng daan, at lalo na kung mga taong katulad ni Boss Mu na nakagawa ng lahat ng klase ng kasamaan bilang nagbebenta ng alipin. Walang kahit sino ang naawa sa kanya nang ang syudad ay bumalik sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

"Zhu Cheng, pumunta ka sa Water Transport Yamen at sabihan sila na sa lupa tayo dadaan."

Nakahanda na ang isip ni Zhu Cheng ngunit hindi niya pa rin maiwasan na magulat. Kaya ay nagpayo siya, "Master, ang sabi ng Old Master ay hangga't maaari dapat maaga tayo makarating sa Tang Capital—ang Tang Jing. Kung sa lupa tayo daraan ay mag-aaksaya tayo ng oras, saka karamihan sa maharlikang pamilya ay darating gamit ang tubig. Kung gusto natin mapansin sa pagdaan sa lupa, natatakot ako na magkaroon ng tsismis."

Hindi sumagot si Zhuge Yue at malamig ang diretso niyang tingin sa mukha ni Zhu Cheng. Ang kanyang intensyon ay kasing linaw ng araw.

Nakaramdam ng ginaw si Zhu Cheng pababa sa kanyang likod. Paano hindi niya malalaman ang intensyon ni Zhuge Yue? Isa itong pagdiriwang ng imperyo ng Tang at ang pagdaan sa tubig ay para lang sa dakilang mahaharlikang pamilya na espesyal na inimbita. Ang mga karaniwang tao ay sa lupa lang maaaring dumaan papasok sa Tang Jing. Kung ikokonsidera ang katotohanan na ang pamilyang bumili kay Chu Qiao ay kinailangang bumili ng alipin, hindi sila kabilang sa mga dakilang pamilya na iyon. Pinilit ni young master na dumaan sa lupa, kung kaya't ang intensyon niya ay halata. Ngunit kahit na matagpuan niya si Chu Qiao, sa kasalukuyan nilang relasyon, anong patutunguhan noon? Sa huli, hindi na siya yung kabataan siyam na taon ang nakararaan, at hindi na si Chu Qiao iyong mababang alipin na walang-wala.

Young Master, kahit matagpuan mo siya, anong magagawa mo? Isa siyang tigre. Kahit na sugatan siya at nabitag, hindi siya yung taong kayang makontrol. Umiling si Zhu Cheng at napabuntong-hininga. Tumalikod siya at tumungo sa Water Transport Yamen, at iniwan si Zhuge Yue. Ang panghapong araw ay tumama ang sinag sa asul na asul na kasuotan ni Zhuge Yue, at nagreplekta ng maliwanag na liwanag, na binibigyan siya ng makaibang mundong awra.

Sa kalayuan, isang makapal at mataas na elm tree ang makikita sa gitna ng maberdeng tanawin. Isang pagtatyanta ang naglalagay sa 30 hanggang 40 ang edad ng puno, may nakapulupot ditong pulang damit at makukulay na gupit na papel. Resulta ito ng mga paniniwala ng mga sibilyan. Naniniwala sila na sa elm tree naninirahan ang mga diyos, at kung gaano kakapal ang puno ay ganoon ka makapangyarihan ang diyos. Bilang resulta, maraming tao na nahihirapan sa kanilang buhay ang lalapit sa puno para magdasal ng kapayapaan at prosperidad.

Nag-umpisa nanaman umihip ang hangin at nilipad-lipad nito ang kasuotan ni Zhuge Yue. Kinuha ang kanyang jade na aksesorya, itinapon niya ito sa puno. Sa malutong na tunog ng pagtama, ang mahalagang aksesorya ay sumabit sa sanga ng puno. Umuugoy sa pagtama, nagbigay ng makislap na liwanag ang jade nang tumama ang sinag ng araw sa katawan nito.

"Giddyup!" tumalikod si Zhuge Yue at sa paghampas niya sa kabayo ay umalis na siya kasama ang mga tauhan niya. Ang mga kuliglig ay humuhuni sa napakainit na tag-init habang ang maligamgam na bugso ng hangin ay patuloy sa inuugoy ang sanga ng puno kung saan nakasabit ang piraso ng jade na iyon. Sa kalayuan, mukha itong bituin na kumikinang. Sinong nakakaalam kung anong hiling ang dala ng jade na iyon?

Paggising niya ay dapit-hapon na. Ang ibabaw ng ilog ay mayroong gintong repleksyon ng papalubog na araw. Ngiting-ngiti si Liang Shaoqing nang makita na nagising na sa wakas si Chu Qiao. Agad nitong kinuha ang gamot mula sa gilid at maingat na ipinainom ito sa kanya. Napakapait ng gamot at isa itong lihim na pagpapahirap sa mabagal na magpapainom nito na bawat kutsara. Napasimangot si Chu Qiao at inagaw ang lalagyan tapos ay inubos ito sa isang lagok. Kasunod noon, agad siyang lumunok ng purong tsaa para pigilan ang pait na nasa bibig niya.

Dahil bagong damit na ang kanyang suot at ang kanyang dating benda sa sugat ay napalitan na, halos magaling na ang kanyang sakit. Umupo si Chu Qiao at inobserbahan ang kapaligiran niya, "Nasaan ito? Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Nabili tayo." Nagtangkang maging misteryoso ni Liang Shaoqing ngunit patuloy niyang sinasabi kung ano ang alam na ni Chu Qiao. "Nakasakay tayo sa isang barko." Gusto na sanang suntukin ni Chu Qiao si Liang Shaoqing habang nakatingin dito. Ngunit dahil may modo siya, pinigil ni Chu Qiao ang kagustuhan niyang bugbugin siya. Kalmado niya itong tinanong, "Nerd, pwede bang yung hindi ko alam ang sabihin mo?"

"Oh, sige." Nag-umpisang ulitin ni Liang Shaoqing ang kanyang kawawang kaunting impormasyon. Ang kanilang bagong amo ay ang pamilya Zhan mula sa probinsya ng Shui Xiu, na matatagpuan sa hangganan ng Xia-Tang. Sila ay patungo sa Tang Jing. Halos 27 lang ang master at ito ang lalaking nakita nila sa pamilihan ng alipin. Ang pangalan niya ay Zhan Ziyu. Isa pa, ang pamilyang ito ay mayroong limang dalaga na lahat ay kapatid ni Zhan Ziyu. Kung saan, ang tatlong panganay na ate ay kasal na at nakasakay din sa barko ang kanilang asawa. Mayroong total ng tatlong malaking barko at mayroong isang daang tagasilbi. Iyong Tiyo Qing kanina ay maituturing na pinuno ng mga tagasilbing iyon.

Ang dami ng taong dinala nila para sa isang simpleng pagpasyal. Mula sa katotohanan na iyon palang, mukhang isa silang malaking pamilya. Ngunit kahit gaano pa halughugin ni Chu Qiao ang memorya niya, hindi niya maalala kung sino sa malaking pamilya sa imperyo ng Xia ang may apelyidong Zhan.

Dahil sa Tang Jing naman ang diretso ng grupong ito, ang pagmamadali niyang tumakas ay nawala. Dito, maaari siyang magpagaling ng kanyang sugat at magtago sa paghahanap na isinagawa ng imperyo ng Xia. Dalawa na ang magagawa niya sa isang sikap lang.

Inangat niya ang ulo at nagtanong, "Sinabi mo na patungo sila sa Tang Jing, ngunit alam mo ba kung bakit sila patungo doon?"

"Ikakasal na ang prinsipe ng Tang. Ang buong imperyo ng Tang, imperyo ng Xia, at ang imperyo ng Song ay magpapadala ng mga tao sa Tang Capital para maging parte ng seremonya ng kasal niya."

"Kasal?" Natigilan si Chu Qiao. "Sinong magpapakasal sa kanya?" malakas na tanong niya.

Sasagot na sana si Liang Shaoqing ngunit biglang gumewang ang malaking bangka at ang sigaw ng tagaugit ang umalingawngaw sa hangin. Unti-unti, sa wakas ay nag-umpisa nang gumalaw ang malaking bangka.

"Sa wakas ay gumagalaw na tayo. Tila isang maharlika ng Xia ang tumatangging sumakay, noong una ay ayaw gumalaw ni Ginoong Zhan at naghintay ng buong araw. Mukhang hindi pa tapos ang sadya ng taong iyon dito kaya umalis ang barko natin na wala siya." sagot ni Liang Shaoqing.

"Sinabi mo na ikakasal ang prinsipe ng Tang. Sino ang papakasalan niya? Isang prinsesa ng Xia?"

"Oo, ang ika-siyam na prinsesa."

Tumungo si Chu Qiao at nanatiling tahimik sa mahabang sandali. Naalarma dito si Liang Shaoqing at tinawag siya, "Xiaoqiao? Xiaoqiao? Anong nangyari? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

"Wala ito," sagot ni Chu Qiao habang dahan-dahang humihiga sa kanyang higaan. "Pagod ako. Gusto ko munang magpahinga."

"Sige, kung gayon ay magpahinga ka muna, habang ako ay lalabas muna para sumilip." Bumukas ang pinto sa kwarto at lumabas si Liang Shaoqing.

Napasimangot si Chu Qiao at bumulong sa sarili habang nakahiga sa higaan, "Sa huli, pinili ng imperyo ng Xia na gumawa ng alyansa sa pamamagitan ng kasal sa imperyo ng Tang. Yan Xun, anong gagawin natin?"

Ang asul na kalangitan ay napakaaliwalas. Nakatayo sa palapag ng barko, napansin ni Liang Shaoqing na napakalaki ng barko, at may lapad ng higit sa sampung metro at apat na poste. Mayroong apat na palapag—dalawang pang-itaas na palapag, at dalawang pang-ibaba na palapag. Ukol sa karapatan, dahil sa alipin nilang estado, dapat ay nasa pinaka ibabang palapag sila Chu Qiao at Liang Shaoqing. Ngunit nang makita ni Tiyo Qing na malalim ang sugat ni Chu Qiao, nag-iwan siya ng silid sa pinaka itaas para pagpahingahan nila.

Sa sandaling ito, mula sa arko ng barko, isang malakas at malinaw na ugong ang narinig na nasusundan ng malakas na sigaw ng mga bangkero. Maayos nilang binuksan ang mga layag. Nang magkaroon ng hangin ang mga layag, ang malaking barko ay nag-umpisa nang bumilis. Habang pinapanood na mangyari ang tanawin mula sa dalawang gilid ng barko, na may mga ibon na paikot na lumilipad sa pantalan, napabuntong-hininga sa ginhawa si Liang Shaoqing na nakangiti, na parang bang lahat ng problema nung nakaraan ay naalis sa kanya. Sa wakas, papunta na siya sa Tang Jing!

Samantala, sa pantalan, isang grupo ng tao ang tahimik na pinapanood ang papalayong mga barko. Lumapit si Zhu Cheng at nag-ulat, "Master, lahat ay nasa ayos na. Ang mga barkong ipinadala ng imperyo ng Tang ay nakaalis na, at nakompleto na natin ang alituntunin sa pagdaan sa lupa. Maari tayong pumasok sa imperyo ng Tang mula sa Bai Zhi Pass."

"Sige." Tumango si Zhuge Yue habang ang kanyang tingin ay nakapiksi pa rin sa ibabaw ng tubig. Hindi nagmamadali niyang sinabi, "Hindi kailangan magmadali, ilang araw pa muna tayong maghihintay dito sa syudad ng Xian Yang."

Walang tunog na napabuntong-hininga si Zhu Cheng. Nag-aalala ang master na baka taga-dito lang ang nakabili sa babaeng iyon. Tumango si Zhu Cheng at sumagot, "Gagawin natin iyon."

Komportable at malamig ang hangin ng ilog, at humalo itong mabuti sa kaberdehan na mayroon sa dalawang dalampasigan. Nakatayo si Zhuge Yue sa dalampasigan at pinanood ang barkong mawala sa kalayuan bago tumalikod ay sakay sa kabayong bumalik tungo sa direksyon ng syudad ng Xian Yang.

Marami talagang pagkakataon na inayos ang tadhana. Hindi alam ni Zhuge Yue na ang taong desperado niyang hinahanap ay nasa barko na nakahanda mismo para sa kanya. Katulad ng kanyang lohikal na napredikta, para magkaroon ng sapat na impluwensya na maimbitahan sa kasal ni Prince Li Ce ng Tang, ang mga pamilyang iyon ay hindi mahirap sa puntong kailangan nilang bumili ng alipin. Ngunit, ganoon ang nangyari. Iyon ang halimbawa ng kalupitan ng tadhana at kapalaran. Nang kakaalis niya lang sakay ng kabayo niya, inangat ng dalaga ang bintana ng kanyang silid, para lang masulyapan ang bakas ng alikabok sa pantalan.

Iyon ay ika-siyam ng Hunyo. Ang balita ng kasal ng prinsipe ng Tang ay kumalat na sa buong kontinente ng West Meng sa huling pitong araw. Bawat paksyon ay tahimik na nag-iisip kung anong klaseng kalamanganat kahinaan ang magiging resulta ng alyansa ng kasalang ito.

Bukod sa Yan Bei na kompletong pinutol na ang alyansa sa imperyo ng Xia, bawat kapangyarihan sa buong kontinente ang nagmamadali tungo sa Tang Jing. Bawat malaking maharlikang pamilya, aristokrata, at tribo ay nagpadala ng matinding impluwensya. Hindi lamang nito ipinakita ang kanilang intensyon na mapabuti ang kanilang relasyon sa imperyo ng Tang, ngunit isa ring oportyunidad na malaman kung anong ugali mayroon ang makapangyarihang imperyo ng Tang na ito tungo sa kasalukuyang wasak na imperyo ng Xia. Bilang resulta, ang piging na hindi masayang natigil sa Zhen Huang ay muling isinagawa sa Tang Capital. Sa loob nitong sinauna at misteryosong imperyo ng Tang, ang mga tao ay nagkukumpol-kumpol, at ang syudad ng nagmamadalian sa aktibidad.

Hindi sinasadya, sa parehong araw, sa wakas ay nakatanggap na ng balita ang Yan Bei kung ilang paksyon sa loob ng imperyo ng Xia ang nagtatangkang humuli kay Chu Qiao. Ang bagong batas na si prinsipe Yan Xun ay sumiklab ang galit at iniutos ang paglusob sa imperyo ng Xia. Kasama ang mga may kakayahan niyang tauhan na sila Wei Jing, Xirui, Biancang, Lu Fang, Du Ci, at iba pa, pati na ang pamumuno ng tagapayo na si Wu Daoya, nagsagawa sila ng paglusob sa hilagang-kanlurang tribo ng Batuha. Kompletong hindi napigilan ni Old Batu ang paglusob at nawala sa kanya ang isang-katlo ng kanyang teritoryo sa loob ng tatlong araw. Kahit ganoon, ang natitirang dalawang-katlo ng kanyang teritoryo ay nakakapit nalang sa sinulid sa gitna ng pagkabalisa at kaguluhan ng mga sibilyan. Hindi mabilang na paghingi ng dagdag na kawal, namamantsahan ng dugo ng mga sundalo ng Batuha, ay ipinadala tungo sa syudad ng Zhen Huang at syudad ng Yun.

Sa sandaling iyon, ang buong imperyo ng Xia ay napuno ng takot at hindi pagkapakali. Bawat paksyon ay natakot na baka sila ang maging unang sakripisyo sa nag-aalab na galit ng hukbo ng Yan Bei. Ang Lion ng Yan Bei—Yan Xun—ay nagpakalat ng mensahe na nagsasabi na kung kaninong teritoryo nasaktan si Chu Qiao, ipapadala niya sa impyerno ang buong pamilya nito. Ipinagdasal ng mga paksyon na ito na hindi man lang masugatan kahit kaunti si Chu Qiao, kung hindi... Kung ang balitang nasaktan siya ay umabot kay Yan Xun, kakaharapin nila ang buong malupit na hukbo ng Yan Bei!