Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 91 - Chapter 91

Chapter 91 - Chapter 91

Hindi minaliit ni Chu Qiao ang pagkamuhi na nararamdaman ni Zhao Chun'er sa kanya. Ang minaliit niya ay ang katalinuhan ni Zhao Che pati na ang katayuan niya sa loob ng imperyo ng Xia. Pagkatapos magpaskil ng karatula ng Zhen Huang, ang buong imperyo ng Xia na nabuwag lang noong nakaraan ay naging isa ulit. Ang ilang feudal lord ay sinagot ang tawag ng kapitan nila at naghanda sa laban sa pagsagawa ng sparring na sesyon, pagkwento ng mga kwentong digmaan na madamdamin, humahawak ng pagtitipon-tipon, at nagsasagawa ng kagila-gilalas na parada. Para bang isang higanteng hukbo at hindi nag-iisang babae ang pinaghahandaan nila. Ang mga sundalo na nanghina ang loob mula sa pagkatalo sa hukbo ng Yan Bei ay naging muling lumakas. Kinakanta ang mga kanta nilang pandigma at pinapakinggan ang tambol ng digmaan, naglakad sila palabas ng gate ng kanilang syudad na sinasamahan ng kanilang commander. Naglakbay sila sa malawak na kapatagan para umpisahan ang kanilang delikadong manhunt. Ang mga sibilyan na walang alam ay inakala na sumusugod na ang hukbo ng Yan Bei at nilisan ang kanilang mga tahanan dala ang lahat ng mahalaga.

Alam ni Chu Qiao na hindi ito dahil sa kilalang-kilala siya. Kung hindi ay dahil sa takot sa mga sundalo ng Xia. Simple lang ang rason. Nang humingi ng dagdag na kawal ang capital noong nakaraang labanan, wala ni isa ang tumulong. Ngayon, hindi intensyon ng hukbo ng Yan Bei na bumalik sa silangan. Matatag na ang pamilya ng Zhao sa vice capital at nabalik na ang katayuan nila. Ang ilang hukbo na nakatalaga sa ibang teritoryo sa loob ng imperyo ng Xia ay bumalik na para sumailalim sa pamumuno ni Zhao Che. Ang napakagulong oras na gawa ng rebelyon ni Yan Xun ay umalwan na. Gustong humanap ng mga maharlikang pamilya ng paraan para makatakas sila. Nitong huling mga araw, ang mga maharlikang pamilya tulad ng pamilya Mu mula sa Lingnan, pamilya Zhuge mula sa Huaxi, at ang pamilya Wei mula sa Yinchuan ay nagpadala ng mga sugo upang magdala ng madaming rasyon mula sa vice capital at capital. Sa yugtong ito, ang intensyon nilang gumagawa ng daan para makatakas ay halatang-halata.

Kaya lahat ng feudal lord na hindi kayang mangahas na sakupin ang Yan Bei ay ibinaling ang kanilang pansin sa dalaga na walang tigil na nakatakas mula sa Seventh Royal Prince at Eight Royal Princess. Naniniwala sila na basta mamatay siya, ang hukbo ng Yan Bei ay mawawasak. Kahit ang ilang feudal lord na nakaistasyon sa ibang probinsya na hindi nasabihan ng capital ay ipinakita ang kanilang katapatan sa pamamagitan ng pagdadala ng malalaking hukbo para magsagawa ng mapanuring pagmamatyag, at disidido sa paghuli sa dalaga.

Isa itong pagpapahayag ng ilang feudal lord sa Emperor. Subalit, nagdala ng malaking problema ito kay Chu Qiao. Sa isang iglap, nasa timog-silangang hangganan na siya na naghihiwalay sa imperyo ng Xia at Tang. Ang pagod nang kabayo niya ay nag-umpisa nang bumula ang bibig. Walang nagawa si Chu Qiao kung hindi tumigil para makapagpahinga at gumaling ang kabayo niya. Wala siyang gana ngunit para tipirin ang kanyang lakas ay kumain siya ng piraso ng malamig na tuyong pagkain at uminom ng malamig na tubig na nagbigay ng matinding pagkabalisa sa kanyang tiyan.

Ngayon ang ika-anim na araw ng kanyang paglalakbay. Sa dalawang araw ay nasa teritoryo na siya ng imperyo ng Tang. Subalit, bago ito, kailangan muna niyang dumaan sa dalawang lugar na pinatatakbo ng estado, kasunod ay ang lugar ng no man's land kung saan ay magulo. Pagkatapos noon ay mararating na niya ang unang daan sa hilagang parte ng imperyo ng Tang—ang Bai Zhi Pass.

Sa ilang libong taon, ang Bai Zhi Pass ay naging kalamangan ng silangang pwersa para malagpasan ang pananakop ng minorya sa hilaga. Maraming labanan ang nangyari doon at ang lugar ay bantay-sarado, mas bantay-sarado pa kaysa sa Yan Bei Pass. Hindi pa kompletong nakakagawa ng perpektong plano si Chu Qiao.

Habang naglalakbay ang kanyang isip, mga tunog ng kabayo ang umalingawngaw sa kalayuan. Nagulat si Chu Qiao at tumingin sa distansya. Ang kanyang ekspresyon ay nagbago.

Lagpas sa isang-daang kabayo ang papalapit. Hindi ito katulad ng hilagang-kanluran kung saan hinihintay ng pwersa na isuko niya ang sarili niya. Makapal ang gubat at may matataas na lugar. Nang wala ang mga iyon, siguradong makikita ang pinagtataguan niya. Napatiim-bagang siya na sumakay sa kabayo niya at lumayo sa lugar na iyon.

Sinundan niya ang sapa nang lagpas sa tatlong li para matakasan ang kalaban. Nang kakahabol niya pa lang sa kanyang paghinga, panibagong tunog ng mga kabayo nanaman ang umalingawngaw. Napasimangot si Chu Qiao tapos ay disididong pumulot ng dalawang malaking bato at itinali sa likod ng kabayo. Pinalo niya ang puwitan nito at sinubukang paalisin ang kabayo.

Ilang taon na siyang sinusundan ng kabayong iyon. Nakalagpas na sila sa hirap at ginhawa, at nagkaroon na sila ng matibay na pagkakaisa. Tumakbo ng ilang hakbang ang kabayo bago tumigil at tumalikod para lumingon sa kanya tapos ay walang tigil na winawagayway ang buntot nito.

Pinulot ni Chu Qiao ang kanyang lalagyan at naglakad tungo sa kagubatan. Nang nag-umpisa na siyang maglakad ay sumunod sa kanya ang kabayo. Napasimangot ang dalaga at gamit ang kutsilyo ay hiniwa niya ang lalamunan nito. Nagulat ang pandigmang kabayo, mahabang napahalinghing, at tumalikod para tumakbo palayo. Nang humina ang yabag ng kabayo, huminga ng malalim si Chu Qiao, pinulot ang kanyang lalagyan, at naglakad sa masukal na kagubatan.

"Ang namumuno sa anim na dagat, ang impluwensiya sa Ande Bang. Ang sagradong pamamaraan ng royal na imperyo, ginawang ehemplo sa kabutihan, ang kaunlaran at pagbagsak nito..."

Umaga ng oras ng tagsibol. Ang hangin ay sariwa. Isang boses ng nagbabasa ang umalingawngaw sa berdeng daanan sa bundok. Sa hindi kalayuan, isang batang iskolar ang nakaupo sa donkey, may hawak na librong nagmamantsahan ng amag, at nagbabasa habang iniiling ang kanyang ulo. Maganda ang panahon. Kakahinto lang ng ulan at nag-iwan ng sariwang pakiramdam na nagtagal sa hangin. Isinarado ni Liang Shaoqing ang kanyang libro at dahan-dahang tumingala na bahagyang napasingkit. Kabaitan ang makikita sa kanyang bata at gwapong mukha. Iniunat niya ang kanyang braso, binuksan ang palad, at ipinakita ang maliit na butil ng bigas na nasa kanyang kamay. Isang dilaw na skylark ang dumapo sa kanyang kamay at tinuka ang butil ng bigas habang patingin-tingin sa hindi mapanganib na mukha ni Liang Shaoqing.

"Mabait ang kalangitan. Umalis ka na at huwag nang magpapahuli ulit sa mga nangangaso ng ibon."

Pumaikot sa kanya ang ibon ngunit hindi umalis. Ang maliwanag na sinag ng araw ay tumama sa batang mukha ng lalaki, ipinapakita ang kanyang maamong kilos.

Sa iglap na ito, tunog ng laban ang maririnig sa hindi kalayuan. Napatigil ang iskolar at nakinig. Napasimangot siya at sinabi sa sarili, "Kaligtasan muna. Huwag kang makialam sa problema ng iba."

Tumango siya ng may pananalig nang natapos niya ang kanyang sasabihin na parang sinusubukan niyang kombinsihin ang sarili na tama siya. Tumalikod siya para bumalik sa kanyang orihinal na landas para maiwasang madamay sa hindi kinakailangan na kapahamakan. Subalit, napatigil siya matapos humakbang ng dalawang beses. Paano kung isa itong kaso na inaapi ng malakas ang mahina? Isa siyang maginoo at labag sa kanyang prinsipyo na umupo lang at walang gawin. Nang tinimbang niya ang kanyang susunod na aksyon, umupo ang iskolar sa likod ng donkey at malalim na napaisip.

Nagpatuloy ang tunog ng labanan; ganoon din ang salungatan sa puso ni Liang Shaoqing. Takot siya sa gulo ngunit hindi maganda ang pakiramdam niya na ignorahin ang sitwasyon. Pagkatapos ng mahabang oras ay napatiim-bagang ang batang iskolar. Siguro ay dalawa itong magsasaka na nag-aaway, ang kanyang naiisip. Kapag lumapit siya at pinigilan ang pag-aaway ay magkakaayos sila. Kahit na hindi na makontrol ang sitwasyon ay maisusumbong niya ito sa mga awtoridad na hindi nadadamay sa gulo. Kaya, may pag-iisip na titignan niya ang nangyayari, tinapik niya ang donkey at sinabi, "Xiaoqing, tingnan natin."

Hindi pinagpala ng kalangitan ang mababait na tao. Sa oras na ito, ang maliit na skylark na paikot-ikot habang naghihintay sa marami pang butil ng bigas ay nainip na. Sa galit ay tinuka nito ang takipmata ng donkey. Nagulat si Xiaoqing, napaatungal at tumakbo tungo sa harap.

"Ah! Xiaoqing! Xiaoqing! Anong ginagawa mo? Maling daan yan! Maging mahinay ka!"

Umihip sa tenga niya ang hangin. Mahigpit na niyakap ni Liang Shaoqing ang leeg ng donkey at nakaramdam ng hilo. Mabilis na dumaan sa mata niya ang kakahuyan. Hindi inakala ni Liang Shaoqing na kayang tumakbo ng mabilis ng donkey niya. Nang walang nagawa siyang napabuntong-hininga, matalas na napaingit ang kanyang donkey at tumigil sa pagtakbo nito.

Katahimikan! Nakakabinging katahimikan!

Amoy ng sariwang metal ang nagtagal sa hangin kasama na ang lasa ng pagpatay ng baboy. Dahan-dahang niluwagan ni Liang Shaoqing ang kanyang kamay. Tumingala siya at binuksan ang mata. May pag-iingat at takot niyang sinuri ang paligid niya.

Lahat ay tinigil ang kanilang ginagawa. Mga sundalong naliligo ng sariwang dugo ang lumingon para tingnan ng kakaiba ang hindi imbitadong bisita, kasama ang babaeng napapalibutan sa gitna. Pakatapos ng dalawang araw na pagtugis at lagpas sa sampung labanan sa pagitan ay pagod na pagod na sila. Sa puntong ito, kahit anong galaw ay ma-titrigger ang kanilang instinct. Malapit na ang isang malaking gantimpala. Ang isyu ay kung sino ang makakatagal hanggang dulo. Kaya, kahit anong indikasyon ng dagdag na kalaban ay tinatrato na napakaimportante.

"Ako...ay napadaan lang." Ngumisi si Liang Shaoqing na nakatingin sa duguang sandata na hawak ng lahat. Nangangatal siyang nagpaliwanag, "Ako...ang donkey ko ay nagulat at naligaw dito. Pasensya sa pag-istorbo ko sa inyo. Aalis na ako ngayon, ngayon din. Pakiusap, magpatuloy na kayo."

Diretsong umupo si Liang Shaoqing at naghanda nang lisanin ang nakakatakot na lugar na iyon. Nang tumalikod siya, nakita niya ang babaeng pinalibutan ng mga sundalo. Kumislot ang kanyang takipmata at nangatog ang kanyang katawan. Sa puntong iyon, wala na siyang oras para tignan ang itsura ng dalaga. Isang pares ng mata lang ang nakita niya, isang malinaw na mata. Malamig ang tingin nito sa kanya na nagdala ng ginaw pababa sa kanyang katawan.

"Tangang babae, isuko mo na ang sarili mo! Kung magpapatuloy ka, kahit hindi ka mamatay sa kamay namin, mamamatay ka sa pagkaubos ng dugo," malamig na pahayag ng pinuno. Ilang mabigat na hakbang lang ang ginawa ni Chu Qiao. Sanay ang kalaban sa pagsunod. Medyo nagpabaya siya at sapat iyon para maabala siya ng kalaban. Nitong dalawang araw, kahit lagpas sa 30 kalaban na ang napatay niya, pagod na siya dahil hindi pa siya nakakakain. Wala na siyang lakas para lumaban. Sa puntong ito, katapangan nalang ang nagpapagalaw sa kanya. Madahang kinapa ng kamay niya ang patalim. Huminga siya ng malalim, naghihintay ng huling laban sa mga sundalo.

"Mukhang hindi mo magustuhan ang madaling daan!" malamig na saad ng lalaki. "Mga kapatid! Tayo na! Makakatamasa na tayo ng magandang buhay! Patayin natin siya sito mismo!"

Sa pagkiskis ng mga espada, isa nanamang labanan ang nag-umpisa! Sa puntong ito, isang sigaw ang umalingawngaw. "Itigil niyo yan!" sumigaw sa malutong na tono ang lalaki.

Sa isang iglap, lahat ay natigilan. Inilingon nila ang ulo nila sa direksyon ng sigaw ngunit naiwan na hindi makapagsalita.

Bumalik ang batang iskolar sakay ng donkey niya. Kahit na maputla siya at takot, nag-ipon siya ng tapang at pumakli, "Lahat kayo ay nang-aapi ng dalaga. Katawa-tawa iyan!"

Related Books

Popular novel hashtag