Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 92 - Chapter 92

Chapter 92 - Chapter 92

Napasimangot yung pinuno ng mga sundalo at nagtanong, "Sino ka? Bakit ka humahadlang sa suliranin ng awtoridad?"

"Kayo ang awtoridad?" nakita ni Liang Shaoqing ang unipormeng suot nila. Naiilang siyang napasimangot at sinabi, "Ako si Liang Shaoqing. Napadaan lang ako at nakita kayong naglalaban kaya nagdesisyon akong alamin pa ng mabuti. Hindi ko napagtantong lahat pala kayo ay mga opisyal. Patawad sa kawalan ng respeto."

"Liang Shaoqing?" sinubukang alalahanin ng pinuno ng pangkat ngunit walang maisip na may apelyidong Liang o kahit sinong mangangahas na manggulo sa suliranin ng opisyal. Nagalit siya at sinabi, "Batugan, tumabi ka! Mag-ingat ka sa espada, wala silang mata!"

"Oo, oo," madaling sagot ni Liang Shaoqing. Nang tumalikod siya para umalis, hindi niya maiwasang magsalita ulit, "Ang pagpatay ay isang insulto sa pagiging sibilisado. Mayroon bang hindi pagkakaintindihan sa inyo na maaari akong makatulong na ayusin?"

"Naghahanap ka ng kamatayan mo!" sigaw ng pinuno at itinaas ang kanyang espada.

"Ah!" nasindak si Liang Shaoqing. Yumukyok siya sa lupa at mahigpit na hinawakan ang kanyang ulo.

"Tanga!" sigaw ni Chu Qiao. Inilabas niya ang kanyang patalim at binato sa pinuno na sumaksak sa leeg niya. Nanlaki ang mata ng lalaki. Humakbang siya ng dalawang beses bago bumagsak sa lupa.

"Pinuno!" nataranta ang mga sundalo at nagmadaling lumapit sa kanilang pinuno. Kinuha ni Chu Qiao ang pagkakataon na sumakay sa donkey ng iskolar at hinablot ang renda nito. "Tayo na!"

"Ah! Binibini, bakit ka nasa donkey ko? Hindi dapat maging ganito kalapit ang babae at lalaki! Binibini, bakit hindi ka nalang...?"

May thud na nagpadala ng palo si Chu Qiao sa dibdib ng lalaki. Sinipa niya ang donkey gamit ang dalawang binti at sinabi, "Giddyup!" malakas ang donkey. Hindi ito ganoon kabagal kung ikukumpara sa karaniwang pandigmang kabayo.

Pagkatapos ng ilang saglit, may maririnig na yabag ng kabayo mula sa likuran. Disididong kinuha ni Chu Qiao ang lalagyan ng gamit at itinapon sa lupa.

"Ah! Binibini! Libro ko iyan, ang gamit ko, ang pera ko, ang gawa ko! Ah! Binibini, iyan ang dokumento ko para makapasok sa hangganan!"

Maliksi ang donkey. Sa mahirap na daan sa bundok, mas mabilis pa ito sa pandigmang kabayo. Hindi nagtagal ay malayo na ang agwat nila sa kalaban.

Habang nakikipagsapalaran sila sa katimugan, mas umiinit ang panahon. Dalawang oras na tumakbo ang donkey na walang tigil sa sobrang init. Sa paikot-ikot na daan na nasusundan ng tulay ay bumagsak na sa lupa ang donkey at hindi na makatayo.

Tumilapon si Chu Qiao at Liang Shaoqing mula sa likuran nito. Naging maliksi si Chu Qiao at nagawang papirmihin ang sarili niya sa pagsirko paharap. Ilang beses munang nagpagulong-gulong si Liang Shaoqing sa lupa bago tumigil. Bago siya makatayo ay napasuka muna siya. mabaho ang amoy at mukha siyang magulo.

"Ayos ka lang ba?" may malasakit na tanong ni Chu Qiao.

Nagsumikap na tumayo ang batang iskolar. Hinihingal siya habang sumusuray at nauutal na nagsalita, "Ikaw...ikaw na wala sa katwiran na babae. Niligtas kita sa kabutihan ng loob ko tapos itinapon mo lahat ng pag-aari ko. Lubos na...lubos na katawa-tawa."

"Heto," inabutan siya ni Chu Qiao ng puting panyo at sinabi, "punasan mo bibig mo."

"Ikokonsidera...ikokonsidera ko nalang na minalas ako." Hinihingal na naglakad tungo sa donkey niya si Liang Shaoqing. Gusto niyang patayuin ang donkey niya ngunit ayaw nito dahil sa pagod. Nagalit ang batang iskolar dito. "Ano? Pati ikaw ay sinasalungat din ako?" Sigaw nito.

"Ang layo ng tinakbo nito. Hindi pa nito kakayanin tumayo," saad ni Chu Qiao. "Anong ginagawa mo?"

Nagalit si Liang Shaoqing. "Anong ginagawa ko? Babalikan ko ang mga gamit ko!"

"Kapag bumalik ka ngayon ay inaanyayahan mo ang kamatayan mo."

"Kapag hindi ako bumalik ay mamamatay talaga ako! Nang walang mga papeles, paano ako makakapunta sa Tang Jing?" nabwisit si Liang Shaoqing. "Isa pa, wala akong problema sa kanila. Isa akong mamamayan na sumusunod sa batas. Bakit nila papahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin?"

Pinulot ni Chu Qiao ang kanyang espada at umupo sa tabi ng bumagsak na donkey na hindi siya tinitignan. Wala sa loob niyang sinabi, "Kung ayaw mong mabuhay eh di bumalik ka. Tignan natin kung makapunta ka ng buhay sa Tang Jing."

"Hey, niligtas mo ako at dinala ng malayo. Salamat!" saad ni Chu Qiao sa donkey. Ngiting-ngiti ang dalaga at singkit ang mga mata. Mayroong dalawang dimple sa kanyang mukha na ginagawa siyang kaibig-ibig hindi katulad ng seryosong itsura na karaniwang nasa mukha niya.

Nagulat ang iskolar kay Chu Qiao at hindi nagtangka na tumalikod kahit makalipas ang mahabang oras. Nang nagsasalita ay sumingit siya, "Madam, hindi ba dapat ay ako ang pasalamatan mo? Iniligtas kita, paanong yung hayop ang pinasalamatan mo?"

"Iniligtas mo ako?" napataas ang kilay ni Chu Qiao habang nakatingin sa nerdy na iskolar at tumatawa. "Kailan? Paanong hindi ko alam?"

"Ah? Bakit napaka hindi makatwiran mo? Ganito mo ba tratuhin ang nagligtas sayo? Wala man lang salita ng pasasalamat bagkus ay pang-uuyam?"

"Pinatay mo ba ang mga opisyal na iyon o niligtas ako sa kapahamakan? Wala kang ginawa. Sino ka para sabihin na niligtas mo ako?"

"Ikaw...ikaw..." panandaliang nautal si Liang Shaoqing bago madahan na sinabi, "Sinubukan kong magrason sa kanila para sa hustisya, at pagkatapos..."

"Tapos ay inabot nila ang nirvana? At masunurin na pakawalan tayo?"

Napatigil at hindi nakapagsalita si Liang Shaoqing. Iniling ni Chu Qiao ang kanyang ulo at tumayo. Naglakad siya sa harap nito. Kahit na hindi siya umabot sa balikat ng lalaki, iniabot niya ang kamay para tapik-tapikin ang balikat nito. "Ang magkaroon ng pagpapahalaga sa hustisya ay maganda ngunit kailangan mo itong gamitan ng utak. Kung wala ka noon ay huwag kang makialam sa problema ng iba. Kung hindi dahil sa mabuting hayop na ito ay patay na tayo pareho."

Kiming tumawa ang dalaga, kinapkap ang kanyang bulsa at naglabas ng dalawang nota ng bangko na maaaring gamitin sa loob ng teritoryo ng Xia. "Ang gamit mo ay hindi na makukuha pa. Babayaran kita ng pilak na mayroon ako. Patawad sa pag-antala ko sa lakad mo. Hindi ligtas dito. Pwede kitang samahan sa bayan sa ibaba. Ano sa tingin mo?" saad niya.

"Hmph!" tinabig ni Liang Shaoqing ang mga nota na nasa kamay ni Chu Qiao at galit na sinabi, "Isa akong lalaki, pitong talampakan ang tangkad. Nakatayo ako at nakakalakad, bakit ako matatakot? Hindi ligtas ang makasama ka! Bata ka pa ngunit tinutugis na ng mga opisyal. Kung hindi ka isang bandido, isa kang kriminal." Naglakad ang iskolar sa tabi ng donkey at itinayo ito sa nakakamanghang lakas. Bawat yapak niya itong iginiya pababa ng bundok.

Nakatayo lang si Chu Qiao sa kanyang orihinal na posisyon at nakatingin sa iskolar na paalis. Pinulot niya ang nota na nasa lupa at sumigaw sa kanya, "Bookworm! Ayaw mo ba sa salaping ito?"

Ikinaway ni Liang Shaoqing ang kamay niya na hindi lumilingon. "Kahit ikamatay ko pa!"

Nagpatuloy sa pag-alingawngaw ang mga sinabi ni Liang Shaoqing sa kanyang tenga. Apat na oras ang makalipas, sa pamilihan ng kabayo at alipin sa Dong Guo Town ay nakita niya ulit ang lalaki, na hindi mapigilan ang pagtawa.

"Binibini, gusto mo bang bumili ng alipin? Maganda ang isang ito. Maayos ang katawan at may kakayahan, kayang gumawa ng gawain ng apat na lalaki. Dating nagtuturo ng martial art ang isang to ngunit naging alipin dahil sa kanyang nakaraang pagkakamali. Magaling siya at may alam. Eh? Maganda ang pasya mo. Gwapo ang isang ito. Kahit na payat siya, pwede siyang utusan. Bagay siya sa estado mo binibini."

Nagpatuloy sa paglatag ng pamimilian ang nagbebenta ng alipin kay Chu Qiao. Ngumiti siya at sinuri ang iba pang alipin bago napatingin kay Liang Shaoqing kung saan ang mukha ay lubos na namumula. "Boss, magkano para sa kanya?"

"Iyan?" isang matalinong tao ang may-ari. Napatingin ang lalaki at hinila sa tabi si Chu Qiao, at sinabi, "Ang lalaking iyan ay kakahuli lang ng mga gwardya ng syudad. Wala siyang mga papeles at nagtangka pa rin lumaban sa mga gwardya. Kakakaladkad lang niya dito para mabenta. Wala rin siya dokumento ng pagkaalipin. Binibini, magbigay ka ng presyo mo. Kung mapagtanto kong makatarungan ito, ibebenta ko siya sayo."

Pagkatapos ng ilang pagtawad sa presyo, kinakaladkad na ni Chu Qiao si Liang Shaoqing sa kalye. Ang babae ang mabini; ang lalaki, kahit na medyo nakakaawa, ay mukhang edukado. Nakakaakit sila ng atensyon habang naglalakad sa kalye. Nang makita ang marka sa likod ni Liang Shaoqing at na nakatali siya, ilang tunog ng pag-uusap ang narinig.

"Hoy! Pakawalan mo ako dali!"

Tamad na tumalikod si Chu Qiao at masayang nagtanong, "Ganito ka ba makipag-usap sa amo mo?"

"Anong amo? Isa akong iskolar ngunit binili mo ako ng salapi mo. Isa itong insulto sa akin! Kung hindi dahil sayo, hindi ako magkakaganito..."

"Mali!" Singit ni Chu Qiao sa kanya. "Una, walang nagsabi sayo na makialam ka sa suliranin ng iba. Pangalawa, hindi kita tagapagligtas. Ako ang nagligtas sayo bookworm. Pangatlo, nag-alok ako na bigyan ka ng salapi ngunit tinanggihan mo. Kung nabayaran mo ang upa para makapasok, hindi ka mahuhuli at mabebenta bilang alipin. Kaya, ikaw ang nagdala nito sa sarili mo. Wala akong kinalaman doon."

"Ikaw, ikaw na walang utang na loob na babae. A-ako..."

May paghiwang tunog na bumagsak ang tali sa lupa. Ngumiti si Chu Qiao at inalok ang dalawang notang salapi sa kanya. "Maghiwalay na tayo ng landas dito. Huwag ka nang papahuli sa iba ulit."

"Ang ginoo ay tinutupad ang kanyang pangako at mayroong sariling prinsipyo. Hindi ko tatanggapin ang salapi mo kahit na mamatay pa ako!"

Nang mawala ang anino ni Liang Shaoqing sa kalye ay napailing nalang si Chu Qiao at napangiti. Kung hindi dahil sa mahigpit niyang oras ay kukuhanin niya mismo ang mga kagamitan nito. Subalit, hindi ito pinayagan ng pagkakataon. Pagbibilang ng biyaya nalang ang magagawa ni Liang Shaoqing sa ngayon. Nakagawa na ng malaking pagkakamali si Chu Qiao sa pagpasok sa syudad para bumili ng kabayo. Hindi na siya maaaring magtagal pa.

Nalaman na ang kanyang pagtatago sa Tang Ma Ridge dahilan para sa pagdagsa ng mga espiya sa buong timog-silangang rehiyon. Sa simula, aabutin siya ng dalawang araw para marating ang kanyang destinasyon. Subalit, sa madalas na pagtatago, inabot siya ng limang araw bago makarating. Pagkatapos ng limang araw, nakarating si Chu Qiao sa syudad ng Xian Yang, kulang 50 milya sa Bai Zhi Pass.

Mayroon lamang dalawang paraan para makapasok sa imperyo ng Tang mula sa Bai Zhi Pass. Ang unang paraan ay tahakin ang pinaka landas at pumasok sa syudad ng Bai Zhi mula sa gate ng Bai Zhi Pass. Para matahak ang daan na ito, dokumento mula sa parehong imperyo ang kailangang maipakita. Kahit na espiya ang isang tao, isang malaking halaga ng salapi ang kailangan nilang isuhol sa imperyo ng Tang. Bai Zhi Pass ang pinaka bantay-saradong pasukan sa hilagang parte ng imperyo ng Tang. Walang kinakailangang dokumento si Chu Qiao. Hindi niya gustong piliting makapasok sa gate ng pass kaya hindi niya inisip ang paraan na ito.

Related Books

Popular novel hashtag