"Binibini, talentado ka, matapang at mahabagin. Niligtas mo ang lahat nang hindi iniisip ang iyong kapakanan. Tapat na tapat kami sa iyo at tanging sa ilalim lang ng bandila mo kami maililigtas. Pakiusap pamunuan mo kami!"
"Pakiusap pamunuan mo kami!" sabay-sabay na sigaw ng buong hukbo at lahat ng dakilang mandirigma ay lumuhod sa lupa. Ang tunog ng pangprotekta sa kanilang tuhod ay parang kulog!
Nakatayo sa bato na hinarap ng mahinang katawan ni Chu Qiao ang nagngangalit na hangin ngayong gabi at tumingin sa mga nag-aapoy na mga matang puno ng pag-asa. Sa wakas ay iniling na niya ang kanyang ulo at sumagot, "Patawad ngunit hindi ako makakasang-ayon dyan!"
"Binibini!"
"Bakit?"
Isang ingay ang nagsimula. Itinaas niya ang kanyang palad para senyasan sila na manahimik. Sa wakas ay nagpahayag siya, "Ngunit maipapangako ko sa aking buhay na ang Southwest Emissary Garrison ay siguradong matatanggap ang pakikitungo na karapat-dapat sa mga nagawa niyo. Ang ibig sabihin ng pagiging sundalo ay lubos na pagtalima. Kahit na iutos ng Yan Bei ang kamatayan ko isang araw, kailangan niyo itong walang-awa na sundin. Saka lang kayo magiging karapat-dapat na matawag na sundalo."
Agad nanahimik ang kalangitan. Ang malamlam na sinag ng buwan ay nagbigay liwanag mula sa langit, iniilawan ang mabagal na pagaspas ng kasuotan ng dalaga. Matatag niyang inulit ang kanyang desisyon, "Hindi ako sasang-ayon bilang pinuno niyo ngunit gusto ko kayong paalalahanan ng isang katotohanan. Ang Yan Bei ay mayroon lamang isang pinuno na kailangan niyong bigyan ng katapatan niyo. At ang taong iyon ay si Yan Xun."
Sa ilalim ng pagdarang ng parang pilak na buwan, kasama ng kanyang nililipad-lipad na kasuotan, mukhang isang diyosa si Chu Qiao nang sandaling iyon. Paggalang na pagtitig nalang ang nagawa nila dahil hindi nila alam ang sasabihin. Mukhang nilagyan niya ng mahika ang kanyang mga salita.
"Binibini, paano ka?"
"Ako? Lalaban ako kasama niyo. Mayroon akong sariling pangarap at hangarin."
"Ano ang hangarin mo binibini?"
Umangat ang gilid ng mga labi ni Chu Qiao habang ang kanyang pagkaseryoso ay napalitan ng kasiyahan at pag-asa. "Habang nabubuhay ako, gusto ko siya makitang maghari sa mundong ito."
Para bang nagkataon, isang malakas na bugso ng hangin ang biglang umihip nang sinabi niya iyon at dinala ito sa hilaga, kumakaluskos sa malayong kagubatan bago mawala sa kalayuan.
"Binibini!" isang boses ang dumagundong sa hindi kalayuan at isang tagamanman ang bumalik na nagdudugo ang balikat. "Natambangan kami sa harap!"
"Natambangan?" agad na napatayo si He Xiao at malakas na nagtanong, "Sino sila? Ano ang lakas nila?"
"Pitong katao lang at hindi malinaw kung sino sila. Bago kami magkapagtanong ay inilabas na nila ang mga sandata nila at handang lumaban."
Tumayo si Chu Qiao at matigas na sinabi, "Dalhin mo kami doon."
Tumayo din ang mga sundalo mula sa Southwest Emissary Garrison at nagmadaling sinundan ang dalaga sa harap.
30 katao laban sa pito, halata na ang resulta bago pa man mag-umpisa ang laban. Nang nakarating si Chu Qiao ay nahuli na ng mga tagamanman ang pitong mananalakay. Dahil hindi pa malinaw kung sino ang nagpadala sa mga sundalong ito, wala pa silang pinapatay ngunit halos lahat ay nasugatan at hindi ito magandang tignan.
Sa mabilis na tingin, pakiramdam ni Chu Qiao ay pamilyar sila ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig, isa sa mga lalaki na iyon ang masayang sumigaw, "Ang Binibining Chu!"
Napasimangot si Chu Qiao at nagtanong, "Nakikilala mo ako?"
"Ako ang tauhan ni AhJing, si Song Qian!"
"Pinadala ka ni AhJing!" Agad na naintindihan ni Chu Qiao at sinabihan ang iba, "Mga kaibigan sila. Mukhang isa lamang hindi pagkakaintindihan."
Nagulat din si He Xiao. Balisa na siya kahit kakarating pa lang nila sa Yan Bei. Ngunit ang unang nangyari ay sagupaan sa lokal mga na sundalo, paanong hindi siya matatakot? Agad niyang pinakawalan ang mga tauhan na iyon at tinangkang bumawi sa kanila.
"Anong ginagawa niyo? Suot-suot ang sibilyan na uniporme? Nasa isang misyon ba kayo?" tanong ni Chu Qiao.
Namutla ang mga mukha nila nang marinig iyon. Saglit na nag-isip si Song Qian at naiilang na sumagot, "Binibini, nasa isang misyon kami. Pakiusap magmadali kayo tungo sa Xi Ma Liang. Naghihintay sa inyo ang kamahalan at hindi pa rin umaalis."
Maginhawang napabuntong-hininga ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison nang marinig nila iyon. Malaking panganib ang ginawa ni Prince Yan sa paghihintay sa kanila. Talaga bang hindi niya talaga gustong abandonahin sila sa capital at nagsasabi talaga ng totoo ang binibining Chu?
Hindi nagpakita ng kasiyahan si Chu Qiao bagkus ay napasimangot pa ito. "Anong misyon ang mayroon kayo?" tanong niya.
"Binibini, isa itong sikretong misyon." Sinubukan itong pagtakpan ni Song Qian. "Hindi rin kami magtatangkang magsuot ng uniporme namin. Medyo mahirap ito sabihin dahil maraming tao."
"Ano ang hindi maaaring masabi dito?" mas napasimangot pa ang dalaga at mabagsik silang binantaan, "Kapag may ginawa ang prinsipe, hindi siya magsisinungaling sa akin. Ngayon, mag-uumpisa tayo ng laban sa royal capital, tapos ay nakita kitang lihim na patungo sa direksyon ng kalaban. Ano mismo ang misyon mo?"
Natigilan ang mga tauhan sa kanyang galit. Nanginginig si Song Qian habang nahihirapan siyang makaisip ng dahilan ngunit hindi siya makaisip ng kahit ano.
"Magtapat ka! Espiya ka ba ng imperyo!"
"Hindi kami espiya!"
Whoosh! Inilabas ni Chu Qiao ang kanyang espada at ang kanyang mata ay walang-awa na naging malamig. "Sabihin mo, espiya ka ba o hindi?"
Sobrang takot na si Song Qian. Nakayuko siyang lumuhod at nagsabi ng totoo, "Binibini, hindi kami espiya. Sinusunod lang namin ang utos na protektahan ang Thirteenth Prince pabalik ng capital!"
"Thirteenth Prince?" nagbago ang itsura ni Chu Qiao. "Anong sinabi mo? Nasaan siya?"
"Siya ay... Siya ay..."
"Asaan?" isang malamig na bakal ng patalim ang dumiin sa leeg ni Song Qian. Ang mukha ng dalaga ay kompletong nang walang simpatya at handang pumatay kahit anong oras.
"Siya ay... nandoon!"
Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Chu Qiao at malalaking hakbang na naglakad patungo sa direksyon na tinuro ni Song Qian. Pagkatapos igilid ang makapal na patong ng damo, isang malaking kweba ang nakita. Kasing linaw ng umaga ang loob ng kweba dahil sa mga sulo. Nang makita ito, lahat ay namutla.
Nakatayo si Chu Qiao sa harap ng kweba at mahigpit niyang hawak ang kanyang espada. Magkadikit na magkadikit na ang kanyang mga kilay at ang kanyang dibdib ay taas-baba sa pagsubok na pigilin ang kanyang lumalamon na pagkauhaw sa dugo sa loob niya.
Tatlong nakahubad na sundalo ng Yan Bei ang sindak na nakatingin kay Chu Qiao at walang tigil sa panginginig. Sa likod nila ay isang babae, ang damit ay gula-gulanit na, ang kanyang katawan ay nakatali at ang kanyang mukha ay namamaga. May makikitang tuyong dugo sa gilid ng kanyang bibig at parang pugad ng ibon ang pagkagulo ng kanyang buhok. Ang buong katawan niya ay makikitaan ng senyales ng pang-aabuso at ang kanyang ibabang katawan ay magulo. Nakahiga lang siya doon na hindi gumagalaw at kung hindi dahil sa daing ng kawalan ng pag-asa na paminsan-minsan na maririnig mula sa kanyang lalamunan, maiisip na patay na siya. Ang kanyang luha ay natuyo na sa dalawang bahid pababa ng kanyang pisngi.
Sa dulo ng kweba, isang lalaki na may isang braso na lang ang walang malay sa gilid. Ang lubid na tinali sa kanyang katawan ay nabalatan na ang kanyang balat at ang buong katawan niya ay duguan na. Sa isang tingin, masasabi kung gaano siya nagpumiglas. Kahit nahimatay na siya ngayon, makikita pa rin ang mukha niya na napangiwi ng malaking galit.
"Kayong tatlo, labas!" paos ang boses ni Chu Qiao na parang sirang recoder. Ang mga nakapaligid na sundalo ay natigilan sa tono ng kanyang boses at napabaling ng tingin sa kanya.
Napakatahimik na inulit ng dalaga ang sinabi niya nang tinuro niya ang tatlong lalaki sa loob ng kweba. "Oo, kayong tatlo." Saad niya.
Tumakbo palabas ang tatlong lalaki na hawak-hawak ang damit nila. Parang salot silang iniwasan ng mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison.
Whoosh! Sa isang mabilis na hiwa, isang ulo ang lumipad sa ere. Tumilamsik ang dugo mula sa kanyang leeg papunta sa kalangitan na parang isang fountain. Ang dalawa pang sundalo ay nanghilakbot at naghandang lumaban pabalik gamit ang kanilang sandata. Nang makita iyon, inilabas din ni He Xiao ang kanyang sandata at lumapit.
"Xiao He," tinapakan ni Chu Qiao ang bangkay nang naglakad tungo sa kweba pagkatapos ng kanyang sasabihin, "Bigyan ang dalawang ito ng masakit na kamatayan."
"Opo!"
Nag-umpisa ang tunog ng labanan ngunit wala nang pakialam pa doon si Chu Qiao. Sinubukan niyang ikubli ang kweba mula sa iba gamit ang matataas na damong iyon at naglakad pabalik sa kweba na umaalingasaw ang pagnanasa. Sinubukan niyang ibalik ang mga damit ni Zhao Chun'er na punit-punit na nang tumayo siya sa tabi nito.
"Lady! Patawarin mo kami! AHH!" isang matinis na sigaw ng sakit ang maririnig at maya-maya ay nagmamakaawa ulit sila para sa buhay nila. Ang takot sa kamatayan ang dahilan kaya nawala ang pagkahinahon nila. "Utos ito ng kamahalan! Sumusunod lamang kami sa utos!" desperado nilang sigaw.
"Binibini! Patawarin mo kami!"
"Binibini..."
Isang patak ng luha ang tumulo mula sa mata ni Zhao Chun'er. Gumapang ito sa kanyang malinis na puting balat, bumagsak sa kanyang katawan, at umagos lagpas ng mga malaswang bakas. Parang isang sirang manikang tumulo nanaman ang mga luha niya. Blangko ang utak niya ngayon. Ang mga dalisay at inosenteng mga araw ay parang hangin sa taglamig na habang-buhay na siyang iniwan. Ang mga ala-ala ng magagandang araw na iyon ay mapanuya, ipinapakita sa kanya kung gaano katanga ng kamusmusan niya. Madiin niyang kinagat ang labi habang patuloy ang pagtulo ng luha niya habang sinusubukang huwag umiyak ng malakas.
Nanigas ang kamay ni Chu Qiao habang nakikinig sa ingay sa labas. Tumungo siya ngunit kahit anong subok niya, hindi niya mapagdikit ang punit na mga damit. Namula ang mga mata ni Chu Qiao at ang kanyang mukha ay hindi pa namutla ng ganoon. Tinanggal niya ang panlabas niyang roba at inilagay ito kay Zhao Chun'er bago lumipat sa likod niya at sinuklay ang buhok nito.
"Kaya mo pa bang tumayo?" Tumayo si Chu Qiao sa harap ni Zhao Chun'er at mahina na nagtanong.
Sa wakas ay may kaunting tugon na si Zhao Chun'er. Tumingala siya at tumingin kay Chu Qiao. Iniabot ni Chu Qiao ang kanyang kamay at nagpatuloy, "Ilalabas na kita. Iuuwi kita."
Bigla, isang matinding galit ang sumiklab sa mga mata ni Zhao Chun'er. Dinakma niya ang kamay ni Chu Qiao at binuka ang bibig tapos ay parang galit na hayop niyang kinagat ito.
Sariwang dugo ang tumulo pababa sa palapulsuhan ni Chu Qiao, bawat patak nito ay tumutulo sa damit ni Zhao Chun'er. Buong lakas siyang kinakagat ng baliw na babaeng ito at ayaw bumitaw. Nagtiim ang ngipin ni Chu Qiao sa sakit ngunit unti-unting umupo at sa kanyang libreng kamay ay niyakap si Zhao Chun'er. Sa oras na iyon, tumulo din ang luha sa kanyang mga mata. "Patawad, patawad." Saad niya sa kanyang paos na boses.
"Uu... Wahh!" sa wakas ay niluwagan na ni Zhao Chun'er ang kanyang pagkakakagat at tumigil na sa pagkimkim ng kanyang pighati. Buong lakas ay nag-umpisa na siyang ngumawa. Ang puno ng dangal na prinsesa ay parang wala nang halaga nang ang kanyang katawan ay kompletong pininsala ng mga barbarong iyon. Niyakap niya ang babaeng ito na walong taon niyang kinamuhian at kaawa-awang humagulgol, "Bakit? Bakit ako natrato ng ganon? Mamatay na sila! Mamatay na!"
Hinayaan lang ni Chu Qiao na hampasin siya ni Zhao Chun'er at tumingin sa lalaking nahimatay sa lawa ng dugo. Habang nakatingin sa ngumingiwi niyang mukha at kunot na noo, hindi niya maihambing ang lalaking ito sa kabataan sa kanyang memorya. Maraming piraso ng memorya ang parang ulan ng kidlat ang naisip niya. Isa na doon ay may isang gwapong binata na nakatayo sa harap niya at abot-tenga ang ngiti. "AhChu, sa wakas ay makakapagpatayo na ako ng sarili kong palasyo at makakapagpakasal."