Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 88 - Chapter 88

Chapter 88 - Chapter 88

Tinakpan ni Chu Qiao ang kanyang bibig dahil hindi na niya mapigil pa ang kanyang pag-iyak.

Zhao Song, Zhao Song, Zhao Song...

Nag-umpisang umulan ng mga ala-una ng madaling araw. Pagkatapos makasakay nila Zhao Chun'er at Zhao Song sa kanilang karwahe, naglakbay si Chu Qiao sa malawak na kapatagan kasama ng mga mabagsik na pangkat mula sa Southwest Emissary Garrison. Nagulat sila Song Qian at ang iba.

"Sinong pumutol sa kamay ni Zhao Song?"

"Ang kamahalan po."

Napasimangot si Chu Qiao at sumigaw, "Kasinungalingan!"

"Hindi po ako mangangahas binibini!" takot na takot na si Song Qian. "Ang kamahalan po talaga iyon. Dumating siya para patayin ang kamahalan at dahil doon ay naputol ang braso niya. Gusto siyang patayin ni Lady Yu ngunit pinigilan sila ng kamahalan. Inutusan po kami ng kamahalan na samahan sila pabalik ng capital." Pagpapatuloy niya.

Huminga ng malalim si Chu Qiao at nagtanong, "Bakit sila pinakawalan ng kamahalan?"

"Ang sabi ni Commander Jing ay takot siyang magalit ka." Nang matapos magsalita ni Song Qian ay natatakot siyang baka banggitin ni Chu Qiao na gumalaw siya ng hindi pinag-uutos. Nagtatangis niyang dinagdag, "Subalit kung gagalaw kami habang nasa daanan, wala kang kahit anong malalaman at hindi ka magagalit."

Tumulo ang ulan sa buhok ni Chu Qiao. "Sinabi din ba ito ni Commander Jing?" tanong niya sa mababang boses.

"Ito... Sinabi, sinabi!" bulalas ni Song Qian.

Nang makita ni He Xiao na hindi maganda ang ekspresyon ni Chu Qiao ay sumigaw siya, "Kung walang kabuluhan ang sinasabi mo, papatayin kita!"

"Hindi na kailangan pang mag-aksaya ng salita." Nag-angat ng tingin si Chu Qiao at mababa ang boses na nagsalita, "Dakipin sila at patayin lahat!"

"Wala akong maling sinabi!" iyak si Song Qian at nagpatuloy, "Binibini, tignan mo kami. Sino sa amin ang hindi nagdusa sa pangkat ng Xia? Ang pamilya namin, mga magulang, at asawa, mga kapatid, sino ang hindi namatay sa kamay ng mga opisyal ng Xia? Kung ang intensyon ay hindi kami gumalaw, bakit kami pinadala dito mula sa iba't-ibang kampo?"

"Tama!" isang sundalo ang sumang-ayon. "Anong mali kung saktan siya? Ano naman kung ginahasa namin ang prinsesa ng Xia? Ang kapatid kong babae ay pinahiya ng royal family ng Xia! Ang mga magulang ko ay pumunta upang isumbong ito sa mga awtoridad ngunit binugbog sila hanggang mamatay doon mismo! Anong mali ang nagawa ko?"

"Tama iyon! Binibini, anong mali ang nagawa namin? Bakit mo kami pinarurusahan?"

"Hayaan niyong sabihin ko sa inyo kung ano ang pagkakamaling nagawa niyo!" isang kidlat ang kumislap sa kalangitan at inilawan ang abot-tanaw. Tumalikod ang dalaga, tinuro ang karwahe at mabagal na inusal, "Ang pumatay sa mga magulang mo, nagpahiya sa kapatid mong babae, at sinaktan kayong lahat ay hindi ang dalawang ito!"

Mga iyak ng paghihirap ang narinig. Hindi lumingon si Chu Qiao. Tahimik lang siyang tumingin sa karwahe at hindi nagtangkang lapitan ito. Ang kanyang yabag ay bumigat.

"Binibini!" malalaki ang yabag ni He Xiao papunta sa kanya at pinunasan ang tubig na tumutulo sa kanyang mukha. "Nabitay na namin ang mga hayop na iyon." Saad niya.

"He Xiao, kayo nalang ang tumungo sa Xi Ma Liang," saad ni Chu Qiao, ang kanyang mukha ay maputla. "Hindi ko na kayo masusundan doon."

"Binibini!" nagulat si He Xiao at nagtanong, "Bakit?"

Nagpatuloy ang pagkulog at ang malakas na ulan ay patuloy din sa pagtulo, lumalapag sa mukha ni Chu Qiao at hindi sinasadya na tinatakpan ang mga luha niya. "Dahil may mas importanteng bagay akong kailangan gawin."

Nang sumikat ang araw at tumigil ang ulan, napakasariwa ng panahon. Parang lahat ng kasalanan ay nahugasan ng bagyo.

Sa mataas na bangin, isang binata na nakasuot ng puting roba ang nakatindig. Ang kanyang mukha ay maputla at ang mata ay maitim na maitim. Nakatingin siya sa mabundok na tanawin sa kanyang harapan.

"Master, kailangan na natin umalis." Bulong ni Wu Daoya habang nakatayo sa likod ni Yan Xun.

Nanatiling tahimik si Yan Xun na nakatingin lang sa kalayuan. Nang umihip ang hangin, nag-umpisa siyang maubo ng matindi at mukhang mahina. Ang kanyang boses ay mabigat at ang amoy ng dugo ay nagtagal sa hangin.

"Master?"

"Mmm." Ikinumpas ni Yan Xun ang kanyang kamay at tumalikod. Tinanggihan niya ang alok ni Wu Daoya na suportahan siya at bumaba sa burol habang umuubo.

Ang gilid ng bundok ay iba-iba ang tangkad at mayroong pataas at pababa. Sa tulay sa likod nila, sa hindi nila nakikita, isang berdeng karwahe ng kabayo ang mabagal na dumadaan sa daanan. Sa kalangitan sa itaas, puting agila ang lumilipad-lipad at sinusundan ang karwahe ng kabayo palabas ng kalangitan ng Yan Bei.

Ang malawak na kapatagan ay mapanglaw. Walang bakas ng tao sa loob ng sandaang milyang radyus. Dahil sa sagupaan at patayan ng maraming taon, ang lugar na ito ay naging tigang na lupain. Sa tuwing pupunta ang hukbo sa hangganan, lilisanin ng mga sibilyan ang kanilang tahanan para maghanap ng ligtas na lugar. Subalit, sa gitna ng magulong mundong ito, anong lugar ang maikokonsiderang utopia?

Walang tigil ang ulan at hangin ng tatlong araw. Napadaan ang karwahe ng kabayo sa isang sira-sirang nayon at maraming kalat ng itim na basura kahit saan. Nakahanap si Chu Qiao ng bahay na buo pa at dinala ang walang malay na Zhao Song doon. Nilinis niya ang bahay at nakahanap ng malinis at tuyong dayami na ginawa niyang pang-umpisa ng apoy. Sa loob ng isang oras, mainit na ang loob ng bahay.

Ang lugar na ito ay no man's land o mas kilala bilang Chuanzhong Regions. Nauna nang pangunahan ni Chu Qiao ang Southwest Emissary Garrison sa lugar na ito at nakasagupaan ang pwersa ni Zhao Yang sa hindi kalayuan. Makikita na ang mga sibilyan na nakatira dito ay natakot sa labanan. Dahil wala na silang oras, iniwan nila ang lahat bukod sa pagkain at kasuotan. Ang kagamitan sa kusina ay maayos pa at mayroon pang malinis na tubig sa taas ng panggatong na kahoy sa loob ng silid na lalagyan nito.

Nagdala ng lalagyan na may maligamgam na tubig si Chu Qiao at tumungo kay Zhao Chun'er na mag-isang nakaupo sa gilid ng bahay. Umupo siya at ipinasa ang tubig sa kanya. Hindi man lang tumingala o hamakin ang kondisyon ng kabahayan ng pinahahalagahang prinsesa sa nakaraan. Kinuha niya ang tubig at nag-umpisang uminom nito.

Habang naglalakbay sila ay ganito na si Zhao Chun'er. Nakakagulat na hindi siya sumasalungat kay Chu Qiao o hindi sumunod sa kanyang bilin. Masunurin siya at tahimik, kinakain o iniinom ang ibinigay sa kanya. Kapag ang daan ay mahirap, bababa siya at tutulong din tumulak sa karwahe kasama si Chu Qiao. Kapag naubusan sila ng panggatong, kakain siya ng tuyo at malamig na rasyon kasama si Chu Qiao. Kapag dadaan sila sa mababaw na ilog, dadaan din siya sa tubig. Kapag may nakasalubong silang nakakaabalang mga sibilyan, gagaya din siya sa mabangis na postura ni Chu Qiao at may hawak-hawak na kutsilyo para takutin sila. Ngunit iilang salita lang ang sinabi niya. Bukod kay Zhao Song, wala na siyang pakialam sa iba.

Alam ni Chu Qiao na hindi siya tinuturing ni Zhao Chun'er bilang tagapagligtas niya at hindi umaasal ng ganito dahil sa takot. Sa lahat ng pinagdaanan niya, ang dalagang ito ay nakakatakot ang bilis ng paggulang ng isip. Nagbago ang kanyang personalidad sa loob lang ng isang gabi. Natatakot si Chu Qiao na baka naiisip niyang magpakamatay.

Dinurog ni Chu Qiao ang rasyon at inilagay sa mainit na tubig tapos ay dinala sa gilid ni Zhao Song. Binuksan ni Chu Qiao ang bibig nito gamit ang dalawang daliri at pwersahang pinakain. Napakunot ang binata. Nag-umpisa na rin siyang tubuan ng balbas. Si Zhao Song ay may malinaw na mata, makapal na kilay, at mukhang cute na maliit na leon kapag galit, hindi katulad ni Yan Xun at Zhuge Yue. Sa ilang araw lang, ang kanyang dating maliwanag na sarili ay naging kaawa-awa. Mapayat siya at mahina, at ang kanyang mukha ay kasing putla ng puting papel. Nang mapatingin sa kanyang bakanteng kanang manggas at namamantsahan ng dugo na kasuotan, agad umiwas ng tingin si Chu Qiao dahil hindi na niya kaya pang tumingin.

"Hmm..." isang mahinang tunog ang biglang narinig. Si Zhao Chun'er na tahimik buong oras ay biglang napatalon na parang hayop at gumapang tungo sa kanyang kapatid.

Napasimangot si Zhao Song at may nasasaktang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakaluhod ang isang paa ang pagkakaupo ni Chu Qiao sa tabi niya at mahigit na hinawakan ang kamay nito. "Zhao Song? Zhao Song?"

"Hangal, huwag kang umalis!" saad ng lalaki sa mahinang boses. Ang mga mata ay nakapikit at ang kanyang ugat ay nakikita sa kanyang ulo. Ang kanyang ekspresyon ay naghihingalo na parang isang nabitag na hayop.

"Thirteenth Brother!" inihagis ni Zhao Chun'er ang sarili kay Zhao Song at sinabi, "Thirteenth Brother! Nandito si Chun'er! Hindi ako aalis!"

Itinulak sa gilid ni Zhao Chun'er si Chu Qiao. Hindi niya maiwasan na abisuhan ito, "Princess, huwag niyong palalain ang sugat."

"Umalis ka sa harap ko!" nandidiri ang mabangis na pagtitig ng dalaga sa kanya.

"Huwag... huwag mo siyang sundan, ikaw ay... ikaw ay mamamatay..."

"Thirteenth Brother, may malamig na tingin si Chun'er sa kanyang mukha, "Alam ni Chun'er, huwag kang mag-alala."

Hindi karaniwan ang pagkapula ng mukha ni Zhao Song na para bang nilalagnat siya. Nakatayo lang sa gilid si Chu Qiao at hindi makaisip ng paraan para lapitan ang magkapatid. Maghahanda na dapat siya ng tubig ngunit nang tumalikod siya, napatigil siya sa paglalakad ng isang paos na boses.

"Kaya... kaya ko... rin... protektahan ka... AhChu..."

Natigilan si Zhao Chun'er. Namutla ang kanyang ekspresyon na para bang sinaniban. Lumingon siya para tumingin kay Chu Qiao tapos ay sa walang malay na si Zhao Song. Bigla, nagbigay siya ng mapait na ngisi at naglakad pabalik sa gilid. Niyapos niya ang kanyang tuhod at ibinaon ang ulo doon.

Walang katuturan ang sinasabi ni Zhao Song buong gabi. Kinagalitan ni si Yan Xun sa pagtataksil sa tiwala niya. Ibang beses, sumisigaw siya na tumakas si Chun'er at madalas at nagmamakaawa siya kay Chu Qiao na manatili. Ang lalaking ito na disididong putulin ang ugnayan nila sa mahabang kalyeng iyon ay ipinakita ang kanyang kahinaan at malambot na parte ng kanyang pagkatao sa maulan na gabing ito. Ang kanyang mga salita ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ni Chu Qiao bawat salita.

Nang mag-umaga ay nagising si Zhao Song. Nanatili si Chu Qiao sa tabi niya buong gabi para pababain ang kanyang lagnat at siguraduhin na hydrated siya. Masayang napasigaw si Chu Qiao, "Gising ka na?"

Ginising ng ingay ang natutulog na si Zhao Chun'er. Binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata ngunit hindi lumapit.

Ang tingin sa mata ni Zhao Song ay naging magulo. Sa isang sandali, hindi niya alam kung nasaan siya. Tumingin siya kay Chu Qiao na may kagalakan sa kanyang mata tapos ay dahan-dahan naging suspisyon, tapos ay sakit, hinanakit, galit, at ilan pang negatibong emosyon. Sa wakas, ang tingin sa kanyang mata ay naging malamig. Hindi kapani-paniwala ang pagkalamig, malamig pa sa nagyeyelong tuktok ng bundok, sapat para magdala ng ginaw pababa sa likod ng isang tao. Sa tingin ng kanyang mga mata, nabalik si Chu Qiao sa pagkakaibigan nila ng ilang taon, mula noong nakilala nila ang isa't-isa, sa naging mabuting magkaibigan sila, tapos ay nang pinutol nila ang kanilang pagkakaibigan sa ilalim ng dakilang pader ng syudad.

Nang oras na ito, tinamaan ng reyalidad si Chu Qiao. Subalit, umasa pa rin para sa isang kislap ng pag-asa. Siya at si Zhao Song ay hindi na magiging magkaibigan ulit. Nagawa na ang pinsala. Katulad ng naputol niyang kamay, walang dami ng pagsisikap ang maililigtas ang sitwasyon.

"Chun'er?" tumingin si Zhao Song sa dalaga na nasa gilid at paos na nagsalita. Ang kanyang boses ay parang kinakalawang. Ginamit niya ang kanyang nag-iisang kamay para kumumpas sa mahinang dalaga.

Ngumuso si Zhao Chun'er at paluhod na gumapang. Ang kanyang mata ay mapula at ang kanyang labi ay nangangatal. Subalit, nagpwersa pa rin siya ng ngiti na mas malala pa sa isang malungkot na ekspresyon. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Zhao Song.

Bumubuhos pa rin ang ulan sa labas. Nag-aapoy ang fireplace sa loob ng bahay. Parang mga estatwa na nanatiling tahimik ang magkapatid na dumaan sa buhay o kamatayan na sitwasyon. Libong mga hindi maipaliwanag na salita ang ipinapakita ng dalawang malungkot na ekspresyon na magkaharap sa sarado at makipot na silid.

Related Books

Popular novel hashtag