Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 73 - Chapter 73

Chapter 73 - Chapter 73

Walang pakialam kung sino ang nagsabi noong huling pahayag, biglang nalunod sa katahimikan ang buong hukbo pagkatapos marinig iyon.

"Mga mandirigma ng Yan Bei!" nakaupo sa kabayo niya si Yan Xun habang nakatingin sa mga sundalong nakataas ang kamay sa kalangitan. Ang mga mata ay bumuo ng isang manipis na linya habang matatag na sinabi, "Walang awang pinatay ang ama ko walong taon na ang nakakalipas! Grabe ang pagbagsak ng Yan Bei at tinapak-tapakan ng masama. Ang karangalan ng mga mandirigma ng Yan Bei ay sinira din ng nabubulok na imperyo! Lahat tayo ay naging tapat sa imperyo. Binantayan natin ang hangganan at nilabanan ang mga barbaro habang pinoprotektahan ang kapayapaan sa loob ng imperyo. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang kaunlaran ng capital ay tinakpan ang mga mata ng namumunong grupo sa capital. Nakalimutan nila kung sino ang nakipaglaban sa labas ng hangganan. Nakalimutan nila kung sino ang bumuo sa malaking pader ng proteksyon gamit ang pawis at dugo! Nakalimutan nila kung sino ang pumipigil sa pananakop ng mga taga Quan Rong. Nakalimutan nila kung sino ang sumagip sa imperyo noong mga delikadong panahon pa!"

"Tayo iyon! Tayo, ang Yan Bei!" hiyawan ng mga sundalo.

"Tama! Tayo iyon!" nag-umpisa nang umihip ang hangin at pinunit ng binata ang kanyang pulang-pulang roba, inilalantad ang isang itim na itim na pandigmang kasuotan. May nakaburdang gintong agila sa kasuotan na iyon. Iyon ang pandigmang bandila ng Yan Bei! Ang gintong agila!

Mabangis na sumigaw si Yan Xun, "Hindi na isang mahusay na pinuno ang Emperor. Hindi na niya kaya pang paghiwalayin ang kasamaan sa katapatan! Maaari tayong masugatan sa digmaan, maaari tayong lumaban para sa ikabubuti ng mga mamamayan, ngunit hindi tayo magiging alipin sa isang master na binabayaran ang katapatan ng paghihiganti!"

"Hindi tayo magiging alipin!" lahat ay sabay-sabay na sumigaw.

Habang lumalakas na ang hangin, inilabas ni Yan Xun ang kanyang espada mula sa kanyang bewang. Nililipad-lipad ng malakas na hangin ang kanyang pandigmang kasuotan at sumasabay din sa paggalaw ang nakaburda dito. Para bang handang lumipad ano mang oras ang gintong agila! Bilang nakulong ng walong taon, naglabas si Yan Xun ng isang malakas na sigaw, "Mga mandirigma! Sundan niyo ako! Umalis sa capital at bumalik sa Yan Bei! Wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang magrebelde. Simula ngayon, ang Yan Bei ay magiging isang mag-isang teritoryo!"

"Umalis sa capital! Bumalik sa Yan Bei!" mga sabik na sigaw ang tumagos sa kalangitan.

Sa oras na ito, sa loob ng Ying Ge court, nakasuot ng mahabang itim na blusa si Chu Qiao na naghihintay sa ilalim ng kadiliman ng gabi. Sa likod niya ay ang grupo ng mga lalaki na nakasuot din ng parehong kasuotan. Isang puting agila ang lumipad tungo sa himpapawid at dumapo sa kanyang balikat. Pagkakuha sa sulat, taimtim niya itong binasa bago mahabang napabuntong-hininga at nag-utos, "Galaw na. Gamitin natin ang nabubulok na laman-loob ng mga nasa kapangyarihan bilang sakripisyo sa muling pagkabuhay ng bansa natin!" sa kaunting kaluskos, di nagtagal ay wala nang tao sa bakuran.

Samantala, isang maganda ang pananamit na babaeng opisyal ang nagmamadaling lumapit sa prinsesa. Makikita sa mukha nito ang pagkataranta, "Prinsesa! Malapit na mag-umpisa ang seremonya! Bakit nandito pa kayo? Ang mga opisyal ng seremonya ay naghihintay na sa inyo at ang ilang mga tagasilbi ay nakaluhod sa Bai He Hall!"

Sa parehong estado ng pagkataranta, hinawakan ng babaeng nakasuot ng matingkad na pula ang kamay ng babaeng opisyal. "Nanny Miao, anong gagawin ko? Lagpas na sa napagkasunduang oras ngunit hindi pa rin siya nakakabalik. Maaari kayang may masamang nangyari?" lagpas 20 taong gulang lang ang babaeng opisyal ngunit mas mukhang matanda na siya kaysa sa kanyang edad. Inalo niya si Zhao Chun'er at malapit siyang niyakap. Malumanay niya itong kinausap, "Ngayon, sa labas ng palasyo, lahat ay nagagalak at ang matagalan pansamantala dahil sa mga tao ay karaniwan. Hindi mo kailangan mag-alala."

Kinagat ni Zhao Chun'er ang kanyang labi at ang kanyang pag-aalala ay hindi man lang nabawasan kahit kaunti. Hinikayat niya ang sarili para paniwalaan ang mga salitang iyon at tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano. Naglakad siya tungo sa Imperial Harem habang sinusundan ang opisyal.

Sa kadiliman, napakunot ang noo ng babaeng opisyal. Lahat ng royal na seremonya ay may pirmi na oras na sinusundan. Paano mangangahas ang karaniwang mga tao na hadlangan ang royal na paglilitis? Maaaring may nangyaring mali.

Noon lang, isang kabayo ang biglang dumating sa gate ng palasyo. Isang sundalo ang tumalon pababa at hinihingal na sumuray patungo sa gate ng palasyo ngunit hinarangan ng gwardya. "Mayroon akong importanteng bagay na kailangan ipabatid sa Emperor! Papasukin niyo ako!"

Nagmatigas ang gwardya. Nagbanta ito habang hinaharangan ang mensahero, "Ipakita mo sa akin ang kahit anong utos mula sa Emperor."

Galit na sumigaw ang mensahero na pawis na pawis na ang ulo, "Kailangan malaman kaagad ang bagay na ito! Kapag nahuli ito, hindi sapat ang sampo sa mga ulo niyo bilang bayad!"

"Anong nangyayari?" tanong ni Zhao Chun'er.

"Kamahalan, prinsesa?" sulyap lang sa kasotan nito ay nakilala na siya ng sundalo. Lumapit siya at bumulong sa kanya. "Princess, napaka nakakapinsala! Ang prinsipe ng Yan Bei na si Yan Xun ay nagrebelde! Papunta na siya kasama ang mga sundalo sa Southwest Emissary Garrison!"

Thump! Isa sa mga pampainit ng kamay na hawak ni Princess Chun ay bumagsak sa lupa. Ang mukha ng dalaga ay kasing puti ng papel at ang kanyang labi ay naging blue-black. Hindi siya makakuha ng lakas para magsalita sa sobrang gulat.

"Kinokontrol nila ang landas tungo sa konseho ng Grand Elder at sa City Hall ng syudad. Ang Elders at General ay nasa palasyo pa rin. Bago sila umalis, kailangan natin sila sabihan para makapagplano sila! Prinsesa? Prinsesa?"

"Ah, tama, tama ka." Matigas na tumango si Princess Chun nang sa wakas ay nakatugon na ito. Ang kanyang natatakot na itsura ay nawala na. "Sundan mo ako." Saad niya na nagpapakita ng matatag na itsura.

Natutuwang sinundan ng sundalo ang prinsesa. Napasimangot ang gwardya at lakas loob na lumapit sa prinsesa, "Princess, labag ito sa patakaran." saad nito.

"Anong patakaran?" galit na sigaw ng babaeng opisyal, "Kung gusto magpapasok ang prinsesa ng tagasilbi, kailangan niya ang pagsang-ayon mo? Sino ang pinagsisilbihan mo at mayroon kang tapang para pagdudahan ang prinsesa?"

"Nanny Miao, halika na." Putlang-putla si Zhao Chun'er at humarap sa Fang Gui Hall. Ang malaking kasalan ngayon gabi ay gaganapin doon at lahat ng opisyal ay nandoon na. Nang pumasok ang prinsesa at mga kasama niya sa gate, malamig na tumingin sa isa't-isa ang mga gwardya, ang mga mata nila ay sinesenyasan ang isa't-isa.

Nilalagpasan ang ilang mga gusali sa palasyo, nagdilim na ang kalangitan. Bukod sa ilang parol na nagbibigay ng DIM na ilaw na sapat lang para makalakad, lubos ang katahimikan nito. Bigang huminto si Zhao Chun'er. Ang kanyang mukha ay nakakatakot sa putla. Tumalikod siya at sinabi sa sundalo, "Halika dito, may itatanong ako sayo."

Madaling ang sundalo. Nakayuko niyang nilapitan ang prinsesa. Lumapit si Zhao Chun'er na halos nakadikit na sa sundalo. Napakunot ang opisyal ngunit bago pa man siya nakapagsalita at mayroong napairit. Kasunod noon, tumalon ang sundalo at sinipa ang prinsesa. Bumagsak siya at malaking parte ng roba ng prinsesa ang napunit.

Lubos na gulat, napasigaw ang babaeng opisyal, "Assas—.." bago matapos ang kanyang sasabihin, pinigilan niya ang sarili. Nanginig sa lupa ang sundalo, ang kanyang buong katawan ay balot ng dugo. Miserableng tumayo mula sa lupa si Zhao Chun'er at malamya na gumapang patungo sa sundalo. Sinaksak niya sa dibdib ang sundalo gamit ang gintong patalim na hawak niya. Tumilasik ang madaming dugo na mainit-init pa kahit saan. Kahit na nababalutan na siya ng dugo, patuloy sa pagsaksak ang prinsesa. Ang tunog ng metal na humihiwa sa laman at buto ang kakakaba-kaba na maririnig sa bakanteng pasilyo.

"Prinsesa! Prinsesa!" halos tumataghoy na gumiray sa paglapit at niyakap si Zhao Chun'er ng babaeng opisyal. Nakiusap siya habang pinipigilan ang kamay, "Patay na siya! Patay na!"

Clang! Bumagsak sa lupa ang patalim. Biglang napaupo ang dalaga na nalalaki ang mata at nanginginig ang mga kamay.

"Nakapatay ako... nakapatay ako..."

"Nanny Miao!" Mahigpit na hinawakan ni Zhao Chun'er ang kanyang kamay, ang mga mata ay mapula na. "Umalis ka agad sa kastilyo at hanapin ang prinsipe ng Yan. Sabihin mo na wag siyang magpadalos-dalos! Huwag niyang sirain ang kinabukasan niya! Alam kong hindi niya gusto ang kasal na ito. Lubos ko iyong naiintindihan. Hindi ko na siya pipilitin pa. Pupunta na ako sa Emperor ngayon at magpapaliwanag!" utos niya dito.

"Prinsesa! Anong sinabi niyo?"

"Dali!"galit na saad ng prinsesa. Pinirmi niya ang sarili at sinabi, "Hanapin mo na siya ngayon at sabihin ang sinabi ko. Tutungo na ako sa Emperor ngayon at babawiin ang kasal. Hindi ko na siya pipilitin pa!"

"Prinsesa..."

"Nanny Miao, sige na..." malaking patak ng luha ang bumagsak mula sa mata ni Zhao Chun'er. Ang kanyang mukha ay maputla pa rin at ang labi ay blue-black pa rin. Lubos na mapula na ngayon ang kanyang mga mata. Pinipilit niyang wag umiyak sa pamamagitan ng pagkagat sa kanyang ibabang labi. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng babaeng opisyal na sobrang lakas na mistulang gusto niya ibaon ang mga daliri sa laman nito habang maraming dugo sa leeg niya.

Sa huli, hindi nakaranas ang babaeng opisyal na maharap sa ganitong gulo, sobrang takot siya na nag-umpisang umiyak habang ngumangawa, "Prinsesa, wag kang mag-alala, siguradong hahanapin ko ang prinsipe ng Yan."

"Sige, umalis ka agad. Magulo na ngayon ang palasyo. Manatili kang ligtas." Pinunasan ni Zhao Chun'er ang kanyang luha.

"Um, pakiusap huwag kayong mag-alala." Maikling nagpalitan ng mga salita ng basbas ang dalawa bago naghiwalay sa magkaibang direksyon.

Hinipan ng malamig na hangin ang alikabok at dahon sa lupa. Nagmamadali ang babaeng opisyal sa maliliit na eskinita. Nang kakalagpas niya lang sa ornamentong fountain, isang kislap ng puti ang pumuno sa kanyang paningin. Bago pa niya makilala ang salarin, bumagsak na siya sa lawa ng sarili niyang dugo. Sa kadiliman, ilang lalaki ang lumabas, ang pinuno ay ang gwardya.

"Brother Yu, tungkol sa Prinsesa..."

"Wag ka mag-alala, hindi niya ipagkakalat ang mensahe." Bulong ng lalaking may mukha na parang bakal, "Selyuhan ang hilagang gate at maghandang tagpuin ang ating lady sa kanlurang gate."

Malapit sa kanlurang gate sa sira-sirang kubo, isang babae na nakasuot ng puti ang nakatayo sa bakuran. Hindi makikitaan ng emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin sa aqua blue na apoy na nagliliyab sa kalangitan. Pagkatapos ng mahabang sandali, inutusan niya ang mga tauhan niya, "Base sa orihinal na plano, sa loob ng dalawang oras, iparalisa ang buong Green Army, ang Dauntless Cavalry Camp, at ang natitirang nagmamando ng militar sa capital."

Tahimik siyang sinang-ayunan ni Xia Zhi at Xirui. Humarap si Bian Cang at sinabi, "Aking Lady, lahat ay payapa pa rin sa palasyo. Ang silangan at hilagang gate ay nasa kontrol na. Halos magtagumpay na ang plano ni binibini Chu."

"Oo, gawin na natin ang plano ng apoy ngayon." Tango ni Lady Yu.

Sa payapang repleksyon ng buwan sa payapang tubig, nagpatuloy ang selebrasyon. Subalit, ilang ang nakapagtanto na dahan-dahan nang lumalapit ang mabangis na hayop sa hindi napoprotektahang parte ng imperyo.

Pagkatapos ng dalawang oras, isang pangkat ng mga lalaking nakaitim ang nagmadali sa kanlurang gate. Ang mga gwardya sa gate ay umakto na parang hindi man lang sila nakita at walang gumawa ng kahit isang ingay.

"Zuo Qiu, sabihan ang Kamahalan. Nasa ayos na ang lahat, magpatuloy na ayon sa plano."

"Opo, Binibini." Nilisan ng tapat na tauhan ang kastilyo. Tinanggal ni Chu Qiao ang naliligo sa dugong pandigmang kasuotan at inilantad ang nakasisilaw na roba na nasa ilalim nito. Madali siyang pumunta sa karwaheng nakatago sa kumpol ng halaman. Inangat ng mga tagasilbi ang karwahe at walang salitang nagmartsa pasulong.