Pagkatapos ng maikling sandali, tumigil ang karwahe sa harap ng gate ng Fang Gui Pavilion. Walang tigil na patayan ang isinasagawa sa kadiliman sa labas, ngunit nanatiling hindi naaapektuhan ang royal na palasyong ito na nahihiwalay mula sa labas. Masasayang musika at tunog ng tawanan ang maririnig mula sa palasyo.
"Miss, nakarating na tayo," saad ng tagasilbi na ibinababa ang ulo.
Lumabas si Chu Qiao sa karwahe. Nakasuot siya ng light blue na roba. Diretso ang kanyang tindig, ang mga mata ay nakapirmi lang ang tingin sa harapan at hindi makikitaan ng kahit anong takot. Inangat niya ang binti at naglakad tungo sa palasyo.
"Binibini," isang mababang boses ang narinig sa likuran niya. Ang apat na marshalls ng karwahe ay sabay-sabay na lumuhod. Tumigil sa paglakad ang dalaga ng marinig ang pagaw na boses. Mabagal na sinabi ng lalaki sa isang pwersang tono, "Ang landas sa harap ay walang katiyakan at mahirap. Binibini, pakiusap tumigil kayo para sa kapakanan ng Da Tong at ng Kamahalan."
Bahagyang nanginig si Chu Qiao. Isang hindi alam na emosyon ang dumaluyong sa kanyang isip. Ang ilang taon ng antisipasyon at paghihintay ang nagpasiklab ng kanyang determinasyon. Sa gitna ng mga bagyong pinagdaanan niya, naging mas banat siya. Ang mga mata niya ay mas malinaw na nakakakita, ang kanyang likod ay mas naging tuwid, ang kanyang balikat ay naging mas malakas. Naniniwala siyang may abilidad siyang magpatuloy sa paglalakbay. Sa iglap na ito, ang hangarin niya ay hindi na dahil sa aspirasyon ni Yan Xun o dahil sa Da Tong. Ito ay para parangalan ang pangakong binitawan niya noong una.
"Sabay-sabay tayong bumalik sa Yan Bei?"
"Sabay-sabay tayong bumalik sa Yan Bei!"
May whoosh na hinipan ng hangin ang tahi ng kanyang damit. Iniangat ng dalaga ang kanyang ulo at mabagal na matatag na humakbang tungo sa Fang Gui Pavilion.
Isang mabangong halimuyak ang inanod mula sa kalayuan. Winawagayway ng hanging ang manggas ng mga mananayaw. Isandaang mga opisyal ang nagtipon dito. Grupo grupo sila na nakikipag-usap sa isa't-isa. Hindi pa opisyal na nag-uumpisa ang piging. Ang Emperor na pangunahing tauhan ngayong gabi ay nagpapahinga pa sa likod na palasyo pagkatapos ng mahabang araw ng pagbisita. Maalwan ang atmospera sa pavilion nang wala ang kanyang presensya.
Dahil sa pagkakakilanlan ni Chu Qiao, hindi siya pwedeng tumapak sa pinaka palasyo; pwede lamang siyang umupo sa pangalawang bloke ng gilid na palasyo, kung saan nakahiwalay sa palasyo ng ilang hilera ng makakapal na haligi. Sa pinaka palasyo, nagmukhang masigla ang loob dahil sa hindi malinaw na mga usapan at galaw ng mga ulo. Ang mga royal ng imperyo ng Xia ay matingkad ang mga kasuotan at nagbibigay ng awra na tumpak sa kanilang mga estado.
"Binibini," saad ng isang malumanay na boses sa gilid niya. Lumingon si Chu Qiao at nakakita ng dalagang may magandang kutis na nakaupo sa upuan sa tabi niya. Nakasuot siya ng light pink at mukhang elegante. Malumanay siyang nagtanong, "Maaari ko bang malaman kung saang pamilya ka nabibilang? Ako ay mula sa pamilya Heluo, ang ama ko ay si Heluo Zhangqing. Anong pangalan mo?"
Ang dalagang nakasuot ng pink ay mukhang mahinhin at nakakagiliw. Magalang na tumango si Chu Qiao at sumagot, "Ako si Chu Qiao, ang personal na tagasilbi ni Prince Yan."
"Oh, ikaw si Miss Chu." Nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga na mula sa pamilya ng Heluo ng marinig ang sinabi niya. Kahit na magalang niyang kinausap si Chu Qiao, makikitang nanlamig ang kanyang pakikitungo kumpara kanina. Nang inilingon niya ang ulo para makipag-usap sa ibang mayayaman na maharlikang babae sa gilid, sinadya niyang inilayo ang kanyang katawan kay Chu Qiao sa takot na iugnay silang dalawa ng iba.
Pagkatapos ng maikling sandali, inilantad niya ang pagkakakilanlan ni Chu Qiao sa marami pang tao. Marami ang tumingin sa direksyon ni Chu Qiao, nagkikimkim ng pagkasuya, paghamak at iba pang negatibong emosyon. Walang pakialam na umupo lang sa gilid si Chu Qiao at nakangiti. Sapat na ang nakita niyang kalamigan at kawalan ng interes na kinikimkim ng mga tao sa isa't-isa.
Pinagtimpla niya ang sarili ng tsaa at ininom ito habang inaangat ang kanyang baso. Nang makita ng mga maharlikang babae sa gilid na itinataas niya ang kanyang basok ng alak ay inakalang umiinom siya ng alak sa publiko, pinapalaki ang kanilang nararamdaman na paghamak. Tunog ng mga tsimisan ang pumaibabaw, sinasabi na siya ay hindi edukado, mababang hayop na walang tamang pagpapalaki. Ang lakas ng kanilang pagsasalita ay ekspertong kontrolado. Ang kanilang mga pahayag ay maiintindihan ngunit ang eksaktong tao na nagsabi noon ay hindi malaman.
Nanatiling walang interes si Chu Qiao. Pagkatapos ng mahabang sandali, biglang nawala ang tunog sa paligid niya. Isang anino ang lumabas sa repleksyon ng tubig sa kanyang baso. Dahan-dahang tumingala si Chu Qiao at nakita si Zhuge Yue na nakatayo sa harap ng maraming tao. Nakasuot siya ng dark purple na roba at nabuburdahan ng madilim na kalahating buwan. Ang kanyang itim na itim na buhok ay natatali ng laso na kaparehong kulay sa kanyang likod.
Ang pangalawang bloke at pinaka palasyo ay nahihiwalay ng mababaw na lawa. Dinala ng hangin ang halimuyak ng cymbidium sa roba ng lalaki at ikinakalat ang mabangong amoy sa paligid. Lahat ng maharlikang dalaga sa pangalawang bloke ay natigilan. Para sa kanila, maliit na nilalang lang sila sa loob ng capital. Subalit, ang mga tao mula sa pitong malaking pamilya ay nabubuhay na alamat at maikukumpara sa myembro ng royal family. Marami sa mga dalaga ang hindi sila nakakasalamuha sa buong buhay nila. Saka, ang halaga sa pagdalo sa piging na ito ay katumbas ng apat na taels ng puro at solidong ginto. Kahit na ang pangalawang bloke at pinaka palasyo ay nahihiwalay ng hamak na lawa lang, mukhang hindi malalampasan ang distansya. Isa pa, ang isang partido ay ang tunay na panganay na lalaking apo ng pamilya ng Zhuge. Paanong hindi maaakit ang mga babae sa kanya?
Sinuri ni Zhuge Yue ang kumpol ng tao at sa wakas ay napansin si Chu Qiao. Nagsimula siyang maglakad sa kanyang direksyon. Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay at napapaisip kung gagawan siya ng gulo ng lalaki. Subalit, tumungo siya sa upuan sa tabi niya.
Namula sa pagkasabik ang dalaga mula sa pamilya Heluo. Natataranta siyang tumayo at aksidenteng natabig ang tsarera na nasa panapin, dahilan para mabuhusan ng tubig ang kanyang damit. Nataranta ang babae at nagbigay ng daan kay Zhuge Yue habang itinatago ang kanyang ginagawa. Hindi mapaniwalaan ang pagkapula ng kanyang mukha at hindi alam kung saan ilalagay ang kanyang kamay. Umupo sa banig si Zhuge Yue na hindi man lang siya tinitignan sa mata.
"Young Master Zhuge, magtsaa... magtsaa kayo." Gulat na nakatayo sa gilid ang dalaga mula sa pamilya Heluo. Hindi niya maitago ang pagkagulat sa kanyang mukha. Sa ilalim ng mga naiinggit na tingin, naghanda siya ng tasa ng tsaa at ibinigay ito kay Zhuge Yue.
Nanatiling tahimik ang lalaki. Kinuha niya ang tasa ay ininum ito sa isang lagukan na hindi man lang inaangat ang kanyang ulo.
Mga tunog ng pag-uusap ang narinig sa lahat ng direksyon sa oras na ito. Ang ikaapat na young master mula sa pamilya ng Zhuge ay talagang tinanggap ang tasa ng tsaa mula sa dalagang ito. Isa itong malaking karangalan para sa kanya.
Ngiting-ngiti ang binibini Heluo ngunit mahiyain sa kanyang aksyon. Hinawakan niya ang dulo ng kanyang damit at dahan-dahang umupo sa tabi ni Zhuge Yue. Ang kanyang mukha ay mapula ngunit may bahid ng pagyayabang. Humilig siya tungo kay Zhuge Yue habang malumanay at malambot na nagsasalita, "Master Zhuge, kakabalik mo lang ba sa capital?" nang makitang hindi niya sinagot ang tanong niya, nagkusa na siya at nagpatuloy, "Noong huling pagtitipon sa pangangaso, napansin natin ang isa't-isa sa di kalayuan. Hindi ko inaasahan na maaalala ako ng Fourth Master."
Nanatiling tahimik si Zhuge Yue. Nakasimangot niyang hawak ang tasa sa kamay niya. Walang makaunawa kung ano ang kanyang iniisip.
Hindi katulad ng pinaka palasyo ang pangalawang bloke. Ang puwang sa pagitan ng mga upuan ay makitid lang. Kahit na nakikipag-usap ang iba pang maharlikang mga babae, hindi sila masyadong nakatuon doon. Halata na gusto nilang makinig kay Zhuge Yue.
Ang itsura sa mukha ni Binibini Heluo ay naging kahihiyan. Magaan niyang kinagat ang ibabang labi. Mas ginawa pa niyang malumanay ang kanyang boses at magaan na pinahayag, "Master Zhuge, ako si Heluo Fei. Ang ama ko ay si Heluo Zhangqing mula sa Ministry of Ceremonies."
"Iisipin mo ba kung makisama ka ng upuan sa iba?" biglang inilingon ni Zhuge Yue ang kanyang ulo at nagpahayag. Panandaliang napatigil si Binibini Heluo. "Tinatanong ko kung iisipin mo kapag nakisama ka ng upuan sa iba?" ulit ni Zhuge Yue.
Umalis sa kanyang pagkatulala si Heluo Fei at kumakaway na sumagot, "Hindi ko iisipin. Syempre ayos lang iyon kay Fei'er."
"Oh, ayos kung ganoon." Tango ni Zhuge Yue at iniangat ang ulo para tumingin sa gilid. Tinuro niya ang isang babae na nakatingin sa kanya at kumumpas, "Ikaw, lumapit ka." Namula ang babae habang naglakad palapit kay Zhuge Yue na may ngiti sa kanyang mukha at nagtanong, "Master, ako ba ang tinutukoy mo?"
"Oo." Tumango si Zhuge Yue at nagpatuloy, "Ayos lang ba sa iyo na makisama ka ng upuan sa iba?"
Tuliro lang na nakatingin si Heluo Fei at hindi alam kung anong nangyayari. Malabong naramdaman ng babae ang intensyon ni Zhuge Yue at tumingin kay Heluo Fei na may kakaibang ngiti. "Dahil sinabi ni Master Zhuge, ayos lang iyon sa akin." Saad niya.
"Kung gayon, iistorbohin na kitang dalhin siya." pahayag ni Zhuge Yue.
Gulat na sumagot si Heluo Fei, "Master Zhuge, ikaw..."
"Tigil na!" ngumiti ang babae at hinila ang braso ni Heluo Fei. "Sa tingin mo ba talaga ay bumagsak ang isang pambihirang pagkain mula sa langit? Halika na."
Namula si Heluo Fei sa hiya at nangitngit ang ngipin. Habang hinihila siya ng isang babae, namumuo ang luha sa kanyang mata. Handa siyang umiyak kahit anong oras. Yung ibang babae na masayang nakikipag-usap sa kanya kanina ay tinakpan ang mga bibig at tumawa sa kanyang kasawian.
Ang Fang Gui Pavilion ang pinaka malaki sa royal na palasyo ng imperyo ng Xia. Sinasamahan ito ng 36 pang maliliit na pavilion sa tubig at nadedekorasyunan ng mga lilok sa pader. Ang nakakamanghang craftsmanship sa pagdedesenyo ng buong istruktura ay makikita. Ang maharlikang gitnang pavilion ay binuo upang sambahin ang Wine Deity na si Fang Gui. Napapalibutan ito ng apat na malalaking panggilid na pavilion at konektado ng daanan ng tubig. Ang halimuyak ng mga bulaklak sa daanan ng tubig ay maaamoy. Sa tunog ng sizhu, ang lugar ay mukhang malinis at maaliwalas.
Sa iglap na ito, nagsimulang umingay ang pinaka pavilion sa pagdating ng karamihan sa mga opisyal at iskolar. Ang atmospera sa iba ding pavilion ay masigla. Tanging sa pangalawang pavilion lang, ang mga tao ay nakikipaglaban para makatingin kay Zhuge Yue. Nanatili siyang walang interes, patuloy sa pag-inom sa kanyang tsaa, parang hindi pansin na siya ang naging tampulan ng nakararami.
Sa panahon na ito, isa mula sa pinaka pavilion ang nagbalita, "Ang pagdating ng Crown Prince ng imperyo ng Tang, ang Seventh Royal Highness at ang Thirteenth Royal Highness!"
Ang atmospera sa pinaka pavilion ay maingay. Lahat doon ay nakikipaglaban para makita ang royal na tao. Ang magulo at hindi mapigilang Tang Prince, simula nang dumating sa Zhen Huang, ay hindi siya naging maayos. Binibigyang halimbawa niya ang depinisyon ng isang taong laki sa layaw. Siguro dahil lamang sa pagka importante ng okasyon ngayon, nakasuot ng pulang roba si Li Ce at napapalamutian ng cymbidium na disenyo. Kahit na nakasisilaw siya tulad ng dati, ang kanyang kasuotan ay nagdagdag ng kaunting pagkaseryoso sa kanyang kilos. Ang kanyang buhok ay maayos, lagi siyang nakangiti, at siya ay masigla, na para bang ikakasal siya. Sa kabilang banda, si Zhao Che at Zhao Song na nakatayo sa gilid niya ay mukhang malungkot.
Ang tunay na ina ni Zhao Che ay pumanaw na. Nakasuot siya ng damit na hindi magarbo, isang payak na kayumangging kulay na kasuotan lang. Bahagya siyang nakasimangot na nakatayo sa gilid ni Li Ce at mukhang naiinip. Halata na hindi siya naririto dahil sa kagustuhan niya.
Tumawa si Li Ce at itinaas ang kamay para sabihin, "Pasensya at nahuli ako, sana maintindihan ako ng lahat."
Inumpisahan na ng mga musikero at mananayaw ang kanilang karaniwang gawain. Malamyos ng tunog ang nag-umpisang marinig sa paligid ng bakuran. Sinundan ni Li Ce at ng iba ang tagasilbi na naglakad tungo sa nakatakda nilang upuan. Malapit kay Zhao Che ang upuan ni Li Ce. Nang makaupo siya, pumahilig siya kay Zhao Che, lumingon, at nagtanong, "Nasaan si Qiaoqiao? Nakita mo ba siya?"
Napasimangot si Zhao Che at sumagot, "Sino si Qiaoqiao?"
"Yung nasa pamumuno mo." marahas na kumupas ni Li Ce at nagpatuloy, "Yung sinuntok ako ng ilang walang-awang hampas."
Napasimangot ulit si Zhao Che habang nalilitong nakatingin sa prinsipe mula sa imperyo ng Tang. Suspetya niya ay gusto ni Li Ce ang nasasaktan mula sa katotohanan na mukha siyang hindi mapakali kung hindi siya nabubugbog ng kung sino. Iniling niya ang ulo at sumagot, "Hindi ko siya nakita. Isa itong royal na piging. Sa kanyang pagkakakilanlan, hindi siya maaaring dumalo sa piging na ito."
"Hindi ba siya dadalo sa kasal ng kanyang Master?" napabuntong-hininga si Li Ce at iniling ang kanyang ulo. "Kawawang Qiaoqiao. Ikakasal na si Yan Xun. Baka siya ay nagtatago kung saan at umiiyak."
"Zhao Song, nakita mo ba si Qiaoqiao? Yung dalaga sa tabi ni Yan Xun, yung bumugbog sakin."
Si Zhao Song, galit dahil inutusan siya ng Emperor na sundan si Li Ce, ay mas lalong nagalit nang marinig ang pangalan ni Chu Qiao. Matigas ang ulo siyang lumingon at tumingin kay Li Ce, "Hindi ko alam." Sagot niya sa malamig na tono.