Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 72 - Chapter 72

Chapter 72 - Chapter 72

Lumipad sa ere ang matatalas na mga sandata na may matalas na puputol na tunog. Nagtatangka salagin, hinawakan ng pinuno ang kanyang sandata, ngunit bukod sa kislap na resulta mula sa dalawang nagkiskis na metal, walang nangyari dito. Madali lang hiniwa ng sumalakay ang kanyang leeg. Nang wala nang anumang tunog, lata na bumagsak ang lalaki.

Hindi pa nakakababa ng karwahe ang mga opisyal nang marinig nila ang mga palasong lumilipad sa ere. Sa isang iglap, tumama ang mga ito sa mga opisyal at nagsibagsakan sila, ang mga katawan ay parang porcupines.

Isang nakakapanindig balahibong sigaw ang dumagundong na naghatid ng ginaw sa likod ng mga nakakakita. Ilang alon ng palaso ang sumunod, at dahil manipis na patong lang ng karwahe ang nagpoprotekta sa kanila laban sa nakakamatay na palaso, walang awang napatay ang mga inosenteng opisyal ng seremonya.

Inilabas ng mga gwardya ang kanilang sandata at ginawa ang lahat para lumaban. Ngunit napakaganda ng pagkakagawa ng pananambang. Bago pa man sila makagawa ng epektibong paglaban, nakapasok na ang nananalakay. Nagsisigawan at may mga nasasaktang irit sa pagitan, lumaban hanggang kamatayan ang dalawang pangkat. Walang pagkakataong tanungin pa ang katapatan nila, ang tanging nagawa nalang nila ay ihampas ang sandata sa katawan ng isa't-isa. Ngunit dahil nalalamangan sila, natalo ang iilang gwardya sa ilang sandali lang, at lumubog sa kadiliman.

Sa gitna ng lahat ng ito, ilang alon ng kasayahan ang maririnig sa hindi kalayuan na para bang pinapaalalahanan ang lahat sa masayang pagdiriwang, ang paputok ay lumilipad sa panggabing kalangitan. Ito mismong mga kagalakan na ito ang lumunod sa uhaw sa dugong mga sigaw. Walang makakaalam, walang makakakita, at walang makakaisip na sa magandang piging ay mayroong mga tao na nangahas na maglaban sa labas.

Sumigaw sa galit ang mga gwardya na hindi sinusuko ang huli nilang paglaban. Dumadating ang mga kalaban sa lahat ng gilid na parang baha. Makikitaan ng galit ang mga mukha ng kalaban at ang mga mata ay mapula, kinakain ang huling hibla ng pag-asa sa puso ng mga gwardya.

"Kumapit lang kayo! Darating din ang mga dagdag na kawal!" ngunit hindi nila alam na ang mga mamamatay tao na ito ay nanggaling sa kanilang pinakamamahal na bansa. Sila ang pangkat na nakatadhanang maisakripisyo para sa kapakanan ng imperyo!

Puno ng butas ang karwahe ni Yan Xun. Walang makakaisip na buhay pa siya. Sa lagpas na dalawang daang sundalo ay wala man lang nakaligtas. Kung sila man ay lumaban o sumuko, hindi na mahalaga iyon. Lahat sila ay pinatay.

Sa pinaka oras na ito, isang malaking paputok ang lumipad sa kalangitan ng capital. Ang mga kulay ay makinang at inilawan ang syudad. Isang malakulog na alon ng kagalakan ang dumagundong na iba sa tahimik na pagdanak ng dugo sa labanan.

Nagmadaling lumapit si Ba Lei at tinulak ang tauhan na takot ang mukha. Isang binatang nakasuot ng magarang Chinese na roba ang nakasandal sa karwahe ngunit maraming nakatusok na palaso sa kanyang katawan. Tinangka niyang idura ang dugo na nasa kanyang bibig habang nakatingin siya kay Ba Lei ngunit nag-uubo lang siya.

Kompletong napuno ng galit ang mukha ni Ba Lei. "Nasaan si Yan Xun?" malamig niyang tanong.

Mapanuksong ngumiti ang lalaki. Nang wala nang sabi-sabi pa, inilabas niya ang kanyang sandata at sa mabilis na dagil ay pinugutan niya ang lalaki.

Sindak na sindak na ang mukha ng tauhan. Nanginginig na lumabas sa kanyang bibig ang mga salita, "Hen-heneral..."

Malamig na tumalikod si Ba Lei at sinabi, "Sa pananambang ng walong-daang tauhan na may dagdag na tatlong-daan na nakapaligid sa lugar, lahat ay may magagandang sandata at hustong preparasyon, nagawa niyo pa rin siyang patakasin? Bakit kailangan ko pa kayo?"

"Heneral, maaari tayong pumunta sa labas kung saan naghihintay si Wei. Baka nahuli na siya."

"Sige." Tumango si Ba Lei. Pinanghahawakan ang pinakahuling pag-asa na sumakay siya sa kabayo niya. Ngunit isang malakulog na alon ng yabag ng kabayo ang narinig. Parang lumilindol ang buong mundo. Tiningala ni Ba Lei ang ulo sa takot para lang makita ang magkakadikit na hilera ng sulo sa kabilang dulo ng daan at mabilis na papalapit. Sa yabag ng pandigmang kabayo at matatalas na nakakamatay na intensyon, dumating ang buong hukbo ng cavalry.

"Ang sundalo ng Yan Bei ng Southwest Emissary Garrison!" natakot na talaga si Ba Lei at madaling tumalikod at tumakbo. "Atras!" sa ngayon, huli na para tumakbo. Sa paa ng tao, imposibleng maunahan ang apat na paa ng kabayo. Hindi na ito isang labanan kung hindi isang pagpatay.

"Ako si Ba Lei ang heneral ng pamilya ng Batuha! Mayroon kaming utos ng Emperor!" isang nasisindak na boses ang narinig. Nang nakita niyang bumagsak sa kaskas na takbo ang kanyang mga tauhan, tinangka niyang gamitin ang kanyang pagkakakilanlan bilang huling pagtatangka para patigilin ang kalaban. Ngunit sinong maniniwala sa kanya? Ang mga mandirigma na pinakilos ng prinsipe ng Yan Bei ay pagpatay lang ang nararamdaman. Simula ng pagbagsak ng pamilya ng Yan, ang Southwest Emissary Garrison ay naging mas mababa sa ibang hukbo at madalas na naaapi ng ibang kampo katulad ng Dauntless Cavalry Camp at Green Army. Isa itong magandang oportunidad para may magawang maganda, sinong titigil para pakinggan ang salita ng isang mamamatay-tao? Nangahas na gumawa ng isang malakihang pagpatay sa loob ng syudad ng Zhen Huang, baka wala na sa katinuan ang mga ito.

Sumisigaw na ipinagpatuloy ng mga sundalo ang pagpatay. Ang itim na kilos ng sundalo ay nagwalis sa kalye bago magbukas ng landas para sa lalaking kompletong pula ang suot. Ang kanyang tingin ay parang isang agila at sa kabila ng kanyang ngiti, mararamdaman ang kanyang mapwersang awra.

"Prinsipe! Walang kabiguan na nalipol ang lahat ng kalaban at walang nakatakas kahit isa!" lumapit sakay ng kabayo niya ang vice-commander ng Garrison na si He Xiao.

Tumango si Yan Xun at ngumiti. "Commander He, maganda ang nagawa mo. Hindi ko makakalimutan ang malaking pabor ng pagligtas mo sa buhay ko."

Iniling ni He Xiao ang kanyang ulo. "Kamahalan, labis ang naiisip mo. Ang pagprotekta sa kaligtasan ng capital ang orihinal na katungkulan ko. Lalo na at nanggaling sa Yan Bei ang kamahalan, imposibleng tumayo lang ako sa tabi."

Tumawa si Yan Xun. "Siguradong magpapasa ako ng kompletong ulat sa Emperor. Naniniwala ako na malapit nang matanggal ang vice sa iyong 'vice commander'!"

Ngumisi si He Xiao at sinabi, "Kung ganoon, ipapahayag ko na ang aking pagkalugod."

Sa puntong ito, isang junior commander ang lumapit at bumulong kay He Xiao, "Sir! May hindi tama!"

Natigilan na tumalikod at nagtanong si He Xiao, "Anong nangyari?"

Mahinang sinabi ng junior commander na malalim na nakakunot ang noo, "pakiusap sundan niyo ako, sir."

Agad na tinapos ni He Xiao ang pakikipag-usap niya kay Yan Xun at sumunod sa kanyang tauhan. Bawat katawan, padami ng padami ang ginaw na bumababa sa kanyang gulugod, at oras na makita niya ang katawan ni Ba Lei, halos mahimatay na siya at bumagsak sa kanyang kabayo.

Nang dumating sa syudad si Ba Lei ay gumawa siya ng malaking komosyon at bilang resulta kakaunti nalang ang hindi makakakilala sa kanya. Bilang commander na nakatalaga sa pagkontrol sa mga tao, paanong hindi niya makikilala si Ba Lei? Nang makitang ang aroganteng lalaki ay isa nalang walang buhay na katawan at puno ng palaso sa puso, pakiramdam ni He Xiao ay susuka siya ng dugo.

Pinupwersa niya ang sarili na manatiling gising, ang batang vice commander ay hindi pa rin makapaniwala. Siguro isa lang itong sariling pagpatay ng pamilya ng Batuha para tanggalin sa imperyo ang prinsipe ng Yan. Pakatapos ng lahat, mayroong gusot sa pagitan ni Old Batu at Yan Shicheng na alam na alam sa buong bansa. Ngunit nang makilala niya ang madaming sundalo mula sa Dauntless Cavalry Camp, agad niyang nalaman na ang buong nangyari ay isang pagpatay na ginawa ng imperyo. Dahil sa pagdala niya sa kanyang mga sundalo para isabotahe ang operasyon at pagligtas sa prinsipe ng Yan Bei, ano nalang ang mangyayari sa kanya? Sa iglap na iyon, isa lang ang naisip ni He Xiao. Ang pabagsakin si Yan Xun at itama ang kanyang pagkakamali!

"Ang taong gusto akong mamatay ay walang iba kung hindi ang Emperor ng Xia."

Sa iglap na iyon, lahat ay natigilan.

Nakaupo si Yan Xun sa mataas na kabayo at wala sa loob na tumingin sa maraming sundalo bago tumingin kay He Xiao. Hindi interesado siyang nagpatuloy, "Commander He, para idamay ka sa gulong ito, humihingi ako ng tawad. Ngunit kung ikaw at ang buong Southwest Emissary Garrison ay hindi mula sa Yan Bei, maaaring mabago ang inyong kapalaran sa paghuli sa akin." Ang kanyang sinabi ay ibinalik ang lahat sa realidad. Habang nakatingin sa mukha ni Yan Xun na walang ipinahihiwatig, lahat ay mayroong naintindihan.

Ang Southwest Emissary Garrison ay nabitag na. Kung iba itong pangkat, maipapaliwanag ang pagpatay sa kakampi na pagpapanatili ng kaayusan ng publiko. Ngunit ang pangkat na nakakuha na ng atensyon mula sa imperyo at paulit-ulit na pinagsuspetyahan na tinutulungan ang mga nagtatraydor mula sa Yan Bei, hindi makakatakas ang Southwest Emissary Garrison na maakusahan ng pagtataksil. Hindi sila papatawarin ng imperyo, hindi sila papatawarin ng konseho ng Grand Elders, mas lalo na hindi sila mapapatawad ng palasyo ng Sheng Jin. Kahit ang magtangkang umurong ay siguradong kamatayan. Namumula ang mata ng commander at isang boses ang sumigaw sa kanyang isip. Alam niya ang lahat! Sinadya niyang ilatag ang bitag! At walang sinabi. Pagkatapos ng maikling sandali, nawala ang papatay na intensyon sa kanyang mata at pumalit dito ang desperasyon.

Sa loob ng sampung libong sundalong nasa kalye, lahat ng mga taong may malinaw na pag-iisip at malalaman kung anong nangyari at kung anong mangyayari sa kanila. Kahit bumalik na ang kapayapaan sa lugar, halos nararamdaman nilang gumuguho ang lupa. Lahat ay tumingin kay He Xiao o Yan Xun o kahit sa kalangitan, humahanap ng inspirasyon kung paano makakaalis ng buhay sa suliraning ito.

Tumalon pababa ng kabayo si He Xiao at itinaas ang mga kamay. Nakaharap sa mga sundalong nasa likod niya, sinabi niya, "Mga kapatid! Mayroong mga salitang kinailangan kong lunukin sa loob ng walong taon! Ngayon ay sasabihin ko na sila! Iyong mga taon na iyon, sino ang pumigil sa rebelyon ng Cang Lang King at bumasag sa pagpalibot sa palasyo ng Sheng Jin para iligtas ang Emperor? Sino ang daang milyang humabol tungo sa Bai Ma Pass para iligtas ang Grand Elders at mga opisyal ng imperyo? Sino ang nagtanggol sa kabundukan ng Yan Bei at pinrotektahan ang ating mga pamilya mula sa malupit na mga taga hilaga? Ito ang hari ng Yan Bei! Si Master Yan Shicheng! Ngunit ano ang inimbita ng kanyang katapatan? Ang pagpatay sa kanyang buong pamilya! Sa walong taon, ang mga sundalo ng Yan Bei natin ay naapi ng mga bastardong mula sa Dauntless Cavalry Camp at Green Army. Tiniis natin ito nang ilang taon. Ngunit ngayon, walang dahilan na gustong lipulin ng imperyo ang huling kadugo ng ating dating Master! At sa isang nakakasuklam na paraan! Bilang sundalo ng Yan Bei, hahayaan ba natin iyon?"

"Hindi!" isang malakulog na sigawan ang biglang narinig. Maraming sundalo ang itinaas ang kanilang sandata at sa mismong oras na iyon na ang alamat ng hindi magagaping si Yan Shicheng ay sumiklab muli sa mga sundalo, na nagpapakulo sa kanilang dugo. Ang hirap na naranasan nila sa maraming taon ay sumabog sa loob nila na parang kumukulong putik na pumutok sa bulkan.

"Mga kapatid! Sundalo tayo ng Yan Bei! Ngayong gabi, pinatay natin ang mga taong ito at pareho na tayo sa prinsipe. Kung wala ang ating prinsipe, wala na rin tayo. Sabihin niyo sa akin, uupo nalang ba tayo at walang gagawin?"

"Hindi!"

"Hindi tayo maaaring mamatay!"

"Binayaran ng Emperor ang katapatan ng kalupitan! Hindi siya nararapat para pangunahan tayo!"