Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 70 - Chapter 70

Chapter 70 - Chapter 70

"Naisip mo akong akusahan, kaya anong eksplanasyon ang mayroon ako?" singhal ni Muhe Nayun at mabagal na sumagot, "Kung gusto mo, maaari mo itong dalhin sa Emperor. Sa kanyang karunungan, magkakaroon siya ng makatarungang hatol."

"Ngunit, gusto ko pa rin marinig ang ekplanasyon mo Sister." Saad ni Lady Shu.

Mabagal na tumatalikod, ang tingin ni Muhe Nayun ay mas mababa na sa pagyeyelo. Pantay na tumingin kay Lady Shu, ang kanyang pagka elegante at royal na awra ay biglang napakawalan. Mayabang siyang ngumiti at sinabi, "Kung ako sayo, hindi ko iyan gagawin ngayon."

Gulat na napatigil si Lady Shu. Talagang hindi inaasahan iyon.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Muhe Nayun, "Ang mga babae sa palasyo ay iniraranggo muna sa lahi, pangalawa sa pabor ng Emperor, at panghuli, sa anak. Lady Shu, sabay tayong pumasok sa palasyo sa parehas na taon at nag-umpisa bilang isang mababang tagasilbi. Kahit saan tignan, hindi ka mababa sa akin, ngunit bakit ako ang Empress sa sampung taon, at hanggang ngayon ay isa ka lang kerida? Naisip mo ba ang rason kung bakit?"

Nanigas ang mukha ni Lady Shu at walang kahit anong bakas ng ngiti na makikita. Nagpatuloy si Muhe Nayun, "Ang rason para doon ay dahil tanga ka. Nakatuon sa maliliit na bagay, mayroon kang maiksing pananaw at hamak na mayabang para masiyahan ang iyong sarili. Sa huli, hindi ka nakakamit ng kahit anong maganda. Sadyang swerte ka lang na pinanganak sa magandang pamilya na may magandang nakatatanda."

"Pangahas ka!" Isang tagasilbi sa tabi ni Lady Shu ang malakas na nagsalita.

"Pangahas ako? Ikaw ang pangahas! Kinakausap ng Empress ang Mistress niyo. Kailan naging oras para magsalita ka na isang hamak na tagasilbi?" malakas na sigaw niya pabalik.

"Bumagsak na ang pamilya Muhe. Kung ako sayo, hindi ako tatayo ngayon dito. Kumpara sa akin, hindi ba't ang nagmula sa palasyo ng Lan Xuan ang mas nakakabahala?"

Ngumisi si Muhe Nayun. "Sa tingin mo ba ay pababayaan ng Emperor ang paksyon ng Wei na maging susunod na pamilya Muhe? Kahit na bumagsak na ang pamilya ng Muhe, ako ang pinaka ayos na tao para ibalanse ang iba pa. Sa buhay na ito, hinding-hindi ka magiging Empress. Kahit na gaano kagalang-galang ang pamilya ng Wei sa labas ng palasyo, isa ka lang sa mga kerida sa palasyo ng Xia. Ang payo ko sayo ay matuto ng tamang pag-uugali at paggalang, matuto kung kailan aabante at kung kailan titigil, at kahit ang panimula ng herarkiya. Ang Empress ng imperyo ng Xia ay tanging ako lang, si Muhe Nayun, mag-isa. Magiging totoo ito sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ikaw? Kalimutan mo na."

Inaangat ng hangin ang dulo ng damit ni Muhe Nayun. Mayroon siyang dangal at kumpiyansa sa kanyang mukha, at mahabang makintab na buhok na parang isang talon. Mukha siyang 30 taong gulang lang, ang bawat mosyon niya ay puno ng pagka elegante at dignidad.

Nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya si Lady Shu at nakatitig sa anino ni Muhe Nayun na papalayo, ang mukha ay madilim. Nang tatalikod na sana siya para umalis, nakita niya ang tagasilbi na magalang na lumuhod sa Empress kanina. "Dakipin siya at pugutan ng ulo."

"Lady! Patawarin niyo ako!" napaluhod nanaman sa kamay at tuhod ang tagasilbi na lubos ang gulat.

Mabilis na lumabas ng bakuran si Lady Shu na hindi lumilingon. Nagkaroon ulit ng kapayapaan ang pasilyo, na may mga humuhuning sparrow, at ang lawa ay sinasalamin ang malambot na sinag ng araw.

Inilawan ng sinag ng araw ay silid pagkabukas ng pinto. Naniningkit na tinignan ni Chu Qiao ang taong nasa gilid niya. Ang lalaki ay payat at matangkad. May suot siyang madilim na pagkapulang kasuotan na nabuburdahan ng itim na agila. Ang kanyang tingin ay matatag at ang labi ay mapulang-mapula. Dahan-dahan niyang inilingon ang ulo tungo sa kanya.

Isang malamig na hangin ang umihip sa pagitan nila at nagdala ng maginaw na atmospera. Nanatiling napakalamig ng tingin ng lalaki na walang kahit anong bahid ng emosyon. Ang lalaking ito ay laging walang emosyon na parang isang estatwa. Hindi interesadong tumitig si Chu Qiao sa lalaki na nasa harap niya at umatras ng daawang hakbang na para bang wala siyang naaalala tungkol sa taong ito.

Umihip ang hangin ng tagsibol at dinala ang alikabok na nasa lupa sa malamig na hangin. Tapos ay sabay na inalis ng dalawa ang tingin nila sa isa't-isa at tumingin sa kalawakan na nasa kanilang harapan. Hindi na sila nagbigay pa ng atensyon sa isa't-isa nang magkadikit ang kanilang mga balikat. Simula sa una hanggang sa huli, hindi sila nagkasama sa parehong landas. Kahit na nagsagawa ng ilang pagtatagpo ang tadhana, na parang tinutukso sila, saglit na pagkikita lang ang mga iyon. Parang mga bulalakaw sa malawak na kalawakan, lalagpasan nila ang isa't-isa para sundan ang sarili nilang landas.

Samantala, sa masukal na gubat ng kawayan, nililipad-lipad ang isang madilim na pulang kasuotan. "Master, handa na ang lahat," isang tagasilbi ang lumapit at tahimik siyang inimporma. Bahagyang napasimangot si Zhuge Yue ngunit nagdalawang-isip magsalita. Hindi ganoon kainit ang panahon, ngunit balisa ang tagasilbi para sa pagtanggap at pawis na pawis na. Pagkatapos ng dalawang minuto, sa wakas ay tumango na si Zhuge Yue at sinabi, "Sige na."

Umalingasaw ang amoy ng dugo sa malamig na hangin sa palasyo ng Sheng Jin. Nang marating ni Chu Qiao ang front hall, kung saan maraming tao. Ang square ay puno ng lilang coneflowers. Diretso ang tayo ni Yan Xun na naghihintay sa kanya sa hindi kalayuan. Binilisan ni Chu Qiao ang kanyang lakad. Nang makita siya ni Yan Xun, ngumiti ito at nilapitan siya.

"Qiaoqiao!" nasa malapit din si Li Ce. Nakasuot ng matingkad na pulang mandarin na roba, sabik siyang kumaway kay Chu Qiao. Bago pa kumalat ang pagkasuya na ekspresyon sa mukha niya, isang tumatagos na kuliling ang narinig. Lahat ay itiningala ang ulo na nakatingin sa palasyo ng Xie Fang na gulat at takot.

"Assassins! Patay na ang Empress!" isang matalas na boses ng eunuch na may bahid ng lungkot ang umalingawngaw sa hangin na parang isang plegarya ng kamatayan. Lahat ay biglang namutla. Lahat ng tagasilbing nakasuot ng itim na damit ng militar ay tumakbo sa bakuran na para baha at tungo sa lugar ng insidente. Nagtagal ng ilang minuto ang katahimikan bago nakarinig ng pagtangis sa buong palasyo ng Sheng Jin.

"Ang Empress Muhe Nayun, pinanganak sa dating pinaka makapangyarihang pamilya, ang pamilya ng Muhe, pumasok sa palasyo sa edad na 13. Umupo sa upuan ng Empress sa edad na 30 taong gulang. Bilang maydala ng Phoenix Stamp sa sampung taon, pinamunuan niya ang higit sa anim na palasyo. Sunod-sunuran lamang sa Emperor, walang nagtatangkang suwayin siya," pahayag ng eunuch.

Kasing putla ng multo ang mukha ni Chu Qiao. Lumingon siya para lang makita na mayroon ding ganoong takot sa mukha ni Yan Xun. Sa pinaka oras na ito, ang palasyo na sinasabi ay ang lugar na kakadaan niya lang. Kung nangyari ng mas maaga ang pagpatay, siguradong hindi na siya nakatayo ng buhay dito!

Ang plegarya ng kamatayan ay tumunog, isa, tapos ay siyam na beses pa. Ang siyam na pagtunog na ito ay maiksi ngunit mukhang walang hanggan na. Lahat ng naglalakad at nakatayo, kahit na ito ay sundalo o tagasilbi, eunuch o mga opisyal, lahat ay humarap sa Imperial Harem at nanahimik. Ang loob ng palasyo ay naiwan ng nakakabinging katahimikan at kahit ang maingay na front hall ay nawalan ng mga bumubulong na usapan. Tumigil ng ilang segundo ang pagtunog bago nagpatuloy. Mas malakas ngayon kaysa kanina. Tapos ay isang tao, dalawang tao, sampong tao, tapos ay isandaan, isang libo. Lahat ay lumuhod at mababang yumuko sa direksyon ng palasyo ng Xie Fang.

Naiwang nakabukas ang bibig ni Chu Qiao ngunit walang salita na lumabas. Walang ibang nasa isip niya kung hindi ang may kamay na bakal na babae na nirerepresenta ang pamilya Muhe na mataas na nakatayo sa kanyang posisyon bilang Empress at kinontrol ang kalahati ng imperyo ng Xia sa loob ng sampung taon. Naisip niya ang matatag na salitang iniwan ng babae: Ang Empress ng imperyo ng Xia ay tanging ako lang, si Muhe Nayun, mag-isa at magiging totoo ito maging sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap. Maririnig pa rin sa tainga niya ang mga salitang ito ngunit ang taong nagsabi nito ay wala na. Anong mga mapanganib na kapangyarihan pa ang itinatago ng magandang palasyong ito?

Ang malakas na tunog ng pagtangis ang tumagos sa kalangitan, maririnig din kahit sa labas ng Zi Jin gate.

Taon 773 ng kalendaryo Bai Cang, sa ika-9 ng Mayo, namatay ang Empress. Daan-daang mga opisyal ang umiyak sa kalungkutan sa labas ng Zi Jin gate, na may sampo na libong mga sibilyan ang nakiramay na nasa buong imperyo. Sa ika-16 ng Mayo, ang prusisyon ng libing ay nag-umpisa, simula sa kalye ng Tai Qing, nakahilera ang mga karwahe sa ilang milya. Ang Xi Huai King, ayon sa kaugalian, ay susundan ang kabaong sa buong daan, hanggang sa royal graves sa bundok ng Jiu En.

Sa talaan ng kasaysayan, ang deskripsyon kay Muhe Nayun ay ilang linya lang. Sa likod ng dakilang pangharap, wala man lang dagdag na titulo pagkatapos ng kamatayan. Tungkol sa dahilan ng pagkamatay, bukod sa salitang "namatay", wala nang iba pang deskripsyon. Nirepresenta nito ang huling natitira ng dating makapangyarihang pamilya ng Muhe sa kasaysayan. Ang pulong ng mga nakakatanda ay mayroon nalang anim na nagpapartisipa imbis sa nakasanayang pito, at sa pagkamatay ni Muhe Nayun, lahat ng umaasang mapunan ang puwang ay magiging aktibo.

Sa araw ng prusisyon ng libing, nakatayo si Chu Qiao sa clock tower sa may timog-kanlurang gilid ng royal palace, at inoobserbahan ang puting dekorasyon na halos walang hanggan. Ang buong prusisyon ay parang pangharap sa isang maunlad na pangyayari sa panaginip. Nakatayo si Yan Xun sa tabi niya, ang kanyang tingin ay hindi interesado kagaya ng dati at may hindi mahulaang emosyon. Ngunit nang tumalikod siya para umalis sa lugar, napansin ni Chu Qiao ang harang na hinawakan niya ay may naiwan na malinaw na marka ng kanyang limang daliri.

Paano niya makakalimutan na ang unang cavalry na tumapak sa madamong kapatagan ng Yan Bei ay galing sa Muhe, at paano niya makakalimutan ang mata ng hiya na mayroon si Yan Hongxiao kahit hanggang kamatayan. Nang unti-unting bumagsak ang pamilya ng Muhe, ang poot sa pagitan ng Yan Bei at ng pamilya Muhe ay nagwakas na sa gitna ng lahat ng pagdanak ng dugo.

Sa pagbalik sa Ying Ge court, hindi inaasahang nakita ni Chu Qiao ang Seventh Prince Zhao Che. Nakasuot ng light green na kasuotan ang batang prinsipe. Tanging ang sinturon sa bewang at manggas lang ang puti. Ang berdeng ito ay ibang-iba sa purong puti na pumupuno sa buong syudad.

Walang emosyon ang mukha ni Zhao Che habang nakatayo sa bilog na pavillion sa tuktok ng burol. Ang ambon ay nagdala ng hamog, ikinukubli ang itsura ng kanyang mukha. Iniangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo para tumingin sa kanya habang nakabukas ang kanyang payong. Bilang resulta, nabasa ng ambon ang gilid ng kanyang sapatos pati na ang dulo ng kanyang damit.

Tumingala si Zhao Che habang tumingin sa malayong kalangitan sa may kanluran. Alam ni Chu Qiao na doon ang direksyon ng kabundukan sa alamat, kung saan nanggaling ang ninuno ng imperyo ng Xia. Sumasakay sila sa kabayo at winawagayway ang mga espada. May dugo at paniniwala nilang pinag-isa ang lahat ng tribo sa kapatagan at binuo ang tanyag na bansang ito. Nang mamatay sila, ang mga kaluluwa nila ay babalik sa kanilang tahanan, para habang buhay na mamahinga sa kapayapaan ng pulang lupa na iyon.

Ang royal grave ng imperyo ng Xia ay matatagpuan din sa ilalim ng bundok ng Jiu En. Base sa mga salita ng karaniwang mga tao, mayroong malaking templo sa ibabaw ng bundok na iyon na may mga sulong gawa sa blubber ng balyena na nag-aapoy umaga man o gabi sa sandaang taon na.

Hinangin patagilid ang ambon, tinatamaan ang payong. Ang pigura ng dalaga ay natatago ng mga kumpol ng bulaklak at dahon, na tanging dulo ng kanyang kasuotan ang nakikita.

Para maiwasan na maging sobrang makapangyarihan ng pamilya ng Muhe, pagkapanganak, ang Seventh Prince Zhao Che ay ibinigay sa anak na babae ng Elder Scholar sa Wen Hua Chamber, ang keridang Yuan. Bilang tanging kerida na talagang nakuha ang pabor sa buhay ng Emperor ng Xia, medyo espesyal si Lady Yuan. Sinusundan ang Master Scholar Yuan mula sa imperyo ng Tang, kahit na wala siyang espesyal na angkan, malalim ang pagkapabor sa kanya ng Emperor sa labing pitong taon. Ngunit sa ika-17 kaarawan ni Zhao Che, sa harap ng marami, tumalon siya sa lawa at nagpakamatay.

Tungkol sa pagkamatay ng Lady Yuan, walang nakakaalam ng totoong dahilan. Ang bali-balita ay nasa likod nito ang Empress, pinwersa na magpakamatay si Lady Yuan, ngunit hindi tumugon sa kahit anong paraan ng Emperor. Pagkatapos ng kamatayan ni Lady Yuan, nagpatuloy siya sa araw-araw na court hearings at ipinagpatuloy ang kanyang responsibilidad bilang namumuno, kompleto ang pagsang-ayon sa imahe ng isang matalinong pinuno. Bagama't, simula ng insidenteng iyon, hindi na siya tumanggap ng kahit isang bagong kerida.

Napalayo din si Zhao Che sa kanyang tunay na ina dahil sa pagkamatay ng kanyang step-mother. Sa huli, dahil sa pagkakaiba ng pananaw sa pulitika, nilabanan niya ang kanyang pamilya at hindi kalaunan ay napadala sa hangganan na walang tulong. Ngunit nang bumagsak ang pamilya Muhe, ang kanyang kapatid, ang Xi Huai King at ang kanyang babaeng kapatid, si Princess Chun, ay nadamay at ang kanilang reputasyon ay nakakuha ng mabigat na dagok. Kaya nga lang hindi siya naapektuhan kahit konti, at gaya ng dati, may hawak na mabigat na responsibilidad at malaking kapangyarihan.

Maraming beses, kung ano ang nasa ibabaw ay maaaring hindi totoo. Tumalikod si Chu Qiao at naglakad palayo sa batang prinsipe na marami nang nakamit sa kabila nang pagkalayo sa pamilya nito.