Sa palasyong ito, mayroong kalungkutan at kalupitan ang lahat. Marami nang nakita si Chu Qiao at matagal nang sanay sa mapapait na kabiguan na nasa ilalim ng tapal ng kasaganahan.
Sa Ying Ge court, umiinom si Yan Xun sa pavillion sa loob ng kakahuyan ng mga plum. Nitong mga taon na ito ay lagi siyang nag-iingat at bukod sa mga sobrang importanteng okasyon, minsan lang siya uminom. Nakatayo lang si Chu Qiao sa pasilyo at pinagmasdan ang lalaki na nakasuot ng mapusyaw na berde, at biglang nakaramdam ng mga emosyon sa kanyang puso. Bigla niyang naalala maraming taon na ang nakakalipas, noong isa sa mga hapon nila, nang umidlip ang binatang ito, tapos ay magising dahil sa isang bangungot. Medyo lasing pa na mahina siyang nagtanong, "Chu Qiao, kailangan ako pupwede magpakalasing na walang inaalala?" sa oras na iyon, napakahina pa nila at hindi nagtatangkang uminom ng kahit isang tikim ng alak na hindi nababalisa na makatulog sa kalasingan. Ngayon na marami na silang nakuha, at mayroon nang tapang para magpakalango sa alak, mas marami na ang pasan-pasan nila sa kanilang balikat. Iyon ang mga dahilan kung bakit hindi nila ma-angat ang baso ng alak.
Katulad ng inaasahan, ilang inom lang ang ginawa ni Yan Xun tapos ay tumigil na. Lumipas na ang taglamig at ang mga bulaklak ng plum ay nag-uumpisa nang bumagsak sa ihip ng hangin. Sa pagbagsak ng mga petal ng plum na parang ulan, ang mapusyaw na berde na kasuotan ay nililipad-lipad ng hangin kasama ang kanyang itim na buhok. Ang mga mata ay nakapikit at ang kilay ay bahagyang nakakunot, hinahayaan niyang tumama sa mukha niya ang mga bumabagsak na petal habang ang dumarating na hangin ay nililipad ang kanyang manggas na parang isang ibon na naghahandang lumipad.
Hindi agad lumapit si Chu Qiao at tahimik lang na tumingin sa hindi kalayuan sa lalaking ilang taon nang nakatayo sa kanyang tabi. Ilang mga emosyon ang imposibleng maintindihan ng iba at ilang pagkapoot ang imposibleng matagalan ng iba. Kahit sa pagitan nila, bilang magkakampi na walang tinatago sa isa't-isa, alam niya na hindi niya maibabahagi ang tagos-butong pagkapoot niya. Ang magagawa nalang niya ay tignan siya sa kalayuan at kung umulan man ay ibibigay niya dito ang payong na nasa kamay niya.
Ang pinaka kilalang babae dito sa imperyo ay pumanaw na ngunit nag-iwan siya ng malaking bato na bumasag sa parang payapang ibabaw ng lawa.
Hindi inaasahan, sa loob ng Imperial Harem, ang isang dominanteng Lady Shu ay hindi nagawang angkinin ang posisyon ni Muhe Nayun dahil marami ang nagsuspetya sa paksyon ng Wei. Direkta rin na pinagsuspetyahan si Lady Shu. Madalas na dumadaan ang mga opisyal mula sa Secretary Office, ang Court of Internal Affairs, at ang Great Temple Dwelling sa loob ng palasyo ng Shu Yun, ang tahanan ni Lady Shu. Pagkatapos ng pitong araw na imbestigasyon, walang konklusyon ngunit hindi noon nabura ang suspisyon kay Lady Shu. Sa kusang manipulasyon ng mga may kapangyarihan, dumanas ng mabigat na dagok ang posisyon ni Lady Shu sa Imperial Harem, at ganoon din, ang paksyon ng Wei ay itinatakwil na at makikitang may mapanglaw na hinaharap.
Ngunit sa parehong oras, sa loob ng palasyo ng Lan Xuan, umakyat kung saan si Concubine Xuan. Tatlong gabing magkakasunod siyang nasa tungkulin, at sa ikaapat na araw, nakuha niya ang titulo bilang Noble Consort at inilagay siya sa parehong ranggo ni Lady Shu. Sa totoo lang, ngayon, siya at si Lady Shu lang ang may hawak ng ranggong iyon. Isa pa, ibinigay sa kanya ang phoenix stamp, binigyan ng responsibilidad para ayusin ang lamay ng empress. Sa praktis ay matatag na nitong sinugurado ang kanyang posisyon bilang kauna-unahan sa loob ng Imperial Harem.
Iba siya sa keridang Yuan na walang malakas na pamilya at syempre iba din kay Muhe Nayun na kung saan ay bumagsak na ang pamilya. Ang babaeng ito na may palayaw na Lanxuan ay may marikit na pangalan ng pamilya na may dala-dalang daan taong kasaysayan. Ang kanyang buong pangalan ay Zhuge Lanxuan.
Nagbago na ang ihip ng hangin at bilang resulta ang pamilya ng Zhuge ay tumaas ang kapangyarihan at impluwensya, agad na umabot sa parehong lebel ng paksyon ng Wei. Ang kaarawan ng Emperor ay walang duda na magiging magulo. Ang libing ng empress ay ginanap tatlong araw bago ang kanyang kaarawan, at sa parehong araw ay ipapakasal niya ang kanyang pinakamamahal na anak na babae sa prinsipe ng Yan Bei. Ang tensyon ay umabot na sa kanyang pinakamataas at ang tinatagong pagkapoot ay naging mas mahalata pa.
Sa ika-17 ng Mayo, isang grupo ng mabagsik na cavalry ang bumasag sa katahimikan ng capital. Ang konsul mula sa pamilya ng Batuha ay dumating. Ang pinakabatang kapatid na lalaki ni Old Batu na si Ba Lei ay malakas na umiyak nang nakapasok sa kastilyo. Lumukso siya sa istatwa ng Empress sa Zi Wei Square at labis na ngumawa. Kasunod noon, pinatawag siya sa palasyo ng Sheng Jin. Dahil sa kanyang katapatan at pagmamahal sa bansa, nagdesisyon ang Emperor na personal siyang makita.
Nang gabing iyon, si Zhuge Yue at ang Master ng pamilya ng Wei na si Wei Shuye, ay nakatanggap ng sulat mula sa hilagang kanluran. Matagal na tumitig si Zhuge Muqing sa sulat bago itinabi. Dahan-dahan niyang iniling ang kanyang ulo. "Sabihin na may sakit ang young master at wala sa estado para umalis."
Napasimangot si Zhuge Yue, "Ama, bakit?"
Tahimik na sumagot si Zhuge Muqing, "Ang layunin natin ay nakamtan na. Hindi magandang tignan kung makakatanggap tayo ng marami pang pangingialam. Hindi pa matatag ang kapangyarihan ng pamilya natin at kailangan pa ng maraming oras ni Lanxuan sa palasyo para patibayin ang kanyang kapangyarihan."
"Kung makokompleto natin ito, mas aasa sa atin ang Emperor."
Dahan-dahan na itinaas ni Zhuge Muqing ang kanyang ulo at sumagot, "Yue'er, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Kung ibigay man ng Emperor sa atin ang kanyang pansin o hindi ay hindi nakadepende sa ating kontribusyon ngunit sa iyong kapangyarihan. Nagkontribusyon na si General Meng sa imperyo sa henerasyon, ngunit hanggang ngayon ay isa pa rin siyang heneral. Walang lupa at kayamanan. Ang mga maharlikang pamilya at royal na pamilya ay nahahati sa kapangyarihan at awtoridad, at walang kahit anong paraan na magtugma iyon. Bilang ama mo, ilang beses ko na itong itinuro sa iyo."
"Pero..."
"Wag na natin ito banggitin pa ulit. Simula ngayon, hindi natin pagbubuksan ng pinto ang lahat ng panauhin. Manahimik muna tayo at maghintay sa konklusyon tatlong araw ang makalipas."
Tinigil ng kanyang ama ang sasabihin ni Zhuge Yue. Sa totoo lang, ang sasabihin dapat niya ay, "Paano kung ang tangang Ba Lei na iyon ay hindi magtagumpay at makatakas ng buhay sa capital si Yan Xun? Anong mangyayari sa capital kung makabalik ng Yan Bei si Yan Xun at mabalik ang kanyang awtoridad?" magpapakawala ng leon ang buong imperyo na maaaring bumalik isang araw at lipulin sila.
Nais rin niya sabihin na matanda na ang ama niya. Ang natitira nalang sa kanyang gumigiray na hangarin ay para sa ikabubuti ng pamilya ngunit hindi para sa buong mundo. Kung wala na ang buong bansa, anong mangyayari sa pamilya ng Zhuge? Kung makatakas talaga si Yan Xun, paano siya? Susundan ba niya si Yan Xun pabalik sa Yan Bei?
Nang masabi iyon, kahit na isang tanga si Ba Lei, nandoon pa rin si Wei Shuye. Sa kasalukuyang kawalan ng pampulitika, siguradong kukunin nila ang oportunidad na ito.
Dahan-dahang itinaas ni Zhuge Yue ang kanyang ulo at bumulong sa sarilli, "Wag mo akong bibiguin..."
Kinabukasan, nagdala ng 18 mandirigma si Wei Shuye sa bahay na pag-aari ni Old Batu habang hindi man lang nagpakita si Zhuge Yue. Kahit na unang beses na magkikita, hindi naiilang si Wei Shuye at Ba Lei. Itinaas ng batang General Ba Lei ang kanyang labi at suminghal habang nakaupo, "Mukhang nais bitawan ng pamilya Zhuge ang oportunidad na ito para mag-ambag sa bansa. Ang pagkakataong ito na magtagumpay ay naiwan nalang sa atin dalawa."
Matigas ang ekspresyon ni Wei Shuye na parang ayaw na niyang makipagbiruan pa kay Ba Lei. Direkta niyang binanggit ang pag-uusapan, "General, masyado kang nakatitiyak hindi katulad ng hangal kong sarili. Mayroon ka na bang kompletong plano?"
Mapagmalaki siyang nakangiti nang sumagot ito, "Oo naman!"
Sa kalaliman ng gabi noong ika-18 ng Mayo, isang dalaga ang nakatayo sa harap ng mapa. Inulit-ulit niyang suriin ang plano para sa bukas makalawa bago nagsalita, "Lahat ay katulad ng plano, bukod sa parteng tutungo ka sa Ancestral Temple sa timog ng syudad. Hindi palagay ang loob ko na ligtas ito."
Nagtaas lang ng kilay at hindi nagsalita ang indikasyon ni Yan Xun na magpatuloy siya sa pagsasalita.
"Base sa seremonya, kailangan mong tumungo sa Ancestral Temple para lumuhod at magbigay-pugay sa mga ninuno bago sundan ang mga opisyal ng seremonya pabalik sa palasyo at pakasalan ang prinsesa. Sa parteng ito, walang dudang pinoprotektahan ka ng mga sundalo ngunit hindi sila maaasahan. Kung may magtatangkang harangan ka sa daraanang ito, siguradong makakapinsala iyon."
Tumingin si Yan Xun sa mapa at sinabi sa malalim na boses, "Ang lugar na ito ay isang maluwag na kalupaan at malapit sa Southwest Emissary Garrison. Sa maraming paksyon na sumasali, oras na may insidente, malalaking mga hukbo ang darating at mas papalalain pa ang insidente. Saka, dahil mayroon tayong kaugnayan sa nasabing emisaryo dati, maaaring hindi siya gumawa ng kalokohan."
Iniiling ang ulo na hindi sumang-ayon si Chu Qiao, "kailangan natin isipin ang lahat ng maaaring posibilidad at masamang mangyayari. Alam natin na hindi nila pinangako ang alyansa sayo o sa Yan Bei. Kailangan natin magkaroon ng plano kung sakali."
Tumango si Yan Xun at pinulot ang mapa. Nag-umpisa siyang planuhin ang mga potensyal na pangyayari at pangkontra. Tumulad din si Chu Qiao at sumali, sumandal siya sa lamesa at nagpatuloy sa pagpaplano. Pagkatapos ng 15 minuto ay nagpalit sila ng papel. Sa isang mabilis na tingin ay pareho silang maginhawang napangiti. Kung magtangka mang ilaro ng Emperor ng Xia ang kanyang baraha, ang lahat ng syudad ng Zhen Huang ay matatalikdan!
Dalawang araw ang lumipas na wala malaking insidente. Sa ika-20 ng Mayo, nagagalak ang buong syudad ng Zhen Huang nang isang pulang silk na karpet ang nakalatag simula sa gate ng Zi Jin hanggang kalye ng Jiu Wai tungo sa silangang gate ng kastilyo. Pinakita ng Emperor ang kanyang mukha na minsan lang makita, ang lahat ng mga opisyal, mangangalakal, at sibilyan ng syudad ay nagkumpol, lahat ay sumisigaw ng salita ng paggalang at lumuluhod para magpakita ng galang. Isa itong imahe ng maluwalhati at masaganang kapanahunan.
Para sa espesyal ng okasyong ito, marami sa mga kriminal, bukod sa mga nakapatay, ay pinakawalan. Lumuhod ang mga napawalang-sala na mga kriminal sa Zi Wei Square na pumupuno sa lugar. Sa pagdating ng karwahe ng Emperor, nagagalak nilang ihinatid ang kanilang pasasalamat at paggalang.
Lahat ng mga opisyal sa parehong sibil at militar, kasama ang mga emisaryo sa iba't-ibang lupain ay lumuhod sa harap ng gate ng Zi Jin tapos ay sinundan ng linya ng karwahe sa parada. Tumagal hanggang hapon ang parada at isang malaking piging ang isinagawa sa palasyo ng Sheng Jin. Hanggang kailaliman ng gabi, makukulay na mga ilaw ang maliwanag na nag-iilaw, at maningning na kulay sa himpapawid. Habang hindi mabilang na mananayaw ang dumating sa Square na may malakas na musika na pinapatugtog ang maririnig sa di kalayuan. Malakas na nagagalak ang mga sibilyan na maririnig ito ilang milya ang layo. Ngunit nang ilang alon ng tao ang dumagundong sa square, isang grupo ng tao, malinis manamit, ang mabagal na patungo sa Ancestral Temple.
Magkaiba sa galak ng mga tao sa loob na syudad, ang kapaligiran sa Ancestral Temple ay kahit ano pero hindi maingay. Ang tunog ng pagbubunyi na maririnig mula sa di kalayuan ay parang ginawang desyerto ang lugar na ito. Madilim ang sinag ng buwan habang iniilawan ng kulay pulang ilaw ang daanan. Nakasuot din ng pula si Yan Xun, umupo sa kanyang karwahe habang naghihintay ng oportunidad para lumaban. Pagkatapos na umandar ang karwahe ng ilang oras ay bigla itong tumigil. Binuksan ni Yan Xun ang kanyang mata na nakasimangot. Ang huling pagdadalawang-isip niya ay agad na nawala sa kanyang puso.
Sobrang tahimik ng karwahe. Ganoon din na napupuno ng nakakabinging katahimikan ang labas. Para bang nakalimutan ng lahat kung saan nanggaling ang karwaheng ito at kung saan ito papunta. Syempre, walang makakaalam kung paanong nakaalis na ang lalaki sa loob ng karwahe.
Sa likod ng malaking bahay, mga mandirigma na nababalot ng tela ang mga paa ng kanilang pandigmang kabayo, ay sinalubong ang paparating na lalaki. Bumaba si AhJing sa kanyang kabayo para dalhin si Yan Xun sa kanyang kabayo at bumulong, "Kamahalan, nakahanda na ang lahat."
Tumango si Yan Xun at sa mabilis na pagsirko, tumalon siya pasakay sa kabayo. Agad-agad siyang tumakbo tungo sa Southwest Emissary Garrison sa kabilang dulo ng kalye. Mahigit sampung libong mga sundalo ng Yan Bei ang nakatalaga doon na inilipat ng Emperor sa capital para bantayan ito. Kahit na hindi parte ng katapatan niya ang mga sundalong ito, kung ikokonsiderang parte sila ng Yan Bei, napagdesisyunan ni Yan Xun na idamay sila sa gulong ito. Ngayon, papunta na siya doon para humingi ng tulong.
Bigla, kumislap ang mga espada sa malambot na sinag ng buwan! May mga sumigaw at ang mga gwardya ng Ancestral Temple na may mga espadang hawak ay nagpakita. Sa mabibilis na mga galaw, siguradong hindi sila ang totoong mga gwardya kung hindi mga beterano sa labanan.
"Nagtaksil si Yan Xun! Patayin siya!" ang mga mananalakay na may hawak-hawak na sandata ay sumugod. Ang pangdepensang linya na ginawa ng mga gwardya ng seremonya ay madaling nasira ng mga sumusugod. Saka lang nakatugon ang pinuno at sumigaw, "Assassins!"