Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 69 - Chapter 69

Chapter 69 - Chapter 69

"Kumapit ka ng mahigpit!" saad ng lalaki. Sa hampas ng renda, mabilis na tumakbo ang kabayo.

Tunog ng hindi mabilang na yabag ng kabayo ang narinig. Mahigpit na yakap si Chu Qiao sa bisig ng lalaking iyon. Isang malamig at matalas na hangin ang umihip. Sa kabila ng makapal na bagyo, iilang patak lang ang umabot sa kanya. Paglingon sa likod at lagpas sa kanyang balikat, kurtina ng ulap na mahigpit na tinatakpan ang kalangitan ang tanging nakita niya, na para bang gabi. Ang mga tunog ng yabag ng kabayo sa masukal na gubat ay malakulog. Hindi malinaw kung gaano karami ang kalaban na naroroon. Imposibleng mapagsino ang kalaban at kakampi o makilala ang pwersa ng imperyal sa mga assassin. Sa direksyon na kakatakas niya lang, may pumapaikot-ikot na mga ibon sa itaas. Walang tigil sa pagsalpukan ang mga metal. Ang mga puno ay nanginginig din sa karahasan na para bang huhugutin ang kanilang ugat.

"Ang Master iyon!"

Biglang may maririnig na kaluskos ang nanggaling sa harapan. Mga lalaking nakaitim ang lumapit sa kanila at nang magtama ang kanilang tingin, ang kanilang mata ay malinaw na napuno ng pagsang-ayon at may galang na tumango. Inilabas nila ang kanilang mga sandata, ang iba ay may mapanganib na kutsilyo, ang iba ay may nakamamatay sa espada. Walang pag-aalinlangan silang sumugod sa mga humahabol sa kanila na uhaw sa dugo.

"Master! Sa harap!"

"Master! Mga kalaban 80 tapak sa kanluran!"

"Master! Mga dagdag na sundalo mula sa timog!"

"Master! Mga dagdag na sundalo mula sa hilagang-kanluran!"

"Master! Mga dagdag na sundalo mula sa silangan!"

Sa silakbo ng gulo, ilang alon ng dagdag na kawal ang dumating para tumulong. Kompletong hindi nababahala, isang kamay na hinawakan ng lalaki ang renda at niyakap ang dalaga sa isa. Unti-unti, malayo na nilang naiwan ang gulo. Ang masukal na halamanan ay naging isang patag ng matataas na mga damo. Ang kamay ni Chu Qiao ay balot ng dugo. Nabahala niyang itinaas ang ulo at nagtanong, "Nasugatan ka?"

Nakasuot rin ng itim si Yan Xun, ang kanyang mukha ay nababalutan ng tela. Tumungo siya at nagtanong, "Nasaan si Li Ce?"

"Nakatakas siya." sumagot ng totoo si Chu Qiao.

Sa kadiliman, tumaas ang kilay ni Yan Xun. May nagbabanta na mata siyang tumingin sa gubat na naiilawan pa rin ng sulo. Sa wakas, tumalikod siya na may kumpas ng kamay. "Bumalik na tayo sa syudad." Utos niya.

"Sandali!" agad na dagdag ni Chu Qiao, "Nakabalik na si Zhuge Yue at nasa loob pa siya."

Sumagot si Yan Xun na may kaunting nalilito na tingin, "Gusto mo akong bumalik at kuhanin ang oportyunidad para patayin siya?" agad na naglaho ang una niyang intensyon sa gulat. Nagpatuloy si Yan Xun, "Hindi pa maaaring ilantad ang sarili natin. Nang walang masyadong oras, hayaan na muna natin siya."

Sa tumatakbong kabayo, yumukyok sa dibdib ni Yan Xun si Chu Qiao. Habang nakatingin sa malapad na balikat niya, may makikitang alon ng mga puno. Ang kalangitan ay nababalot ng kadiliman, sobrang dilim na para bang gawa ito sa tinta.

Ang tagsibol ng Hong Chuan Highlands ay laging huli. Ngayon, ang bulaklak sa imperyo ng Tang at imperyo ng Song ay bukang-buka na ngunit ang lupain ng imperyo ng Xia ay nanatiling pagang karamihan sa matamlay na lamig, ang nagyeyelong hangin mula sa hilagang-kanluran ay nagdadala ng paminsan-minsan na piraso ng namumukod na halimuyak ng bulaklak. Sabi ni Yan Xun ay ito ang amoy ng bulaklak na Huo Yun.

Mukhang lahat na may kinalaman sa prinsipe ng Tang ay siguradong magiging komplikado at magulo. Kung ito man ay mabugbog ni Chu Qiao o ang tangkang pagpatay, lahat ng insidente ay kusang pipigilan ng kung sino. Kung wala lang siyang malalang sugat na kinailangan niya ang isang buong araw para magpagaling, iisipin niya ay isa lamang bangungot ang buong insidente.

Sa kabila ng presensya ni Chu Qiao bilang pangunahing testigo, ang buong insidente ay nabalot ng hiwaga. Kahit na ilang araw pag-isipan ang insidenteng iyon, wala pa rin pinatunguhan. Kakaunti lang ang pagpipilian ni Yan Xun na pinagalaw ang lahat ng lakas ng Da Tong sa capital. Kahit gayon, sampung araw ang inabot bago sila nakarating sa isang malabong konklusyon. Nangilabot si Chu Qiao sa konklusyon na ito. Mas gugustuhin niyang hindi paniwalaan na totoo ito.

"Dahil hindi natin mahanap ang ugat ng problema, kailangan nating mag-isip sa kinahinatnan. Kung saan, kahit sa hindi mabilang na pagsisikap at pagpapakilos ng higit sa tatlong-libong sundalo para supilin ang mga assassin, nahatulan pa rin ang imperyo ng Xia na nabigong protektahan si Prince Li Ce. Kailangan nitong magbigay ng pribilehiyo ukol sa implementasyon ng buwis sa Tang Hu customs. Sa loob ng imperyo ng Tang mismo, ang insidenteng ito ay naging daan sa ilang imbestigasyon, damay ang lagpas sa labing-dalawang maharlika mula sa mga pamilyang may awtoridad sa hukbo. Sa mga maharlikang ito, tatlo sa mga feudal lord ang natanggalan ng kontrol nila sa hukbo bilang resulta. Ang pinaka nakakahinala sa lahat ay sa kabila ng natambangan sila ng pwersang lagpas pa sa sampung beses ng pwersa nila, nasugatan lamang ang mga tauhan ni Li Ce at wala man lang kahit sinong namatay, kahit na sabihin natin na sinuwerte lang si Li Ce, masasabi ko na hindi kapani-paniwala ang swerte niya. Mahinuha tulad nito, kapag natanggal na natin ang lahat ng imposibleng pagpipilian, ang natitira na lang, kahit ano pa man iyon, iyon ang katotohanan."

Nakasandal si Yan Xun sa malambot na unan sa loob ng karwahe habang patagilid na nakahiga, ang kanyang kamay ay hawak ang kanyang noo. "AhChu, sinuwerte ka talaga ngayong pagkakataon. Kung may ginawa ka talaga kay Li Ce, siguro ay wala ka na ngayon dito."

Nakasimangot na pinag-isipan ni Chu Qiao ang insidente ng araw na iyon, ngunit wala siyang nakitang kahit isang butas sa teorya na iyon. Kung ganoon talaga nang nangyari tulad ng sinabi ni Yan Xun, na pakana iyon ni Li Ce, masyadong delikadong makasangkot ang lalaking iyon.

Hindi lamang si Yan Xun ang interesado sa insidenteng iyon. Nang kakaalis lang ng doktor, pinatawag ng palasyo si Chu Qiao. Sinamahan siya ni Yan Xun hanggang sa gate ng Chang Ping dahil kailangan na niyang mag-isa pagkatapos doon. Lumabas ng karwahe si Chu Qiao at sinundan ang tagasilbi na nandoon para pangunahan siya tungo sa pasilyo ng front hall.

Siguro ay masyado pang maaga. Nasa estado pa ng kapayapaan ang palasyo ng Sheng Jin. Kaaya-aya na lumilipad ang mga puting ibon sa maaliwalas na asul na kalangitan, habang ang hangin ay umiihip sa damit ng lahat, dahilan para lipad-liparin ang kanilang mahabang manggas na parang mga paru-paro.

"Eunuch Bai!" isang batang eunuch ang tumakbo mula sa palasyo ng Xiang Zhang at sinabi sa matandang eunuch na pinangungunahan ang daraanan nila, "Eunuch Bai! Namatay na ang Lady Qin sa tahanan ng Shu Yi!"

"Ano?" natigalgal si Eunuch Bai at ang kanyang pangwisik ng langaw ay bumagsak sa lupa. "Anong nangyari?" walang sigla niyang tanong.

"Ang sabi ng tahanan ng Shu Yi ay bigla siyang nagkasakit nang kinain niya ang red date cake na hinanda ng kanlurang kusina. Nakarating na ang Court of Internal Affairs."

"Paano nangyari iyon?" napakunot ang noo ng eunuch. Tumalikod siya at magsasalita na sana nang sumingit si Chu Qiao, "Eunuch, gawin niyo na muna ang mahalagang bagay na gagawin niyo, alam ko ang daan papunta sa front hall."

"Ah, salamat," nagpapasalamat na sagot ng matandang eunuch bago tumingin sa mas batang eunuch. "Pangunahan mo ang daan, madali!"

Ilang taon nang nakatira si Chu Qiao sa palasyo at pamilyar na sa mga kerida at eunuchs. Mas tumpak, hindi ganoon kahalay ang Emperor ng Xia, at bilang resulta, ang mga babae sa palasyo ay kakaunti lang ang pakikisalamuha sa Emperor. Malabo na niyang naaalala na hindi naman ganoon kapuna-puna si Lady Qin at isa sa pinaka tahimik at payapa sa mga nasa palasyo. Madalas siyang bumibisita sa silid ng Shang Yi para manghiram ng libro. Kahit ang ganoon na walang kinakampihan na tao ay hindi nakatakas sa pulitika at namatay.

Ayaw nang mag-isip pa ng malalim ni Chu Qiao. Pagdaan sa palasyo ng Xiang Zhang, pumasok siya sa lawa ng Ba Qu Ming. Ang mga willows sa dalawang dalampasigan ay tumutubo na. Ang iba ay mayroon nang bulaklak at bumubuo ng buong tagpi ng malutong na matingkad pagkaberde. Ang panaka-nakang hangin ay nagbibigay ng alon sa maputlang berdeng tubig. Hindi na nakakapagtaka na nakaramdam si Chu Qiao ng bagong lakas sa loob ng kanyang puso habang nakatayo sa tulay sa ibabaw ng lawa, na may sariwang hangin na umiihip sa kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nililipad-lipad nito. Lagpas sa Rong Hua pavillion ay ang gate na ng front hall. Sa gilid na daan siya dumaan, kung saan mas tahimik at may kakaunting tao. Naglakad siya sa ilalim ng hilera ng brick-red na bubong na may gintong pagpaganda at ornamental na bundok sa kalayuan. Ang azure na tubig ng lawa ay mayroong namumulaklak na willows sa dalampasigan. Ang kanyang puting damit at itim na itim na buhok ay hindi nagkakamali na bumagay sa kapaligiran at gumagawa ng eleganteng tanawin.

Ngunit ang kapayapaan na ito ay nabasag nang mayroon isang nasasaktang iyak ang biglang umalingawngaw sa hangin na nakapagpatigil sa paglalakad ni Chu Qiao. Iniangat niya ang kanyang ulo para lang makita ang kasing puti ng nyebe na agila na bumabagsak mula sa himpapawid at lumagapak sa lupa na may malakas na thump. Isang matalas na palaso ang bumaon sa puso nito na minamantsahan ang maganda nitong balahibo ang kulay pulang dugo. Ilang hakbang ang susunod na narinig. Nakasimangot, pumasok siya sa pinakamalapit na pinto sa pasilyo. Ngunit, pagkasara ng pinto, sinugod siya ng kung sino na may malakas na pwersa, ang mga palad nito ay kayang gumagawa ng hangin.

Ang kalaban niya ay sobrang lakas. Hindi niya napapansin na napigilan na siya. Na may nakakamanghang bilis ng reaksyon at hindi pagkilala sa sumugod, tumalikod siya at hinawakan ang palad. Sa isang ikot ng isa niyang kamay, dinakma niya ang lalamunan ng kalaban. Ngunit nang matamaan niya ang puntirya, isang payat at malamig na kamay ang mahigpit na nakahawak sa leeg niya.

Parang kidlat na pantay ang pagkatugma ng dalawa.

Sarado lahat ang pinto at binatan at walang kahit anong liwanag. Hindi nila malinaw na makita ang mukha ng isa't-isa sa loob ng silid. Natatago ang dalawa ng kadiliman at tanging ang matalas nilang tingin ang kumislap, na parang dalawang mabangis na hayop na hindi sinasadyang nagtagpo.

Kahit na pareho nilang napigilan ang isa't-isa, hindi na sila naglaban pa. Halos sabay nilang niluwagan ang mga daliri. Nang makita ang intensyon ng isa't-isa, nagpatuloy sila sa paisa-isang pagluwag ng kanilang mga daliri. Sa wakas, malaya na silang nakaharap sa isa't-isa, ngunit hindi noon binura ang tensyon sa hangin.

Samantala, isang malumanay na boses ang narinig sa bakuran, "Sister Yun, bakit mo ginawa iyan?" Nakasuot ng asul na kasuotan na may phoenix na dekorasyon at palamuti sa ulo na may lila at gintong ukit, naglakad ang babae na napapalibutan ng kanyang tagasilbi. Mukha siyang isang Greek na dyosa sa kanyang mahimulmol na mahabang manggas at balingkinitan na pigura.

"Bilang sisters, paano ko maaatim na gumawa ka ng mabigat na pagkakamali?" nang magdala ang mga tagasilbi ng upuan na gawa sa kahoy ng Phoebe Zhenan, pinilatik ni Lady Shu ang kanyang manggas at dahan-dahang umupo. Kinuha niya ang sulat na nakuha mula sa puting agila na may kaunting ngiti. Pagkatanggal nito at pagkatapos maingat na masuri, sinabi niya, "Ang pakikipag-usap ng mga babae ng palasyo sa tagalabas ay isang malaking kasalanan. Sister, pagkatapos mamahala sa palasyo nang anim na taon, paanong hindi mo alam? Bakit gumawa ka ng ganitong pagkakamali?"

Bilang dating isa sa pinaka prominenteng babae sa court, nakasuot ng madilim na lilang Chinese dress na may gintong dekorasyon si Muhe Nayun. Diretso ang tindig at may dalawang tagasilbi sa kanyang likuran, kasing ganda pa rin siya noong kabataan niya. Ngunit ngayon, mukha siyang mas payat at maputla. "Tara na." Utos niya sa dalawa niyang tagasunod at hindi man lang sumulyap kay Lady Shu.

"Sandali lang!"

Parang walang narinig siyang nagpatuloy.

Ilang tagasilbi ang sumunod at humarang sa daraanan niya. "Kamahalan, kung maaaring tumigil kayo sa paglakad. May sasabihin ang Lady." Banta nila sa malalim na boses.

May malakas na sampal, bayolenteng hinampas ni Muhe Nayun ang mukha nito. Napataas ang kilay ng Empress ng Xia at sinabi, "Alamin mo ang posisyon mo! Gaano ka ka bastos para humarang sa daraanan ko?!"

Nagulat ang tagasilbi at lumuhod sa kamay at paa. Bilang Empress ng higit sa sampung taon, sa kanyang reputasyon at taas, kaya niyang magbigay ng takot sa mga tagasilbing ito.

Nanigas ang tingin ni Lady Shu at malamig ang loob na sumagot, "Napakalaki pa rin ang impluwensya mo Sister katulad sa nakaraan. Iyan ay dapat ipagdiwang."

Napakalamig ng ekspresyon ni Muhe Nayun at malamig na sinabi, "Hindi tayo naging pamilyar at hindi masyadong nagkasalamuha. Hindi ako kahit kailan natakot sayo, kahit ngayon ay hindi kita sineseryoso. Ang pagtaas at pagbagsak ng babae sa palasyo ay napaka karaniwan, at dahil hindi tayo magkakampi o magkaaway, hindi mo ako kailangang tawaging sister."

Ngumiti si Lay Shu at sumagot, "Ang personalidad ni Sister Yun ay nag-aalab at ang mga salita ay napaka diretso. Lalo akong naging interesado sayo."

"Salamat ngunit wag nalang. Mayroon pa akong kailangang puntahan kaya hindi na kita sasamahan sa pagtingin sa mga bulaklak." Nang masabi iyon, tumalikod na si Muhe Nayun para umalis.

"Sandali lang!" naging madilim ang mukha ni Lady Shu. Itinaas niya ang sulat sa kanyang kamay habang dahan-dahang tumayo at malamig na nagtanong, "Sister, wala ka bang planong ipaliwanag ito?"