Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 64 - Chapter 64

Chapter 64 - Chapter 64

"Pwede bang tawagin na lang kitang Qiaoqiao? Ang tunog nito ay medyo magiliw."

Ang ekspresyon ni Chu Qiao ay biglang nag bago sa malamig at kanyang pasensya ay malapit nang maubos sa mga oras na iyon. Sumimangot siya at nagsalita, "Kung ang dahilan na nasaktan kita noong nakaraan araw kamahalan ay guhustuhin ko pang maparusahan. Mangyaring ipabatid niyo ito sa kanyang kamahalan."

Nag sa bingi bingihan lamang ni Li Ce ang salita at ipinag patuloy ang pag katuwaan sa kanya, "Meron kabang ibang kamag-anak? Meron ka pa bang mga magulang?"

"Kamahalan, pwede niyo po bang sabihin sakin kumg ano pong intensyon niyo sa akin. Ako ay isa lamang hamak na tao lang at hindi dapat bigyang halaga at malasakit kamahalan."

"Kailang ang iyong kaarawan? Anong edad mona? Ang aking kaarawan ay sa Hulyo at ako ay 21 taong gulang na."

"Kamahalan ano ba ang gusto mo? Pwede ba mag usap tayo ng maayos?"

"Saan ka ba nanggalin? Maliit ka ngunit talentado at hindi ka nag mula sa North. Sa katunayan parang nag mula ka sa South. Nasabi ba sa iyo yan ng ama mo?"

"Your Royal Highness!"

"Mas lalo kang gumaganda kapag na gagalit ang galing ko talagang pumili!"

Pag katapos ng kalahating oras ay sinubukan ni Chu Qiao kausapin si Li Ce. Inihinahon ni Chu Qiao ang kanyang sarili at sinseridad na nag salita, "Kamahalan ano pong nakita niyo sa aki?"

Marahang na pangiti si Li Ce, " Gusto ko ang lahat sayo."

Natahimik si Chu Qiao at napailing na lamang ang ulo, "Sa madaling salita anong gusto mo sa akin? Maraming paraan para hindi mo mapakasalan ang Princess ng Xia Emperor kung hindi mo siya gusto. Wag mo akong gawing panangga. Isa lang akong hamak na tao at walang masyadong paggagamitan."

"Qiaoqiao," nakasimangot ni Li Ce na salita at naguguluhang ekspresyon. " na pamahal ako sa iyo noon una kitang makita. Parang awa mo wag mong masamain ang intensyon ko sayo. Nalulungkot ako kung ganon."

Magiging nakakatawa kapag naging malungkot ka sa bagay na to! Isip ni Chu Qiao. At bigla niyang napag tanto na ganto pala ka saya kapag nakikipag usap ka ng maayos sa isang tao. Kahit na kasama niya nag mga kalaban ay hindi ito nakakalito. Siya ay walang alam kung ano ba talaga ang intensyon nito. Humingacsiya ng dahan dahan at sumuko na sa pag kuha ng impormasyon galing kay Li Ce. Umupo siya ng tahimik sa gild ng karwahe at pinikit ang mata na ani moy walang balak buksan.

"Qiaoqiao." Nakangiti si Li Ce at ilang pulgada na lang ito sa kanya. Ang paos at walang halagang boses nito ay mababakasan ng nakakabighani nito at ipinag patuloy, "malamig ang kamay ko."

Sa mga kaganapan na tahimik, merong isang malaking kalampag.ang Prince Li Ce ai natilapon sa karwahe na parang isang bola. Natilapon siya sa ulo ng mga sugo at gwardya at bumagsak ang ulo sa lupa.

"Sino yun?"

"Ah! Kamahalan!"

"Merong assassin rito! Protektahan niyo ang Prince!"

Mga sigaw na nagkakagulo ang pumuno sa hangin habang napataas ng kilay si Zhao Qi at nilabas ang kanyang espada galing sa kanyang bewang. Nakatakdang mag laho si Wei Jing hindi kapaniwala wala na naninigas siya. Ngayon lalo siyang nanigas. Inutusan niya ang mga gwardya na palibutan ang karwahe at nakakatawang laki nito.

"Ito ay isang hindi pag kakaintindihan, maling pagkakaintindi!" Ungot ni Li Ce habang urong sulong ang mga paa niya na paikaa tumakbo palapit sa karwahe. At tumigil sa harap ng karwahe sa nahihiyang tono, "ako lamang iyo. Hindi ako nag iingat at hindi maayos ang pag upo. Okay lang ang lahat."

Napasimangot ang lahat at nawalan ng sasabihin. At tumingin sa walang kibong karwahe. Hindi alam nila kung ano ang sasabihin. Hindi ba siya umupo ng mahigpit? Dahan dahan lang naman ang pag galaw ng karwahe panong may lumipad na isang bagay rito?

"Okay na. Lahat kayo ay dapat walang ika bahala." Nag pag pagpag si Li Ce ng sarili bago umakyat sa karwahe. Ngumiti siya af kumaway sa kanila.

Si Zhao Qi ay halos malupaypay na. Siya ay may hindi kapani paniwalang pagod galing sa pag aalaga sa hindi maintindihang Prince. Wala parin siya nakukuhan na sagotsa ipinadala niyang tauhan. Malapit na sila sa tarangkahan ng lungsod; na ibig ba sabihin ang susunod na Tang Emperor ay papakasalan lang ang isang mababang alipin galing sa Yan Bei?

Habang pasarado na ang kurtina ay nanggagalaiti na ang ngipin ni Li Ce habang kinukuskus ang siko nito. Napadaing ito ng tuming siya sa walang kabuhay buhay na nakaupo na si Chu Qiaoqiao sa isang sulok at nag salita siya, " Qiaoqiao napaka walang awa mo naman. Paano mo nagagawang ganon tratuhin ang iyong magiging asawa ngayon? Kailangan kagantihan."

Napairap na lang si Chu Qiao at tumingin rito ng malamig, "Maraming pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae. Kamahalan bigyan niyo ng respeto ang sarili niyo."

"Qiaoqiao tulingan mo ko ikudkus itong gamot sa sugat ko." May hawaka na puting porselanang kaha na kaawaawa kung mag salita na pinapakita ang kamay na may lumalas na dugo.

Kinamot ni Chu Qiao ang kilay ay nanatili sa kinauupuan.

"Ginagawa ko lang ito para sa ikakabuti mo," sabi ni Li Ce, "kapag may nakakita rito ng sugat ko ay mag kakaroon ng problema ka ulit."

Napabuga si Chu Qiao at kinuha ang saro. Hinablot niya ang braso nito at marahas niyang nag umpisang takapn ito gamot ang gamit.

Biglang napasigaw sa sakit si Li Ce. Nong marinig ni Zhao Qi at ng iba ang sigaw nito sa sakit ay napakunot sila at matigas ang kanilang ekspresyon.

Ang langit ay malinaw na kulay bughaw at ang puting ulap ay pino sa buong kaulapan. Ang simoy ng hangin ay sariwa at nang katanghaliam ay mainit init at maginhawa. Ang mga ibon ay malamyos ang pag lilipad sa kalangitan. Sa tabi ng pag dadaanan ay may mga simpleng tao ang hindi kayang mag tago ng hawaksa mga tuhod yumuko sa pag daan ng mga piling kasamahan nila. Gayunpaman meron silang narinig na ungol galing sa loob ng karwahe ay hindi nila makayang hindi sumilip man lang.

Ng malawak na lupain ay hindi makapaniwala-wala ang kulay berde nito, ito ay nakakamangha. Nag bago ng damit si Li Ce sa isang maliwanag na kulay pulang robe na naka burda ang isa malaking Phoenix. Kahit na tingin dito ay magaspang sa kanya nag papahiwatig parin ang kakaibang ganda nito. Nakasakay siya sa magandang puting kabayo kasama ang kulay lila na laso sa leeg nito na para bang bagong kasal. Ang pagtigil nito gamit ang isang kamay at sa kabila ay espada. At tumgin siya kay Zhao Qi na ani mot malapit na siya maluha at sinabi, "Pwede kanang bulalik. At ipasalamat mo ako sa Xia Emperor sa kanilang mabuting pakikitungo. Akoy aalis na atsana ay mag tagpo ulit tayo kung papayaga ng tadhana."

Hindi makapag salita si Zhao Qi na parang nabubulunan. Hindi siya sumubok na lumapit kahit man lang pulgada. Itong galit na Prince ay minsan na sinubok na pugutan ng ulon noong nakaraang gabi. Kung hindi lang mabilis ang reaksyon niya at alertong mga gwardya at kung hindi niya agad na lihis anespada sa huling minuto pag kakak taon ang ulo ng Prince Li Ce ay hindi na nakakabit ito sa katawan. Walang salita ang kayang ilarawan ni Zhao Qi sa naranasan. Napanood nito ang pighati nong oras na nalayo siya rito. Namararamdaman niya na hindi makatarungan ang langit.

Parehas silang nararamdaman ni Chu Qiao at Zhao Qi sa hindi kapanipaniwala hindi makatarungan. hindi niya makita ang ugali at wala sa katwirang Prince, ang pakiramdam niya na parang mas bagay ang pakikitungo nito ay ang saklutin ang leeg para sa ganoon ay maisarado nating pala saling tao.

"Qiaoqiao masaya kaba? Tayo ay nasa labas na ng lungsod." Ngumiti sa kanya si Li Ce, at ang mga tingin nito ay may kaunting nakakhumaling. "tara na. Sa hinaharap ay walang hangganan ang kayamanan at masusuot muna na lahat nang mga Ling Luo na autla na ninanais. Lahat ng maibibigay ni Yan Xun ay kaya ko ring ibigay. Mga bagay na hindi niya kayang ibigay ay kaya kong ibigay. Hindi mo na kailangan lumuhod sa iba, hindi ba maganda yun?"

"Alam mong hindi ka makakatakas."

Ngumit si Li Ce at nag salita, "Paano mo nasabi na hindi ako makakatakas?"

Hindi na ginustong mag salita ni Chu Qiao at natawa na lamang ng malamig at nag salita, "Kapag umalis ka ng ganon ganon lang ay hindi ganito ang magiging pag lalakbay mo." Biglang naging matulis ang mga titig nitong malamig sa magandang mukha ni Li Ce. "Anong palano mo?"

Lumipat si Li Ce sa tabi niya. At ang ilong nito ay malipt na sa mukha niya. "Ang plano ko ay para maibalik ka. At maialis sa panganib na galit ng Seventh at Thirteenth Zhao Prince at pati na rin kay Yan Xun."

Biglang naubos ang lakas ni Chu Qiao. Nang tumingin siya kaay Li Ce aypakiramdam niya ay walang kwenta ang pakikipagusap niya rito Napailing siya at nag salita, "Li Ce kapag ito ay kasinungalingan at may iba kang plano ay nasa panganib ka talaga."

Natutuwang nangiti si Li Ce habang nag sasalita, "Sa katunayan ito ang lihim na motibo ko para magkaroong ng gulo sa mga Zhen Huang. Pero ang intensyon ko sayo ay totoo. Isa akong matigas ang ulo ko at kakaiba kapag saan ako pumunta."

Wala nang magawa si Chu Qiao at napabuga ng marahas na hangin na lang. Sa mga oras na yun ang puso niya ay napuno ng hindi madali. Sa isang kurap lang ay lumundag siya sa karwahe at itinapon ang sarili kay Li Ce at tinumba nito.

"Qiaoqiao bakit napaka gaspang ng pag yakap mo sa akin? Ikaw…"

"Tumigil ka at tanggalin mo ang tali!"

"Hindi pwede,tatakas ka."

Napa atungal si Chu Qiao. Sa mga oras na yun isang makapal na mga pana ang umulan sa kanila. Sa dami ay hindi mabilang ang rami ng mga kaaway nila na may mga pana na handa na sa ilalim ng libis. Ang tunog ng mga panang tumitira ay napuno sa kalangitan. Nasa mga sampo ang gwardya ang nahulog sa kabayo at humaling hing ang mga kabayo sa sakit. Hinila ni Chu Qiao si Li Ce sa kanyang tabi at mahigpit na sinangga ang mabigat na natutumba na puting kabayo sa kanila. Hindi mabilang na pana ang tumama sa patay na kabayo. Ang dulo ng pana ay may bughaw na kumikinang na sinawsaw sa may lason.

"Nakikipag laro kaba ng madaya?" Tanong ni Chu Qiao kay Li Ce na naguguluhan parin sa pangyayari.

"Bakit ko naman tatambangan ang sarili ko kung mga tauhan ko to?" Tanong niya.

"Bwesit!"

Sa mga oras na yun ay mga iyak ang sumabog sa mag kabilaan! Sa malaking talahiban y hindi manilang ang mga kaaway ang naroon. Ang mg kamay nila ay may sable na nakasuot ng pang sibilian na damit. Umungol sila sa pag hahanda sa pakikipag laban.

"Protektahin ang Prince!" Ng kumander ni Li ce ay nag utos papunta sa mga iilan lang na kasamahan. Si Chu Qiao ay maliksing na tanggal niya ang tali at humawak siya ng espada para sanggain ang mga pana. Nag tatago naman si Li Ce sa likod niya at walang magawa ang itsura nito. Napaungot siya sa galit, "hindi kaba marunong makipag laban?"

Mabilis na patango si Li Ce at umungot, "Qiaoqiao kaylangan mokong protektehan."

"Tanga!" Alit na sipa niya sa tuhod ni Li Ce. Napaungol siya ng mahulog siya sa sahig at sa pag kakataon ay masangga nito ang pana.

"Wag ka mag panic! Jan sa harap mo sumagupa ka sa kalaban! Doon na man sa gitna ay takpin mo sila ng mga pana! Sa likod ay pumunta ka sa likod ng kabayo at tumigil ka sa paglusob kung may pag kakataon!" Kinuha ni Chu Qiao ang pana habang tumatakbo at nag papanasa mga kalaban. Sa lahat ng pag pana ay parang alam kung saan tatama, tumatama sa mga kalaban.

Umiiyak sila sa sa paligid ng digmaan ng pumuno sa kalangitan na pana. Nakatutulig na panaghoy na nag kalat sa kalangitan. Ang mga kalaban ay walang humpay ang pag lagay ng mga bala na parang wala nang katapusan. Nasa ilang libo sila. Sa mga tauhan naman ni Li Ce ay hindi hihigit sa isang daan ang naiwan at lahat ay sugatan ang iba ay hindi kinaya ang labanan. Hinila ni Chu Qiao si Li Ce at umurong sulong sila para tumakas. Nang makakita siya ng masukal na kagubatan sa malapit ay napangiti siya ng maginhawa at sumigaw, "tumakas kayo sa kakahuyan!"

Isang matulis na patalim ang papunta sa kanila. Napasigaw sa gulat si Li Ce. Napatakbo si Chu Qiao sakanya at sinipa ang kalaban ng malakas. Bago pa lumakas ang sigaw nito ay iniwasiwas na niya ang espada sa ulo nito at ang dugo ay mabilis tumalsik sa katawan ni Li Ce. Nagulat siya at kumuha niya ang pamunas at pinunasan niya bigla ang mga tumalsik.

"Tanga! Anong ginagawa mo?" Hinablot ni Chu Qiao si Li Ce sa kamay at sumugod sa kakahuyan at sa masukal na halaman ay sumasangga na parang agos ng tubig ang mga pana. Sa mga pinamamahalaan ay gustong pumasok sa kagubatan na mas mabagal pa sa kaysa sa kanila.

Related Books

Popular novel hashtag