Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 65 - Chapter 65

Chapter 65 - Chapter 65

Nang makitang paatras sila sa kagubatan, binitawan ng kalaban ang kanilang pana at inilabas ang espada habang pasugod sa kanila.

Makikita ang kalaban kahit saan na mabilis na tumutungo sa kanila na parang kulupon ng locusts. Nakakamangha ang sining sa espada ni Chu Qiao habang tumatakbo siya na parang hangin. Hinila niya si Li Ce habang sila Tie You at ang iba ay hirap na makahabol. Sa puntong ito, hindi lalagpas sa 50 tauhan ang natira. Lahat ay basang-basa ng dugo at labis na nasugatan. Hindi na nila kaya pang lumaban.

Mabilis na nag-isip si Chu Qiao habang sinusuri niya ang kalaban sa paligid niya. Walang-awa niyang pinatay ang anim sa kanila sa isang hampas ng kanyang espada. Dalawang buhay na halaga sa kasanayan sa martial arts, kasama sa ilang taon na walang pagod na pagsasanay ay makikita sa guerilla battle na ito at hinahayaan siyang makalamang. Kahit na payat lang siya, nagawa niyang gamitin ang anyo ng lupa sa kanyang kalamangan habang hinihiwa niya ang padaan niya sa loob ng kagubatan. Walang makakakumpara sa kanya.

"Qiaoqiao! Qiaoqiao!" biglang iyak ni Li Ce. Tumalikod si Chu Qiao tungo sa kanya nang makita ang isang malaking mandirigma na papalapit sa kanila na mayroon malaking sandata sa kanyang kamay. Balot ng dugo si Tie You at hindi na makakalaban pa.

Tumalon sa ere si Chu Qiao at sinipa siya sa kanyang balikat. Ang espadang hawak niya ay humiwa sa hangin patungo sa pisngi ng lalaki at umabot sa kanyang balikat. Napadaing siya ng bumagsak sa lupa na nabasag ang bungo. May makikitang dugo kahit saan man tumingin.

Bigla, may isang matalas na sakit ang tumama sa kanyang balikat. Itinaas niya ang kanyang kilay habang ginamit niya ang kaliwang likuran ng palad para damdamin ang patalim na nakatago sa ibaba lang ng kanyang dibdib. Agad niya itong itinarak sa mata ng umatake sa kanya. Hinawakan niya ang sibat na itutusok sa kanya gamit ang kanyang kanang kamay. Nang aatras na ang kanyang kalaban, kinuha niya ang oportunidad na saksakin siya ng kanyang espada. Tapos ay tumalon siya sa ere, at naglapag ng roundhouse kick sa kanyang ulo habang itinusok ang espada sa puso nito.

"Qiaoqiao!" namutla sa takot ang ekspresyon ni Li Ce. Tumakbo siya palapit at hinila si Chu Qiao sa kanyang mga kamay. "Nasaktan ka!"

"Wag kang mag-alala sa akin! Tie You, dalhin mo ang master mo at tumungo pa kanluran!"

"Hindi! Hindi kita iiwanan!" matigas ang ulong nakatayo lang si Li Ce sa kanyang kinatatayuan na pumulot ng espada, pinaglalaruan ito at matigas na sinabi, "Mga magnanakaw! Sumugod kayo!" bago pa man niya masugod ang kalaban, nahampas niya ang sarili ng espada dahilan para bumagsak ito sa lupa.

"Hangal!" sigaw ni Chu Qiao at hinila siya. "Sundan niyo ako!" utos niya.

Sobrang talas ng Sword of Moon Shatterer. Humiwa ito sa espada ng kalaban na parang mantikilya lang. Lahat ng natira sa kanyang kamay ay ang maliit na piraso ng bakal. Ang natitirang mga sundalo ay tinapos siya ng napadaan sa kanya. Bumagsak siya sa lupa na duguan.

Tumakbo si Chu Qiao sa kagubatan habang pinamumunuan ang lahat sa tuktok ng burol at tinatapakan ang mga bangkay ng kalaban. Isang nagngangalit na ilog ang nasa ilalim nila na ang mga alon ay tumatama sa gilid. Ang patong ng yelo ay nagkabasag-basag sa tubig.

"Talon!" sigaw ni Chu Qiao habang sinipa sa sikmura ang assassin.

"Ah?" napakunot si Li ce na nakatayo sa gilid ni Chu Qiao, tapos ay dumukwang para makita ang dulo. "Qiaoqiao, mamamatay tayo sa lamig!"

"maaari ka naman tumayo lang dito kung gusto mong mamatay!"

Nagdalawang-isip si Li Ce habang nakatayo sa tuktok ng burol. Pagkatapos ng ilang pagtatangka, hindi pa rin siya nakakakuha ng lakas ng loob. Bigla, isang lalaki ang sumugod sa kanila na may hawak na espada, tinatangkang atakihin ang babae na kasalukuyang abala sa isang kalaban. Hindi alam kung saan nakuha ang kanyang tapang, pumulot ng malaking bato ang prinsipe ng Tang at ibinato ito sa ulo ng lalaki. May thud na nabasag ang bungo niya at gumulong pababa ng burol na walang malay.

"Haha!" tuwang-tuwa si Li Ce na gumana ang atake niya at nagpatuloy sa pagbato ng bato sa mga kalaban.

Nang makita ng mga tauhan niya na pinapakita ng prinsipe ang kanyang kagitingan, sumunod na din sila. Ang momentum ng kalaban ay nag-umpisa nang mapigilan.

"Alis na, dali!" masyadong lubog sa laban si Li Ce nang tumalikod si Chu Qiao at hinawakan siya, tapos ay hila-hila padalusdos. May lukso na tumalon ang lahat sa tubig at hinarap ng mapait ng lamig. Agad na lumubog si Chu Qiao at Li Ce sa tubig.

Nanatiling kalmado si Chu Qiao habang lumalangoy paahon. Subalit, kahit anong gawin niya, hindi siya makaahon. Naasar siya ng tumingin siya sa baba. May hawak na malaking bato si Li Ce sa pagitan ng kanyang mga bisig na para bang isa itong gintong bato.

Sinuntok niya ang likod nito tapos ay kinuha ang batong hawak ng binata. Bago sila makaahon, nakarinig sila ng maraming palaso na pumapasok sa tubig. Mga daing ng sakit ang maririnig kahit saan. Si Tie You at ang iba ay namatay na. Napaisip si Chu Qiao na swerte minsan ang tanga. Habang hawak-hawak si Li Ce, nagpatuloy siya sa paglangoy.

Ang daloy ng tubig ay sobrang bilis. Pagkatapos ng ilang segundo, pareho silang umahon. Kahit na ginagawa ng kalaban ang lahat para makahabol, hindi sila ganun kabilis. Hindi nagtagal, hindi na sila makita. Nagsimulang mamutla ang labi ni Chu Qiao habang duguan ang kanyang balikat. Nawawalan na rin ng lakas ang kanyang katawan.

"Qiaoqiao? Qiaoqiao?" unti-unti nang lumalabo ang boses ni Li Ce. Naghirap si Chu Qiao na lumingon sa kanya. Habang malakas na kumampay ang lalaki, sinabi niya, "Kailangan mong magpakatatag. Mawawala na din tayo sa peligro." Ito ang unang beses na kinausap siya ni Li Ce sa seryosong tono. Ang ekspresyon nito ay maputla at ang kanyang labi ay namumuti na. Wala sa kanyang tingin ang kasiyahan na karaniwan sa kanya ngunit ang pumalit ay isang bahid ng pagkaseryoso. Naglalabas siya ng panibagong awra.

Gusto siyang kausapin ni Chu Qiao. Sinubukan niyang buksan ang kanyang bibig ngunit walang lumabas dito. Nanginig siya sa lamig. Ang madaming dugo na nawala sa kanya ay nararamdaman na niya.

Nagkulay pula ang ilog habang nagpapatuloy sa pag-alingawngaw ang sigaw ng mga kalaban sa hindi kalayuan. Unti-unti, ang iba pang tuktok ng burol ay nagsimula nang masunog. Sa iglap na iyon, mukhang may gulo silang makakaharap kahit saan sila pumunta. Ang malaking pagpatay na pinangunahan ng kalaban ay naghanda ng hindi mabilang na mga tauhan.

Wala nang maririnig na mga gwardya sa kanilang gilid. Ang alon ay nag-umpisa nang lumakas bawat segundo habang paparating na ang gabi. Ang ilog ay napakalamig at nag-uumpisa nang bumilis. Napasinghap si Chu Qiao at Li Ce nang malaglag sila sa talon. Sumirko sila sa ere at hinigpitan ni Li Ce ang hawak sa babae.

Isinara ni Yan Xun ang kanyang mapa habang tinitignan ang mga tauhan na nakapaligid sa kanya. "Mayroon lamang dalawang kailangan gawin sa misyon na ito. Una ay tagumpay na mailigtas si Chu Qiao. Pangalawa ay huwag na huwag malalantad ang totoo niyong pagkakakilanlan. Kung nahuli kayo, alam niyo na ang gagawin niyo."

Tumango si AhJing at ang iba at sinabi, "Naiintindihan namin."

"Kung ganoon, alis na."

Lahat ay sabay-sabay na tumayo. Pinangungunahan ang kanilang mga tauhan, lahat sila ay nawala sa isang iglap.

Nagpaiwan si AhJing para bantayan si Yan Xun. "Master, kilala niyo ba kung sino ang nanambang sa prinsipe ng Tang?" bulong niya.

Umiling si Yan Xun at sumagot, "Hindi ko alam. Hindi sapat ang impormasyon. Sadyang marami lang paghihinalaan. Hindi na mahalaga iyon. Oras na patay na si Li Ce, ang imperyo ng Xia at Tang ay magkakaroon ng digmaan sa isa't-isa. Walang mawawala sa atin sa digmaang iyon. Dahil mayroon kaming parehong kagustuhan, bakit hindi natin sila tulungan? Isa pa, kung kasama ni Li Ce si AhChu, patay na siya." pagkatapos nito, isang ngisi ang kumalat sa kanyang mukha. Itinaas niya ang ulo at bumulong, "Kahit ang mga diyos ay tinutulungan ako."

Kahit na sanay na sanay sila sa paglayag sa gubat, ang tanawin ng hindi mabilang na sulo sa kanilang paanan tuwing aakyat sila ng burol ay nagmukhang mayroong mga mandaragit na kumakagat sa kanilang mga buntot. Wala silang oras para magpahinga o ibang pagpipilian na maaaring takasan. Ang tangi nalang nilang magagawa ay tumakbo sa kaloob-looban ng masukal na gubat at bagtasin ang matarik na kabundukan. Nang matakasan na nila ang mga tauhan na iyon, sobrang dilim na. Naligaw na sila na walang alam kung nasaan ba ang Zhen Huang.

Ang gabi ay malamig at mahamog. Sa kaagahan ng gabi kanina ay may kaunti pang ambon dahilan para lubos na bumaba pa ang temperatura. Para maiwasan na makita sila, hindi sila nagtangkang mag-umpisa ng apoy. Umupo si Chu Qiao at Li Ce sa makapal na halaman. Ang mahina at payat na babae ay nakahiga sa ugat ng puno. Pakiramdam niya ay nagkakahiwalay ang mga buto niya. Ang maraming sugat sa kanyang katawan ay patuloy na dumudugo; ang sakit ay sadyang hindi kayang tiisin. Ang sugat ng palaso sa kanyang balikat ang pinaka seryoso; konting galaw lang ay magdudulot ng sobrang sakit. Ang madaming dugo na nawala sa kanya ang dahilan kung bakit nanghihina siya at pagod. Ang tanging gusto niya lang ay matulog. Subalit, ilang taon na kasanayan ang nagsabi sa kanya na ito ang mahalaga na pagkakataon ng pagtakas. Kapag natulog siya, hindi na siya magigising pa.

"Qiaoqiao?" narinig niya sa may tainga niya ang boses ni Li Ce na binalutan siya ng kapa sa kanyang balikat. Napasimangot si Chu Qiao na tumingin sa lalaking nakaluhod sa kanyang gilid. Nakangiti pa rin siya habang sinabi na, "Tuyo ang mga damit ko."

Hindi na mabango ang damit ni Li Ce. Pagkatapos mababad sa ilog at tumakas sa gubat, tanging lukot at gamit na damit nalang ang natira. Mayroong madilim na pagkapula na nagmamantsa sa kanyang pulang damit. Kaninong hindi pinalad na mamamatay tao ito nabibilang?

Sa konting galaw, nagsimula nanaman dumugo ang balikat ni Chu Qiao. Napasinghap si Li Ce at nawala ang ngiti sa kanyang maputlang mukha. Nagmadali siyang diniinan ang kanyang sugat at sinabi, "Dumudugo nanaman. Anong maaari nating gawin?"

"Wala lang ito," magkadikit na magkadikit ang kilay ni Chu Qiao. Pumunit siya ng piraso sa damit ng lalaki at mabilis na inasikaso ang kanyang sugat. "Umupo ka." Saad niya.

"Ah?" nanlaki ang mata ni Li Ce sa pagkalito.

"Upo!" walang pasensyang napasimangot ang babae. Kahit na mahina siyang pakinggan ay malakas ang pwersa nito. "Wala tayo gaanong oras. Kailangan natin magpahinga hanggang kaya natin."

"Sige." Masunuring umupo si Li Ce. Pagkatapos mag-isip ng ilang minuto, nagtanong siya, "Qiaoqiao, kilala mo ba ang mga lalaking iyon?"

"Kung marami ka pang lakas, pwede bang gamitin mo nalang ito para mamaya? Ililigtas ako noon sa isang toneladang problema. Papatayin kita kapag inistorbo mo pa ako habang nagpapahinga."

Natahimik ang prinsipe ng Tang habang nakaupo sa lupa, ang mga mata ay hindi mapakali na palingon-lingon.

Syempre gusto niyang malaman kung sino ang may gawa noon! Kaso nga lang maraming maaaring pagbintangan. Hindi siya makahanap ng palatandaan sa ngayon.

Kung mapatay man si Li Ce sa labas ng syudad ng Zhen Huang, ang imperyo ng Tang ang unang aatake. Hindi maiiwasan ang digmaan sa pagitan ng imperyo ng Xia at Tang. Kung ang mga imperyo na ito ay magdigmaan, kung titignan sa kabuuan, ang imperyo na makikinabang ay ang imperyo ng Song na ang hangganan ay sa dagat sa silangan, Da Huang sa timog, at Quan Rong sa hilangang-kanluran. Lalo na't ang imperyo ng Song ay may maunlad na ekonomiya at maraming pinagkukunan, siguradong magiging puntirya sila ng digmaan ng mga bansa. Gagawin ng imperyo ng Tang at Xia ang lahat para maging kakampi nila ang Song, dahilan para ang lakas ng militar ng imperyo ng Song ay lumakas ng mabilis at hanggang dulo, at magkaroon ng maistratehiyang posisyon.

Mula sa pananaw ng internal politics, ang ibig sabihin ng pagkamatay ni Li Ce ay walang tagapagmana sa trono ng Tang. Ang mga relihiyosong sektor na mayroong dugong royal ay magkakaroon ng tsansang pumalit sa trono. Ang mga kapatid na lalaki din ng Emperor ng Tang ay maaari din umupo sa trono. Lahat sila ay gusto ng parte sa malawak na teritoryo ng Tang.

Mula sa pananaw ng imperyo ng Xia, tanging ang Imperial at Royal families ang may kakahayaang gawin ang bagay na ito. Subalit, sa pagbagsak ng angkan ng Muhe nitong nakaraan lang, ang pagpatay ni Yan Xun kila Muhe Xifeng at Wei Jing tapos ay iba ang ginawang salarin, ang royal families ay natakot at natuliro. Ang pagkatatag ng politiko sa loob ng imperyo ng Xia ay nagmula sa pantay na distribusyon ng kapangyarihan sa pagitan ng Imperial at Royal families. Oras na masira ang balanse, mapupunta ito sa ilang madugong pag-aaklas.

Si Wei Guang, Zhuge Muqing, at ang iba ay masyadong tago at tuso; hindi nila mapapansin ang krisis na nakatago sa ilalim ng takip ng kaunlaran, na walang hirap na nag-uumpisa ng gulo. Kung kaya't walang pagpipilian ang Emperor ng Xia kung hindi ay umasa sa kapangyarihan ng royal families. Subalit, mayroon pa rin posibilidad na ginamit ng royal families ang oportyunidad na ito para patibayin ang kapangyarihan nila sa militar.

Ang pinaka pinag-aalala ni Chu Qiao ay si Yan Xun ang may pakana ng lahat ng ito, na sinusuportahan ng Da Tong Guild ang kanyang mga plano. Kung iyon talaga ang kaso, magiging nakakahiya ang bagay-bagay.

Related Books

Popular novel hashtag