Sa buong labing-apat na araw, hindi tumapak sa labas ng kampo si Zhao Che. Patuloy na pumapasok ang balita na pinapanatili siyang nakakaalam sa bagong balita. Hindi ito dahil sa pinagkukunan ng kaalaman ni Zhao Che. Naiintindihan niya na ito ay para galitin siya at painin siya palabas ng kampo. Kahit na nakapikit ang mga mata niya, nakikita niya ang pwersang naghihintay sa kanya sa labas ng kampo para patayin siya.
Sa ika-dalawang araw ng ikaapat na buwan, nag-isyu ng decree ang palasyo ng Sheng Jin na tapat at makabayan si Zhao Che. Siya ay ginantimpalaan ng dalawang libong taels ng ginto at itinaas ang ranggo sa General ng East Road. Kahit na ang ranggo na ipinagkaloob sa kanya ay wala namang totoong kapangyarihan, oras na inendorso ito ng emperor, siya ay isang heneral. Sapat na ito para ipakita ang pagkalugod at tiwala ng emperor sa kanya.
Noong gabing natanggap niya ang royal decree, nakatayo si Zhao Che sa square ng paaralan ng martial arts sa cavalry camp. Matagal lang siyang nakatayo doon. Maaari niyang kamuhian ang angkan ng Muhe, ang kanilang mapagdominang katangian, ang pang-aabuso nila sa kapangyarihan, at ang katotohanan na hindi nila makilala ang estado sa loob ng angkan. Subalit, hindi maitatanggi na utang niya ang tatag niya sa royal na magkakapatid sa kanyang maimpluwensiyang angkan. Sa pagbagsak nito, paano niya mapapanatili ang tinatapakan niya sa royal family?
Ang cavalry camp ay nababalutan ng ulap ng depresyon sa buong limang araw. Lahat ng kaya ay umalis sa cavalry camp para lumipat sa royal army. Para naman sa hindi, nagretiro sila at umuwi sa kanilang mga tahanan. Hindi sila pinigilan ni Zhao Che. Pagkatapos ng lahat, ang mga maharlikang ito ay naiintindihan na para makaligtas sa imperyo ng Xia, bukod sa pagsang-ayon ng royal family, malakas na suporta ang kailangan.
Sa loob ng limang araw, ang lakas ng cavalry camp ay bumaba nang halos two thirds. Ang mga taong umalis ay mga tapat na tauhan na sinundan si Zhao Che sa maraming taon o mga disipolong na naitaas ang ranggo mula sa hangganan.
Nang lumipas ang oras, ang gulo sa capital ay nawala na din. Ang mga opisyal na dokumento mula sa militar ay naisyu at isang mensahero ang nautusan para ipasa ito kay Zhao Che. Dahil hindi siya nakita sa paligid, inilapag niya ang sulat sa lamesa at naghandang umalis. Habang papalapit si Zhao Che sa hindi kalayuan, umakto siyang hindi siya napansin at umalis sakay ng kabayo niya.
Iniabot ni Deputy Commander Cheng ang sulat na nakasimangot. "Kamahalan, nag-isyu na ang militar ng sulat. Gusto nilang pakilusin ang pangkat ng cavalry camp para iistasyon sa Yu Cheng, 130 milya ang layo, para iayos ang daan. Ito ay para magkaroon ng maayos na paglalakbay ang prinsipe ng Tang."
Hindi binasa ni Zhao Che ang sulat. Bagkus, mahigpit niya lang na ikinuyom ang kamao. Kalahating buwan ang nakakalipas, ang Third Prince na si Zhao Qi ay nasabi na personal na naglakbay sa labas ng syudad para isaayos ang daan. Subalit, sa nangyari sa angkan ng Muhe, halata naman na hindi lumabas ng capital si Zhao Qi. Palihim na ipinadala ang hukbo para maghintay ng oportunidad na lumusob.
Sa kasalukuyan, ang angkan ng Muhe ay nalipol na. Ang angkan ng Wei ay sukdulang nanaig. Nakuha din ni Zhao Qi ang karangalan sa pagsaayos ng daan, dahilan para igalang siya ng mga mamamayan. Subalit, ngayon, gusto niyang pangunahan ni Zhao Che ang cavalry camp para ayusin ang daan. Isa ba itong akto ng pangungutya mula sa taong may kapangyarihan? O isa itong akto ng pagpapahiya mula sa nagwagi?
Nanatili lang nakatayo si Zhao Che nang matagal. Kahit na nasanay na siyang maging biktima ng pang-aabuso ng kapangyarihan, ang pagkamuhing nararamdaman niya ay mahirap sikmurain. Malamig siyang tumawa at tumalikod, hinarap ang maharlikang palasyo. Timitig siya sa direksyong iyon na may matalas at walang-awang tingin sa kanyang mga mata. Sa susunod na araw, ang pangkat mula sa cavalry camp ay tumungo sa Yu Cheng para isaayos ang daan at salubungin ang prinsipe ng Tang na si Li Ce.
Hindi magkalayo sa isa't-isa ang imperyo ng Tang at Xia. Sa isang mabilis na kabayo, makakapaglakbay ang isa sa pagitan ng dalawang lugar sa loob ng isang buwan. Sa karwahe ng kabayo, aabutin ito ng dalawang buwan. Ang prinsipe ay apat na buwan nang naglalakbay nang walang pasabi ngunit hindi pa rin nakikita.
Ang karamihan sa prinsipe ng imperyo ng Xia ay nakapaglakbay na sa hangganan noon. Kasama nilang maglakbay ang hukbo na dumadaan sa lahat ng klase ng kalupaan mula sa malawak na kapatagan, kabundukan hanggang ilog. Subalit, itong mahalagang panauhin mula sa impero ng Tang ay kailangan pang bumuo ng tulay bago makatawid sa ilog. Ang tulay ay dapat malawak para makadaan ang lapad ng apat na kabayo at dapat ito ay gawa sa bato. Kung makikipagsapalaran siya sa madamong kapatagan, kailangan munang gumawa ng daan para sa kanya. Upang hindi madumihan ang paa ng kanyang pinakamamahal na kabayo. Ayaw din niyang gamitin ang dala na tubig at ayaw na maglakad sa mabundok na daanan, disyerto, o kahit anong daan sa labas ng limampung milyang radyus sa labas ng syudad. Tanging pinakamainam na pagkain na dinala ng imperyo ng Tang ang kinakain niya. mahigit 200 karwahe ang nagdadala ng kanyang damit, sandata, at iba pang materyal na kailangan niya sa kanyang paglalakbay. Ang kahit anong nahawakan ng iba ay agad niyang tinatanggihan. Para masiyahan siya ay hinalughog ng emperor ng Tang ang utak niya. Bali-balita na ang butil na kinakain ni Li Ce ay kailangang anihin mula sa matabang lupa sa likod ng palasyo ng mga pinakamagagaling na magsasaka tapos ay personal na nilinang ng mga dalaga sa palasyo.
Magkatapos marinig ang nangyari ay hindi nakapagsalita si Chu Qiao. Para salubungin ang ganitong malakas na karakter, ipinadala talaga ng imperyo ng Xia si Zhao Che at ang pangkat niya mula sa cavalry camp. Hindi ba't sinadya itong gawin para pahirapin ang lahat?
Sa madaling salita, ang mga mandirigma mula sa cavalry camp ay tinanggal ang nyebe sa loob ng sampung araw para gumawa ng daan. Nang malapit na matapos ang lahat, isang balita ang nagmula sa harapan: ang prinsipe ay nagkaroon ng sipon dahil sinipa niya ang kanyang kumot noong gabi. Ang buong partido nila ay bumalik na.
Nagpuyos sa galit si Zhao Che pagkatapos marinig ito at pinabalik na rin ang mga sundalo niya.
Napabuntong-hininga si Chu Qiao nang marinig ang balita. Isang takot na pakiramdam ang biglang nabuo sa kanyang puso. Ang prinsipe ng Tang ay isa talagang hindi kapani-paniwalang karakter o isang nakakatakot na kalaban na alam itago ang sarili.
Kahit ano man, naglilingkod pa rin siya sa cavalry camp. Alam niya ang gulong pumapalibot sa angkan ng Muhe noon pa man, at may intensyon siyang patagalin ang kanyang oras ng pag-uulat. Sa kasalukuyan, hindi na ganun ka makapangyarihan si Zhao Che tulad ng dati, pero siya pa rin ang pinuno ng cavalry camp. Bilang pangunahing tagaturo ng pagsakay ng kabayo at archery, kailangan ni Chu Qiao na ipakita ang kanyang mukha sa loob ng cavalry camp.
Kinagabihan, may dalang balita ang mensahero ni Zhao Che. Ang prinsipe, na kung umakto ay parang malaking tao, ay pumayag na itigil pansamantala ang kanyang paglalakbay para magpagaling. Subalit, tumanggi siyang pumasok sa kampo at inutusan si Deputy Commander Cheng na manatili kung nasaan sila at maghintay ng mga susunod na utos. Isa pa, hiniling rin niya na personal siyang puntahan ni Chu Qiao kung nasaan siya.
Naguluhan si Chu Qiao at nakiusap na linawin ang sitwasyon.
Nagdalawang-isip nang matagal ang sundalo bago bumulong, "Ayaw katagpuin ng prinsipe ang kamahalan, sinasabi na papalalain ng kabangisan niya ang kanyang sakit. Sinabi ito ng tagasilbi sa tabi ng prinsipe." Lahat ng nakikinig ay natigilan. Dahil ba ang prinsipeng ito, na pinakamainam lang ang gusto, ay ayaw makipag-usap sa ibang lalaki? Isa pa, inutusan ng sundalo si Chu Qiao na magbihis babae at umalis kaagad.
Naging mabait ang kalangitan. Sa mga sumusunod na araw ay walang mabigat na pag-ulan ng nyebe, ibig sabihin na ang nakaraan nilang pagsisikap ay hindi nasira. May kasamang apat na sundalo si Chu Qiao na tumungo sa kanilang destinasyon. Nakasuot siya ng matingkad na pulang roba. Kahit na pang lalaki talaga ito, pinagmukha siya nitong napakaganda habang pinapatingkad ang kanyang magandang itsura.
Ang dalawang lugar ay apat na oras lang ang pagitan. Kulang dalawang oras ng kanilang paglalakbay, isang karwahe ng kabayo ang papalapit mula sa kanilang harapan. Ito ay marangyang nadedekorahan at hila-hila ng apat na magagandang kabayo. Inookupa nito ang lapad ng isang buong daan at hinaharangan ang lahat ng nasa daraanan nito.
Napasimangot si Chu Qiao at pinatigil ang kanyang kabayo. Nakakita siya ng dalawang dalaga na pinangungunahan ang karwahe. Ang isa sa kanila ay nakasuot ng puting roba na gawa sa balat ng leopard na may pink na kasuotan na gawa sa cotton. Ang isa ay nakasuot ng berde at mukhang isang mangangaso. Pareho silang nakasuot ng sumbrero at manto, ang mga mukha ay namumula sa lamig. Patuloy silang lumilingon at masayang nakikipag-usap sa mga sakay ng karwahe.
"Ah! Sister Fu, may tao sa harap?" pahayag ng babaeng nakaberde, ang mga mata ay nagliliwanag. ang karwahe ay tumigil sa harap ng grupo ni Chu Qiao.
"Sino sila?" isang nakakabighaning boses ang narinig. "Sila ba ay babae o lalaki?"
Wala sa loob na sumagot ang dalaga, "Apat na lalaki at isang babae."
"Oh?" nagdalawang-isip ang boses sa loob. "Pwede ko bang malaman kung anong itsura ng babae? Ilang taon na siya?"
Tumingin muna ang dalaga kay Chu Qiao bago sumagot, "Ayos naman siya tignan, nasa 16 o 17. Ang kanyang itsura ay maikukumpara sa akin ngunit mas mababa kay Sister Fu, Sister E at Sister Qing."
Isang tawa ang biglang narinig sa loob ng karwahe. Nagpatuloy ang boses, "Para sabihin ito ni Lu Er, maganda siguro talaga ang babae. Paalisin mo na ang mga lalaki at panatilihin ang babae. Gusto ko siyang makausap."
Nangungutyang hinamak ng dalaga ang mga kasama ni Chu Qiao. "Narinig niyo ba ang sinabi ni Sister Fu? Makakaalis na ang lalaki. Ang babae ay maiiwan."
Si Chu Qiao at ang mga kasama niya ay natuliro. Ang apat na sundalo na sinamahan siya ay nagalit. Sa ayos palang ng pananamit nila, hindi na sila ordinaryong tao. Kahit na sino pa itong mga dalagang ito, hindi dapat sila naging bastos.
Maingat si Chu Qiao. Mayroong mga mararangya at magulo na maharlika sa loob ng imperyo ng Xia, lalo na ang kanilang mga supling. Maingat siya na huwag galitin ang ganitong mga tao dahil hindi niya alam kung kaninong pamilya sila kabilang.
Bago pa man makapagsalita ang mga kasama ni Chu Qiao, galit na nagsalita ang dalaga sa desperasyon, "Hindi niyo ba narinig kung anong sinabi ko? Napaka tanga." Naglabas siya ng dalawang taels ng ginto at tinapon sa lupa bago mayabang na nagsalita, "Nakita ko na hindi ka nagdadala ng jade na sagisag, ibig sabihin hindi ka parte ng kahit anong angkan. Inaalok ko ang presyong ito para sa isang babae na walang angkan, na kung saan ay magandang alok na. Yung ilan sa inyo, bilisan na umalis."
Galit na sumigaw ang isang sundalo, "Saan nanggaling ang babaeng ito? Pangahas ka..."
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, isang latigo ang lumipad patungo sa kanya. Kahit na bata pa tignan ang tagasilbi ay mahusay na sya. Tumama ang latigo sa mata ng sundalo at nag-iwan ng madugong sugat. Bumagsak sa kanyang kabayo ang sundalo habang tinatakpan ang mata at sumisigaw sa sakit.
"Hm! Itong walang kwentang tao na ito ay hindi alam ang kanyang limitasyon!" pahayag ng tagasilbi habang papalipad nanaman sa sundalo ang kanyang latigo.
Nang makitang napaka dominante niya, hindi namalayan ni Chu Qiao na lubos na siya nagagalit. Sumulong siya at hinawakan ang latigo. Na may katangi-tanging kasiningan at kaunting lakas, kinuha niya ang latigo.
"Huwag kang sumobra," malamig na banta ni Chu Qiao sa tagasilbi.
Isang sundalo ang biglang malakas na sumigaw. Tumungo si Chu Qiao para makita ang sariwang dugo na nasa palad ng sundalong tinamaan ng latigo. Tumutulo ang dugo mula sa kanyang mata na nagsasabi ng permanenteng pagkabulag.
"Hm!" kutya ng tagasilbi na si Lu Er. "Anong espesyal? Isa lang naman iyang mababang sibilyan. Sa lahat, babayaran kita... Ah!" bago pa man siya makatapos, malakas na dumikit sa mukha niya ang latigo. Ang pwersa ng pagtama ay mas mabigat kaysa sa kanina. Napadaing ang dalaga sa sakit habang tinatakpan ang kanyang mukha at nagpupuyos sa galit.
"Anong espesyal? Isa lang itong nilalang na walang utang na loob. Bubulagin ko ang isang mata mo dahil gusto ko lang. Sa lahat, babayaran kita ng ilang pilak." Malamig na saad ni Chu Qiao na ginagaya ang kanyang tono.
Medyo masungit ang dalaga. Hindi siya sumigaw kung hindi ay nagngitngit ng kanyang ngipin habang nakatingin kay Chu QIao na may sobrang pagkamuhi. "Hangal kang babae ka, hindi kita papalagpasin!"
"Sino may kailangan ng awa mo?" sagot ni Chu Qiao na nanliliit ang mata, "Hindi ba't sinabi mo na gusto mo akong bilhin? Tignan natin kung anong meron ka." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, isang patalim ang mabilis na lumipad at tumusok sa bewang ng isa sa mga kabayo. Gulat na itinaas ng kabayo ang mga binti sa ere at nagsimulang tumakbo.