Nanigas si Yan Xun. Hindi niya makita ang ekspresyon ng dalaga at naririnig lang ang mga salita niya. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ng dalaga. Maski hindi niya naintindihan o hindi niya naikonsidera ang bagay na ito.
Tahimik na tumango si Yan Xun, "Sige kung gayon. Mag-ingat ka pa rin."
Tumayo si Chu Qiao bilang sagot. "Wag ka mag-alala. Para sa piging mamaya, hindi kita susundan doon. Mag-isa ka lang, tandaan mo na kailangan mong mas mag-ingat."
Nang tumalikod siya para umalis, bilang umalingawngaw ang boses ni Yan Xun sa likod niya, "AhChu."
Tuliro ang dalagita na napatigil sa kanyang pag-alis.
"Kahit sino ay tatraydurin ako o iiwan ako, pero hindi ikaw."
Hindi sumagot si Chu Qiao. Tahimik lang siyang nakatayo sa posisyon niya. Tapos, binuksan niya ang pinto at lumabas ng silid.
Unti-unting pinikit ni Yan Xun ang mata at sumandal sa kanyang upuan. "Kapag umalis ka, wala nang matitira sa akin." Bulong niya sa sarili.
Mayroong kaunting nyebe sa bakuran. Ang dalaga ay nakasuot ng bistidang mapusyaw ang paglaberde at puting roba na bigay sa kanya ni Yan Xun. Inaangat ng hangin ang kanyang mahabang buhok na lumilipad-lipad sa ere. Tumalikod siya at tumingin sa aninong nasa bintana. Matagal itong nanatili doon at hindi nawawala.
Ang lagay ng kalooban sa labas ng Ying Ge court ay sobrang iba sa loob. Sa labas, maraming kamag-anak ng imperyo ang nandodoon at ang pakiramdam ay sobrang masaya. Makukulay na istatwa na jade ang nakalagay sa harap ng Ying Ge court, humahanay hanggang Duan Mu pavilion na pagmamay-ari ng Eighth Princess Zhao Chun'er. Ang mga karpet ay nakalapag sa manyebeng lupa. Ang mga katulong ng palasyo sa parehong gilid ay marangya na nakabihis, at ang pavilion ay maliwanag na naliliwanagan.
Umagang-umaga, lahat ay nagtipon-tipon sa Duan Mu Pavilion. Personal na biniyayaan ng emperor ang okasyon at lahat ng bisita ay masaya ang pakiramdam. Ang maingay na tunog ng sizhu ay umanod mula sa Duan Mu pavilion. Sa Chung Hua Road, kung saan ang kapaligiran ay malamig at malungkot, isang pandigmang kabayo ang tahimik na nakatayo sa gilid. Isang dalaga ang nakasuot ng pang militar na kasuotan at kulay berdeng manto. Tumalikod siya at tumanaw sa maliliwanag na ilaw sa di kalayuan. Ang kanyang ekspresyon ay kalmado at payak.
Ang kalangitan ay kulay itim at ang hangin ay nagyeyelo sa lamig. Biglang nagmukhang napakalungkot ng mundo. Umiihip ang hangin sa nakawalang hibla ng buhok sa kanyang noo, pinagmumukhang mas nanghina ang kanyang mukha.
Pinili ko mismo ang daan na ito para sa sarili ko. Simula sa umpisa, ito ang daan na wala nang balikan. Ang tanging daan lang ay pasulong. Hindi ako binigyan ng buhay ng kapangyarihang magsisi. Hindi ko hahayaan ang mga emosyon ko na humarang sa daan ng pagsulong mo. Bago matapos ang paghihiganti, ang katatagan ng imperyo ay hindi sigurado. Pano magkakaroon ng isipin tungkol sa mga henerasyon sa hinaharap sa pagkakataong ito?
Yan Xun, hindi kita iiwan. Mananatili lang ako sa tabi mo hanggang kailangan mo ako, maghihintay sa araw na mapasayo ang imperyo. Tanging mga duwag lang ang makakaramdam ng lungkot at tanging mga taong walang kayang gawin ang magrereklamo. Hindi ko gagawin iyon. Hindi ako malungkot at kahit kailangan hindi naging.
Ang malalakas na tunog ng orasan ang umalingawngaw. Lumipad ang mga paputok sa kalangitan. Ang tunog ng sizhu ay sumabay sa orasan na umalingawngaw. Tunog ng masasayang usapan mula sa Duan Mu pavilion ang dumaloy sa kanyang direksyon mula sa kalayuan, para sa selebrasyon ng masayang okasyon na ito.
"Giddyup!" Sa malamig na hangin, ang mahinang dalaga ay pinalagutok ang kanyang pamalo. Pinagdikit niya ang mga labi niya at tumakbo sa kalayuan.
Ang gabing iyon ay malamig. Sa masiglang palasyo, tumayo si Yan Xun at tumingin sa kulay itim na kalangitan sa labas at nanatiling tahimik sa mahabang oras.
Sa malamig at malungkot na Ying Ge court, isang puting roba ang nakalagay sa harap ng lamesa sa loob ng silid. Mukha itong bago na walang kahit anong bakas ng dumi.
"Walong taon na natin kilala ang isa't-isa. Nakalagpas na tayo sa buhay man o kamatayan. Malapit nang matapos ang lahat. Kapag ayos na ang lahat dito, babalik tayo sa Yan Bei at tayo'y..."
Tayo'y... magpakasal na tayo. Magsama tayo at huwag iwanan ang isa't-isa magpakailanman...
Iyon ang mga salita at isipin na hindi nasabi at hindi naipaalam. Malalim silang nakabaon sa kanyang isip, at hindi kailan naisip. Ang tadhana ay parang isang malaking apoy. Karamihan ng oras, mayroon lamang isang pagkakataon. Oras na nakalagpas na ito, hindi na ito mahahanap pa.
Ang loob ng palasyo ng Sheng Jin ay puno ng buhay. Bigla, sa labas ng palasyo, ang mga makabasag-pinggang iyak ng paghihirap ang umalingawngaw mula sa hilagang-kanlurang direksyon! Nabigla si Zhao Che. Tumakbo siya palabas ng tolda bago pa man maisuot ang kanyang bota at napatingin tungo sa kalangitan sa may hilagang-kanluran. Sobrang gulo nito. Makakakita ng mga delikadong sunog at patayan. Ang hukbo na lumabas para iayos ang daan ay mabilis na pinalibutan ang Dauntless Cavalry Camp.
May malaking nangyari!
Napataas ang kilay ni Zhao Che. "Kunin ang mga sandata!" Utos niya sa mga sundalong nakatayo sa kanyang gilid.
"Sandali lang," isang malamig na boses ang biglang nag-utos. Lumabas si Zhuge Yue mula sa tolda at sinabi, "Hindi ka maaaring pumunta."
Malamig na tinitigan ni Zhao Che ang lalaki na inimbita ang sarili. "Bakit ka nandito?" sagot niya.
"Tumingin ka doon. Kaninong residensya iyon?"
Tumingin si Zhao Che sa distansya. Nangilabot siya sa pangalan ng angkan na pumasok sa isip niya.
Ang angkan ng Muhe!
Isang puting ibon ang dumapo sa braso ni Zhuge Yue. Ang bibig nito ay matalas at mayroon itong pulang mata, sobrang pareho sa uri na sinakal ni Yan Xun hanggang mamatay noong isang araw. Marahang tumayo ang ibon sa kanyang braso na tinutuka ang kanyang daliri. Inaliw niya ang ibon habang sinasabi, "Damay ang angkan ng Muhe sa isang kaso ng korupsyon. Buong hapon na lumuhod si Muhe Yunye sa harap ng palasyo ng Sheng Jin, hinihiling na makita ang emperor ngunit walang nangyari. Bakit ganoon ang kaso? Biglang nangyari ang bagay na ito. Mula sa sumbong hanggang sa imbestigasyon, sa pagsakdal, ang lahat ng ito ay kalahating araw lang nangyari. Hindi ito planado. Sinong makapaniniwala nito? Ang Eighth Princess Zhao Chun'er ay ipinagkasundo sa kasal ngayon gabi. Hindi ka pinatawag ng emperor sa kabila ng ganito kaimportanteng okasyon. Kahit na hindi ka malapit sa Empress Dowager, tunay na kapatid mo si Zhao Chun'er. Bakit ganito? Ang angkan ng Muhe, na kaakibat sayo ay sinusugod... ikaw ang namamahala sa hukbo, kaya dapat ay may buong kontrol ka sa sitwasyon. Ngunit bakit sobrang dami ng pangkat sa labas kumpara sa pwersa mo? Hindi hamak na mas magaling ka sa kanila. Ano pang hinihintay nila? Hindi mo ba naiintindihan?"
Napagtanto ni Zhao Che kung anong nangyayari. "Ang sinasabi mo ay si ama..."
"Hindi kailangan," sagot ni Zhuge Yue na may kasamang tawa. "Siguro ay iniwan ka ng emperor sa Dauntless Cavalry Camp para subukin ka. Gusto niyang makita kung ang apelyido mo ba ay Zhao o Muhe. Para sa mga tao sa labas, maaaring hindi sila pinadala ng emperor. Subalit, alam ko naman na iyong mga nasa labas ay ang mga gustong makakita ng pagbagsak mo."
Matalino si Zhao Che ngunit natakpan ng galit ang kanyang pagpapasya dahilan para saglit niyang mawala ang kanyang ratyonalidad. Kung iisiping mabuti, may saysay ang lahat. Malamig siyang pinawisan dito.
"Gusto ng taong iyon na ibaba mo ang depensa mo. Sinadya niyang magpadala ng maliit na hukbo para palibutan ang kampo. Gayumpaman, sa oras na tumapak ka sa labas ng kampo, ikokonsidera kang traydor. Ang mga taong hahabol sayo pagkataps ay hindi lang magiging ganito kaliit na grupo."
Napasimangot si Zhao Che. Matagal siyang napaisip bago sumagot, "Bakit mo ako tinutulungan?"
"Dahil anak ka ni Muhe Nayun. Pagkatapos ng pagbagsak ng angkan ng Muhe, ang impluwensya ni Zhao Qi ay tataas. Ang ina niya ay parte ng angkan ng Wei. Nagkataon na hindi ako kasanib sa pamilya ng Wei." Tumawa si Zhuge Yue habang nakatingin sa kanya. "kita mo, sa isang kisapmata, mayroon tayong parehong kaaway."
"Kahit na nalipol na ang angkan ng Muhe, paano ka makakasigurado na makikipagtulungan ako sa pamilya Zhuge?" kutya niyang sagot
Tumingin sa kalangitan si Zhuge Yue, ang mga braso niya ay nakadipa. Lumipad palayo sa hawak niya ang ibon. Walang lingon siyang lumakad palabas at sinabi, "Kung hindi mo makita ang mga nakataya, hindi ako magpapakita dito ngayong gabi."
Napatungo si Zhao Che at matagal na napaisip. Humabol siya ng ilang hakbang at malalim na sinabi, "Kadalasan mong iniignora ang ganitong mga bagay. Bakit dinadamay mo ang sarili mo ngayong pagkakataon?"
Sa oras na ito, malayo na ang nalakad ni Zhuge Yue. "Hindi ko lang gusto ang Zhao Qi na iyon." Malambot nitong saad.
Buong gabi ang lumipas ngunit hindi natapos ang gulo. Ang mga sibilyan sa syudad ng Zheng Huang ay nanatili sa bahay nila, sobrang takot para panoorin kung anong nangyayari sa labas. Nagpatuloy ang mga sigaw mula takipsilim hanggang bukang-liwayway nang walang tigil. Ang tanawin ng sunog, at iyak ng kawalang pag-asa ay kalunos-lunos.
Ang paglipol sa angkan ng Muhe ay matagal nang inaasahan. Kahit na hindi nila naisip ang bigat ng sitwasyon—na ang buong angkan nila ay mapapatay, magsasagawa ang emperor ng maramihang pagpatay ng lahi—ang paksyon ng Wei at Zhao ay pipwersahin sila sa ganitong mabigat na suliranin.
Hindi handa ang angkan ng Muhe. Kahit natatag nila ang sarili sa loob ng mahigit isang-daang taon, nalipol sila ng hukbo ang royal army na walang paraan para makapaghiganti.
Nang sumikat ang unang liwanag, malapit nang matapos ang labanan. Ang tatlong sila Muhe Xiweng, Muhe Xili, at Muhe Yunxiao ay namatay doon. Mahigit 2000 sundalo ng angkan ng Muhe ang namatay. Si Muhe Yunye at bawat myembro ng angkan ng Muhe, mula sa kanyang matandang ina hanggang sa kanyang bagong silang na anak ay hinuli ng buhay. Ang kulungan sa capital ay agad napuno.
Sa parehong oras, ang gate ng syudad ay mahigpit na isinara. Ang galaw ng mga mamamayan ay limitado. Pinangungunahan ni Zhao Song, ang Thirteenth Royal Prince, paalis ang pangkat dala ang sagisag ng pamilya Muhe at ang gawa-gawang opisyal na deklarasyon para bisitahin ang ika-dalawampu't tatlo at ika-dalawampu't anim na hukbo ng Dong Chui, ang Southeast Field Army, at ang ika-labing anim na hukbo ng Southeastern Navy. Ang motibo nila ay ipakalat ang balita na ang pinuno ng angkan ng Muhe na si Muhe Yunye ay namatay na dahil sa sakit. Ito ay para mapatawag nila sila Muhe Xichi, Muhe Xisheng, Muhe Xiyu, at pinakamaliit na lalaking apo ni Muhe Yunye na si Muhe Jingran pabalik sa capital para makapagdesisyon kung sino ang papalit sa kanya bilang pinuno ng angkan.
Nang makatapak ang mga commander ng apat na hukbo sa syudad ng Zheng Huang, hinuli sila ng royal troops. Ang huling pag-asa ng Muhe Clan ay nabura at lubos ang kanilang pagkatalo.
Subalit, sa parehong gabi, si Song Duan, ang apong lalaki ni Muhe Yunye ay nakatakas sa bantay-saradong kulungan ng capital. Nagawa niyang makapuslit palabas ng gate ng syudad at tumakas tungo sa silangan sakay ng kabayo niya.
Nagsaya ang pamilya Muhe. Hindi nakaimik si Muhe Yunye. Pagkatapos ng mahabang minuto, marahan niyang ipinikit ang malabo na mga mata at napaluha habang sinasabi na nabigo niya ang mga ninuno niya.
Tatlong araw ang nakalipas, ang apong lalaki ni General Meng Tian at ampon na anak na babae, Meng Zhan at Meng Feng, ay pinangunahan ang hukbo tungo sa silangan upang habulin ang angkan ng Song na nagrebelde kasama ang angkan ng Muhe. Pagkatapos marinig ang balita, nataranta ang angkan ng Song. Ang kanilang pinuno ay desididong ibinigay si Song Duan at babaeng anak ni Muhe Yunye na si Muhe Minglan sa hukbo ng Meng. Tinanggihan ng hukbo ang kanilang alok. Pagkatapos magpaulan ng mga palaso, ipinagpatuloy ng hukbo ang kanilang walang awa na pagpatay. Kulang limang araw na ang angkan ng Song, pang-unang angkan sa Huai Dong ay naubos.
Sa isang iglap, ang dalawang malaking angkan na magkakampi ay parehong nalipol. Sa ika-28 na araw ng ikatlong buwan, sa harap ng Jiu You platform, mahigit 4000 na kabilang sa angkan ng Muhe at Song ang binitay. Limang henerasyon ng angkan ng Muhe, ang Empress Dowager na si Muhe Nayun ay nalipol din. Kahit ang kerida ng Ting na si Muhe Nari at ang kerida ng Xiang na si Muhe Lanxiang ay hinainan ng alak na may lason at namatay.
Noong araw ng pagpatay sa Jiu You platform, ang mga mamamayan ng syudad ng Zheng Huang ay nakipaglaban para makita ang palabas. Sa isang iglap, napuno ng buhay ang syudad ng Zheng Huang na hindi pa nakikita sa mga nakalipas na taon.
Buong angkan kasama ang kanilang mga napagtagumpayan sa nakaraan at karangalan ay malalim na inilibing sa lupa at naglaho sa magulong panahon. Naging isa rin sila sa sakripisyo sa paglipat ng kapangyarihan tungo sa royal capital. Ang mga maimpluwensya at pinahahalagahan na pigura sa loob ng angkan na natatamasa lang nung nakaraan ang marangyang buhay ay natagpuan din ang kanilang wakas nang bumagsak ang mga ulo nila sa lupa sa kamay ng royal capital. Lahat ng usapin ukol sa masagana at payapang lupain ay naging alikabok.