Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 54 - Chapter 54

Chapter 54 - Chapter 54

Sa kabilang banda, nakakalito ang pamilya Zhuge. Maraming tao ang handang ikumpara ang Zhuge sa mga Mu at Helian. Ngunit alam ni Chu Qiao na hindi lang ganoon kasimple ang pamilya ng Zhuge. Nakatago sa ilalim ng ordinaryong mukha ni Zhuge Muqing ang kanyang hindi maarok, hindi makasundo, at tusong mga kalkulasyon. Ang pamilya ng Zhuge ay mayaman at makapangyarihan na sa loob ng 300 taon. Sa kailaliman, ang pamilyang ito ay hindi mukhang malumanay at walang kapangyarihan tulad ng pinapakita nito, kung titignan lang nila kung pano pinalaki si Zhuge Yue at Zhuge Huai ay masasabi na nila.

Sa hukbo, si Meng Tian, Le Xing at iba pang mga heneral, na kalimitan ay umaasa sa mga makakapangyarihang pamilya at kapangyarihan ng imperyo, ay hindi kayang makabuo ng isang makapangyarihang pangkat. Pangalawa, ang mga aristokrata ay nakatira sa iba't-ibang parte. Hindi sila ganun kalakas para labanan ang imperyo ng Xia.

20 taon ang nakaraan, ang mga aristokrata sa Jiang Nian ay nagkampi-kampi para labanan ang imperyo ng Xia. Subalit, ang resulta ay natalo sila at napigilan. Ang King Ling ng Lingxi, si King Jing, at King Yan Shicheng ang mga nakaligtas sa labanang iyon. Ang ibang mga aristokrata ay naglaho. Ang mga myembro ng pamilya nila ay pinatay lahat ang tanging 20% hanggang 30% nalang sa kanila ang buhay.

Noong taon ng pagpaslang sa royal family, kahit na hindi naman kasama si King Yan Shicheng sa insidenteng iyon, tinulungan niya ang ibang royal family para magsumamo ng kapatawaran, at ang resulta ay nadawit siya. Napalayas siya mula sa templo ng Zhao at kinailangang palitan ang kanyang apelyido sa Yan. Pinadala siya sa Yan Bei at hindi pinayagang bumalik sa capital.

Ngayon, may mga tao pa bang nakakaalala na ang pamilya ng Yan ay parte rin ng royal family ng Xia at lumaki rin na uminom ng kaparehong gatas na ininom ni King Zhao Zhengde?

Napangiti si Chu Qiao. Hindi talaga madali maging emperor. Mula sa umpisa ng konstruksyon ng Great Xia Dynasty, nawawala na ang kanyang royal na karapatan. Kumpara sa mga hari ng Hua Xia, na nadalubhasaan ang kapangyarihan ng militar at politiko, hindi man lang malapit si Zhao Zhengde kung ikukumpara.

Sa oras na ito, nakarinig siya ng pagbukas ng pinto. Tumingin si Chu Qiao sa bintana na alerto ang mga tainga niya.

"Binibini, natutulog ka na ba?" maririnig ang boses ni Lu Liu sa labas ng pinto. Sumagot si Chu Qiao tapos ay maingat na pumasok ang tagasilbi sa silid.

"Binibini Chu, napakalamig ngayong gabi. Hayaan niyo akong tulungan kayong palitan ang apoy."

Tumango si Chu Qiao at sinabi, "Nakabalik na ba ang kamahalan?"

"Opo," sagot ng tagasilbi, "Narinig ko pong sinabi ni Xiao Lizi na pumunta ang prinsipe sa Jin Xiao Pavillion at inimbita ang ilang mga heneral mula sa Dauntless Cavalry Camp para maghapunan. Ipinadala din niya ang mga mananayaw na binigay ni Ji Wenting sa kanila."

Natigilan si Chu Qiao at napatingin sa pugon na walang sinasabi.

"Binibini Chu?" tawag-pansin ng tagasilbi sa kanya.

Itinaas ni Chu Qiao ang ulo at sumagot, "Bakit?"

"Kung wala na kayong kailangan, maaari na ba akong makaalis?"

Tumango si Chu Qiao at sinabi, "Oo, makakaalis ka na."

"Magpahinga kayo ng maayos," sagot ng tagasilbi at isinarado na ang pinto. Biglang lumakas at umingay ang hangin sa labas habang umiihip sa bintana. Ang boses sa harapang bakuran ay unti-unting lumiliit at bumalik sa katahimikan.

Sa loob ng limang araw, mag-uumpisa nang magturo sa Chu Qiao sa Dauntless Cavalry Camp. Halata naman kung bakit aayain ng hapunan ni Yan Xun ang mga heneral. Pumayag silang maging prangka sa isa't-isa, na hindi magtago ng kung ano, at pagkatiwalaan ang isa't-isa habang buhay para hindi sila magkagalit. Gayumpaman, sa edad, may mga bagay na hindi maaaring tapat na sabihin sa isa't-isa. Halimbawa, mahirap sabihin sa kanya ang magulong relasyon niya kay Zhuge Yue, ang kanyang disgusto sa aristokradong buhay, at hindi niya gusto ang isa pang mukha ni Yan Xun kapag kailangan niya makipagkapwa-tao.

Subalit, may mga bagay pa rin na hindi magbabago. Ang malalim na pagkakaintindihan ng puso ng isa't-isa at ang pagkakaibigan nila para gawin ng tahimik ang pinaka para sa isa't-isa. Nang hindi na kailangan pang isigaw iyon, pag kaharap nila ang kakaibang mundo, lagi silang magiging malapit na magkakampi. Sa buhay man o kamatayan.

Katulad na lang noong gabi na may malaking bagyo ng nyebe ilang taon na ang nakakalipas, naghahanap siya ng gamot ng mabugbog siya at masugatan. Nababalutan siya ng mga galos habang mabagal na naglalakad sa gitna ng mabigat ng nyebe at yakap-yakap ang mahalagang gamot sa kanyang mga bisig. Pabalik na siya noon ng makita niya ang batang Yan Xun, na malala pa ang sakit, na hinahanap siya sa gitna ng gubat ng mga kawayan. Malambot niyang isinisigaw ang pangalan niya.

Nang araw na iyon, binuhat pa rin ni Yan Xun ang sugatang babae kahit na malala pa rin ang sakit niya. Namumutla na siya at naglilila na ang mga labi habang naglalakad mag-isa sa madilim na gabi at nasa likod niya ang babae. Kahit na napagiray siya, sobrang matatag pa rin ang ekspresyon niya. Lumuhod siya sa harap ng higaan ng babae at hinawakan ang kamay nito. Bumulong siya sa babae na mukhang mawawalan ng malay kahit anong oras, na hindi siya hahayaang maapi ng buhay na iyon at magpakatatag siya. Sa oras na iyon, hindi sila nagtangkang magsalita ng malakas sa gabi. Ngunit ang linyang iyon ay malalim na bumaon sa kanyang isip at sobra siyang nagpapasalamat kay Yan Xun.

Sa ikalawang araw, nagdala ulit si Wei Jing ng mga tauhan. Ang batang Yan Xun na walang kapangyarihan ay naputol ang kanyang hinliliit. Kung hindi lang sa tama sa oras na pagdating ni Zhao Song, maaaring naputol na ang buo niyang kamay. Nang gabing iyon, iyon ang una at huling umiyak si Chu Qiao pagkatapos niyang pumasok sa palasyo ng Sheng Jin.

Noong kulang ang nutrisyon niya, hindi siya lumuha. Noong naapisiya, hindi siya lumuha. Noong hinahampas at pinaparusahan siya, ang tangi niya lang ginawa ay nilakihan ang kanyang mata at matatag na kinabisado ang itsura ng kalaban na walang kahit anong bahid ng takot. Ngunit nang araw na naputol ang daliri ni Yan Xun, at tinanggihang makita niya ang kanyang sugat, hindi na niya napigil pa iyon at umiyak.

Kaya niyang magtiis ng gutom, sakit, at hamakin ng iba. Matitiis niya ang ganoong pagdurusa dahil alam niya kapag lumaki siya ay matatakbuhan niya ang sitwasyon niya. makukuha niya ang paghihiganti niya basta matyaga siya at may oras. Ngunit hindi niya maatim na masaktan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ngayon na nasaktan ang daliri ni Yan Xun, sinong makakagamot sa kanya?

Matagal siyang umiyak ng gabing iyon. Walang nagawa si Yan Xun kung hindi yakapin siya sa nakahihiya na paraan habang tinatapik-tapik ang likod niya. inangat niya ang kanang kamay niya at sinabing malit na parte lang naman ang naputol at hindi siya mapipigilan nito sa pagpapatuloy ng pag-eensayo sa espada. Makakakain pa rin siya, makakasulat, ayos lang siya.

Ito ang unang beses na malala ang pag-iyak ni Chu Qiao. Mas marami siyang nailuha kumpara noong nasa bahay siya ng pamilya Zhuge. Mahabang oras ang nakalipas, napagtanto niya na mag-isa lang talaga siya, kahit na may mga bata sa paligid niya, hindi siya nakaramdam na kabilang siya doon. Subalit, noong araw na nawalan ng daliri si Yan Xun, sa wakas ay naramdaman niya na may nag-aalaga sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hinayaan niyang ipakita ang emosyon niya bilang kahinaan niya.

Parehong silang mag-isa sa mundong ito, wala silang kahit sino kung hindi ang isa't-isa lang.

Lumiwanag sa mukha ni Chu Qiao ang ilaw ng apoy habang mas dumidilim ang gabi. Iniangat ni Chu Qiao ang ulo at tumingin sa mga umuugoy na anino ng mga puno. Unti-unti siyang umurong sa kanyang upuan at nilaktawan ang hapunan. Tahimik siyang naghihintay na may kumatok sa kanyang pintuan.

"AhChu." Sa wakas, isang malambot na boses ang nanggaling mula sa labas, "Natutulog ka na ba?"

Bahagyang umangat ang labi ni Chu Qiao at napangiti. Wala nang tunog na nanggaling sa labas pagkatapos noon. Paglipas ng ilang segundo, patakbo siyang pumunta sa pinto na nakapaa.

Lumangitngit ang pinto nang mabuksan ito ngunit walang tao sa labas. Isang inukit na lalagyanan ng pagkain ang tahimik na nakalagay sa lupa sa harap ng pinto niya at may sulat na nakadikit dito. Pinulot niya ito at nakakita ng pamilyar na pagsulat:

Alam kong gabing-gabi ka na matulog, kung nagugutom ka, kainin mo itong itik. Tinanggal ko na iyong taba kaa hindi mo na kailangan mag-alala na tataba ka.

Inangat ni Chu Qiao ang ulo at nakakita ng itim na kawayang payong na hawak-hawak sa ibabaw ng ulo niya. Isang pigura na nakasuot ng puting fox na mantel ang nakatayo sa gitna ng pasilyo. Naalala niya ang huling beses na nakatayo sila sa tabi ng lawa ng Chi Shui, binalaan ni Yan Xun si Chu Qiao, "Kapag tinulungan pa ulit kita, hindi na Yan ang magiging apelyido ko." Siguro tanging sa harap niya lang paminsan-minsan ipapakita kung ano talaga siya ng taon na iyon.

Talagang hindi siya nagbago dahil sa eksistensya niya. Laging may espesyal na parte si Chu Qiao sa puso niya. Walang kahit sino ang makakapalit sa kanya.

Hinawakan ni Chu Qiao ang lagayan ng pagkain sa bisig niya habnag blankong nakatingin sa kalayuan. Nadadala ang nyebe sa kalangitan at naglalaho sa kapaligiran.

Dalawang araw ang nakalipas, hair ceremony na ng Eighth Princess Zhao Chun'er. Ang eighth princess at Zhao Che ay pinanganak ng iisang ina, siya ang pinaka respetadong prinsesa sa buong royal family. Kaya, ang mga seremona niya ay natural na pinaka marangya.

Dahil sa alitan noong araw ng pangangaso, paunti ng paunti ang pasensya ni Yan Xun. Sinabi niya kay AhJing na magpadala ng regalo para matapos na. Nang tumitingin si Chu Qiao sa mga listahan ng regalo, umiinom ng tsaa si Yan Xun sa hall. Mayroong ilang mga pagbati na linya sa listahan at sa ilalim ang pinaka regalo: dalawang pares ng jade Ruyi, apat na gintong leon, at walong rolyo ng brocade. Hindi sila ganoon kamahal at kahamak, kaya perpekto sila.

Iniling ni Chu Qiao ang ulo at napaisip kung anong mararamdaman ni Zhao Chun'er pagkatapos matanggap ang regalo. Sa maraming taon, ang pagmamahal ni Princess Chun para kay Yan Xun ay kumalat na sa capital. Tinangkang humadlang ni reyna Muhe Nayun sa bagay na ito. Subalit, matigas ang ulo ni Zhao Chun'er. Saka hindi nakikinig sa iba sa Yan Xun. Walang pakialam si Xia Huang sa kanya kaya mas naging masaya pa ang babae.

"AhChu, kung mayroon tayong oportunidad na makapunta sa imperyo ng Tang, kailangan nating makita ang Lichee Garden at matikman ang Zhu Shun wine."

Tumingala si Chu Qiao. Maganda ang sikat ng araw ng araw na iyon at ang nyebe ay timigil na. Maaga palang ay tinawag na siya ni Yan Xun sa greenhouse. Pareho silang hindi nagsalita buong hapon. Nagbabasa siya habang umiinom ng tsaa si Yan Xun. Bigla, nang marinig ni Chu Qiao na sinabi ni Yan Xun ang linyang iyon, sumagot siya, "Sige, kung may oportyunidad, sabay tayong pumunta."

Habnag nakikita ang masaya niyang mukha, napangiti rin si Yan Xun at sinabi, "Lumaking isang magandang babae Si AhChu."

Napatawa si Chu Qiao at sinabi, "Anong kinain mo ngayon? Bakit ang tatamis ng mga salita mo? O baka sadyang sanay ka lang magsalita ng ganyan sa labas kaya hindi mo na mapigilan?"

Bahagyang iniling ni Yan Xun ang kanyang ulo at sumagot, "Hindi mo pa rin naiintindihan. Sumasaa lang ako sa ibang mga babae sa labas para lituhin ang iba. AhChu, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa mundo at walang maiikumpara sayo." Sobrang natural lang na lumabas ang mga salita niya. narinig ito ni Chu Qiao at bahagyang natigilan. Ang kanyang mga pisngi ay bahagyang namula at may kaunting ngiti sa kanyang mukha.

Kahit na malapit sila, hindi nila sinabi ang totoo nilang nararamdaman. Pagkatapos nang mga taong ito, para silang magkakampi at magkapamilya, pero walang romantikong pag-uusap kahit isa. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Yan Xun, si Chu Qiao na nagkaroon na ng dalawang buhay, ay hindi maiwasang medyo kabahan.

"AhChu," biglang naging seryoso si Yan Xun, taos-pusong tumingin sa kanya at sinabi, "Pareho na nating kilala ang isa't-isa. Noong mga panahong iyon, pinagsaluhan natin pareho ang kaligayahan at kapighatian. Ngayon na ang lahat ng paghihirap ay tapos na, at pagkatapos natin dito at makabalik sa Yan Bei, tayo ay..."

Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, biglang maririnig ang boses ni AhJing sa labas, "Prinsipe, hinahanap po kayo ng kamahalan."

Lahat ng emosyon ay biglang nawala. Agad na napatayo si Chu Qiao at bumagsak ang kanyang libro sa sahig.