Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 279 - Chapter 279

Chapter 279 - Chapter 279

Mahabang panahon ang lumipas. Si Chu Qiao, na ngayon ay asawa at isang ina na, ay biglang naunawaan ang ginawa ni Yan Xun noon, habang nakatayo siya doon. Sa nakaraan niyang buhay, wala siyang mga kaibigan o kamag-anak. Hindi niya nasaksihan ang mga taong mahal niya na mamatay sa harap niya. Kung kaya, hindi niya maintindihan kung anong uri ng poot ang naramdaman ng lalaki sa puntong iyon. Gayunpaman, kung sinuman ang manakit kay Zhuge Yue, Yunzhou, o Zhenzhu ngayon, ang kanyang uhaw sa paghihiganti ay hindi matatalo kay Yan Xun.

Hindi niya nakayang makiramay sa kanya noon dahil ang pamilya nito ay hindi ang mga taong mahal niya.

Sa sandaling ito, naiintindihan na niya sa wakas ang lalaki.

Nang sumapit ang gabi, naglaho ang anino ni Yan Xun sa abot-tanaw. Tumingin sa kanya si Chu Qiao, biglang naramdaman na nabalik siya sa hapon na iyon maraming taon na ang nakalilipas. Ang mga mata ng binata ay maliwanag na kumislap habang buong pagmamalaki na may determinasyon ng isang binatilyo siyang ngumiti. Nagpakawala siya ng isang palaso mula sa kanyang pana habang dumaplis ito sa kanyang leeg, binigyan siya ng tsansang mabuhay. Pagkatapos, tinaas nito ang isang kilay at nauusisa siyang tiningnan.

Tila walang-hanggan na mula nang nangyari iyon. Bigla, nakita niya muli ang inosenteng mukha ng binata sa harapan niya.

Pagkatapos, panibagong eksena ang dumaan sa harap niya. Sa oras na ito, nakaupo ang binata sa isang puno, pumitas ng prutas ng palutsina, at bahagya itong ibinato sa ipit ng batang babae. Galit na tumingin ang babae at tinaas ang gitnang daliri. Gayunpaman, ipinalagay ito ng binata bilang isang kilos ng paghingi ng tawad.

Pinilit sila ng oras na magpatuloy sa kanilang hiwalay na landas. Sa kanyang paminsan-minsang panaginip, maaalala niya ang binata na ang mukha ay hindi na makikilala. Naaalala lang niya ang mga salitang malinaw na maririnig sa kanyang tainga, "Kung tulungan ulit kita, ang apelyido ko ay hindi Yan!"

Sa huli, nakalimutan niya ang pangako na ginawa sa yamot. Tulad ng kasunod na mga pangako, hindi rin sila pinanghawakan.

Naaalala niya ang magulo nitong buhok at tukoy na kilay. Matanda ang eksena ngunit malinaw. Bigla niya napagtantong matagal na panahon na ang lumipas. Ang mga alaala ay naitapon sa likuran ng kanyang isip. Hindi na mababaligtad ang lahat.

Isang malaking bugso ng hangin ang tumama sa kanya, ngunit hindi siya nakaramdam ng lamig. Kumpara sa malamig na mundong ito, nakakamit siya ng higit pa sa inaasahan niya. Ang mga oras ng kalungkutan noong bata siya ay nagsimulang maglaho sa kalaliman ng panahon, hindi na babalik pa.

Umalingawngaw ang tunog ng mga hakbang ng kabayo sa likuran niya, ngunit hindi siya lumingon. Pagkatapos, isang braso ang malakas na bumalot sa kanyang baywang. Isang nagseselos na boses ng lalaki ang narinig, "Anong problema? Tapos nang gumunita kasama ang dati mong irog?"

Lumingon si Chu Qiao at tiningnan ang mukha ni Zhuge Yue, na makikitang pumayat. Inunat niya ang kanyang kamay at niyakap si Zhuge Yue, sumandal sa kanyang dibdib at nanatiling tahimik. Nabigla si Zhuge Yue habang nagsimula siyang mataranta. Karaniwan, makikipagtalo si Chu Qiao sa kanya. Gayunpaman, ang paraan ng kanyang reaksiyon ay masyadong kakaiba.

"Anong problema?" Hinawakan ni Zhuge Yue ang kanyang balikat at sumimangot, sinasabi sa malalim na tono, "Inapi ka ba ng Yan na iyon?"

Walang sinabi si Chu Qiao habang nakasandal siya sa yakap nito. Pinagmukha ng malamig na hangin ang mahina niyang pigura na mas mahina.

Nagalit ang lalaki habang iniisip sa kanyang sarili: Yan Xun, ang pangahas mo. Pinahiram ko saglit sa iyo ang aking asawa, ngunit nangahas kang apihin siya?

Itinulak ni Zhuge Yue si Chu Qiao sa tabi at malalaking hakbang na tumungo sa kanyang kabayo habang sumisigaw, "Tuturuan ko agad siya ng leksyon!"

"Huwag kang umalis." Hinila siya ni Chu Qiao at niyakap mula sa likuran, idinikit ang kanyang mukha sa malamig nitong baluti.

Umihip ang hangin mula sa malayo, ikinakalat ang nyebe. Walang magawnag tumalikod si Zhuge Yue at niyakap ang asawa habang mahinang sinabi, "Xing'er, anong problema?"

"Ayos lang ako." Umiling si Chu Qiao tapos ay nagpatuloy, "Namiss lang kita."

Sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ng buwan, malawak na napangisi ang lalaki. Sinubukan ni Zhuge Yue na pigilan ang kanyang kagalakan, hindi nais na ipahalata ito. Tumikhim siya at sumagot, "Ilang araw lang akong nawala. Bakit umaasta ka na parang bata?"

"Ilang araw?" Sumandal si Chu Qiao sa kanyang pagyakap at nagpatuloy sa naiinis na paraan, "Bakit pakiramdam ko matagal na panahon na ang lumipas?"

Sobrang saya na ni Zhuge Yue ngayon. Ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan sa noo si Chu Qiao habang sinasabi, "Sige na, malamig dito. Bumalik na tayo."

"Sige." Masunurin na sumakay si Chu Qiao sa kanyang kabayo. Dahan-dahang silang tumungo sa kampo na hindi kinokontrol ang renda ng kabayo. "Yue, huwag kang padalos-dalos na makipaglaban sa unahan sa susunod. Mag-aalala ako."

Nang marinig ang pagtawag na ito sa kauna-unahang pagkakataon, labis na nagalak si Zhuge Yue. Tumango siya at pumayag, "Sige, makikinig ako sa iyo."

"Kung may mangyari sa iyo, ano ang gagawin namin nila Yunzhou at Zhenzhu? Kung wala ka, paano ako mabubuhay?"

Ang mga salitang tulad nito ay bibihira mula sa isang may makapal na balat na tulad ni Chu Qiao. Ang paraan kung paano siya kumilos ay naging sanhi upang makalimutan ni Zhuge Yue ang lahat at tamasahin ang sandaling ito.

"Oo, naiintindihan ko."

"Mas mahalaga ka sa akin, kumpara sa 10,000 Yan Bei, 10,000 Qinghai o 10,000 West Meng. Kahit na anong gawin mo sa hinaharap, dapat mo muna akong isipin. Kung may mangyari sa iyo, hindi ko magagawang mabuhay mag-isa." Patuloy na umuka si Chu Qiao sa depensa ng lalaki gamit ang kanyang mga malambot na salita.

Sa wakas, naantig ng kanyang mga salita ang lalaki habang siya ay humingi ng tawad sa unang pagkakataon sa kanyang buhay. "Xing'er, alam kong mali ako na pinag-alala kita."

"Mabuti naman na alam mo ito."

"Tatandaan ko ito."

"Sige. Bumalik na tayo, nagugutom ako."

"Sige."

...

Dahil mahal nila ang bawat isa, nararapat lamang na ipahayag nila ito nang buong tapang. Si Chu Qiao, na kakaunawa lamang sa puntong ito, ay perpekto itong ipinahayag. Bukod dito, hahayaan ng mga salitang ito na kalimutan ang ilan sa mga hindi kasiya-siyang paksa. Bakit hindi?

Ang mag-isang naglalakbay ay mag-isang nagpapagala-gala, habang ang mga magkasamang naglalakbay ay umaasa sa bawat isa. Sa mundong ito, ang kapangyarihan, katayuan, at kayamanan ay pinag-iimbutan ng mga taong handang ipasok ang kanilang sarili sa isang walang katapusang pakikibaka. Gayunpaman, para sa pag-ibig, tanging ang pinaka matapat sa mga tao ang makakakuha nito.

Sa ilalim ng Kabundukang Luori, sina Zhao Che at Zhao Yang ay nakatayo sa ilalim ng watawat ng Xia habang nakatingin sila sa mga watawat ng Yan Bei at Qinghai, na magkaisang kababalik lang. Pansamantala, natigilan sila.

Maya-maya pa, ngumiti si Zhao Che. Ang itinatag na pinuno ng hilagang mga rehiyon ay sinabi kay Zhao Yang, "Maraming mga himala sa mundong ito. Kahit silang tatlo ay maaaring magsanib-puwersa. Bakit kinakalaban pa rin natin ang isa't-isa?"

Nanghahamak na tumalikod si Zhao Yang. "Hindi ako nakikipaglaban sayo. Hinabol mo ako."

Napasimangot si Zhao Che. "Kung hindi mo ako inatake noong panahon ng digmaang sibil, mapapalayas ba ako ni Yan Xun mula sa West Meng? Ang pag-atake sayo ay pagbibigyan ka lang."

Sumagot si Zhao Yang, "Nalinlang ako ni Yan Xun. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, na may tsansang puksain ako, hindi mo ba ito kukuhanin?"

"Pilyo ka. Ganyan ka na mula pa noong bata ka. Magkapatid tayo, bakit kita papatayin?" saad ni Zhao Che sa galit.

Ngumuso si Zhao Yang. "Magkapatid? Hmph."

"Hindi ko matagalan ang ekspresyon mong ito!"

"Gayundin ako, hindi ko matagalan ang pagkukunwari mo!"

"Sabihin mo ulit iyan? Bubugbugin kita!"

"Gawin mo! Sinong natatakot kanino?"

...

Tumayo si Wei Shuye sa likuran ng dalawang lalaki at walang magawang napabuntong-hininga.

"Hay, hindi na sila bata. Gayunpaman, hindi pa rin nila mabitawan ang kanilang kapalaluan. Sino ang nagbalat-kayo ng kanilang sarili bilang isang bandido mula sa silangang mga rehiyon upang matulungan si Zhao Che noon? Sino ang sinadyang hayaan ang 200 karwahe ng mga rasyon na manakaw nang mababa ang tustos ng rasyon ni Zhao Yang? Bagaman hindi pareho ang kanilang ina, mayroon silang parehong pag-uugali."

Malakas na humuni ang mga agila habang nagpapaikot-ikot sa kalangitan. Sa wakas, ang digmaan sa mga taga-Quanrong ay malapit nang matapos. Bagaman malakas na nakipaglaban ang mga taga-Quanrong, hindi sila tumagal ng kalahating-taon sa ilalim ng pagsalakay ng iba't-ibang kapangyarihan. Pagkalipas ng tatlong buwan, lumabas sila sa eksenang pampulitika ng West Meng. Ang maliliit na grupo ng mga bandido na hindi nagawang makatakas ay nagtago sa mga bundok, upang kainin ng mga hayop o patayin ng mga nagdadalamhating sibilyan ng Yan Bei. Hindi alam kung ano ang nangyari kay Zhao Chun'er, kilala rin bilang Prinsesa Jingan.

Bagaman ang nangyari sa kanya ay sinalubong ng pag-insulto ng mga sibilyan, hindi nila maiwasang makaramdam din ng ginhawa. Pagkatapos ng lahat, ang hukbo ng Xia ay bahagi ng pinag-isang puwersa sa digmaang ito. Kung huhulihin nila siya, hindi nila alam kung anong gagawin sa kanya.

Si Yan Xun, kasama si Zhuge Yue, ay tinugis ang mga taga Quanrong palabas ng Meilin Pass, hinatulan ang mga ito na magsimula ng proseso ng muling pagtatayo na tatagal ng maraming dekada.

Sa ika-sampung buwan ng taon na iyon, ang mga hukbo na namamahala sa paghabol sa mga taga Quanrong ay bumalik na may higit sa 100,000 mga bihag. Ang kanilang mga araw ng kaluwalhatian ay tunay na lumipas na.

Sa ikatlong araw ng ika-11 buwan, ang matataas na lupain ng Yan Bei ay nabalot ng nyebe; isa itong larawan ng kapanglawan kahit saan.

Ang mga opisyales mula sa lahat ng teritoryo ay nagtipon sa Goddess Peak ng kabundukan ng Minxi. Ang iba'tibang hukbo ay bumuo ng landas na hindi mabilang na kilometro ang haba.

Ang may dobleng mukha na diyosa ay nakatayo sa isang batong plataporma sa mataas na templo malapit sa rurok, binabantayan ang mga mortal sa ibaba. Ang kanyang tiyan ay bilog sa isang tabi, habang may hawak siyang matalim na palakol sa kabilang panig. Sinisimbolo nito ang pagkakaisa ng pag-aalaga at pagpatay.

Si Yan Xun, Zhuge Yue, Zhao Che, Zhao Yang, Chu Qiao, at Sun Di—pangunahing mga pigura sa pulitika sa kani-kanilang mga imperyo—ay nilagdaan ang kilalang "Goddess Peak Treaty" dito. Ang kasunduan ay binubuo ng 28 kondisyon, kung saan tinalakay ang tungkol sa militar, negosyo, pamamahala sa politika at diplomatikong relasyon. Ang Tang, Xia, at Qinghai ay kinilala din sa publiko ang pamamahala ng Yan sa 18 bansa ng Hongchuan at Song sa kauna-unahang pagkakataon. Bukod dito, lahat sila ay sumang-ayon na huwag makipagdigma sa susunod na 30 taon, upang mabigyan ang mga sibilyan ng West Meng ng isang pinalawig na panahon ng kapayapaan.

Ang kasunduang ito ay ginawang totoo sa loob ng 70 kakaibang taon pagkatapos nito, hanggang sa taong 852 ng kalendaryong Baicang, nang magrebelde si Nalan Tianhe ng Song at napatay ng pangalawang emperador ng Yan na si Emperador Zhaowu. Kinuha ng Tang ang pagkakataon na salakayin ang Xia, kung saan sinenyasan ang pagsisimula ng labanan ng Tanghu sa hangganan. Ito ang unang pangunahing salungatan mula nang itinatag ang Goddess Peak Treaty.

Sa 70 taon na ito, gumawa ang West Meng ng mabilis na pag-unlad sa ekonomiya. Sa pamamagitan ng mas maunawain na pamamaraan, ang kalakalan ay umunlad at sinalubong ang mga pinuno ng politika ng pangkalahatang pagsang-ayon. Sa ilalim ng pamumuno ng Qinghai at reyna ng Xiuli, noong taong 796, gumawa ang Tang ng pangunahing reporma sa lipunan nito sa pamamagitan ng pag-alis ng pang-aalipin, sa halip ay gumamit ng isang pyudal na sistema.

Pagkalipas ng limang taon, ginulat ng Yan ang mundo sa pagsunod. Ayon sa kahilingan ng mga sibilyan nito, tinanggal ng emperador ng Yan ang pang-aalipin at gumamit ng isang pyudal na sistema. Si Yan Xun, bilang resulta, ay mataas na iginalang ng kanyang mga mamamayan, binigyan siya ng palayaw na "Ang Dakilang, Mabait na Emperador ng Hilaga". Binawasan niya ang impluwensya ng mga maharlikang aristokrata, piniling maglagay ng diin sa pangangalaga ng mga opisyales na medyo hindi nakapag-aral. Kinuha niya ang buong kontrol ng militar, na pinatatag ang kanyang posisyon sa politika. Ang kabalyerong pwersa ng Yan Bei ay magpapatuloy na hindi mapipigilang pwersa sa susunod na 300 taon.

Ang Xia, sa ilalim ng pamumuno ni Zhao Che, ay sinakop ang maharlikang mga kabisera ng Beiros at Maluo, pinalawak ang sakop ng impluwensya nito ng sampung-libong kilometro, na nagtatag ng isang bagong dinastiya. Kahit na ang teritoryo ng Yan ay hindi maihahambing sa Xia sa laki nito. Gayunpaman, pagkatapos ng 100 taon ng pamamahala ni Zhao Che, hindi nagawa ng kanyang mga inapo na mapanatili ang kanilang pamamahala sa isang malawak na imperyo, na humantong sa muling pagbagsak ng Xia. Mabuti nalang, dahil sa mga pagsisikap ni Zhao Yang sa hilagang hangganan sa higit sampung mga taon, nagawa nilang sakupin ang mga ari-arian ni Zhao Che at mapanatili ang pamamahala ng pamilyang Zhao sa hilagang mga rehiyon.

Ipinahayag ng Qinghai ang kalayaan nito sa taon 791, nakilala bilang bansa ng Qing. Ang watawat ay binubuo ng mga bituin at isang buwan, habang ang kabisera nito ay kinikilala bilang Haiqing. Idineklara si Zhuge Yue bilang Emperador Baiyuan, sa taon na iyon na kinilala bilang unang taon ng kalendaryong Baiyuan sa Qinghai. Matapos niyang umakyat sa trono, tinanggal niya ang sistema ng mga kerida, nagpakilala ng "isang asawang patakaran". Ang pinuno ng Xiuli na si Chu Qiao, ay kinikilala bilang ina ng Qinghai, lumahok at tumulong sa hari ng Qinghai sa mga paksa ng bansa, at naging bahagi sa pagtatatag ng bawat pampulitikang kaayusan.

Dahil sa pagkakapareho ng isang asawang patakaran sa Qinghai at ng sistema sa mga kanlurang rehiyon, ang pinuno ng Xiuli ay kilala rin bilang reyna ng Qinghai.

Dahil sila ay maunawain sa pulitika, Qinghai ang naging pinakamayaman na bansa sa kontinente sa loob ng 30 taon, na may maunlad na ekonomiya at nangungunang teknolohiya sa mundo. Sa taong 321 ng kalendaryong Baiyuan, nagsulong ang Qinghai ang Industriyang Rebolusyon, gumagawa ng makabagong pagsulong ng agham sa West Meng.

Pagkalipas ng 50 taon, sa ilalim ng mga protesta ng mga demokratikong partido sa Qinghai, walang pinagpilian ang monarkiya kung hindi ay sumangguni sa dokumentong iniwan nina Zhuge Yue at Chu Qiao 400 taon na ang nakalilipas. Matapos isiwalat ang dokumento, ang sistemang pampulitika sa Qinghai ay isinaayos, hinudyatan ang pagbabago nito tungo sa isang demokratikong lipunan. Nakamit nila ito halos 1,800 taon nang mas maaga kaysa sa mga bansa sa kanluran.

Lumipas ang panahon. Sa ikatlong taon matapos ang salungatan ng West Meng, ipinanganak ni Chu Qiao ang kanyang pangatlong anak na si Zhuge Yunye. Nagsagawa ang Qinghai ng buong bansang pagdiriwang upang gunitain ang kaganapang ito. Lalo na namang nagagalak ang kapaligiran sa Palasyong Xingyue.

Sa loob ng loob na palasyo, ang buhok ni Chu Qiao ay nagulo habang mabigat siyang hinihingal. Ang kanyang mga kuko ay humaplos sa kalamnan sa likod ni Zhuge Yue habang ang kanyang pawis ay tumulo sa kanyang mga balikat, at papunta sa pulang telang satin sa ibaba.

"Yue... Hindi ba't sinabi ni Ginoong Gao na ang... aking... aking katawan..."

"Whoosh... Sabi niya ay ayos lang..."

Lumangitngit ang higaan at nag-init ang silid. Ito ay hanggang sa matapos ang piging sa harap na palasyo ay nailabas sa wakas ni Zhuge Yue ang kanyang mga pagnanasa, kung saan mahabang panahon niyang naipon. Pagkatapos matapos ang lahat, bumagsak silang dalawa sa higaan at niyakap ang isa't-isa. Sumandal si Chu Qiao sa kanyang yakap at marahang ipinikit ang kanyang mata, wala sa isip na gumuhit ng mga bilog sa dibdib ng lalaki.

Bigla, nakakaakit siyang nag-angat ng tingin, kinagat ang kanyang pulang labi, at nagtanong, "Zhuge Yue, tatlong beses na akong nanganak. Matanda na ba ako? Aayawan mo ba ako?"

Tumingin si Zhuge Yue sa kanya mula sa gilid ng mga mata niya. Nang makita niya ang magulong buhok, pawis, at ang malaki nitong dibdib dahil sa panganganak, hindi niya mapigilan ang kanyang pagnanasa.

"Maaari kong sabihin sa iyo sa pamamagitan ng mga aksyon ko ngayon, kung aayawan kita o hindi." Nang narinig ang kanyang nananakot na tinig, nagsimula muli sila.

Matapos ang dalawang pangunahing harutan, hindi na mabuksan ni Chu Qiao ang kanyang mga mata dahil sa pagkapagod. Sumandal siya sa yakap ni Zhuge Yue at natulog.

Pinunasan ni Zhuge Yue ang pawis sa kanyang noo, naglagay ng kumot sa kanya, niyakap siya at marahang nagtanong, "Xing'er?"

"Umm..." Inaantok na sagot ni Chu Qiao habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Ang hitsura ng mga mata ni Zhuge Yue ay kalmado. Ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang kilay ng babae. Napangiti na nagtagal ng mahabang sandali, bumulong siya ng mahina, "Mamahalin kita magpakailanman."

Ang babaeng natutulog ay marahil walang kamalayan sa mga salitang sinabi ng kanyang asawa. Hindi mabilang na mga bagyo ang naranasan nila sa buong buhay nila, ngunit mayroon silang habang-buhay sa hinaharap nila upang maranasan ang mga gabing tulad nito, makakatulog sa yakap ng bawat isa.

"Magpahinga ng mabuti."