Sa ambon na nagpapatuloy, sinamahan ng katotohanan na kailaliman ng taglagas, ang karwahe ay basa ng ulan habang gumugulong ito sa daanan. Ang ambon ay tila bakas ng malamig na luha. Ang mga pintuan ng palasyo ay napakaganda. Sa pagtingin dito mula sa malayo, tila ipininta ito, kapansin-pansin na maganda.
Ang tabing ng karwahe ay binuksan, ipinapakita ang payat na kamay. Ang payat na kamay ay maputi at malambot, ang mga kuko ay napipinturahan ng pula. Isang kulay-lila na gintong pulseras ang nasa palapulsuhan, higit na kakaiba sa kutis na tulad ng jade.
"Ginang," isang matandang lingkod ang lumuhod sa tabi ng kalsada habang bumulong siya sa pintuan ng karwahe na medyo nakabukas, "Si Doktor Sun ng Imperyo ay nasa loob at kinuluha ang kanyang pulso."
Sa pag-ugoy ng karwahe, isang babae ang lumakad palabas ng karwahe. May magandang mukha at banayad na ngiti, siya ay isang kagandahan. Dalawang katulong ang lumitaw sa tabi niya habang binuksan ng mga ito ang payong para sa kanya. Ang 30-taong-gulang na ginang na ito ay hawak ang kamay ng isang bata na anim hanggang pitong taong gulang. Kahit na bata pa ang bata na iyon, maliwanag na sobrang gwapo niya. Pagkakita sa kanya, ngumiti ito. "Ina, tapos na akong mag-aral."
Malumanay na ngumiti si Yushu tapos ay hinaplos ang noo ng bata. "Halika, sumunod ka kay ina at bisitahin ang Emperatris."
Sumimangot ang bata na parang nag-aalangan. Ngumuso siya at sinabi, "Maaari bang hintayin nalang ni Yong'er dito si ina?"
"Hindi." Nagpakita ng seryosong mukha si Yushu at umiling habang sinasabi, "Si Yong'er ay isang mabait na anak. Ang Emperatris ay kasalukuyang hindi mabuti ang pakiramdam, dapat kang maging masunurin."
Ilang sandali itong ikinonsidera ng bata, at sa wakas ay walang magawang tumango. "Sige na nga." Kahit ganoon, parang nag-aatubili pa rin siya.
Apat na taon na ang nakalilipas, nahaharap sa 800,000 malakas na hukbo ng Yan Bei, isinuko ng Prinsesa ang buong Imperyong Song sa Yan Bei, nakakuha ng posisyon ng isang maharlika para sa buong Teritoryo ng Song. Dito, iniwan niya ang kanyang sariling bayang sinilangan at tumungo sa hilaga. Ang mga miyembro ng imperyal na pamilya ay nagtungo rin sa Zhen Huang kasama ang Prinsesa, permanenteng lumipat doon.
Ang pagbagsak ng Imperyong Xia ay ilang taon na ang nakalilipas, at ang naghaharing dinastiya ay nagbago na sa "Yan". Ang bagong Emerador ng Yan ay pinalawak ang palasyo, ginagawa itong mas engrade. Idagdag pa, nagtayo siya ng isang bagong palasyo para lamang sa Prinsesa ng Song, at pinangalanan itong Palasyong Dongnan. Pinayagan niya ang Emperatris na lumahok sa pulitika, pinamumunuan ang iba't-ibang usapin sa mga teritoryo ng Song, kabilang ang anumang muling pagtatalaga ng mga opisyales ng Song na nasa ranggo ng tatlo at pababa. Tinukoy ng pangunahing korte ang Palasyong Dongnan bilang maliit na korte ng Song.
Gayunpaman, sa pagbagsak ng kalusugan ng Prinsesa, ang palasyo ay nagsimulang tumahimik. Ang ama ni Yushu ay kabilang sa mga dating gwardiya ng Imperyong Song. Sa mga unang yugto na madagdag, ang ama ni Yushu ay isang mahalagang opisyal, ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga opisyales ng Song ay isinama sa pangunahing korte. Sa matalinong pamamahala ng Emperador, ang paunang paglaban sa trabaho ay nawala. Ang Palasyong Dongnan na ito ay hindi na nagamit.
"Dumating na si Lady Xuan." 60 na si Tiya Yun ngayong taon. Sa nagdaang ilang taon, nagsimula na niyang ipakita ang kanyang edad. Sa kanyang buhok na ngayon ay pilak na, at mga kulubot na lumalabas, lumapit siya, nakangiti, habang yumuko siya upang asarin ang batang lalaki, "Ang Kamahalan ay nagiging gwapo. Tiyak na magiging kasing gwapo ka tulad ni Haring Xuan."
Dahil sinusundan na ang Emperatris sa loob ng mahabang panahon, mataas ang tingin kay Tiya Yun sa palasyo. Kahit si Yushu, pakikitunguhan niya si Tiya Yun ng may lubos na paggalang. Ngumiti siya at nagtanong, "Tiya, kumusta ang iyong kalusugan?"
"Mabuti naman, salamat sa iyo."
"Kamusta ang Emperatris?"
"Hay, ganoon pa rin siya." Bumuntong-hininga si Tiya Yun. Habang tumatanda ang mga tao, natural lamang na maging medyo madaldal. Nagpatuloy siya sa pagsalita, "Kakaunti pa rin angn kinakain niya, at hindi nais na uminom ng gamot. Ang tanda na niya, ngunit parang bata pa rin siyang kumilos."
"Hindi natatakot si Yong'er na uminom ng gamot!" Si Yongwang, na nakikinig, ay biglang sumingit.
Matapos marinig iyon, naging masaya si Tiya Yun at sinabi, "Kamahalan, talagang kahanga-hanga ka. Pagkapasok mo, dapat mong sabihan ang Emperatris na inumin ang kanyang gamot. Ayos ba?"
"Gising na ang Emperatris, at tinatanong kung sino ang nandito?" Biglang lumapit ang isang tagasilbi. Tumango si Yushu kay Tiya Yun at pumasok sa palasyo kasama si Yongwang.
Ganoon pa rin ang palasyo. Sa kabila ng kagandahan, palaging naiisip ni Yushu na masyadong bakante dito. Naririnig pa niya ang tunog ng kanyang mga yapak na naglalakad sa pasilyong ito. Gusto ng Emperatris ang katahimikan, at kadalasan ay kakaunti ang mga tao sa tabi niya. Kahit na sa palasyong ito kung saan siya nakatira, kakaunti lamang ang mga tagasilbing naglilingkod sa kanya.
Dalawang tagasilbi ang nag-angat ng mga kurtina para kay Yushu. Tumama ang mga makintab na kristal sa isa't-isa, nagbibigay ng malutong na tunog ng pagbangga. Dinala ni Yushu si Yongwang papasok at lumuhod sa labas ng pangunahing silid-tulugan habang marahang nagsasalita.
Pagkaraan ng ilang sandali, isang mapayapang tinig ay narinig, at sa malapitang pagsusuri, maririnig na medyo mayroong hirap sa paghinga. "Yushu? Halika."
Ang pangunahing palasyo ay malamig. Ang dekorasyon sa tabi ay inukitan ng mga bundok at ilog, nagbibigay ng isang partikular na pakiramdam ng kalikasan sa bakanteng silid na ito. Ang Emperatris ay nakasuot ng dilaw na bistida habang pahilis na nakaupo sa higaan gamit at maayos na nakatali ang kanyang buhok. Mayroon lamang isang ipit, na may pulang ruby na nakadikit sa kanyang noo.
"Wenyuan, dalhan mo sila ng upuan."
Isang mataas na klase ng tagasilbi ang lumapit, at naglabas ng upuan para kay Yushu. Nagpasalamat sa kanya, umupo si Yushu at narinig na nagtanong ng Emperatris, "Kamusta ang iyong pamilya?"
Magalang na sumagot si Yushu, "Lahat ay mabuti, Kamahalan."
"Narinig kong mayroong bagong guro. Kamusta ang takdang-aralin ni Yong'er?"
"Bata pa si Yong'er, at hindi kasing talino ng ibang mga prinsipe. Ngunit nag-upa ang tauhan na ito ng dalawang pribadong guro para sa kanya upang medyo makasunod siya."
Pagkatapos ay bahagyang umubo ang Emperatris, naglalantad ng maputlang kutis, bago sumagot, "Nag-aral ka mula noong bata, at natural na alam kung paano mapalaki ang iyong mga anak. Huwag kang masyadong mabalisa. Pagkatapos ng lahat, bata pa si Yong'er, hindi kailangang pilitin mo siya."
Dito, nagsimula silang mag-usap. May kakaibang kaugnayan si Yushu sa Emperatris na ito. Kahit na tila pinapaboran ng Emperatris ang pamilyang ito, sa katotohanan, hindi talaga sila magkaugnay. Kahit na madalas niyang dinadalaw ang reyna, sa huli ay iilan lamang ang bagay na napag-uusapan.
Matapos makipag-usap ng 30 minuto, mayroong isang partikular na tunog mula sa labas. Nang marinig iyon, agad na hinila patayo ni Yushu ang kanyang anak. Halos kaagad, ang kurtina ay itinaas habang ang Emperador ay mabilis na lumakad.
"Binabati ng tauhan na ito ang Emperor. Mabuhay ang Kamahalan."
"Binabati ni Yong'er ang Emperador. Mabuhay ang Kamahalan."
Itinaas ng Emperador ang kanyang kamay at may mababang tinig na nag-utos, "Humayo kayo."
"Salamat, Kamahalan."
Kaswal na umupo ang Emperador sa higaan. Dahil ang Emperatris ay kasalukuyang may sakit, binati siya nito sa higaan, bago kaswal na nagtanong, "Paanong maraming oras ang Emperador ngayon?" Kung saan sumagot siya, "Narinig ko mula kay Doktor Sun ng Imperyo na hindi maganda ang pakiramdam mo, kaya pumunta ako upang tingnan."
"Emperador, napakaraming bagay ang inaasikaso mo araw-araw, nararangal ako na naalala mo pa rin ang aking karamdaman."
Ibinaba ni Yushu ang kanyang ulo at nahihiya na mapakinggan ang pormalidad na ito sa pagitan ng Emperador at Emperatris. Hindi nararapat na magsalita siya, kaya't hinila niya ang kanyang anak sa tabi niya habang nagpapanggap na labis siyang interesado.
Matapos makipag-usap ng kaunti sa Emperatris, lumingon ang Emperador at nagtanong, "Kumusta ang iyong pamilya?"
"Salamat sa Kamahalan, maayos ang lahat."
"May bagong guro. Bata pa si Yong'er, paano siya nakakasunod sa takdang aralin?"
Medyo nabigla si Yushu at naisip na talagang mag-asawa sila. Dali-dali siyang yumuko. "Salamat, Kamahalan, sa iyong pag-aalala. Halos hindi siya makasunod."
Tumango ang Emperor, at nagtanong tungkol sa iba pang mga bagay. Bigla, kinausap niya si Cao Qiu na naglilingkod sa kanya, "Dalhin ang pana na kabibigay lamang sa atin bilang parangal. Malapit nang mag walong-taong-gulang si Yong'er, at oras nang matuto siya ng martial arts. Si Xuan Mo ay mahusay sa martial arts, lalo na sa pana at palaso. Tulad ng ama, tulad ng anak. Naniniwala ako na hindi ako bibiguin ni Yong'er."
Agad na lumapit si Cao Qiu na may dalang kaha. Tumayo si Yushu at nagpasalamat sa kanya. Narito ang Emperador upang bisitahin ang Emperatris, ngunit bakit magdadala siya ng pana at palaso? Alam ba niyang dadalhin ni Yushu si Yong'er sa palasyo?
Sa lahat ng mga taon na ito ay talagang tinatratong mabuti ng Emperador ang kanilang pamilya. Kahit na anong uri ng pakinabang, hindi niya nakalimutan ang tungkol sa kanila. Hindi sila tinatrato ng Emperador ng kawalang-ingat sa kabila ng katotohanan na ang kanilang pamilya ay walang lalaking pinuno sa kanilang sambahayan. Sa puntong ito lamang ay sapat na para magsimula ang tsismis sa korte. Idagdag pa, palaging binabanggit ng Emperador si Xuan Mo sa isang napakapamilyar na paraan, subalit ayon sa kaalaman ni Yushu, hindi pa sila nagkikita dati.
Sa sandaling iyon, hindi mabilang na mga saloobin ang dumaan sa kanyang ulo. Kinuha ni Yushu ang kaha, at si Yong'er, na nasa tabi niya, ay tuwang-tuwa, tapos ay yumuko ito habang nakangiti, "Talagang mabuti ang trato ng Emperador kay Yong'er."
Nagpakita ang Emperador ng isang bihirang sulyap ng ngiti habang tumayo siya at sinabi, "Mayroon pa akong mga bagay sa korte na dadaluhan. Dapat mo pang samahan ang Emperatris." Pagkasabi nito, umalis na siya.
Sa sandaling makaalis ang Emperador, nagsimulang umubo ng malakas ang Emperatris, na tila medyo pagod.
Tahimik na nagtanong si Wenyuan, bago tinulungan ang Emperatris na mapalit ng pangtulog. Nang makita kung paanong bumagal ang pag-uusap, at pagod na ang Emperatris, tumayo si Yushu at nagpaalam na. Hindi na sinubukan ng Emperatris na pigilan sila, at ipinagbigay-alam lamang sa mga tagasilbi na bigyan sila ng ilang regalo na naihanda na.
Sa makitid na eskinita, nakaupo si Yushu sa karwahe habang yakap niya si Yong'er. Habang umaandar ang karwahe, bumagsak ang ulan sa karwahe na tunog ng patak. Ang damdamin ni Yushu ay magulo. Matapos itong pag-isipan nang mabuti, napagtanto niya na tila sa tuwing papasok siya sa palasyo, magkakataon na makikita niya ang Emperador. Tila ba sa tuwing bibisitahin niya ang Emperatris, pupunta ang Emperador doon upang dalawin ang Emperatris. Sa katunayan, ang taong nasa katayuan niya ay karaniwang hindi makikita ang Emperador.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa, habang iniisip niya kung paano ikinukwento ng Emperador ang tungkol sa kanyang asawa, at hindi niya maiwasang maghinala.
Bigla niyang binuksan ang pintuan ng karwahe at kinausap si Jiang Wu, "Jiang Wu, talaga bang mahusay sa pana at palaso ang Kamahalan?"
Bahagyang nagulat si Jiang Wu, at hindi inaasahan na bigla niya itong babanggitin. Mabilis siyang sumagot, "Ang Kamahalan ay likas na pamilyar sa lahat ng mga armas, ngunit ang kanyang kasanayan sa espada ay ang pinaka kilalang-kilala. Ang tungkol sa pana at palaso, ang Emperatris ay medyo mahusay doon."
Napasimangot si Yushu, at isang kaisipan ang dumaan sa kanyang isipan. Gayunpaman, isang kislap lamang ito, at hindi niya nahuli ang kaisipan na iyon. Tumango siya, at isinara ang pintuan ng karwahe.